Paghubog ng Espirituwal na Buhay
Paghubog ng Espirituwal na Buhay

Search Course

Type at least 3 characters to search

Search through all lessons and sections in this course

Searching...

No results found

No matches for ""

Try different keywords or check your spelling

results found

Paghubog ng Espirituwal na Buhay

Lead Writer: Tim Keep

Course Description

Sa kursong ito, matututo ang mga mag-aaral na tularan ang mga saloobin ni Jesus; na makipag-ugnayan sa Diyos na gaya ng pakikipag-ugnayan ni Jesus sa Kanyang Ama; na magpakumbaba gaya ni Jesus; na ipamuhay ang mga espirituwal at personal na disiplina ni Jesus; na magkaroon ng pagtitiis na gaya ng ipinakita ni Jesus; at makilahok sa pamayanang binuo ni Jesus, (ang Simbahan).

Introduction

Sinusuri ng kursong ito ang Paghubog ng Espirituwal na buhay ng isang Kristiyano upang maging katulad ni Kristo.  Dapat kang maglaan ng 90-120 minuto para sa bawat sesyon sa klase, dagdag sa oras ng paggawa ng mga takdang aralin sa labas ng klase.

(1) Kailanman na makarating ka sa palatandaang ito ►, itanong ang sumusunod na tanong, at hayaang talakayin ng mga mag-aaral ang sagot. Sikaping tiyakin na ang lahat ng mga mag-aaral sa klase ay nakikibahagi sa talakayan.  Kung kinakailangan, maaari mong tawagin ang mga mag-aaral ayon sa kanilang pangalan.

(2) Marami sa footnotesay tumutukoy sa isang sanggunian sa Banal na Kasulatan. Mangyaring ipahanap sa mga mag-aaral ang ilan sa mga talatang ito at basahin sa panahon ng klase.  Maliban kung iba ang ipinapahiwatig nito, ang mga binanggit na talata mula sa Banal na Kasulatan sa leksiyong ito ay mula sa New King James Version (NKJV) ng Biblia.

(3) Ang bawat leksiyon ay mayroong takdang aralin.

  • Hinihiling sa mga mag-aaral na gamitin ang Pang-araw-araw na Gabay sa Pananalangin/Daily Prayer Guide ni Dr. Allan Brown bilang isang paraan upang sanayin ang kanilang sarili na manalangin gamit ang mga salita mula sa Banal na Kasulatan at upang matutunan ang pakikipag-isa at pakikipag-ugnayan sa Dios sa pananalangin.
  • Ang mga mag-aaral ay hinihilingang magsulat ng isang personal na panalangin batay sa kanilang natutunan sa leksiyon.  Ang mga panalanging ito ay dapat isulat sa isang personal na tala-arawan ng panalangin.  Ang layunin ng takdang araling ito ay upang hikayatin ang mga mag-aaral na gawing pansarili ang mga katotohanan sa Biblia na itinuro sa leksiyon at gawin itong isang taos-pusong panalangin.
  • Ang mga mag-aaral ay hinihilingan na gumawa ng mga tala sa tala-arawan kung ano ang itinuturo sa kanila ng Dios sa bawat leksiyon.

(4) Sa simula ng bawat sesyon ng klase ang mga mag-aaral ay bibigyan ng pagkakataon, kung pipiliin nila, na ibahagi ang kanilang isinulat na panalangin sa kanilang mga kaklase.  Ang layunin ng pagsasanay na ito ay upang magsanay ng kababaang-loob at pananagutan sa isa’t- isa, at upang maranasan/masiyahan sa espirituwal na pakikipag-ugnayan.

(5) Sa pagtatapos ng bawat leksiyon ay mayroong isang pagsusulit.  Ang pagsusulit na ito ay maaaring ibigay sa pamamagitan ng pagsasalita o pagsulat.

Ready to Start Learning?

Choose a lesson to begin your journey through this course.