Ang terminong pagbabalik-loob ay tumutukoy sa pagbabago na nangyayari kapag ang isang tao ay naligtas. Ang layunin ng pag-eebanghelyo ay upang akayin ang makasalanan na maranasan ang pagbabalik-loob.
► Basahin ang 1 Tesalonica 1. Ano ang mga detalye ng pagbabago na nangyari sa mga taga-Tesalonica nang sila ay maging mananampalataya?
Upang maunawaan kung bakit kailangang maging mananampalataya ang isang tao, at upang maunawaan kung ano ang mangyayari kapag ang isang tao ay naging mananampalataya, dapat nating maunawaan ang kalagayan ng isang makasalanan bago ang pagbabalik-loob.
► Paano mo ilalarawan ang kondisyon ng isang tao bago siya maligtas?
Dahil sa kasalanan ni Adan, ang bawat tao ay nahiwalay sa Dios nang siya ay ipinanganak.[1] Ito ay nangangahulugan na ang bawat tao ay sa sarili-nakatuon at kumikilos sa kanyang sariling paraan.
May apat na katangian ng makasalanan na ibinigay sa mga talata sa ibaba.
Sa sandaling magsimula ang isang tao na gumawa ng mga desisyon, nagsimula na rin siyang magkasala. Ang bawat makasalanan ay (1) napatunayang nagkakasala sa maraming paraan.[2]
Ang kasalanan ay paglabag sa kautusan ng Dios.[3] Sapagkat ang Dios ay ganap na makatarungan, hindi niya binabalewala ang kasalanan at ang bawat tao ay hahatulan sa kanyang mga nagawa.[4] Walang pag-aalinlangan/tanong tungkol sa pagkakasala ng sinumang tao o ang nararapat na hatol para sa kanya. Ang bawat makasalanan ay nahatulan na.[5]
Ang makasalanan ay (2) kaaway ng Dios.[6] Ang isang makasalanan ay hindi maaaring magkaroon ng kaugnayan sa Dios maliban kung ang kanyang mga pagkakasala laban sa Dios ay maalis.
Ang makasalanan ay nasa isang rin kondisyon isang kalagayang ginagawa siyang hindi karapat-dapat para sa isang kaugnayan sa Dios dahil siya ay (3) sumusunod sa mga masasamang hilig ng katawan at pag-iisip.[7] Dahil siya ay alipin ng kasalanan, ang makasalanan ay (4) walang kapangyarihan upang baguhin ang kanyang kalagayan.[8]
Kaya ano ang kaligtasan na kailangan ng isang makasalanan? Dahil ang makasalanan ay tunay na nagkasala, ang kaligtasan ay nangangahulugan bilang isang kapatawaran/pakikipagkasundo. Dahil siya ay kaaway ng Dios, ang kaligtasan ay nangangahulugan ng pakikipagkasundong muli sa Dios. Dahil siya ay tiwali, ang kaligtasan ay nangangahulugan bilang paglilinis. Dahil siya ay walang kapangyarihan, ang kaligtasan ay nangangahulugan bilang pagpapalaya. Ang mga ito ay ilan lamang sa mga aspeto ng kaligtasan na kailangan ng makasalanan.
Sa panahon ng pagbabalik-loob, ang makasalanan ay pinatatawad, ipinagkakasundo sa Dios, nililinis, at pinalalaya mula sa kapangyarihan ng kasalanan. Inilarawan ni Pablo ang dating makasalanang kalagayan ng mga mananampalataya sa Corinto kabilang ang mga kakila-kilabot na kasalanan. Pagkatapos ay sinabi niya, “Ngunit kayo ay hinugasan, kayo ay pinabanal na, kayo ay itinuring nang matuwid . . .” (1 Corinto 6:11).
Walang sinuman ang may kakayanang bayaran ang kanyang mga kasalanan. Ang kasalanan ay laban sa isang walang-hanggang Dios, at ang sangkatauhan ay walang maibabayad na may walang hanggan ang halaga.
Walang anumang bagay ang maaaring gawin ng tao upang tugunan ang kanyang pangangailangan; kaya, walang pamantayan ang maitatakda para makagawa ang sangkatauhan ng kaligtasan.[1] Kung naging posible para sa tao na makagawa ng pang-sariling kaligtasan, hindi na kinakailangan na mamatay si Jesus sa krus.[2]
► Kung nais ng Dios na magpatawad, bakit hindi na lang niya pinatawad ang kasalanan ng walang krus?
Sapagkat ang Dios ay banal, dapat siyang humatol ayon sa katotohanan at hustisya.[3]
Isipin mo kung hindi nangyari ang sakripisyo ni Cristo. Paano kung pinapatawad na lang ng Dios ang mga kasalanan ng walang pagbabayad-sala?
Kung pinatawad ng Dios ang kasalanan ng walang pagbabayad-sala, na parang/waring ang kasalanan ay walang halaga. Na parang/tila ang Dios ay hindi makatarungan at hindi banal. Na waring sa mga mata ng Dios ay may kakaunti lamang ang pagkakaiba sa pagitan ng isang taong gumagawa ng tama at isang taong gumagawa ng mali.
Kung ang kapatawaran ay walang pagbabayad-sala, ang Dios ay hindi maaaring sambahin bilang makatarungan at banal na Dios. Ang kapatawaran na walang pagbabayad-sala ay lubos na lumalapastangan sa kanya sa halip na nagbibigay sa kanya ng karangalan.
Nguni’t, ang Dios ay mapagmahal at nais na magpatawad. Hindi niya nais na iwan ang buong sangkatauhan sa isang makasalanang kundisyon na hahantong sa walang hanggang pagkakaligaw/pagkakapahamak, kahit na ito ang nararapat para sa kanila.
Ang sakripisyo ni Jesus sa krus ay nagbigay ng handog na may walang hanggang halaga na kinakailangan. Si Jesus ay kwalipikado/karapatdapat (1) dahil siya ay walang kasalanan[4] (perpekto at mismong siya ay hindi nangangailangan ng kaligtasan), at (2) sa pamamagitan ng pagiging Dios at tao.
Ang pagbabayad-sala ay nagbibigay ng batayan para sa kinakailangan para sa kapatawaran. Ngayon, mapapatawad ng Dios ang taong nagsisisi at naniniwala sa kanyang pangako. Walang sinuman sa mga taong nakakaintindi sa sakripisyo sa krus ang maaring mag-isip na ang kasalanan ay hindi seryoso sa Dios.
Ang pagbabayad-sala ay nagbigay ng daan na maituring ng Dios na matuwid ang isang makasalanan na naniniwala sa pangako at nananatiling matuwid. Ang Roma 3:20-26 ay nagbibigay ng isang lohikal na paliwanag kung paanong ang pagbabayad-sala ay nagaganap/gumagana.
Sinasabi sa atin ng Biblia na ang paraan ng kaligtasang ibinigay ng Dios ay ang tanging paraan. Kung ang isang tao ay tumanggi sa kaligtasan na isang biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, hindi siya Sinasabi sa atin ng Biblia na ang paraan ng kaligtasang ibinigay ng Dios ay ang tanging paraan. Kung ang isang tao ay tumanggi sa kaligtasan na isang biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, hindi siya maliligtas.[5]
Ito ang dahilan kung bakit mahalagang malaman ang doktrina ng kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya lamang, na natatanggap sa pamamagitan ng pananampalataya lamang. Ang Kaligtasan ay sa pamamagitan ng biyaya lamang sapagkat wala tayong magagawa upang makamit ito o maging karapat-dapat para dito. Ito ay sa pamamagitan ng pananampalataya lamang dahil wala tayong anumang magagawa upang maisakatuparan ito. Maaari lamang tayong maniwala sa pangako ng Dios.
► Ano ang unang nangyayari: ang tugon ng tao sa Dios o ang pagkilos ng Dios sa kalooban ng tao?
Ang biyaya ng Dios ay umabot sa puso ng makasalanan, humahatol sa kanya sa kanyang mga kasalanan at nagdudulot sa kanya na hangarin ang kapatawaran.[1] Ang makasalanan ay walang kapangyarihan upang iwanan ang kanyang mga kasalanan ng wala ang tulong ng Dios.[2] Binibigyan ng Dios ang makasalanan ng kakayahang tumugon sa ebanghelyo. Kung ang isang tao ay hindi naligtas, hindi ito dahil wala siyang biyaya; ito ay dahil hindi siya tumugon sa biyaya na ibinigay ng Dios sa kanya.
Si Jesus ay namatay para sa kasalanan ng buong mundo, at nais ng Dios na maligtas ang bawat tao.[3] Ang biyaya ng Dios ay nagbibigay sa bawat tao ng kakayahang tumugon, ngunit hindi Niya pinipilit ang sinuman. Kaya’t tinatawag ng Dios ang makasalanan na piliing magsisi at maniwala.[4]
Ang Pagsisisi ay nangangahulugan na ang isang makasalanan ay nakikita ang kanyang sarili na nagkasala at karapat-dapat sa kaparusahan at handa siyang tigilan ang kanyang mga kasalanan.
Ang talata sa Isaias ay naglalarawan ng pagsisisi:
"Dapat ng talikuran ng masama ang kanyang masasamang gawain, at dapat magbago ng pag-iisip ang taong liko; Sila ay dapat magbalik-loob, at lumapit sa Panginoon upang sila ay kahabagan; at mula sa Dios, siya ay buong biyayang nagpapatawad" (Isaias 55:7).
Ang pagsisisi ay hindi nangangahulugan na ang isang makasalanan ay dapat iwasto ang kanyang buhay at gawing matuwid ang kanyang sarili bago siya patawarin ng Dios. Iyon ay imposible, dahil ang isang tao ay nasa pagkaka-alipin sa kasalanan at hindi niya kayang mailigtas ang kanyang sarili; ngunit ang makasalanan ay dapat nagnanais na maligtas siya upang iligtas siya ng Dios mula sa kanyang mga kasalanan.
► Ang Kaligtasan ay tinatanggap sa pamamagitan ng biyaya; kaya, bakit mahalaga ang pagsisisi para sa kaligtasan?
Ang pananampalataya ay ang tanging kinakailangan para sa kapatawaran, ngunit ang tunay na pananampalataya kay Cristo ay laging nagdudulot sa isang tao na magsisi sa kaniyang mga kasalanan. Ang paglapit kay Cristo (pananampalataya) at paglayo mula sa kasalanan (pagsisisi) ay mangyayari sa parehong oras, ngunit ang pananampalataya ang nagiging daan upang maging posible ang paglayo sa kasalanan. Ang nakapagliligtas na pananampalataya ay isang regalo mula sa Dios.[1] Sapagkat ang kaligtasan ay hindi maaaring umiral ng walang kasamang pagsisisi. Kung ang isang tao ay ayaw magsisi, hindi niya nais na mailigtas mula sa kasalanan.
Kung hindi nagsisisi ang isang tao, hindi niya inaamin ang kasamaan ng kasalanan. Kung hindi niya nakikita kung bakit dapat siyang huminto sa pagkakasala, kung gayon ay hindin niya nakikita na ang kanyang kasalanan ay tunay na masama. Kung hindi niya nakikita na ang kanyang kasalanan ay masama, hindi niya talaga nauunawaan kung bakit kailangan niya ng kapatawaran.
Kung hindi nakikita ng isang tao ang kanyang sarili na nagkasala, na wala siyang maitatanggi sa kanyang ginawa, at karapat-dapat na parusahan, hindi siya magsisisi. Kung inaamin niya na siya ay isang makasalanan ngunit nagnanais ng isang relihiyong papayagan siyang patuloy na magkasala, hindi siya tunay na nagsisisi, dahil nais niyang magpatuloy na gawin ang mga bagay na masasama.
► Kung ang isang tao ay may nakapagliligtas na pananampalataya, ano ang ibig sabihin na siya ay nananampalataya?
(1) nakikita niya na wala siyang magagawa upang gawing matuwid ang kanyang sarili.
"Sapagka’t dahil sa biyaya ay naligtas ka sa pamamagitan ng pananampalataya, at hindi sa pamamagitan ng iyong sarili; ito ay kaloob ng Dios, at hindi sa pamamagitan ng inyong mga gawa, upang walang maipagmalaki ang sinuman" (Efeso 2:8-9).
Napagtanto niya na wala siyang magagawa, kahit bahagya (mga gawa) upang gawin siyang karapat-dapat na maligtas.
(2) Naniniwala siya na ang sakripisyo ni Cristo ay sapat para sa kanyang kapatawaran.
"At siya ang kapatawaran para sa ating mga kasalanan, at hindi lamang para sa atin, kundi para din sa kasalanan ng buong mundo" (1 Juan 2:2).
Ang Kapatawaran ay nangangahulugan ng isang handog upang gawing posible ang ating kapatawaran.
(3) Naniniwala siyang pinatawad na siya ng Dios sa pamamagitan ng pananampalataya lamang.
"Kung ipapahayag natin ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin niya tayo at lilinisin tayo sa lahat ng ating mga kasalanan sapagkat siya ay tapat at matuwid" (1 Juan 1:9).
Kung sa palagay niya ay may iba pang mga kondisyon, inaasahan niyang maililigtas din siya sa pamamagitan ng mga gawa sa halip na sa pamamagitan ng biyaya lamang.
Pagbabalik-loob
► Dapat basahin ng isang mag-aaral ang Gawa 26:16-18 para sa pangkat. Ano ang sinasabi ng mga talatang ito na magiging ministeryo ni Pablo?
Ang ministeryo ni Pablo ay upang akayin ang mga tao patungo sa pagbabalik-loob. Ang Talatang 18 ay naglalarawan ng pagbabalik-loob. Kabilang dito ang pagtalikod mula sa kadiliman patungo sa liwanag at mula sa kapangyarihan ni Satanas patungo sa Dios, tumanggap ng kapatawaran, at pagtanggap ng mana ng mga pinabanal. Ito ay nangyayari sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo.
Ang pagbabalik-loob mula sa makasalanan patungo sa pagiging Kristiyano ay isang dakilang pagbabago. Tinawag ito ng Biblia bilang isang bagong nilalang (2 Corinto 5:17). Wala na ang dati niyang pagkatao, at napalitan na ng bago.
Iniwan na ng taong nagbalik-loob ang mga dios-diosan at tinalikuran na ang anumang kaugalian sa relihiyon na salungat na sa ganap na katapatan sa Dios (1 Tesalonica 1:9).
Ang pagbabago ay karaniwang kamangha-mangha sa ibang tao (1 Pedro 4:3-4). Hindi nila nauunawaan kung bakit maraming pagbabago ang taong iyon. Maaaring usigin siya ng pinakamalapit niyang mga kaibigan at kamag-anak (Mateo 10:34-36).
Ang taong nagbalik-loob ay hindi na nakikibahagi sa mga naisin at prayoridad ng mundo. Ang pagkakaibang ito ang isa sa mga patunay na siya ay nagbalik-loob (1 Juan 2:15). Minamahal ng taong nagbalik-loob ang ibang mananampalataya at nagnanais ng pakikisama sa kanila. (1 Juan 3:14).
Nagbabago ang mga pagnanais ng isang tao kapag siya’y nagbalik-loob. Mayroon pa rin siyang mga pagtukso, subali’t nagagawa na niyang paglabanan ang tukso upang magkasala, dahil hindi na siya kontrolado ng makasalanang mgapagnanais. Mayroon na siyang pagnanais para sa Salita ng Dios dahil naranasan na niya ang biyaya ng Dios. (1 Pedro 2:2-3)
Minamahal ng isang nagbalik-loob ang Dios at nais niyang bigyang lugod ang Dios. Hindi niya aariing mahirap at di-kanais-nais ang mga kautusan ng Dios (1 Juan 5:2-4).
Ang taong nagbalik-loob ay nagpapanatili ng kanyang personal na relasyon sa Dios, lalu na sa pananalangin. (1 Corinto 1:2)
► Sa iyong sariling mga salita, sabihin ang pagbabagong nangyayari kapag ang isang tao ay nagbabalik-loob.
Mga Katangian ng Bagong Kapanganakan
Sinasabi ng Biblia na kapag ang isang tao ay ipinanganak ng muli, ang buo niyang pagkatao ay ginagawang bago. Kabilang sa mga nababagong mga bagay ang mga sumusunod:
Isang bagong kalikasan – ang banal na kalikasan (2 Pedro 1:4)
Isang bagong Amo/Panginoon – Si Cristo sa pamamagitan ng Banal na Espiritu (Mateo 23:10, Roma 8:14)
Isang bagong pagnanais para sa Salita ng Dios (1 Pedro 2:2)
Isang bagong ugali na puno ng pag-ibig (Roma 5:5, 1 Juan 4:7-8)
Isang bagong kaugnayan bilang mga anak ng Dios (Juan 1:12)
Isang bagong Katuwang, ang Banal na Espiritu (Juan 14:16, Roma 8:26-27)
Isang bagong tagapagtaguyod kung mahulog tayo sa kasalanan, siya ay si Cristo Jesus (1 Juan 2:1)
Isang bago at buhay na pag-asa ng buhay na walang hanggan (Roma 8:12, 1 Juan 3:2)
Personal na Garantiya ng Kaligtasan
► Ano ang mga maling dahilan ang maaaring isipin ng isang tao na siya ay isang Kristiyano?
Maaaring isipin ng isang tao na siya ay isang Kristiyano
Dahil siya ay nabautismuhan,
Dahil siya ay isang miyembro ng iglesia,
Dahil naniniwala siya sa ilang mga doktrina ng Kristiyano,
Dahil sinusunod niya ang ilang mga kaugalian sa relihiyon,
Dahil sinusunod niya ang ang isang pamantayan ng tamang pagkilos,
Dahil mayroon siyang mga espirituwal na karanasan, o
Dahil gumawa siya ng isang desisyon at naghayag ng kanyang pananampalataya.
Ayon sa Biblia, wala sa mga ito ang sapat upang matiyak ng isang tao na siya ay isang Kristiyano.
Sinasabi sa atin ng Biblia na maaari nating malaman kung tayo ay siguradong ligtas. Maaari tayong magkaroon ng tiwala na tinanggap tayo ng Dios. Hindi natin kailangang mamuhay sa takot, sapagkat tinitiyak sa atin ng Espiritu ng Dios na tayo ay mga anak ng Dios.[1]
Ang katiyakang ito ay lubos na kumpleto na, kaya hindi na natin kailangang mangamba sa Araw ng Paghuhukom.[2] Sinasabi ng ilang tao na umaasa silang tatanggapin sila sa langit, ngunit maaari tayong magkaroon ng isang mas matibay/tiyak na katiyakan kaysa doon. Hindi sapat na paniwalaan na ang kaligtasan ay inialok sa buong sangkatauhan; dapat malaman ng isang tao na siya mismo ay ligtas.
► Paano makakatiyak ang isang tao na siya ay ligtas?
May mga tao na umaasa sa kanilang damdamin, ngunit ang damdamin ay nagbabago at maaaring maging mapanlinlang.
Ang binagong buhay ay nagbibigay ng katibayan na ang isang tao ay naligtas, ngunit ang katibayan na iyon ay hindi umiiral sa unang sandali. Hindi pa sapat ang panahon upang lumitaw ang mga resulta ng kaligtasan. Samakatuwid, ang buhay na binago ay hindi batayan ng pagiging tiyak na ligtas.
Ang mananampalataya ay maaaring maging sigurado sa kanyang kaligtasan sa pamamagitan ng pag-alam na siya ay sumusunod sa paraan ng banal na kasulatan tungo sa kaligtasan. Kung ang isang tao ay tunay na nagsisi at nanampalataya batay sa kautusan ng Biblia, may karapatan siyang maniwala na pinatatawad siya ng Dios. Kapag ang isang tao ay nagsisi at nanampalataya, ibinibigay ng Dios ang kanyang Espiritu bilang saksi na siya ay naging anak ng Dios.
Kung sinusubukan ng isang tao na pakiramdaman na siya ay ligtas ngunit hindi talaga siya nagsisi, siya ay malilito at maaaring linlangin ang kanyang sarili.
Kung ang isang tao (1) ay tunay na nagsisisi, (2) nagtitiwala sa pangako ng Dios na nasa Banal na Kasulatan, at (3) tumanggap ng patotoo ng Espiritu, hindi siya malilinlang. Ang katiyakan na ito ay batay sa Salita ng Dios, na siyang lubos na maaasahan. Palaging tinutupad ng Dios ang kanyang mga pangako.
Reconciliation/Pakikipagkasundo: Ang salitang ito ay nangangahulugan na ang mga dating kaaway ay muling pinanumbalik ang kaugnayan. Sa kaligtasan, tayo ay muling pinanumbalik sa kaugnayan sa Dios.[1]
Expiation/Pagwawalang-sala: Ang salitang ito ay nangangahulugan na ang isang talaan ay tinanggal na. Sa kaligtasan, ang ating talaan ng mga kasalanan ay binura na.[2]
Propitiation/Kabayaran: Ang salitang ito ay tumutukoy sa isang bagay na ibinigay upang pawiin ang galit ng isang tao. Sa kaligtasan, ang handog ni Jesus ang siyang pumapawi ng galit ng Dios na para sa atin.[3]
Deliverance/Kaligtasan: Ang salitang ito ay nangangahulugan na ang isang tao ay iniligtas mula sa kapangyarihan ng ibang tao. Sa kaligtasan, tayo ay inalis mula sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas at ng kasalanan.[4]
Redemption/Katubusan: Ang salitang ito ay nangangahulugan na ang isang halaga ay binayaran upang ang isang tao ay maaaring maging malaya. Sa kaligtasan, ang pagkamatay ni Jesus ang kabayaran upang tayo ay maging malaya mula sa pagkaka-alipin at parusa ng kasalanan.[5]
Justification/Pagpapawalang-sala: Ang salitang ito ay nangangahulugan na ang isang tao ay ipinahayag na matuwid, o walang sala. Sa kaligtasan, ang isang napatunayang makasalanan ay ibinilang na matuwid sapagkat si Jesus ay nagdusa para sa kanyang lugar.[6]
Sanctification/Pagpapabanal: Ang salitang ito ay nangangahulugan na ang isang tao ay ginawang banal. Sa kaligtasan, ang isang makasalanan ay binago patungo sa isang banal na anak ng Dios.[7]
Adoption/Pag-ampon: Ang salitang ito ay nangangahulugan na ang isang tao ay naging ligal na anak ng iba. Sa kaligtasan, tayo ay naging mga anak ng Dios.[8]
Pagbabagong-buhay/Bagong Kapanganakan: Ang salitang ito ay nangangahulugan na ang isang tao ay nagsimula ulit ng bagong buhay. Sa kaligtasan ang mananampalataya ay magsisimula ulit ng bagong pamumuhay.[9]
Sealing/Pagmamarka: Ang salitang ito ay nangangahulugan na ang isang bagay ay minarkahan upang ipakita kung sino ang nagmamay-ari nito. Sa kaligtasan, ang Banal na Espiritu sa atin ay ang nagpapakilala sa atin bilang isang taong pagmamay-ari ng Dios.[10]
[1]2 Corinto 5:19, Roma 5:1 (Ang versikulong ito ay tumutukoy sa parehong justification and reconciliation).
Mga Pagkakamali na dapat Iwasan: Ang isang Relihiyon na walang Pagsisisi
Mayroong isang uri ng tao na madaling nag-iisip na siya ay ligtas kapag narinig niya na ang kaligtasan ay sa pamamagitan ng biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya. Hindi siya tunay na nagsisi dahil hindi niya nakita na kailangan niyang magsisi. Hindi niya nakikita ang kanyang sarili bilang isang makasalanang karapat-dapat sa parusa ng Dios. Iniisip niya na ang biyaya ay nangangahulugan na magagawa niya ang mga bagay sa kanyang sariling paraan. Dahil tinatanggap niya ang katotohanan ng Kristiyanismo, iniisip niyang kristiyano na siya kahit na wala siyang pagbabago ng kalooban. Hindi niya isinuko ang kanyang sariling kagustuhan; sa halip, tinggap niya ang Dios bilang isang bahagi ng kanyang buhay at nananatiling nabubuhay ayon sa kanyang sariling kagustuhan. Hindi ito ang simula ng isang nakapagliligtas na relasyon sa Dios, ayon sa paglalarawan sa banal na kasulatan.
Takdang Aralin
(1) Sa leksiyong ito ay pinag-aralan natin ang 10 mga salita para sa aspeto ng kaligtasan. Sa ilang mga talata, ipaliwanag kung alin sa mga ito ang tila pinakamahalaga sa iyo sa iyong pakikipag-ugnayan sa Dios. May ilan bang kailangan mong pag-isipan pa?
(2) Batay sa mga uri ng Kristiyanismo na nakikita sa inyong bansa, at lalo na sa inyong sariling rehiyon, ano ang iniisip ng mga tao patungkol sa kahulugan ng pagiging Kristiyano? Sa 2-3 na pahina, ilarawan ang ibat-ibang uri ng tao at kung ano ang sasabihin nila kung ano ang isang Kristiyano. Ipaliwanag kung ano ang mali sa kanilang konsepto ng pagsisisi, ng nakapagliligtas na pananampalataya, o iba pang doktrina.
SGC exists to equip rising Christian leaders around the world by providing free, high-quality theological resources. We gladly grant permission for you to print and distribute our courses under these simple guidelines:
No Changes – Course content must not be altered in any way.
No Profit Sales – Printed copies may not be sold for profit.
Free Use for Ministry – Churches, schools, and other training ministries may freely print and distribute copies—even if they charge tuition.
No Unauthorized Translations – Please contact us before translating any course into another language.
All materials remain the copyrighted property of Shepherds Global Classroom. We simply ask that you honor the integrity of the content and mission.