Leksiyon 12 Pagbabalik-Aral
Note sa tagapanguna sa klase: Pagbalik-aralan ang mga bahagi ng pansariling disiplina na natutuhan sa Leksiyon 12. Hilingan ang mga mag-aaral na payag naibahagi ang kanilang sariling panalangin mula sa Leksiyon 12.
Search through all lessons and sections in this course
Searching...
No results found
No matches for ""
Try different keywords or check your spelling
34 min read
by Tim Keep
Note sa tagapanguna sa klase: Pagbalik-aralan ang mga bahagi ng pansariling disiplina na natutuhan sa Leksiyon 12. Hilingan ang mga mag-aaral na payag naibahagi ang kanilang sariling panalangin mula sa Leksiyon 12.
Kapag natapos ang leksiyong ito,ang mag-aaral ay dapat:
(1) Nalalaman ang mga pangunahing talata sa Kasulatan tungkol sa paghihirap/pagdurusa.
(2) Nalalaman ang pangunahing layunin ng Dios sa pagpapahintulot ng pagdurusa.
(3) Nauunawaan ang mga benepisyo ng pagdurusa.
(4) Magawang sabihin ang ilan sa mga pangunahing pagkakamali ng prosperity theology.
Si Weisheng
Si Weisheng[1]ay isang kaibigan ko na ginagamit ng Dios upang dalhin ang ebanghelyo sa mga mag-aaral na karamihan ay nagmula sa mga Buddhist. Bagaman mahirap at mapanganib ang kanyang gawain, pinagkakalooban siya ng Panginoon ng mga kaluluwa. Subali’t si Weisheng ay dumaranas ng pana-panahong matinding depresyon. Sa isa sa aking paglalakbay upang bisitahin siya, ganito ang kanyang sinabi: “Kung minsan ang aking isipan ay lubhang nadidiliman na kinakailangan kong mag-ukol ng ilang araw na kami lamang ng Panginoon.” Sinabi pa niya, “Hinihiling ko sa aking asawa na dalhan ako ng simpleng pagkain; at sa aking pag-iisa sa kwarto, binabasa ko ang Kasulatan at nananalangin hanggang mawala ang kadiliman. Bagaman mahirap ang mga ganitong panahon, hindi ko ito ipagpapalit sa kahit anupaman; dahil sa mga panahong ito naging napakahalaga sa akin ni Jesus!”
Isang Mag-asawang Kristiyano
Isang mag-asawang Kristiyano na kilala ko ang mataimtim na nananalangin para sa isang anak. Nananalangin na sila sa loob ng ilang taon, nguni’t hindi pa pinipili ng Dios na ipagkaloob ang kanilang kahilingan. Nawasak ang kanilang puso. Gayunman, napansin ng mga tao sa kanilang paligid na sa pamamagitan ng kanilang pagdurusa pinalalalim ng Panginoon ang kanilang buhay espirituwal.
Si Jesse
Nang ang aming anak na si Jesse ay nabulag dahil sa kanser noong 2001, siya ay naging sobrang mapait na batang lalaki hanggang sa buong kapangyarihang pinaghilom ni Jesus ang kanyang puso. At sa isang saglit sa panahon,[2]sa pamamagitan ng karanasang ito,natutuhan namin ni Becky na ang pinakadakilang pagpapagaling sa lahat ay hindi ang pagpapagaling sa katawan,kundi ang pagpapagaling sa puso.
Si Charles Spurgeon
Si Charles Spurgeon, kilala sa England bilang ang “prinsipe ng mga mangangaral,” ay madalas makaranas ng depresyon. Ngunit minsan ay sinabi niya, “Natutuhan ko nang halikan ang alon na nagtatapon sa akin patungo sa Rock of Ages.”
Ang mga larawan ng buhay na ito ay nagpapakita ng kapangyarihan ng pagdurusa upang mas ilapit tayo kay Cristo at hubugin tayo sa kanyang wangis.
► Maaaring may isang tao sa inyong grupo na nais magbahagi kung paanong ang paghihirap/pagdurusa ay nakatulong upang mapaunlad ang buhay ni Cristo sa kanila.
Ang paghubog sa imahen/wangis ni Cristo ay nangangailangan ng pagdurusa/paghihirap. Upang makamit ang pinakamabuti mula sa pagdurusa, kailangan nating bumuo ng pang-unawa dito na naaayon sa Biblia.
Ang paghihirap ay isang katotohanan/reyalidad para sa lahat ng Kristiyano. Isinulat ni Pedro ang mga salitang ito sa mga Kristiyanong nagdurusa: “Sagayun, sila na nagdurusa ayon sa kalooban ng Dios ay dapat magtiwala sa Dios na Manlilikha at laging tapat sa kanyang pangako. Itinalaga nila ang kanilang sarili sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti.”[1]
Bilang mga mananampalataya tinitingnan natin ang sanlibutan sa pamamagitan ng dalawang lente. Sa pamamagitan ng unang lente, nakikita natin ang sanlibutan sa kung ano ito dapat at kung ano ang mangyayari dito sa hinaharap dahil sa maluwalhating tagumpay ni Cristo. Sa pananampalataya,nakikita natin ang sanlibutan na walang conflict, kabulukan, sakit, o kamatayan—isang mundong lubusang tinubos at pinanumbalik; isang mundong libre sa pagkabulok at ginawang lubusang bago;isang mundo ng perpektong pag-ibig,kagandahan, katuwiran, at kapayapaan.
Dahil itinuturing ko ang ating kasalukuyang paghihirap ay hindi maihahambing sa kaluwalhatiang ihahayag sa atin. Dahil ang sanlibutan ay nasasabik na umaasa na ang mga anak ng Dios ay mahahayag.[2]
Sa pamamagitan ng ikalawang lente/salamin, dapat nating makita ang mundo sa kanyang kalagayan sa ngayon –isang mundo kung saan ang lahat ng nilalang ay dumadaing habang hinihintay ang pangwakas na pagtubos. Isinulat ni Pablo sa mga Kristiyanon sa Roma na humaharap sa pagdurusa at pag-uusig:
Sapagkat nalalaman natin na ang buong sannilikha ay dumaraing sa paghihirap tulad ng manganganak. Hindi lamang sila. Tayo man na tumanggap ng Espiritu bilang unang kaloob mula sa Dios,tayo man ay napapahimutok –samantalang hinihintay natin ang pag-ampon, ang pagpapalaya sa ating katawan.[3]
Sila na tumitingin lamang sa pamamagitan ng unang salamin, ngunit tumatangging kilalanin ang ikalawa, ay magpipinta ng isang baluktot na imahen ng mundo at lilikha ng mga inaasahan na hindi kailanman intensiyon ng ebanghelyo. Hindi ipinangako ni Jesus sa kanyang mga anak na lalaki at babae ang isang buhay na walang kaguluhan. Sa katotohanan, ipinangako niya ito: “Ang mga bagay na ito ay sinasabi ko sa inyo, upang sa akin ay magkaroon kayo ng kapayapaan. Sa mundong ito magdaranas kayo ng kapighatian; ngunit lakasan ninyo ang inyong loob, napagtagumpayan ko na ang mundo.”[4]
Ang mga “umaaliw” kay Job ay paulit-ulit na nagpapahayag na laging pinagpapala ng Dios ang mga matuwid ng kalusugan, kayamanan, at kasaganaan, at ang paghihirap ay laging ang kanyang paghatol sa masasama. Dahil si Job ay nasa matinding pagdurusa,ang tanging konklusyon, ayon sa teolohiyang ito, na si Job ay masama.
[5]Ang kuwento ni Job ay nagpapatunay na ang tunay na kasaganahan ay may kasamang paghihirap.Kung minsan ang mga tagapangunang Kristiyano ay nagkakasala ng pagbaluktot sa Salita ng Dios, tulad ng ginawa ng mga “kaibigan” ni Job. Minsan narinig ko ang isang hindi matapat na tagapanguna sa pagsamba na nagpahayag ng “KASAGANAAN” sa pananalapi sa isang kalipunan ng napakahihirap na mga pastor at mga miyembro ng iglesya sa isang umuunlad na bansa. Nakagalit ito sa akin, hindi nito pinahihintulutan ang paghihirap na dinaranas ng mga pastor na ito bilang bahagi ng tunay na kasaganaan. Dahil ang mundong ito ay hindi pa lubusang natutubos, madalas na nagdurusa ang matatapat na mga Kristiyano kasama ng mga masasama.
Ipinapahayag ng Kasulatan na ang buong sannilikha ay dumadaing tulad ng isang babaeng manganganak, at maging ang mga nasisiyahan sa buhay kasama ng Espiritu ay may dahilan upang umiyak. Sila na nakakakilala sa Espiritu ng pag-ampon, nakakikilala sa Dios bilang mapagmahal na Ama, ay hindi malaya sa hinagpis ng pamumuhay sa isang mundong makasalanan. Maaaring hindi maging mas madali sa panlabas ang buhay sa makalupang katawan natin. Hindi tayo pinapangakuan ng mas mabuting mga pagkakataon, ngunit tayo ay pinapangakuan ng panloob na paglago sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo.
“Samakatuwid,hindi tayo pinanghihinaan ng loob. Kahit na ang ating panlabas na katawan ay namamatay, gayunman ang panloob na katauhan ay unti-unting nababago araw-araw.”[6]
Kailangan nating bumuo ng balanse, at Biblikal na pagtanaw sa paghihirap.
“Natutuhan ko nang halikan ang alon na naghahagis sa akin sa “Bato ng Panahon”
/Rock of Ages.”
– Charles Spurgeon
“Dahil ito ang dahilan ng pagtawag sa inyo: dahil si Cristo ay nagdusa para sa inyo,na nag-iwan sa inyo ng halimbawa,na dapat ninyong sundan ang kanyang mga hakbang.”[1]
Bahagi ng kahulugan ng pagiging disipulo/tagasunod ni Jesus ang pagdurusa. Dito tayo tinawag. Lubusang niyakap ni Apostol Pablo ang paghihirap para sa kapakanan ng higit na pagkakilala kay Jesus. Isinulat niya.
Gayunman, tunay, ibinibilang kong kalugihan para sa kabutihan/excellence ng kaalaman ni Cristo Jesus na aking Panginoon, na para sa kanila ako ay nagdusa ang pagkawala ng lahat ng bagay, at ibilang itong basura, upang makamit ko si Cristo.[2]
Nagkaroon ng maraming iba’t-ibang anyo ang pagdurusa sa buhay ni Pablo, gayun din sa atin. Nakaranas siya ng “tinik sa aking laman” kung saan hindi siya iniligtas ng Dios. Nagdusa siya ng pag-uusig, pag-abandona, pagkabilanggo, kalungkutan, pisikal na kawalang ginhawa, kahirapan, pagkatakot, pressures ng ministeryo, at ang mga pagsubok ng pang-araw-araw na buhay. Ngunit, sa kabila ng lahat, dinadala ng Dios si Pablo sa isang mas malalim na pakikipag-isa sa kanyang sarili.
Sa Roma 8, pagkatapos magsalita si Pablo tungkol sa pagdaing at sakit ng pangananak na dinaranas ng buong sannilikha sa kasalukuyan habang hinihintay nito ang pagdating ni Cristo at ang pangwakas na pagtubos, binibigyang lakas ng loob tayo sa pamamagitan ng katotohanang ito: “At alam natin na ang lahat ng bagay ay nagkakalakip-lakip para sa ikabubuti ng lahat ng umiibig sa Dios, para doon sa mga tinawag ayon sa kanyang layunin.”[1]
At ano ang layunin ng Dios? “At para doon sa mga sa mula’t-mula pa ay alam na niyang magiging kanya at ang mga ito’y pinili niya upang maging katulad ng kaniyang Anak.”[2] Ang Dios ay may layunin sa ating mga pagdurusa, at iyon ay upang papanumbalikin tayo sa imahen ni Cristo, na siyang imahen ng Dios.
Ang mga katangian at karakter ni Jesus na pinag-usapan natin sa kursong ito ay hindi maaaring lubusang mabuo sa atin nang hiwalay sa paghihirap at kagipitan. Pakinggan ang mga salita ni Pablo: “At hindi lamang iyon, ikinagagalak rin natin ang mga kahirapang ating tinitiis, dahil nalalaman natin na ang pagdurusa ay nagbubunga ng katiyagaan; at ang katiyagaan ay nagbubunga ng mabuting pagkatao; at ang mabuting pagkatao ay nagbubunga ng pag-asa.”[3]
Bilang mga anak ng Dios, ang pagdisiplina na tinatanggap natin sa pamamagitan ng pagdurusa ay isang kinakailangang bahagi ng ating pagsasanay, at kung wala ito hindi tayo maaaring makibahagi sa kanyang kabanalan:[4]“Ngayon, habang tayo’y itinutuwid, hindi tayo natutuwa kundi naghihinagpis, ngunit pagkatapos niyon, mararanasan natin ang kapayapaang bunga ng pagsasanay sa matuwid na pamumuhay.”[5]
Hinuhubog tayo ng paghihirap sa imahen ni Cristo. Pagdurusa/paghihirap ang apoy na ginagamit ng Dios upang dalisayin tayo at hubugin sa imahen ni Cristo. Sa kanyang aklat na A Place of Healing (Lugar Para sa Paghilom), nagbibigay si Joni Erickson Tada ng limang benepisyo ng pagdurusa. Nais kong ibahagi ang mga ito, na may dagdag na dalawa pa.
►Basahin at talakayin nang sama-sama ang mga sumusunod na talata. Talakayin kung paanong ang pagdurusa ay nagbubunga ng mabuting pagkatao, pagsunod, kadalisayan, direksiyon, kalakasan, pag-ibig, at kaluwalhatian sa mga Kristiyano.
(1) Ang pagdurusa ay maaaring mag-iwas sa atin mula sa mapanganib na direksiyon.[1] (Awit 119:67; 1 Pedro 4:1-3).
(2) Ipinaaalala sa atin ng pagdurusa kung saan nagmumula ang ating tunay na kalakasan[2] (2 Corinto 12:9).
(3) Pinanunumbalik ng pagdurusa ang ating nawalang kagandahan kay Cristo. (1 Pedro 1:6-8).
(4) Pinatitindi ng pagdurusa ang ating kauhawan kay Cristo. (Jeremias 2:13).
(5) Dinadala tayo ng pagdurusa sa mas higit na pakikisama kay Cristo. (Filipos 3:10).
(6) Pinadadami ng pagdurusa ang ating pagiging mabunga para kay Cristo. (Mga Gawa 14:22; Juan 15:5).
(7) Sa ating pagdurusa, nagkakaroon ang Dios ng pagkakataon na ipahayag ang kaluwalhatian ni Cristo sa loob at sa pamamagitan ng ating mga buhay. (John 11:4, 40).
Kami ni Becky ay wala nang pag-asang gumaling noong Enero, 2006. Naospital si Becky sa loob ng maraming araw sa St.Luke’s Hospital sa Maynila dahil sa German measles. Maging pagkatapos niyang mapauwi, nanatili siyang sobrang mahina. Dagdag pa rito, nang kami ay makauwi sa aming bahay sa campus, nadatnan namin ang aming anim na buwang sanggol, si Carrie na sobrang may sakit, napakataas ng lagnat, at hindi natutulog o kumakain. Kapwa kami pagod na pagod ni Becky at natatakot, at pakiramdam namin ay hindi na kami nakahakbang ng kahit isang hakbang pa.
Nang makita ni Becky ang kalagayan ni Carrie, pinakiusapan niya ako na itakbo si Carrie sa Maynila (na apat hanggang limang oras na biyahe), subalit sinabi ko sa kanya na sobra akong pagod na hindi ko na iyon kayang gawin. Pagkatapos, napakalinaw, ang tinig ng Dios ay nangusap sa aking puso, at naramdaman ko na dapat kong gawin ang itinuturo ng Santiago 5:14 at tawagan ang mga matatanda sa iglesya upang ipanalangin ang aming maysakit na anak. Malugod naman silang dumating; at hindi ko kailanman malilimutan kung paanong habang kami ay nananalangin, ang mapayapa, nagbibigay katiyakang presensiya ng Dios ay dumating sa aming tahanan. Alam namin na dininig ng ating Ama ang aming pag-iyak para sa tulong, at ipinangako na niya ang kagalingan. Sa loob lamang ng tatlumpung minuto mula nang manalangin kami, nawala na ang lagnat ni Baby Carrie; sumuso na siya at mahimbing na nakatulog. Mula sa sandaling iyon, siya ay lubusan nang gumaling; at naluwalhati ang Dios!
(8) Pinatitibay ng pagdurusa ang ating walang hanggang pag-asa (2 Corinto 4:16-18).
Ipinakita ng manunula na si Fanny Crosby ang isang kahanga-hanang saloobin tungkol sa pagdurusa, maging bilang isang bata. Sa edad na siyam,isinulat niya ang sumusunod na tula:
O anong sayang kaluluwa ako
Bagaman hindi ako nakakikita
Inihahayag ko na sa mundong ito
Ako ay magiging kuntento!Gaano karaming biyaya ang tinatamasa ko
Na hindi naranasan ng ibang taoAng umiyak at maghinagpisdahil Ako ay bulag
Hindi ko magagawa at hindi ko Iyon gagawin.
Isang araw, isang may mabuting intensiyon na ministrong Scottish ay nagsabi kay Fanny Crosby na noon ay may sapat na gulang na, “Sa palagay ko nakakaawa na ang Panginoon, nang ibuhos niya sa iyo ang napakaraming kaloob, hindi ka niya binigyan ng paningin.” Sumagot si Fanny: “Alam mo ba na kung mayroon akong isang mahihiling sa aking Manlilikha noong ako ay ipanganak, iyon ay ang ipanganak na bulag.” “Bakit?” ang tanong ng nagulat na ministro. “Dahil, kapag nakarating ako sa Langit, ang unang bagay na magbibigay kagalakan sa aking paningin ay ang makita ang mukha ng aking Tagapagligtas.” Pagkatapos ibinigay ni Fanny sa iglesya ang magandang himno na, “My Savior First of All”:
(1) When my lifework is ended, and I cross the swelling tide,
When the bright and glorious morning I shall see;
I shall know my Redeemer when I reach the other side,
And his smile will be the first to welcome me.Refrain:
I shall know him, I shall knowhim,
And redeemed by his side I shall stand,
I shall know him, I shall know him,
By the print of the nails in his hand.(2) Oh, the soul-thrilling rapture when I view his blessed face,
And the luster of his kindly beaming eye;
How my full heart will praise him for the mercy, love, and grace,
That prepare for me a mansion in the sky.(4) Through the gates to the city in a robe of spotless white,
He will lead me where no tears will ever fall;
In the glad song of ages I shall mingle with delight;
But I long to meet my Savior first of all.
Suffering weans us from earth and increases our taste for heavenly joys!
(1) Kapag nagwakas na ang aking gawain sa buhay, at tumatawid ako sa tumataas na alon,
Kapag ang maliwanag at maluwalhating umaga ay aking makikita;Makikilala ko ang aking Manunubos kapag narating ko na ang kabilang ibayo,
At ang kanyang ngiti ang unang sasalubong sa akin.Refrain:
Makikilala ko siya, makikilala ko siya,
At natubos na sa kanyang tabi ako ay tatayo,
Makikilala ko siya,makikilala ko siya,
Sa mga bakas ng mga pako sa kanyang palad.(2) O, ang nakakaantig-kaluluwang pagdagit kapag namasdan ko Ang kanyang pinagpalang mukha,
At ang ningning ng kanyang magiliw na matang nakangiti;
Paanong ang aking pusong puno ay pupurihin siya para sa Habag, pag-ibig, at biyaya,
Na naghanda sa akin para sa isang mansiyon sa kalangitan.(4) Sa pagpasok sa pintuan patungo sa lunsod sa damit na sakdal puti,
Aakayin niya ako kung saan wala na kailanmang luha ang papatak;
Sa masayang awit ng panahon ako ay masayang makikihalubilo;
Ngunit nais kong ang aking Tagapagligtas ang unang makita.
Inilalayo tayo ng pagdurusa mula sa mundo at pinalalaki ang ating panlasa para sa mga kasiyahang makalangit!
Ang mga Kristiyano sa buong mundo ay nakararanas ng pagdurusang hindi pa nila kailanman nararanasan. Halimbawa, karamihan sa 70 milyong Kristiyano na pinaniniwalaang pinatay mula sa panahon ni Cristo ay pinatay sa huling dalawandaang taon.[1]Sa kalagitnaan ng wala pang naunang katulad na kahirapan at pagdurusa ng mga matapat na Kristiyano, lumalaganap ang prosperity theology sa buong iglesya tulad ng isang malaking sunog. Kinakailangang matanto ng mga Kristiyano ang theology ito at kinakailangang magkaroon ng mga sagot sa mga katuruan nito.
Ano ang Prosperity Theology?
Ang prosperity theology(na kung minsan ay tinutukoy bilang prosperity gospel/ebanghelyo ng kasaganaan, ang ebanghelyo ng kalusugan at kayamanan, o ang ebanghelyo ng tagumpay) ay isang paniniwalang panrelihiyon sa ilan sa mga [nagsasabing] sila ay Kristiyano, na nagpapahayag na ang pagpapalang pinansiyal at pisikal na kabutihan ang laging kalooban ng Dios para sa kanila; at ang pananampalataya, positibong pananalita, at donasyon sa mga relihiyosong kadahilanan/proyekto ay magpaparami sa materyal na pag-aari ng isang tao....
Ang prosperity theology ay pinupuna ng mga tagapanguna mula sa iba’t-ibang denominasyon, kabilang sa loob ng Pentecostal at mga kilusang charismatic, na nagsasabing ito ay iresponsable, nagsusulong ng pagsamba sa dios-diosan, at sa gayun taliwas ito sa Kasulatan.[2]
Ang prosperity gospel ay dapat isiwalat dahil sa pagbaluktot nito sa Salita ng Dios at sa pagiging mapanira nito sa pananampalataya ng maraming Kristiyano. Madalas na inaatake ni Satanas ang Salita ng Dioss sa pamamagitan ng bahagyang pagbaluktot ng katotohanan dahil alam niya na ang maliit na butil ng pagdududa at maling pag-asa ay mag-aani ng kawalang pananampalataya.
Ang mga tanong ngayon sa ating harapan ay hindi kung nagpapagaling pa ba ang Dios, o gumagawa pa ba ng mga himala, o kung minsan ay nagbibigay ng mga materyal na mga pagpapala sa kanyang bayan; kundi maaari bang angkinin ng mga Kristiyano sa bahaging ito ng walang hanggan,bilang kanilang karapatan ang pisikal at materyal na “pagpapala”? Ipinangako ba ang pisikal na kagalingan sa bahaging ito ng walanghanggan sa pamamagitan ng pantubos na kamatayan ni Hesukristo?
Sa kanyang klasikong aklat, Miraculous Healing,[3]Itinuturo ni Henry Frost ang ilang katuruan patungkol sa pagpapagaling (isang pangunahing pagbibigay-diin ng prosperity theology) na dapat subukin sa pamamagitan ng Salita ng Dios. Mula sa aking pagbabasa ng aklat ni Frost, nagbalangkas ako ng pitong katuruan ng prosperity theology (espesyal ang mga may kaugnayan sa mahimalang pagpapagaling) na naghatid ng kalituhan sa maraming matapat na Kristiyano.
Pitong Pagkakamali ng Prosperity Theology
Itinuturo ng Prosperity theology na sa kaligtasan, magkapantay na kabilang ang kaligtasan ng ating mga kaluluwa at ang kagalingan ng ating mga katawan sa parteng ito ng walang-hanggan.
Ano ang itinuturo ng Biblia? Sumasang-ayon ang Kasulatan na ang pagtubos ni Cristo sa wakas ay makakasama ang ating pisikal na katawan, ngunit ang kagalingan ay hindi ipinangako sa buhay na ito. Bagaman sinasabi ng Kasulatan na hilingin natin ang paggaling, hindi binabaligtad ng ebanghelyo ang bawat epekto ng pagkahulog sa kasalanan dito sa mundo.
Ang mga katawang ito na ngayon ay umiiral ay nabubulok. Sa muling pagkabuhay, bibigyan tayo ng bagong katawan “na magiging katulad ng kanyang niluwalhating katawan.”[4]Itong lumang “laman at dugo ay hindi maaaring magmana ng kaharian ng Dios…subalit tayo ay babaguhin.”[5] Sinasabi ni Pablo, sa katotohanan, na ang mga makamundong kubol na ito ay “sisirain”; subalit tayo ay pagkakalooban ng isang “gusali mula sa Dios, isang tirahan na hindi ginawa ng kamay, walang hanggan sa kalangitan.”[6]Katulad ng isang nabubulok na buto/binhi,
Ang katawan [panlupa] ay inihasik sa kabulukan/corruption; ito ay binuhay na walang kabulukan. Ito ay inihasik sa kawalang-karangalan; ito ay binuhay sa kaluwalhatian. Ito ay inihasik sa kahinaan; ito ay binuhay sa kapangyarihan. Ito ay inihasik sa likas na katawan; ito ay binuhay sa espirituwal na katawan. Mayroong natural/likas na katawan; at mayroong espirituwal na katawan.[7]
Si Joni Eareckson Tada, isang dalagang Kristiyano na nagdusa bilang isang quadriplegic sa loob ng 40 taon, ay sumulat na, “Lahat ng buhay, lahat ng kagalingan, at lahat ng pagbabayad-utang ay umaagos mula sa bukal na ang Panginoong Hesukristo. Saan pa ba iyon maaaring magmula?” Nagpatuloy siya sa pagpapaliwanag, “Kung ano ang sinimulang gawin ni Jesus sa kasalanan at sa mga bunga nito [karamdaman, pagkabulok, kamatayan] ay hindi malulubos hanggang sa ikalawang pagparito.”[8] Kung paanong ang isang buto ay hindi magiging isang husto sa gulang na halaman hangga’t hindi ito ibinabaon, gayun din ang mga katawang ito ay hindi makararanas ng lubos na pagtubos hanggang ang mga ito ay inilibing sa kamatayan..
Dapat nating balansehin ang ating pagtuturo tungkol sa pisikal na kagalingan sa katotohanan na kung minsan pinipili ng Dios na hindi magpagaling dahil mayroon siyang iniisip na mas mabuti para sa atin.[9]Sa pamamagitan ng “isang tinik sa aking laman,” halimbawa, natutuhan ni Pablo ang kababaang-loob at ang sapat sa lahat na kapangyarihan ni Cristo.[10] Sinasabi ni Joni, “Pinahihintulutan ng Dios kung ano ang kinamumuhian niya (pagdurusa ng tao) upang matupad kung ano ang minamahal niya (ang ating pagpapaging-banal).”[11]
Nang ang aming anak na lalaki na si Jesse ay nagkasakit ng kanser, madalas kaming makipagbuno sa Dios para sa kanyang kagalingan sa loob ng apat na taon niyang pakikipaglaban. Literal na libo-libong tao ang nananalangin para sa kanyang kagalingan. May ilan na mabuti-ang-nais at mga makaDios na tao ang nagsabi sa aminna nakatanggap sila ang banal na pangako ng pisikal na kagalingan para kay Jesse, at hindi daw namin kailangan pang mag-alala dahil sa susunod na pagpunta sa doktor ay magpapakita ng siya ay magaling na. Sa halip na bumuti, gayunman, ang kanser ay nagpatuloy sa pagkalat, hanggang noong 2001 nabulag na siya. Ang himala na natatagpuan natin bilang mga magulang sa pagdaan sa mga pinakamahirap na mga araw na ito ay ang himala ng kapayapaan at kaligayahan at ang natatagong katiyakan/pagtitiwala na may mas mabuting bagay na ginagawa ang Dios kaysa sa pisikal na kagalingan! Ang “bagay na mas mabuti” na ito ay patuloy pang ginagawa sa ating mga buhay at sa buhay ni Jesse sa kasalukuyan.
Kung minsan itinuturo ng Prosperity theology na ang mga pangako sa tipan ng Dios sa Israel ay mailalapat rin sa iglesya.
May mga tagapagturo ng prosperity theology na gumagamit ng mga pangako sa tipan ng Dios sa Israel at inilalapat sa mga Kristiyano sa ngayon. Sa Exodo halimbawa,nangangako ang Dios sa bayan ng Israel na kung “maingat na susundin ang tinig ng PANGINOON inyong Dios at gawin kung ano ang tama sa kanyang paningin…Hindi ko ilalagay sa inyo ang anumang karamdaman na ipinadala ko sa mga Egipcio. Dahil Ako ang PANGINOON na nagpapagaling sa inyo.”[12] “Ang karamdaman ay para sa mga Egipcio, hindi para sa bayan ng Dios. At tanging sa ating pagbalik sa espirituwal sa Egipto, tayo ay babalik sa mga [karamdaman] at mga panganib nito.”[13]
Ayon sa pananaw na ito, ang matatapat na Kristiyano ay hindi kailanman magkakasakit. Ang karamdaman ay nakalaan sa mga hindi mananampalataya. Dahil gumawa ang Dios ng tipan ng kagalingan sa Israel,ang tipan na ito ay ilalapat sa espirituwal na Israel—ang iglesya.
Napakaraming suliranin sa doktrina ng tipan, ngunit babanggit lamang ako ng ilan:
(1) Ang pagbalik sa ilalim ng lumang tipan ay pagbalik din sa batas ng lumang tipan.
Ang mga Kristiyano ay hindi nabubuhay sa ilalim ng mga alituntunin ng batas ng Lumang Tipan, at hindi rin mailalapat sa atin ang bawat pangako ng batas ng Lumang Tipan sa parehong paraan na iniukol iyon sa Israel. Kung ang mga alituntunin ng batas ng Lumang Tipan ay kinakailangan pa rin para sa mga mananampalataya kay Jesus,sagayun, walang kabuluhan ang kanyang kamatayan.[14]
(2) Ang Israel ay itinalaga bilang theocracy kung saan ang Dios ang naghahari sa bansa.
Sa pamamagitan ng Israel nais ng Dios na ipakita kung ano ang hitsura ng kanyang perpektong paghahari, upang pagkalooban ang kanyang bayan ng isang nakikitang larawan ng isang kaharian na darating. Kapag dumating si Cristo, tunay, maghahari at mamamahala sa mundong ito, ang kanyang bayan ay hindi na makararanas ng ano mang klase ng sakit![15]
(3) Nilikha ng Dios ang Israel na bayan sa lupa at binigyan sila ng pisikal na mgapagpapala upang sila ay turuan, at tayo, espirituwal na katotohanan.
Hindi natin sinasabi na hindi niya tayo bibigyan ng mga pisikal na pagpapala katulad ng ginawa niya sa Israel, kundi ang mga ito ay hindi ipinangako sa atin sa parehong paraan na para sa bansang Israel. Nilupig ng Dios ang mga pisikal na kaaway ng Israel; pinawi ang kanilang pisikal na kauhawan mula sa isang materyal na bato; binigyan sila ng materyal na pagkain;naglaan para sa kanila ng materyal na lupain na hindi nila binili;binigyan sila ng mateyal na tahanan at mga lunsod na hindi sila ang nagtayo, mga kawan na hindi sila ang nagpalaki, at mga ani na hindi sila ang nagtanin.[16] Ngunit ginawa tayo ng Dios na makalangit na bayan at binigyan niya tayo ng “espirituwal na mga pagpapala sa makalangit na dako.”[17] Lulupigin Niya ang ating mga espirituwal na kaaway,[18] bibigyan tayo ng inumin mula sa espirituwal na bato—si Cristo,[19] inaalok tayo ng espirituwal na pagkain (si Cristo ang manna),[20] at ang makalangit na Jerusalem.[21] Tayo ay espirituwal na templo,[22] isangespirituwal na pagiging pari at isang banal na bansa.[23] Walang espirituwal na karamdaman (kasalanan) ang sa paano mang paraan ay sisira sa loob habang lumalakad tayo sa liwanag.[24]
Napakalinaw sa Kasulatan na hindi lahat ng tipan na ginawa sa bansang Israel ay maaaring direktang ilapat sa iglesya maliban sa espirituwal na paraan. Hindi natin dapat,samakatuwid, na angkinin ang mga pangakong hindi naman nakalaan sa atin. Ang gayung pag-iisip ay makalilikha lamang ng kabiguan. Ang mga pisikal na pagpapala at karanasan ng Israel ay mga anino lamang at simbolo ng mga mas dakilang espirituwal na pagpapala na tinatamasa nating mga Kristiyano sa kasalukuyan, “Dahil hindi pa pumasok si Cristo sa mga banal na dako na ginawa ng mga kamay, na mga kopya ng totoo, kundi sa langit mismo, ngayon upang makita sa presensiya ng Dios para sa atin.”[25]
Madalas na binibigyang kahulugan ng Prosperity theology ang Isaias 53:4-5 bilang isang pangako ng pisikal na kagalingan ngayon.
Walang alinlangan na dinala niya ang ating mga kalungkutan (sakit,NIV), at pinasan ang ating mga kapighatian (paghihirap,NIV); gayunman ating ipinalagay na siya ay sinugatan, sinaktan ng Dios, at pinahirapan. Subalit siya ay nasugatan dahil sa ating mga paglabag, siya ay binugbog dahil sa ating mga kasalanan; ang parusa para sa ating kapayapaan ay ipinataw sa kanya; at sa pamamagitan ng kanyang mga latay tayo ay gumaling.[26]
Sa kahanga-hangang sipi na ito, nagpropesiya si Isaias tungkol sa dalawang-parteng ministeryo ni Hesukristo: 1) si Jesus ang nagdadala ng ating mga pasanin (t.4)at 2) si Jesus ang sakripisyo para sa ating mga kasalanan (t.5). Sa pag-abot ni Jesus nang may pag-ibig sa mga taong nagdurusa, nagpapalayas ng mga demonyo sa kanila at pinagagaling ang kanilang mga karamdaman, siya ang naging tagapasan ng kabigatan ng sanlibutan. Itinuturo ito ni Mateo:
Nang gumabi, dinala nila sa kanya ang maraming inaalihan ng demonyo. At pinalayas niya ang masasamang espiritu sa pamamagitan ng isang salita, at pinagaling ang lahat ng maysakit, upang matupad ang sinabi ng propetang si Isaias, na nagsabi: “Kinuha Niya ang ating mga kakulangan at pinasan ang ating mga karamdaman.”[27]
[28]Nang si Jesus ay masugatan, binugbog at pinalo sa krus, binabayaran niya ang kabayaran para sa ating mga pagkukulang/pagkakasala: “Nguni’t siya ay nasugatan dahil sa ating mga pagkakasala, siya ay binugbog dahil sa ating mga kasamaan…at sa kanyang mga latay tayo ay gumaling.”Ang kagalingan na binabanggit ni Isaias ay espesyal na nakatuon sa ating kagalingan mula sa karamdaman ng kasalanan, hindi pisikal na karamdaman! Hinihikayat ni Apostol Pedro ang mga nagdurusang Kristiyano na sundan ang halimbawa ni Jesus na tiniis ang malupit na pagtrato mula sa mga makasalanan para sa ating kapakanan: “Na Siya mismo ang nagpasan ng ating mga kasalanan doon sa krus, upang tayo,na namatay na sa kasalanan, ay mabuhay para sa katuwiran—sa pamamagitan ng kanyang mga latay tayo ay gumaling.”[29]
[30]Hanggang sa ngayon inaanyayahan niya tayo na ilagak sa kanya ang lahat ng ating mga alalahanin.[31]Sinasabi niya sa atin, “Lumapit kayo sa akin, lahat kayo na napapagal at labis na nabibigatan, at kayo ay aking pagpapahingahin.”[32]Kapag tayo ay nagdurusa, nagdurusa siyang kasama natin, nananalangin para sa atin, kung minsan tayo ay pinagagaling, at laging naghahandog ng kagalingan para sa ating mga kaluluwa. Habang ang ating kasalukuyang katawang panlupa ay unti-unti nabubulok, ang ating mga kaluluwa ay nababago araw-araw dahil sa krus.
Dapat pansinin na ang bawat pagtukoy sa mga sugat, galos,at sa dugo ni Jesus sa Isaias 53 ay nakaugnay sa kasalanan –hindi direkta sa pisikal na pagkakasakit.[33] Ang ating kasalanan ang kasuklam-suklam na karamdaman na siyang dahilan ng matinding paghihirap,paghamak,pagdurusa at pagbuhos ng dugo ni Jesus. Ang ating mga kasalanan ang nagpanatili kay Jesus sa krus, at sa mga sugat/latay ni Jesus kaya tayo ay espirituwal na gumaling.
Dahil sa dugo,hindi na tayo hawak ng kasalanan,hindi na tayo alipin ng mga pagnanasa ng laman, at hindi na naaakit ng mga bagay sa sanlibutan. Pinalaya na tayo ng dugo ni Jesus! Hindi maaalis ng pisikal na pagkabulok at kamatayan kung ano ang ginawa na ni Jesus para sa ating kaluluwa! May mga panahon na itinatago ng pisikal na paghihirap ang mukha ng Dios,ngunit gaano man kalaki ang paghihirap o pagdurusa, wala itong kapangyarihan upang ihiwalay tayo mula sa kanyang pag-ibig.[34] Anuman ang nangyayari sa iyong katawan, sa pagbabayad ni Cristo ang iyong kaluluwa ay mananatiling ligtas at may kasiguruhan. Dahil sa krus, tumitingin tayo sa isang araw sa hinaharap kung saan ang bawat epekto ng sumpa ay mawawala! Gagawing bago ang ating mundo. Wala na ang mga dawag at tinik. Magiging buo ang ating mga katawan. Permanente nang mawawasak ang paghihirap, sakit at kamatayan.
Ang lahat ng paggaling –kapwa sa pisikal at espirituwal –ay nasa krus. Ang kagalingan mula sa kasalanan ay ipinangako ngayon sa lahat ng sumampalataya kay Jesus. Ang kagalingan mula sa karamdaman, kung minsan ay ipinagkakaloob ngayon subali’t ipinangako sa hinaharap.
Madalas na itinuturo ng Prosperity theology na ang pangako ni Jesus na “mas dakilang mga gawa” sa Juan 14:12 ay nangahulugan ng mas dakilang mga himala.
Marami ang nagpapakahulugan sa siping ito bilang pangako ni Jesus na ang lahat ng mga disipulo ay gagawa ng higit na mga himala maging kaysa sa mga ginawa niya.
Nakagawa ba ang mga apostol ng higit na mga himala kaysa kay Jesus? Mayroong tatlumpu’t-limang tiyak na himala ni Cristo ang nakatala sa mga Ebanghelyo, bagaman marami pa siyang ibang ginawa; subali’t sa Mga Gawa, labindalawang himala lamang ng mga apostol ang nakatala, bagaman marami pang iba silang ginawa. Ang punto ay: habang ang mga himala ay tiyak na hindi inaalis sa Bagong Tipan,kailanman, hindi ang mga ito ang pokus.
Nakagawa ba ang sinuman sa mga unang disipulo ng mas higit na himala kaysa sa himala ng tinapay at isda, o ang tubig na naging alak, o angpagpapatigil sa bagyo, o ang napakaraming hinuling isda, o ang pagbabalik ng paningin ng dalawang lalaking bulag, o ang muling pagbuhay kay Lazaro? Bagaman ang ilan sa mga disipulo ay nakagawa, tunay, gumawa ng ilang makapangyarihang mga himala,walang lubusang nakapantay sa pagkamangha sa ginawa ng Panginoon. Sama-sama, nakagawa na ang iglesya ng mas higit na gawaing espirituwal kaysa kay Jesus sa kaisipan na sa pamamagitan ng kanyang kamatayan at muling pagkabuhay inilatag ni Jesus ang pundasyon na sa simula pa ay siya nating pinagtatayuan.
Sa mga unang Kristiyano, laging sentro ang pangangaral ng ebanghelyo; ang mga pana-panahong tanda at kamangha-manghang mga pangyayari ay ginagamit ng Dios upang patotohanan ang mensahe at ang mga mensahero, espesyal sa mga lugar kung saan hindi pa kailanman naipapangaral ang ebanghelyo. Ang dahilan kung bakit ang mga tanda at kamangha-manghang mga pangyayari ay nagtataglay ng malakas na kapangyarihan upang hawakan at gulatin ang mga tao kahit sa panahong ito, ay dahil napakabihira ang mga ito. Kung ang mga himala ay magiging pangkaraniwan at mahuhulaan, mawawala na ang pagiging epektibo ng mga ito at hindi na papansinin ang mensahe ng Dios.
Noong ako ay bata pa, nakilala ko ang isang guro na paminsan-minsan ay pumapalakpak nang napakalakas kapag ang kanyang mag-aaral ay nakakatulog o sa anumang kadahilanan ay hindi nakikinig. Mayroon siyang napakahalagang bagay na sasabihin at kailangan niyang ituon nila ng lubusan sa kanya ang kanilang paningin/atensiyon.Kapag sinimulan niya ang klase at nakuha na niya ang kanilang atensiyon, titigil na siya sa pagpalakpak,sa halip ay magpapatuloy na sa kanyang leksiyon. Kapag naging madalas na ang pagpalakpak ng gurong ito, natutuhan na ng kanyang mga mag-aaral na bale-walain ito. Dapat nating unawain na ang mga himala ay ang paraan ng Dios na pagpalakpak ng Kanyang makapangyarihang mga kamay upang hulihin ang atensiyon ng sanlibutan, upang ang makapangyarihang mensahe ng ebanghelyo ay malinaw na marinig, ngunit hindi bilang normal, karaniwang mga pangyayari.
Hindi ko malilimutan ang epekto ng dramatikong paggaling ng isang maliit na batang babae sa bundok ilang taon na ang nakalilipas. Sa simula ng aming pananalangin para sa kanya, may isang grupo na nagsimulang mag-ipon ipon---ang ilan ay ligtas, ngunit angibaay nananatilingnaliligaw sa paganong kadiliman. Habang kamingmga Kristiyano ay nakapaligid sa batang babae at hawaksiya sa amingmga braso,naramdaman naminang nakakatakot na kapangyarihan ni Satanas at nakita ng mismong mga mata namin ang epekto ng isang pag-atake ng demonyo. Subalit habang kami ay sama-samang umiiyak sa Dios, sama-samang umaawit, at inaangkin ang tagumpay ng dugo ni Jesus,naging sobrang tahimik ang bata at pagkatapos ay nakatulog. Pagkalipas ng labinlimang minuto, siya aynaupo,humingi ng tubigna inumin, at pagkatapos, sa aming pagkamangha, lumakad palayo na tila walang anumang nangyari! Ang himalang ito ay naging makapangyarihang tanda ng superyor na awtoridad ni Cristo sa isang pamayanan na matagal nang alipin ni Satanas; at ang Dios ay naluwalhati.
Maging maingat sa panganib ng paghanap ng mga tanda at kamangha-manghang mga bagay,[35]kundi bantayan rin ninyo ang inyong puso laban sa kawalang-pananampalataya. Nagpapagaling at nagliligtas pa rin ang Dios ngayon, ayon sa kanyang kalooban.
Kung minsan, itinuturo ng Prosperity theology na dapat hanapin ang mga tanda.
Sa Marcos 16:17-18 sinasabi ni Jesus, “At ang mga tandang ito ay susunod sa mga sumasampalataya: Sa aking pangalan sila ay magpapalayas ng mga demonyo; magsasalita sila ng ibang wika;hahawakan nila ang mga ahas; at kung iinom sila ng anumang nakamamatay, hindi ito makasasama sa kanila; ipapatong nila ang kanilang kamay sa maysakit, at sila ay gagaling.”
Ang mga “tanda” na ito, tunay, na sumusunod sa ebanghelyo habang ito ay matapat na ipinapahayag sa buong mundo, espesyal na sa mga lugar na hindi pa iyon naipapahayag. Panginoon, patawarin mo po kami sa aming kawalang paniniwala!
Ang mga tanda at nakamamanghang bagay, gayunman, ay hindi dapat siyang hanapin. Ang mga ito ay natural na susunod sa matapat na pangangaral ng ebanghelyo. Habang tayo ay may kababaang-loob, masunurin, at umaasa sa pagtungo sa mundo na ipinapangaral ang ebanghelyo, ang kapangyarihan ng Dios ay mahahayag sa loob at sa pamamagitan ng kanyang iglesya.
Bilang halimbawa, nang mawasak ang barko ni Pablo at siya ay naanod sa pasigan ng isla ng Malta,[36]ito ay tiyak na hindi aksidente sa pananaw ng Dios. Nakita ng Dios ang isang isla na puno ng mga taong naliligaw na dahilan kaya siya namatay upang iligtas. Habang tumutulong si Pablo na manguha ng kahoy na panggatong, isang makamandag na ahas ang tumuklaw sa kanyang kamay. Dahil hindi siya namatay, nagsimulang magbukas ang Dios ng pinto para sa ministeryo para kay Pablo sa islang iyon.
Kung minsan, itinuturo ng Prosperity theology na dahil si Jesus ay “hindi nagbabago kahapon, ngayon at magpakailanman”[37]sagayun dapat nating laging asahan ang parehong sagot sa panalangin.
Si Cristo Jesus ay tunay na hindi nagbabago sa kanyang kalikasan at pagkatao, ngunit ang kanyang mga ginagawa ay halos hindi mahuhulaan. Ang Dios ay hindi isang makina na maaari nating i-programa, kontrolin o maimpluwensiyahan. Siya ay isang personang kumikilos ayon sa kanyang sariling kalooban, para sa ating ikabubuti at para sa kanyang kaluwalhatian.
Hindi nagbabago ang pag-ibig ng Dios sa kanyang mga anak na nagdurusa.
Ang isang bagay na maaari nating panghawakan ay: Si Jesus ay hindi nagbabago sa kanyang pag-ibig! Hindi niya tayo kailanman iiwan o pababayaan man. Ang kanyang kapangyarihan ng muling pagkabuhay ay magiging malakas sa atin—kapangyarihang kung minsan ay nagpapakilos sa bundok, kung minsan ay akyatin ito, at kung minsan ay pumapasok sa loob nito! Ang kanyang lubos na sapat na biyaya at kapayapaan ang laging magbibigay lakas sa atin sa paghihirap at sakit. Dahil siya ay lubos na makapangyarihan, ang bawat pangyayari na ating hinaharap ay nagpapasakop sa kanyang kontrol at mahahabi sa tela ng kanyang perpektong disenyo.
Hindi ko malilimutan ang isang oras na biyahe pauwi pagkatapos na ang limang-linggong gulang na si Jesse ay matuklasang may retinoblastoma (isang uri ng kanser sa mata). Katulad ng sinumang mapagmahal na magulang, kami ni Becky ay labis na nasasaktan sa kawalang-katiyakan sa aming hinaharap;ngunit habang nasa biyahe kami, lumukob sa amin ang hindi maipaliwanag na kapayapaang mula sa Dios. Ang kapayapaang ito ay nagsimula habang nagsisimula kaming alalahanin ang hindi maipagkakamaling mga angyayaring niloob ng Dios na nagdala sa amin sa pagkakataong ito. Narito ang ilang mga bagay na bumaha sa aming mga puso ng kapayapaan at pagpupuri. Una, hindi kami dapat nasa USA, subali’t naroon kami.Ilang linggo bago magsimula ang aming unang termino ng pagmimisyon, ako ay “nagkataon” na makasaksi ng isang krimen at ang estado ng Indiana ay nakipagkasundo na babayaran ang “pag-uwi” ng aming pamilya kung ako ay sasaksi. Ikalawa, hindi kami dapat nakakuha ng sertipiko ng kapanganakan ni Jesse at pasaporte nang may sapat na oras upang lumipad palabas ng Maynila, na takdang oras para sa paglilitis, ngunit nagawa namin. Sa loob ng tatlong araw mula ng ipanganak siya, lumabas na kami sa ospital, nakipaglaban sa trapiko sa Maynila, at nakarating sa Embahada ng US nang may sobra pang labintatlong minuto. Kami ang huling customers sa araw na iyon. Ikatlo, hindi kami dapat nasa klinika ng doktor sa Michigan, ngunit naroon kami. Bagaman wala kaming anumang hinala, nagpasya kaming magkaroon ng wellbaby check-up bago bumalik sa lugar ng aming gawain. Ikaapat, habang muli naming isinusuot ang aming coat bago lumabas sa klinika ng doktor, tiningnan uli ng aming pediatrician sa isa pang pagkakataon ang mga mata ni Jesse. Ang huling pagtingin na ito ang naging pagliligtas sa buhay ni Jesse. Kumbinsido kami na kung nakabalik kami sa Pilipinas nang hindi natutuklasan ang kanyang sakit, tiyak na mamamatay si Jesse.
Habang nagbibiyahe kami sa kotse ng Oktubreng iyon, ibinukas ng Dios ang aming mga mata na tila ngayon lang namin nakita ang nakakubli, detalyadong pangangasiwa ng Dios sa aming mga buhay; at ang nakamamanghang kagandahan ng kanyang soberenya at mapagkalingang pag-iingat na halos hindi kami makahinga. Ang aming pagtitiwala ay hindi nakabatay sa aming kakayahan na utusan at maimpluwensiyahan ang Dios, kundi sa kanyang kapangyarihan na gawin ang bawat pangyayari sa aming mga buhay aymagpasakop sa kanyang mapagmahal, makalinga, lubos ang kapangyarihang kontrol.
Kung minsan pinapapangit/binabaluktot ng Prosperity theology ang kahulugan ng pananampalataya.
Ibinibigay ni Santiago ang magandang paanyayang ito sa iglesya:
Mayroon bang maysakit sa inyo? Hayaan siyang tawagin ang matatanda sa iglesya, at ipanalangin siya, pahiran siya ng langis sa pangalan ng Panginoon. At ang panalangin ng pananampalataya ay magliligtas sa maysakit, at ibabangon siya ng Panginoon.[38]
Isang hapon habang naglalakad ako kasama ng ilang pastor sa isang pamayanan, dinala sa amin upang ipanalangin ang isang lubhang maysakit na sanggol. Dalawang linggo nang maysakit ang bata, ayon sa aking pagkatanda; at habang nakikinig kami sa malungkot na kuwento ng umiiyak na ina, napuspos ng awa ng Dios ang aming mga puso. Hindi ko malilimutan na habang ipinapatong namin ang aming mga kamay sa batang maysakit at magsimulang manalangin, ang Banal na Espiritu ay nangusap sa aming mga puso na ninanais talaga niya ang magpagaling. Hindi mahirap ang manalangin, subali’t natural. Hindi namin ipinipilit sa Dios ang aming kalooban subalit ang pakiramdam namin kami ay Kanyang mga instrumento. Ang aming katiyakan at pagtitiwala sa kagalingan at kalakasan ng loob upang humingi ay hindi galing sa aming sariling pagsisikap, kundi sa layunin at biyaya ng Dios. Nang bumalik kami sa lugar na iyon kinabukasan, nakita namin na lubusan nang magaling ang bata, tulad ng inaasahan. Naniniwala ako na ito ang panalangin ng panananampalataya na binabanggit ni Santiago.
Ang pananampalataya ay simpleng pagtitiwala. Ito ay hindi pagtitiwala para ipilit ng mga anak ng Dios ang kanilang sariling paraan. Ang pagtitiwala ay simpleng paniniwala na kaya ng Dios, at gagawin din niya, gagawin niya ang lahat ng bagay na niloloob niya.
Ang pisikal na pagdurusa ay karaniwang nagbibigay sa atin ng pagkakataon upang lumago sa pagtitiwala. Isinulat ni Henry Frost:
Para sa akin ito ay isang pinagpalang karanasan: kung ang karamdaman ay dumating upang ilagay ako ng lubusan sa kanyang awa, maging sa pagkakasakit o sa kalusugan man; upang magtanong kung ano ang nais niyang gawin ko upang humanap ng kagalingan; upang magtanong kung ang mga pangyayari ay nagpapanukala na siya ay mahimalang magpapagaling; upang hanapin, kung wala ang gayung kagalingan, na malaman ang kanyang pag-iisip kung patungkol sa kagalingan sa ibang paraan; at sa panghuli, ay tanggapin ang usapin ng kanyang kalooban, anuman iyon, hindi lamang nang may pagsuko, kundi nang may pagtitiwala at pagpupuri.[39]
► Talakayin nang sama-sama ang pitong pagkakamali ng prosperity theology. Ang mga pagkakamali bang ito ay nakikita sa mga iglesya o sa mga Kristiyanong kilala mo? Ano ang ilan sa resulta ng paniniwala sa mga kamaliang ito? Maging malaya rin sa pagbabahagi ng mga kuwento ng kagalingan at paglaya (sa kasalanan/pagkaalipin).
“Tunay ngang namatay si Cristo upang wasakin ang karamdaman,at gagawin nga niya iyon. Subalit hindi niya sinasabi na gagawin niya, sa perpektong kahulugan, gagawin iyon ngayon, ngunit sa halip, sa isang panahon sa hinaharap kapag siya ay dumating nang may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.”
– Henry Frost
Ang paghihirap/pagdurusa ay isang kagamitan na hawak sa kamay ng isang mabuti at mapagmahal na Dios. Yakapin mo ito. Sa pamamagitan nito, hinuhubog ka niya ayon sa imahen ng Anak. Ang pag-alala dito ay magdadala ng kapayapaan sa ating mga puso at magpapadali sa ating pagbabagong-anyo.
Minsan, may isang maliit na piraso ng kahoy ang mapait na nagrereklamo dahil ang may-ari sa kanya ay patuloy siyang kinakayas, pinuputol, at nilalagyan ng maraming butas; ngunit ang taong pumuputol dito….hindi pinapansin ang kanyang mga reklamo. Gumagawa ang lalaki ng isang plauta….[1]
(1) Kumuha ng pagsusulit batay sa materyal mula sa leksiyong ito.
(2) Mag-ukol ng hindi kukulangin sa tatlumpung minuto sa linggong ito sa pagbabalik-aral sa leksiyon, kabilang ang mga reperensiya sa Kasulatan, at hinihiling ang insight mula sa Banal na Espiritu.
(3) Itala sa iyong journal ang anumang espesipikong pagbabago na dapat gawin sa iyong buhay, ayon sa paghahayag ng mga iyon ng Panginoon sa iyo.
(4) Pagbulay-bulayan ang kahit man lang isang Awit sa iyong pang-araw-araw na oras ng pagbubulay at itala sa iyong journal kung ano ang sinasabi ng salmista tungkol sa kalikasan at katangian ng Dios.
(5) Irekord sa iyong journal ang isang pesonal na panalangin para sa espiritual na pagbabago at paglago base sa leksiyong ito.
(6) Pagsanayang gamitin ang Pang-araw-araw na gabay sa Pananalangin ni Dr. Brown sa iyong pang-araw-araw na pribadong panalangin.
(1) Patunayan mula sa Kasulatan na ang paghihirap ay bahagi ng kalooban ng Dios para sa mga Kristiyano.
(2) Ano ang dalawang salamin para tingnan ng Kristiyano ang daigdig?
(3) Anong talata ang nagtuturo sa atin na si Jesus ang ating halimbawa ng paghihirap?
(4) Anong talata ang nagtuturo na ang lahat ng sannilikha ay dumaraing?
(5) Ayon sa Roma 8:28-29, pinahihintulutan ng Dios na ang lahat ng bagay ay magkakalakip-lakip para sa ikabubuti ng mga umiibig sa kanya. Ano ang Kanyang ultimong layunin? “Upang tayo ay maging _____________sa ________ng kanyang ___________.”
(6) Ano ang tatlo sa pitong benepisyo ng paghihirap na binanggit sa leksiyong ito?
(7) Sa iyong sariling mga salita, ipaliwanag ang hindi bababa sa dalawa sa mga pagkakamali ng teolohiya ng kasaganaan/prosperity theology.
SGC exists to equip rising Christian leaders around the world by providing free, high-quality theological resources. We gladly grant permission for you to print and distribute our courses under these simple guidelines:
All materials remain the copyrighted property of Shepherds Global Classroom. We simply ask that you honor the integrity of the content and mission.
Questions? Reach out to us anytime at info@shepherdsglobal.org
Total
$21.99By submitting your contact info, you agree to receive occasional email updates about this ministry.
Download audio files for offline listening
No audio files are available for this course yet.
Check back soon or visit our audio courses page.
Share this free course with others