Sa simula ng sesyon na ito, ang pinuno ng klase ay dapat ibigay ang mga tanong sa pagsusulit na ibinigay sa katapusan ng nakaraang leksiyon. Ang Mag-aaral ay dapat isulat ang mga sagot na kanyang naaalala nang hindi tumitingin sa anumang materyal o nakikipag-usap sa iba pang mag-aaral.
Kapag ginagawa natin ang ating makakaya upang makatanggap ng pagsasanay sa ministeryo at matuto ng mga pamamaraan, may panganib na aasa tayo sa mga kakayahan ng tao para sa ministeryo. Subalit, tulad ng sinasabi ni Apostol Pablo, “Kung sa aming sarili lamang ay wala kaming kakayahang gawin ito; subalit ang aming kakayahan ay kaloob ng Dios” (2 Corinto 3:5).
Sinabi ni Pablo na hindi siya nangangaral sa pamamagitan ng karunungan ng tao o gumamit ng mahuhusay na talumpati upang manghikayat;subalit sa halip siya ay umaasa sa pagkilos ng Banal na Espiritu upang ang kanyang mga tagapakinig ay maging ganap ang pananampalataya na nakasandig sa kapangyarihan ng Dios, at hindi sa karunungan ng tao (1 Corinto 2:4-5). Si Pablo ay may pinag-aralan, ngunit hindi niya inaasahan na ang kanyang kaalaman at kasanayan ay magbubunga ng mga espirituwal na resulta.
Ang Sulat sa mga taga-Tesalonica, sinabi ni Pablo, “Ang ebanghelyo na aming ipinapangaral sa inyo ay hindi lamang dumating sa pamamagitan ng salita, kundi sa pamamagitan din ng kapangyarihang, ng Banal na Espiritu, at ito ang nagbibigay ng lubos na katiyakan” (1 Tesalonica 1:5). Sila ay nagtiwala sa ebanghelyo dahil sa kapangyarihan ng Dios.
Ipinangako ni Jesus sa mga apostol na ipapadala niya ang Banal na Espiritu na magpapatunay na mali ang mga taga-sanlibutan tungkol sa kasalanan, katuwiran, at paghuhukom ng Dios (Juan 16:8). Sinabi ni Jesus na walang sinuman ang makakalapit sa kanya, malibang dalhin siya sa akin ng Ama na nagsugo sa akin (Juan 6:44).
Ang ilang mga aspeto ng Pagkilos ng Banal na Espiritu
Hinahatulan niya ang makasalanan – Juan 16:8
Siya ang nagpapabalik ng loob ng isang makasalanan – Juan 3:5
Pinatitibay niya ang mga mananampalataya – Efeso 1:13, 4:30
Siya ang pumipili sa mga mananampalataya – Gawa 13:2, 4
Binibigyan niya ng kapangyarihan ang inatasan niya mananampalataya – Gawa 1:8
Siya ang nagtuturo at nagpapaalala sa mga mananampalataya – Juan 14:26, 16:13; I Juan 2:27
Pinangungunahan niya ang mga mananmpalataya – Juan 16:3, Gawa 8:29
Siya ang pumapatay sa mga hilig ng laman ng mga mananampalataya at ginagawang matuwid ang mga pinangungahan niya – Roma 8:13
► Paanong ang pag-asa at pagtitiwala sa Banal na Espiritu ang siyang gumagabay sa ating diskarte sa pag-eebanghelyo? Ano ang ginagawa nating iba dahil tayo ay uma-asa at nagtitiwala sa Banal na Espiritu?
Ang Kahalagahan ng Pagsasanay
► Ano ang dapat nating isipin tungkol sa pagsasanay at pamamaraan ng pag-eebanghelyo?
Tinawag tayo upang ipahayag ang katotohanan patungkol sa Dios. Dapat nating ipahayag ng mahusay sa abt ng ating makakaya upang tayo ay maunawaan.
Hindi natin dapat isipin na dahil nakasalalay o naka-asa sa Banal na Espiritu ay hindi na natin bibigyang pagpapahalaga ang pagkakaroon ng abilidad sa pamamagitan ng pagsasanay.
Sinabi ni Pablo na sinusubukan niyang hikayatin ang mga tao (2 Corinto 5:11). Sinabi niya kay Timoteo na mag-aral upang maipangaral niyang mabuti ang mga katotohanan patungkol sa Dios (2 Timoteo 2:15). Ang isan sa mga kwalipikasyon ng isang tagapangaral ay mayroon siyang kakayahang magturo (2 Timoteo 2:24).
Si Apollos ay lubos na napaka-epektibo bilang isang tagapagpahayag ng ebanghelyo. Siya ay inilarawan bilang isang bihasa, magaling magpaliwanag patungkolsa Banal na Kasulatan, at puspos ng Banal na Espiritu (Gawa 18:25-26). Ang kanyang likas na kakayahan, na may kaugnayan sa mga espirituwal na mga regalo, ay ginawa siyang malaking pagpapala.
Sinabi sa atin ni Apostol Pedro na palagi tayong maging handa upang ipaliwanag ang pag-asa na ipinapahayag ng ebanghelyo (1 Pedro 3:15).
Ang mga talatang ito ang nagsasabi sa atin na pagpapalain at gagamitin ng Dios ang mga likas na kakayahan at mga pagsasanay kung itinatalaga natin ang ating sarili sa kanyang mga layunin. Tinawag Niya tayo upang italaga ang ating lakas at abilidad para sa kanyang pagkilos.
Ang Pagpuspos ng Espiritu
Sa Gawa 1:4-5, sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad na hintayin nila ang pagbabautismo ng Banal na Espiritu, na tinawag niyang “ang Pangako ng Ama.” Kabilang sa kaganapang ito ay ang pagbibigay ng kapangyarihan na gagawin silang mga saksi sa buong mundo (Acts 1:8).
Kahit na ang mga alagad ay naligtas na, mayroon silang isang panloob na pangangailangan na dapat matugunan bago sila maging handa para sa ministeryo ng wala ang pisikal at nakikitang pamumuno ni Jesus. Kahit na ang tatlong taon na pagsasanay kasama ng pinakadakilang Guro ay hindi lubos na nakapaghanda sa kanila, para sa mga nananatiling karumihan sa kanilang mga puso.Bago sila magkaroon ng makapagministeryo ng may kapangyarihan at gabay ng Banal na Espiritu, tulad ng plano ng Dios, kailangan matugunan ng espesyal na pagkilos ng Banal na Espiritu ang isang tiyak nilang pangailangan sa puso.
Ang problema ay ipinapakita ang kanyang sarili sa iba’t ibang okasyon sa loob ng tatlong taon ng pagsasanay. Minsan ang mga ugali nito ay mapaghiganti, katulad nung panahon na gusto nilang pabagsakan na lamang ng apoy ang mga taong ayaw tumanggap sa kanila (Lukas 9:54-55). Minsan sila naman ay mapagmalaki sa kanilang sekta/grupo, katulad ng isang pangyayari kung saan pinagbawalan nila ang isang lalaki na magministeryo sapagkat hindi siya kasamahan sa sekta/grupo (Markos 9:38). Minsan sila ay makasarili, mapagmataas, at sobrang ambisyoso, katulad ng isang pangyayari kung saan ay humiling ang dalawang alagad na maupo sa mataas na position at nagalit ang ibang alagad (Markos 10:35-41).
Pinagtalunan nila ang patungkol kung sino sa kanila ang pinakadakila (Markos 9:33-34). Ang katotohannan na nahiya sila nang tanungin sila ni Jesus kung ano ang kanilang pinagtatalunan ay nag papakita na sila ay nahihiya at naisip nilang mali ang kanilang motibo.
Sa kanilang huling hapunan, hinugasan ni Jesus ang mga paa ng kanyang mga disipulo, at sinabihan sila na magkaroon ng parehong katangian ng paigigng isang lingkod na kanyang ipinakita (Juan 13:14). Wala pa silang katulad na pagpapakumbaba; tinangihan rin nilang paglingkuran ang isa’t isa noong gabing iyon. Ang problema ay hindi ang kakulangan ng kaalaman, kundi ang pagmamataas.
Sinabi sa kanila ni Jesus na dapat silang magkaroon ng pag-ibig na magiging sapat para ibigay nila ang kanilang buhay para sa isa’t isa (Juan 15:12-13). Iniisip nila na mayroon sila ng pag-ibig na ito, ngunit wala; sapagkat tumakas sila ng arestuhin si Jesus, kahit na inaangkin nilang haharapin nila ang kamatayan na kasama siya (Markos 14:31, 50).
Ito ang mga kalalakihan na magkakaro ng responsibilidad na pangunahan at palawakin ang iglesia kahit wala ang pisikal na pagsama ni Kristo. Alam ni Jesus na hindi pa handa ang mga disipulo para sa ministeryo hanggang ang kanilang pangangailangan sa puso ay matugunan, kaya’t sinabi niya sa kanila na maghintay sa Jerusalem hanggang sa matanggap nila ang “Pangako ng Ama” (Gawa 1:4-5). Ang pangakong ito ay ipinahayag sa pamamagitan ng pagbabautismo ng Banal na Espiritu. Napakahalaga na bago sila magpatuloy sa pagtatatag at pagsulong ng iglesia ay hintayin nila ang pagbabautismo ng Banal na Espiritu.
Hindi niya sinabi sa kanila na ang kailangan nila ay higit pang pagsasanay, o isang mahabang proseso ng paglago. Dapat silang maghintay sa Jerusalem para mangyari ang isang espirituwal na krisis/kasukdulan upang mangyari iyon.
[1]Ang karanasan ng mga disipulo sa araw ng Pentekostes ay inilarawan bilang pagpupuspos ng Banal na Espiritu (Gawa 2:4). Kahit na maraming pangyayari ang naganap sa pagkakataong iyon, Sinabi ni Pedro ang kahalagahan ng pagkilos ng Espiritu ay nililinis nito ang kanilang puso (Gawa 15:8-9). Ito ang kinakailangan ng mga alagad. Ang lahat ng mga katibayan ng kanilang panloob na pangangailangan ay tumutukoy sa isa problema sa puso, namanang kasalanan at pagkawasak, kung saan kinakailangan silang linisin pa. Nang ang paglilinis na ito ay naganap sa pamamagitan ng pagbabautismo (o pagpupuspos) ng Banal na Espiritu, hindi na nila binibigyang kahalagahan ang kanilang sariling kaligtasan o ang pagkakaroon ng katayuan bilang pangunahing layunin.
Ang kaganapan sa Araw ng Pentekostes ay naglungsad ng iglesia sa isang panahon ng makapangyarihang pag-eebanghelyo. Ang iglesia ay maligaya at matagumpay na sumusulong sa kabila ng mga hindi pagkakasundo sa doktrina, maling pananampalataya ng mga Judaizer, panloob na mga reklamo, mga mapagkunwari, pagtutol ng demonyo, mga pag-uusig, at paghihirap.
Ang isang mananampalataya ay maaaring magkaroon ng parehong pangangailangan katulad ng mga unang mga disipulo. Ang mga pangangailangan na ito ay maaaring matugunan sa pamamagitan ng pagpupuspos ng Banal na Espiritu.
Hindi dapat sabihing:
Na ang isang mananampalataya ay walang Banal na Espiritu hanggang hindi siya tumatanggap ng isang espesyal na pagpupuspos.
Na wala sa mga gawa ng Banal na Espiritu ang nagaganap sa mananampalataya hanggang hindi dumarating sa kanya ang pagpupuspos.
Na wawalang uri ng pagpupuspos ng Espiritu bukod sa isang naglilinis ng puso.
Na ang bawat tao na mayroong ganitong pagpupuspos ng Espiritu ay magkakaroon ng isang apostolikong ministeryo.
Hindi natin dapat isipin na ang ating karanasan ay magiging katulad ng karanasan ng mga naunang alagad. Gayunpaman, ang pangangailangan ng paglilinis ng puso at pagbibigay ng kapangyarihan sa ministeryo ay mahalaga parin para sa atin.
Mula sa halimbawa ng mga disipulo ay makikita natin:
Na kung ang isang tao ay may ganitong pangangailangan, hindi pa siya ganap na handa para sa ministeryo o banal na pamumuhay.
Na ayaw ng Dios na iwan ang isang tao sa kondisyong ito.
Na ang solusyon ay hindi pagsasanay o pangmatagalang espirituwal na paglago.
Na posible para sa matugunan ang pangangailangang ito sa isang maikling panahon, pagkatapos ng tamang paghahanap.
Paano matatanggap ng isang mananampalataya itong pagkilos ng Banal na Espiritu?
Sinabi ni Pedro na tinatanggap ito sa pamamagitan ng pananampalataya (Gawa 15:8-9). Inihanda ni Jesus ang kanyang mga alagad na magkaroon ng pananampalataya sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng isang pangako at paglikha ng pag-asa.
Kaya, kung nakikita ng isang tao ang kanyang panganganilangan at nakikita ang pagpayag ng Dios na matugunan ito, matatanggap niya ang biyayang ito sa pamamagitan ng pananampalataya.
Sila ay nagkaisa, piniling pangkat ng may mga makakapangyarihang saksi: sumusunod sa pagtawag ng Dios, umaasa sa kapangyarihan ng Dios, at kumikilos para sa kaluwalhatian ng Dios.
Takdang Aralin
Ang papel na ito ay hindi kailangang ibigay sa pinuno ng klase. Ang bawat mag-aaral ay dapat suriin ang kanyang sarili sa pananalangin at sagutin ang mga katanungang ito.
Ako ba ay umaasa sa Banal na Espiritu, o ginagawa ko ang mga bagay sa pamamagitan lamang ng aking kakayahan?
Mayroon ba akong ilang katangian na nagpapakita katulad ng pangangailangan ng mga alagad ang pagpupuspos ng Banal na Espiritu?
Mayroon bang mga pagkilos, gawi, saloobin, o mga layunin na hindi ko isinuko sa Dios?
Handa ba ako na lubusang linisin ng Banal na Espiritu, upang magamit ako para sa kaluwalhatian ng Dios?
SGC exists to equip rising Christian leaders around the world by providing free, high-quality theological resources. We gladly grant permission for you to print and distribute our courses under these simple guidelines:
No Changes – Course content must not be altered in any way.
No Profit Sales – Printed copies may not be sold for profit.
Free Use for Ministry – Churches, schools, and other training ministries may freely print and distribute copies—even if they charge tuition.
No Unauthorized Translations – Please contact us before translating any course into another language.
All materials remain the copyrighted property of Shepherds Global Classroom. We simply ask that you honor the integrity of the content and mission.