Pagbabalik-Aral sa Leksiyon 13
Note sa tagapanguna sa klase: Pagbalik-aralan ang mga pangunahing puntos mula sa Leksiyon 13. Hilingan ang mga mag-aaral kung sino ang nagnanais na ibahagi ang kanilang personal na panalangin mula sa Leksiyon 13.
Search through all lessons and sections in this course
Searching...
No results found
No matches for ""
Try different keywords or check your spelling
29 min read
by Tim Keep
Note sa tagapanguna sa klase: Pagbalik-aralan ang mga pangunahing puntos mula sa Leksiyon 13. Hilingan ang mga mag-aaral kung sino ang nagnanais na ibahagi ang kanilang personal na panalangin mula sa Leksiyon 13.
Kapag natapos ang leksiyong ito, ang mag-aaral ay dapat:
(1) Matutuhang pahalagahan ang iglesya; ang komunidad ni Cristo.
(2) Maunawaan kung gaano kahalaga ang espirituwal na komunidad sa ating paglagong espirituwal.
(3) Italaga ang sarili sa mas higit na pakikilahok sa buhay ng iglesya.
Hinahadlangan ng Pagiging Mapagkunwari
Si Gracia, isang kabataang dalagang Latino, ay nasaktan ng mga “mapagpaimbabaw” sa kanyang iglesya at naging medyo mapang-uyam. Nahihirapan siyang magtiwala. Dumadalo pa rin siya sa gawain minsan sa isang linggo, ngunit bihirang nakikipag-ugnayan sa sinuman bukod sa lingguhang gawain ng pagsamba sa Linggo nang umaga. Ang pakiramdam niya ay sapat na ang kanyang pansariling personal na relasyon sa Dios.
Hinahadlangan ng Pagiging Abala
Si Evan, isang negosyante sa Asya, ay dumadalo sa isang malaking gawain ng pagsamba sa kanyang lunsod, subali’t naniniwala siya na siya’y napakaabala upang magligkod sa iglesya. Ibinibigay niya ang kanyang ikapu, ngunit iyon lamang. Halos wala siyang kilalang sinuman ayon sa pangalan sa kanilang kongregasyon.
Hinahadlangan ng Pagiging Sapat sa Sarili
Si Akachi ay isang laging hinahanap na ebanghelista sa Africa. Siya ay laging nagbibigay ngunit bihirang tumatanggap ng biyaya mula sa pamilya ng Dios. Siya ay nagiging malungkot at mahina sa espirituwal dahil hindi niya binibigyan ng pagkakataon ang ibang Kristiyano upang magsalita sa kanyang buhay.
Hinahadlangan ng Espiritung Mapunahin
Sina Jim at Lisa ay mga taga Hilagang Amerika na nagpalipat-lipat na sa ilang iglesya sa nakaraang 10 taon. Hindi pa sila nakakikita ng isang iglesya kung saan sila ay lubusang “komportable”, kung kaya’t hindi pa sila nagtatalaga ng kanilang sarili sa alinmang kongregasyon. Madali nilang ipinapahayag ang kanilang mga hindi nagugustuhan at “ipinag-aalala” sa bawat isang iglesya na kanilang dinadaluhan, subalit hindi kailanman nagboboluntaryo para sa mga ministeryo at bihirang nakikipag-ugnayan sa mga kapwa mananampalataya sa maliliit na grupo. Hindi nila nalalaman kung ano ang nawawala sa kanila!
Lubusang Pakikibahagi
Ang Mga Kristiyano ng Iglesya sa Bagong Tipan:
Kaya’t nagpapatuloy araw-araw nang may pagkakaisa sa iisang layunin sa templo, at naghahati-hati ng tinapay sa kanya-kanyang tahanan, kinakain nila ang kanilang pagkain nang may kagalakan at simplicity ng puso, nagpupuri sa Dios at tumatanggap ng pabor mula sa lahat ng tao.[1]
Bagaman ang lahat bukod sa huling paglalarawan ay kathang-isip, inilalarawan nito ang saloobin na mayroon ang maraming Kristiyano para sa iglesya. Sa buong mundo, mayroong malaking bilang ng mga mananampalataya na hindi nakikipag-ugnayan sa ibang miyembro ng katawan ni Cristo sa malalim, makahulugan, at nakapagpapabagong mga paraan.
►Bakit sa palagay ninyo na mapakaraming mga Kristiyano ang nagkukulang sa pakikilahok sa pamilya ng Dios? Anong parte ang ginagampanan ng katamaran? O pagwawalang-bahala? O pagiging makasarili? O takot? Bakit natatakot kung minsan ang mga Kristiyano na bumuo ng malalalim na relasyon sa ibang mga Kristiyano?
Ang aking kabigatan para sa leksiyong ito ay ang hubugin tayo ng Banal na Espiritu sa imahen ni Hesukristo habang tayo ay nakikilahok sa komunidad na Kristiyano. Mahalaga ang katotohanang ito. Hindi iyon maiaalis kung nais nating magkaroon ng gulang sa espirituwal.Ang layunin ng Dios para sa bawat iglesyang Kristiyano ay ang magkaloob ng pagtanggap, pagpapatibay, pananagutan, at aktibong pagkakataong pangministeryo na kinakailangan para sa paglagong espirituwal.
Sa leksiyong ito, sisiyasatin natin kung bakit ang pakikilahok at pagtatalaga ng sarili sa buhay ng iglesya –sa pamamagitan ng pagsamba, paglilingkod, pakikisama, grupo ng pagdidisipulo, mga pagpupulong sa pananalangin, pagpapatotoo, at iba pa –ay napakahalaga. Sasaliksikin natin ang kapangyarihan na taglay ng pakikilahok sa komunidad na Kristiyano upang tayo ay hubugin tayo sa imahen ni Jesus.
► Basahin ang Efeso 4:11-13 at Roma 12:4-16 nang sama-sama. Mula sa mga talatang ito, ano ang ilan sa mga paraan na tayo ay naglilingkod sa isa’t-isa bilang kapwa mananampalataya? Ano ang pangwakas na layunin, ayon sa Efeso 4:13?
Mahalagang maunawaan na ang layunin ng lahat ng ginagawa natin sa pag-ibig at paglilingkod sa isa’t-isa (Roma 12) ay kinakailangang upang patibayin ang isa’t-isa, upang unti-unti, dinadala natin at mas natutulad sa imahen ng ating perpektong Tagapagligtas (Efeso 4). Ang katotohanang ito, na nakabaon sa ating mga puso, ay magdadagdag ng kahulugan maging sa pinakamaliit nating ginagawa.
Ano ang Iglesya?
Ikaw at ako ay binili ng mahalagang dugo ni Cristo at binawtimuhan ng Banal na Espiritu sa iglesya ni Cristo –ang kanyang katawan, ang kanyang asawang-babae, ang kanyang pamilyang tinubos! Sama-sama, tayo ang iglesya! Ang iglesya ay hindi isang gusali; ikaw ang iglesya! Iyon tayo. Iyon ang ating mga asawang lalaki, mga asawang babae, mga anak, at mga kaibigan. Huwag nating isipin ang iglesya bilang simpleng lugar na pinupuntahan natin kapag Linggo o maging kahit ang mga taong nakakasalamuha natin doon. Ang lahat ng tinubos ay bahagi ng pangdaigdigang iglesya ng Dios; at ang pakikipag-ugnayan sa isa’t-isa, para sa layunin ng pagpapalakasan, ay kinakailangan para sa pagkakaroon ng sapat na gulang sa espirituwal.
Bakit napakahalaga ng pakikilahok sa komunidad na Kristiyano? Narito ang ilan sa mga dahilan.
Tayo ay nilikha sa wangis ng Dios na may tatlong persona –Ang Dios Ama, ang Dios Anak at ang Dios Espiritu Santo. Ang tatlong persona ng Trinidad ay nasa isang malapit, maligayang pakikisama sa panghabang-panahon. Tayo ay nilikha nang may kaparehong kakayahan at pangangailangan. Tayo ay nilikha para sa pakikisama. Tayo ay nilikha para “sa isa’t-isa.”[1] Tayo ay nilikha para sa malalim at makahulugang mga relasyong espirituwal. Kung wala sa ating buhay espirituwal ang komunidad, tayo ay mas mahina, mas makasarili, mas madaling matukso sa kasalanan, mas madaling tablan ng mga atake ng kaaway, mas malungkot, mas nawawasak, at mas nababaluktot ang personal at espirituwal na kalagayan. Isinulat ni Dr. Dennis Kinlaw na, “Hindi natatanto ng isang tao ang baluktot na pagsentro sa sarili hangga’t siya ay namumuhay nang nag-iisa. Kailangang mamuhay sa komunidad ang isang tao upang mapagtanto ang mga suliranin sa kanyang sariling kaluluwa.”[2]
Ang pagsasarili/paghihiwalay sa iba ang estratehiya ni Satanas. Siya ay inilarawan sa Kasulatan bilang isang “leon na umaatungal, na nag-aabang kung sino ang kanyang masisila.”[3]Nalalaman ng mga naninirahan sa Africa kung paano naghahanap ang mga leon ng kanilang masisila. Hinahabol nila ang isang kawan hanggang ang isa sa mga ito ay magsimulang maiwan, hanggang sa ang pinakamahina sa kawan ay mapahiwalay mula sa nakapag-iingat na pangangalaga ng iba pang miyembro ng kawan. Pagkatapos, kaunting panahon na lamang ang hihintayin bago ito lundagin,hulihin at kainin ng leon.
Itinakda ng Dios mula sa pundasyon/simula ng mundo na ilagay ang mga tao sa maliliit na komunidad na tinatawag na pamilya. Ang mga sanggol, mga bata, mga kabataan, at maging ang mga nasa kalagitnaan ang edad at mga nakatatanda ay nangangailangan ng pamilyang kabibilangan. Isipin ninyo ang isang sanggol na ipinanganak pagkatapos ay inabandona ng kanyang ina. Dahil hindi pa niya kayang pakainin o bigyang ginhawa ang kanyang sarili, siya ay mamamatay! Isipin ninyo ang mga bata at mga kabataan na hindi nararanasan ang kaginhawahan, paggabay, disiplina at alituntunin ng kanilang mga magulang. Sila ay magdurusa. Isipin ninyo ang mga matatanda na walang sinumang maaaring tumingin/mangalaga sa kanila. Ang kanilang mga buhay ay karaniwang nagwawakas nang may kalungkutan.
Anumang panahon sa buhay ang kinalalagyan mo sa ngayon, kailangan mo ng pamilya. Kung hindi ka nagkaroon ng malusog na pamilya sa mundo, malamang na nakaranas ka ng kahirapan na maging isang espirituwal, emosyonal at panlipunang malusog na Kristiyano. Subali’t nagkaloob ang Dios ng isa pang pamilya para sa iyo –ang pamilya ng Dios!
Ang pangangailangan sa pakikibahagi sa komunidad ay ipinahayag sa buong Kasulatan sa Bagong Tipan. Nilinaw nila na kailangan natin ang isa’t-isa –na hindi tayo nilikha upang mamuhay nang nag-iisa. Mayroong hindi bababa sa limampu’t-limang reperensiya ng “sa isat-isa” sa Bagong Tipan, na nagpapatunay sa kahalagahan na inilagay ng Dios sa espirituwal na komunidad. Dalawampu sa limampu’t-limang reperensiyang ito ay nag-uutos sa atin na “ibigin ninyo ang isa’t-isa”. Ngunit marami pang iba:
Magkaroon kayo ng kapayapaan sa isa’t-isa (Marcos 9:50).
Hugasan ninyo ang paa ng isa’t-isa. (Juan 13:14).
Magmahalan kayo (Juan 13:34). Ang “Mahalin ninyo ang isa’t-isa”ay makikita ng 20 beses sa 55 pagkakataon!
Maging mabuti at mapagmahal sa isa’t-isa (Roma 12:10).
Maging pareho (mapakumbaba) ang isipan ninyo tungo sa isa’t-isa (Roma 12:16).
Huwag nating husgahan ang isa’t-isa (Roma 14:13).
Tanggapin ninyo ang isa’t-isa (Roma 15:7).
Paalalahanan ninyo ang isa’t-isa (Roma 15:14).
Hintayin ninyo ang isa’t-isa (1 Corinto 11:33).
Pangalagaan ninyo ang isa’t-isa (1 Corinto 12:25).
Paglingkuran ninyo ang isa’t-isa. (Galacia 5:13).
Magpaumanhin kayo sa isa’t-isa. (Efeso 4:2).
Maging mabuti/mabait kayo sa isa’t-isa. (Efeso 4:32).
Umawit kayo sa isa’t-isa ng mga salmo at himno at mga awit na espirituwal (Efeso 5:19).
Magpatawad kayo sa isa’t-isa. (Colosas 3:13).
Turuan ninyo at payuhan ang isa’t-isa. (Colosas 3:16).
Aliwin ninyo ang isa’t-isa. (1 Tesalonica 4:18).
Patatagin ninyo ang isa’t-isa(1 Tesalonica 5:11).
Ipahayag ninyo ang inyong mga kasalanan sa isa’t-isa. (Santiago 5:16).
Ipanalangin ninyo ang isa’t-isa. (Santiago 5:16).
Maging mahabagin kayo sa isa’t-isa. (1 Pedro 3:8).
Maging mapagbigay kayo sa pakikitungo sa isa’t-isa. (1 Pedro 4:9).
Maging mapagpakumbaba kayo sa isa’t-isa. (1 Pedro 5:5).
Magkaroon kayo ng pakikisama sa isa’t-isa. (1 Juan 1:7).
Ang Kristiyanismo ay tungkol sa pamilya! Tayo ay dapat mamuhay nang magkakaugnay at umaasa sa isa’t-isa. Dapat tayong tunay na nakaugnay sa espirituwal at emosyonal sa ibang mga Kristiyano kung kaya’t kapag sila ay lumuluha, tayo ay lumuluha, at kapag sila ay nagagalak, tayo rin ay nagagalak.[4] Kapag nakita natin ang isang kapatid ay walang damit, naghihirap, at nagugutom, ginagawa natin kung ano ang ating makakaya upang tugunan ang kanilang pangangailangan.[5]Ayon kay Santiago, ito ang kahulugan ng pagiging tunay na Kristiyano.
Walang pag-aalinlangan, ang dahilan kung bakit napakarami ang hindi nakikisalamuha sa ibang mga mananampalataya--sa pagsamba, sa pagbabahaginan ng mga pangangailangan, sa sama-samang pagkain, sa pagpapahayag ng kasalanan, sa espirituwal na pakikisama at pananalangin – dahil hindi pa nila kailanman natututuhan ang kahalagahan ng iglesya.
Itinatatag ni Jesus ang Kanyang Iglesya
Kung tatanungin ninyo ang karaniwang miyembro ng iglesya kung bakit nagdusa at namatay si Jeus, sila ay sasagot ng, “Upang iligtas ako mula sa aking mga kasalanan,” “Upang ako ay magkaroon ng personal na relasyon sa kanya.” Ang mga katugunang ito ay totoo, ngunit hindi ang buong katotohanan. Ibinigay ni Jesus ang buong katotohanan sa Mateo 16:18, “Itatayo ko ang aking iglesya, at ang pinto ng impiyerno ay hindi makapananaig dito.” Ang salitang “iglesya” ay nangangahulugang isang komunidad na ibinukod o isang kapulungan. Sama-sama, tayo ang bumubuo sa iglesyang ito. Dumating si Jesus upang tawagin tayo mula sa mundo at kasalanan upang gawin tayong kaisa ng Dios at sa isat-isa, upang ang mundo ay maniwala na ako ay sinugo mo.”[1]
Ang pagsasalita o pagkilos na tila ba hindi natin kailangan ang iglesya –na hindi natin kailangan ang isa’t-isa—ay katumbas ng paghamak sa plano ni Jesus. Ang pagpintas sa iyong maliit na bahagi sa pandaigdigang iglesya (ang iyong lokal na kapulungan) –nang hindi nananalangin, nagmamahal, at ginagawa ang lahat nang iyong makakaya upang gumaling at pagandahin ito –ay ang pagyurak sa pinakamahalagang pag-aari ni Jesus at sa sakripisyong ginawa niya para dito!
Ang Iglesya ang Kanyang Pinakamamahal na Asawang Babae
Ang iglesya ay tinawag na “ang asawang babae ni Cristo.” Sama-sama tayo ang asawang babae ni Cristo, na pinagkalooban niya ng kanyang buhay, “upang mapabanal niya at linisin sa paghuhugas ng tubig sa pamamagitan ng salita, upang maiharap siya (tayo) sa kanyang sarili ang isang maluwalhating iglesya, na walang bahid o kapintasan o ano mang bagay na katulad nito.”[2]Maging maingat sa pagsasalita patungkol sa asawang babae ni Cristo! Ang sinumang asawang lalaki ay tiyak na magagalit kapag nakarinig ng masasakit na salita tungkol sa kanyang asawang babae, na nilalait ang kanyang mga kapintasan, pinagtatawanan ang kanyangmga karumihan. Marahil talagang nasasaktan at nagagalit si Jesus kapag tayo na nagsasabing mga Kristiyano ay itinuturo ang mga pagkakamali at karumihan ng kanyang asawang babae –ang asawang babae na dahilan kung bakit ibinuhos niya ang kanyang precious na dugo –ngunit nagbigay ng mga dahilan kung bakit hindi natin maitalaga ang atingoras at mga pinagkukunan upang makita siyang maging mas maganda sa espirituwal!
Ang Iglesya ay isang Pamilya, na Ipinangalan kay Cristo
Sinasabi ni Pablo, “At sa kadahilanang ito iniyuyuko ko ang aking mga tuhod sa Ama ng ating Panginoon Jesucristo, kung saan ang buong pamilya sa langit at sa lupa nagmula ang kanyang pangalan.”[3] Dapat nating matutuhan na magmahal at ituring na mahalaga ang isa’t-isa bilang pamilya. At dapat tayong maging maingat kung paano natin tinatrato ang pamilya ni Jesus.
Ang Iglesya ang Katawan ni Cristo, Na Binubuo ng Maraming Iba’t-ibang Kaloob na Magkakaugnay sa Isa’t-Isa[4]
Dapat nating dagdagan ang ating pagpapahalaga para sa pagkakaiba-iba ng mga kaloob na ibinigay ng Dios sa atin sa halip na wasakin ang isa’t-isa. Hindi natin dapatlapastanganin ang katawan ni Cristo, kundi gumawa ng mga sakripisyo upang akayin ang isa’t-isa sa kaganapan sa gulang![5]
Ang Iglesya ay Isang Templo, na Pinananahanan ng Banal na Espiritu[6] at Itinatayo ni Jesus Gamit ang mga Kristiyanong Tinatawag na mga Batong Buhay
Tayo ay “itinatayo bilang isang espirituwal na tahanan, isang banal na saserdote, upang mag-alay ng mga espirituwal na handog na katanggap-tanggap sa Dios sa pamamagitan ni Cristo Jesus.”[7]Bilang mga batong buhay sa espirituwal na santuaryo na itinatayo ni Jesus, tayo ay interconnected, interdependent sa isa’t-isa. At tayo ay “isang piniling henerasyon, isang royal priesthood, isang banal na bayan, ang kanyang sariling espesyal na bayan, upang maipahayag mo ang mga papuri sa kanya na tumawag sa atin upang ilabas tayo sa kadiliman patungo sa marvelous na liwanag.”[8]Ito ay mas kahanga-hanga at mas malalim kaysa sa ating maaaring maunawaan!
Kaya’t paano tayo mahihiwalay sa isa’t-isa at magtungo sa ating sariling pribadong sulok kasama ng Dios? Hindi natin iyon magagawa! Dapat tayong maging bahagi sa maliit na lugar ng gusaling ito, ilaan ang ating mga sarili sa ibang “batong buhay,” upang tayong lahat ay maging isang templong puspos ng presensiya ng Dios.
Ang pagkaunawa ng iglesya ang isa sa pinakanakapagpabagosa aking buhay. Nagtapos ako sa paaralan ng Biblia noong 1993 at tatlong linggo pagkalipas nito ay naging pastor ng isang maliit na iglesya. Sa simula nito, paminsan-minsan ay nahihirapan akong pahalagahan ang kahalagahan ng lokal na iglesya na ipinagkatiwala ng Dios sa akin, lalo na dahil mayroon na ito ng kanyang bahagi sa mga suliranin. Subali’t habang nagmamaneho sa bayan isang gabing malamig, umuulan ng niyebe, sa taglamig noong 1996, nakikinig sa isang sermon ni Dr. John MacArthur sa radyo, nagsimula akong makita ang iglesya sa paraang hindi ko pa nagawa. Ang kanyang sermon ay may titulong, “Kung Bakit Minamahal Ko ang Iglesya”; at habang siya ay nagtuturo, nagsimula rin akong mahalin ang aking iglesya! Ako ay umiyak dahil sa kaligayahan dahil binuksan ng Banal na Espiritu ang aking mga mata sa kamangha-manghang plano ng Dios para sa iglesya. Narito ang isang maliit na bahagi lamang ng itinuturo ni John:
Sa misteryo ng Trinidad, nakikita natin na mayroon ditong [kamangha-mangha] at walang hangggang pag-ibig sa pagitan ng mga miyembro ng Trinidad…Kailangang maipahayag ang pag-ibig na iyon. Ang tunay na pag-ibig ay laging naglalayon na magbigay. At sa pagpapahayag ng kanyang perpektong pag-ibig para sa kanyang Anak, ang Ama ay gumawa ng isang pangako sa Anak..Ipinangako Niya sa Anak ang isang bayang tinubos –pinawalang-sala, pinapaging-banal at niluwalhati. Ipinangako Niyang dadalhin ang mga tinubos sa kaluwalhatian, upang sila ay manirahan sa mismong lugar kung saan ang Ama at ang Anak ay nanahan bago pa man nagsimula ang panahon…At ang collective na katawan ng mga tinawag –isang bayan para sa kanyang pangalan (Mga Gawa 15:14) mula sa bawat lipi at tao at dilat at bansa (Pahayag 13:7) –ay bubuo ng buhay na templo para sa Banal na Espiritu, nagiging ang mismong lugar na pinananahanan ng Dios…
Ang lubos na kahalagahan ng walang hanggang layunin ng Dios ay nagiging malinaw habang ito’y inihahayag sa aklat ng Pahayag. Doon nagkaroon tayo ng pagsilip sa langit, at ano sa palagay ang ginagawa doon ng matagulpay na iglesya? Ano ang pagkakaabalahan ng mga niluwalhating mga banal sa walang hanggan?
Sila ay sumasamba at niluluwalhati ang Kordero, pinupuri siya—at maging maghahari na kasama niya (Pahayag 22:3-5). Ang pinagsama-samang katawan ay inilarawan bilang ang kanyang asawang babae, dalisay at walang bahid at nadadamitan ng pinong lino (19:7-8). Sila ay nananahang pangwalang hanggang na kasama niya kung saan wala nang gabi, walang pagluha, walang kalungkutan at wala nang sakit (21:4). At niluluwalhati nila at pinaglilingkuran ang Kordero sa walang hanggan. Iyon ang kalubusan ng layunin ng Dios; iyon ang dahilan kaya’t ang iglesya ang kanyang regalo sa kanyang Anak.[9]
Napagtanto ko nang gabing iyon na umuulan ng niyebe na sa pamamagitan ng biyaya ako ay naging kabahagi ng isang bagay na higit na mas kamangha-mangha kaysa maaari kong isipin! Ang asawang babae ni Cristo ay isang kaloob-na-pag-ibig mula sa Ama para sa Anak! Isang matibay na paniniwala ang isinilang sa aking puso na kahit gaano pa kasira ang isang lokal na iglesya, gaano man ka-dry ang pangangaral nito, kahit gaano pa kasama ang musika nito, kahit na gaano pa hindi kasiya-siya ang pagsasamahan, kahit gaano pa kamakasanlibutan ang mga miyembro nito, dapat ko siyang mahalin!
► Paano nabago ng seksiyong ito ang iyong iniisip patungkol sa iglesya?
Sa bawat pagkakataon na nababasa natin ang pagbubuhos ng Banal na Espiritu sa Bagong Tipan, ito ay nagaganap kapag ang isang grupo ng mga disipulo ay nagkakatipong sama-sama, at nananalangin nang may nagkakaisang puso. Sa Araw ng Pentekostes habang ang mga disipulo ay “nagpapatuloy sa nagkakaisang pananalangin…sila ay sama-samang nagkakatipon sa iisang lugar…At silang lahat ay napuspos ng Banal na Espiritu....”[1] Ang Banal na Espiritu ay ibinuhos sa isang grupo, hindi sa isang indibidwal lamang. Tunay nga, alam natin na ang Banal na Espiritu ay pumupuspos sa mga indibidwal din; subali’t mayroong isang bagay na kakaiba at kagila-gilalas na nangyayari kapag ang mga magkakatulad ang pag-iisip na mga mananampalataya ay sama-samang natitipon sa pagkakaisa, pagmamahal at pananalangin.
Makalipas iyon, sa ilalim ng matinding stress dahil sa pag-uusig, nang sila ay “sama-samang nagkakatipon” at “nananalangin”, ang buong gusali “ay nayanig; at silang lahat ay napuspos ng Banal na Espiritu, at sila ay nagsalita ng salita ng Dios nang may katapangan.”[2]Kung ninanais mo nang higit ang Banal na Espiritu sa mga desperadong mga pagkakataon: manalangin, sumamba, at maglingkod kasama ng ibang Kristiyano.
Sa Mga Desperadong mga Panahon, Kailangan Natin ng Kristiyanong Komunidad
Ang aming pamilya ay nakaranas na ng mga desperadong mga panahon at madalas na tumakbo kami para sa pagkalinga ng katawan ni Cristo para sa pagpapalakas-loob, pagpapayo, at kalakasan. Sa cancer na diagnosis ng aming bagong silang na anak na lalaki, si Jesse, at apat na taon ng gamutan, kami ay umabot sa katawan ni Cristo at natutuhan kung gaano talaga kahalaga ang pamilya ng Dios. Kami ay napuspos ng Espiritu ng biyaya sa pamamagitan ng kanilang mga panalangin kasama namin at sa kanilang pagbabahagi sa mga pangangailangan ng aming pamilya. Bilang mga misyonero, na nakararanas ng mga panahon ng kalungkutan, pagkatakot, karamdaman, at pakikipaglabang espirituwal,at ang pighati ng isang alibugha, kami ay napuspos ng Espiritu ng kapayapaan, paghilom, tagumpay, at pagliligtas sa bawat krisis sa tulong ng aming espirituwal na pamilya. Ang leksiyong ito ay hindi lamang mabuting teolohiya; ito ay praktikal na katotohanan para sa mga hamon ng buhay. Mayroong espesyal na kapangyarihan na ibinubuhos ng Banal na Espiritu kapag sama-samang nagkakaisa ang iglesya.
Maraming Kristiyano ang mahihina at madaling matukso/maramdamin dahil sa kanilang makasariling pagnanais ng pag-iisa!
► Bakit kung minsan ay napakahirap sa mga Kristiyano na maging transparent tungkol sa kanilang mga pangangailangan, kanilang mga pagkukulang at mga espirituwal na pagkakamali, kanilang mga kabigatan/dinadala? Paano tayo makalilikha ng isang mas ligtas na kapaligiran upang maging matapat ang isat-isa?
Sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, Tayo ay Sama-samang Binibigyang-Kapangyarihan na Maging Mga Saksi ni Kristo
Sinabi ni Jesus sa kanyang sama-samang mga disipulo, “Subali’t tatanggap kayo ng kapangyarihan kapag dumating sa inyo ang Banal na Espiritu; at kayo ay magiging mga saksi ko.”[3] Sa palagay ko kapag binabasa natin ito, kung minsan iniisip natin ang ating sarili bilang indibidwal na binibigyang-kapangyarihan upang maging saksi; subali’t nagsasalita si Jesus sa kanyang iglesya nang sama-sama. Sila ay sama-samang magiging kanyang mga saksi na puspos ng Espiritu.
|
Ano ang Mangyayari Kung Hindi Natin Nararanasan ang Banal na Espiritu sa Pamamagitan ng Ating Lokal na Iglesya? |
|---|
|
Mahalaga na kilalanin natin na hindi lahat ng lokal na iglesya ay bahagi ng pandaigdigang espirituwal na iglesya ni Cristo. May mga kongregasyon ng mga mananampalataya kung saan umiiral ang kamatayan at pagkabulok at kung saan lumisan na ang Banal na Espiritu. Hindi ito ang mga kongregasyon na dapat nating pakibahaginan. Kilalanin din natin na hindi bawat tunay na iglesya ay pantay-pantay ang katapatan sa Kasulatan, pantay-pantay ang pabor ng Dios, pantay-pantay na puspos ng Banal na Espiritu, o pantay-pantay na tinubos. Dapat nating maging mithiin sa panalangin ang pagkaalam kung aling pagsasamahan ang magiging pinakamalusog para sa kanya at sa kanilang mga pamilya, at pagkatapos ay piliin na maging isang aktibong kalahok nito maging sa mabuti o masamang mga araw man! Ito ang panahon na ang bunga ng Espiritu ay nabubuo sa atin. Ito ang panahon na si Cristo ay nabubuo sa atin. Maraming taon na ang nakalilipas sa Pilipinas, ang itinuturo ng isa sa aming tagapagsalita sa Bible camp ay napaka-disappointing! Ang kanyang pagtuturo ay nakakainip, walang buhay at walang kapangyarihan. Ang ilan sa mga dumalo ay nagsimulang magbulong-bulungan at magreklamo. Subali’t hindi ko kailanman malilimutan ang sinabi ng isa sa aming mga pastor sa isang grupo namin na nagkakatipon pagkatapos ng isa sa mga gawain: “Ngayon, mga kapatid,” sinabi niya nang may kapakumbabaan. “ito ang ating pagkakataon upang lumago nang mas malalim sa pag-ibig!” Iyon ay isang simple, ngunit makapangyarihang salita mula sa Dios sa aking puso. Dahil habang tayo ay sumasamba, nakikisama, at naglilingkod kasama ng iba pang mananampalataya, laging mayroong mga bagay na magiging dahilan upang mabigo tayo. Ginagamit ng Dios ang mga ganitong pagkakataon ng kawalang ginhawa upang tayo ay patatagin sa pag-ibig. Madalas nakikita ko na kapag ang mga Kristiyano ay nagsasalita tungkol sa kanilang iglesya at sinasabing ito ay patay, maaaring nagsasalita sila ng higit tungkol sa kanilang sariling kamatayan! Ito ay nagpaalala sa akin tungkol sa isang pastor na narinig ko. Labis siyang pinanghinaan ng loob tungkol sa kanyang kongregasyon kaya’t ipinabatid niya sa dyaryo na sa susunod na Linggo magdaraos siya ng isang libing para sa kanyang iglesya! Dahil sa pagiging mausisa maraming tao na maraming taon nang hindi dumadalo ang dumating sa Linggo nang umagang iyon. Punong-puno ang gusali! At sa harap naroon ang isang ataul! Sinimulan ng pastor ang gawain sa pamamagitan ng pagbubukas ng takip ng ataul at inanyayahan ang lahat ng tao upang pumila upang matingnan ang patay na iglesya. Nang tingnan nila ang loob ng ataul, nakatingin sila sa isang salamin at nakita ang kanilang mga sarili! |
Mayroong espesyal na pagbuhos sa mga mananampalataya upang magbigay ng patotoo para sa ebanghelyo kapag sama-sama nila itong ginagawa. Iniisip ko ang isang kongregasyon sa Mexico na sa pamamagitan ng maraming pagpaplano, pananalangin, at pagkakaloob, ay lumabas sa mga komunidad na pagano sa paligid ng kanilang bayan upang ibahagi ang ebanghelyo at maglingkod sa mahihirap. Ginagawa nila ito sa lingguhan at buwanang pagkakataon. Ginagantimpalaan sila ng Dios ng mga kaluluwa. Naaalala ko rin ang isang grupo ng mga kabataan sa Mexico na nagtutungo sa mga ospital sa pangalan ni Jesus at nagkakaloob ng pagkain sa mahihirap na hindi matulungan ng kanilang mga pamilya. Sama-sama, sila ang kanyang mga patotoo at ang Banal na Espiritu ay ibinubuhos sa kanilang ministeryo.
Ang tungkulin ng pag-win ng mga kaluluwa ay hindi nakasalalay sa isang Kristiyano lamang, kundi sa atin nang sama-sama. Ang bawat isa sa atin ay may kaloob, isang patotoo, at pagkatawag. Ang bawat isa sa atin ay may maliit na bahagi sa patotoo, ngunit walang isa man sa atin ang makagagawa ng lahat nang iyon. Ang ilan ay nagtatanim, at ang ilan ang nagdidilig. Ang Dios ang nagpapatubo at nagpapalaki dito.[4]
Sa unang leksiyon sa kursong ito, ibinahagi ko ang tungkol sa aming kapitbahay na naligtas. Isang taon na mula nang isulat kong ang patotoong iyon. Sa mga nakaraang buwan, nagpatuloy sa paglago sa kanilang pananampalataya sina Danny at Kim. Napansin ito ng lahat ng tao sa kanilang paligid, at sila ay kapwa napakalaking pagpapala sa aming lokal na fellowship.
Kamakailan lamang, ang isang kaibigang hindi mananampalataya ni Kim, si Hettie na kilala na niya sa loob ng apatnapung taon ay nagpahayag ng sinserong interes na maging matuwid sa harap ng Dios. Hindi pa personal na nakikilala ng kaibigang ito si Cristo, bagaman nagkaroon na siya ng maraming pagkakataon na marinig ang ebanghelyo sa loob ng maraming taon at nakaranas ng napakahirap na buhay. Kaya’t nagtungo kami nina Danny, Kim, at Becky upang makita siya. Nang tanungin ko si Hettie tungkol sa kanyang interes sa mga bagay na espirituwal, ito ang kanyang sinabi: “Hindi ako makapaniwala sa pagbabago na naganap kina Danny at Kim. Kilala ko na sila sa loob ng apatnapung taon at hindi talaga ako makapaniwala sa pagbabago sa kanilang buhay!” Sa huling bahagi ng aming pag-uusap, sinabi niya, “Nais kong maligtas.” Ibinahagi ko ang malinaw na ebanghelyo sa pag-aaral ng Biblia, at sama-sama naming inakay si Hettie kay Jesus. Kung ako ay nagtangkang magpatotoo kay Hettie, nang hiwalay sa patotoo nina Danny at Kim, hindi ako naniniwala na ganito kalaki ang magiging epekto. Kami ay sama-samang mga saksi para kay Kristo.
Maraming mananampalataya ang nasaktan na ng kanilang lokal na iglesya, kung kaya’t iniwan na nila ang lahat ng lokal na iglesya; nagpasya na sila na hindi mananatili sa alinman sa mga ito. Maaari silang dumalo paminsan-minsan, subali’t hindi sila aktibong nakikilahok. Ang madalas na hindi nila napagtatanto ay kapag iniwan nila ang komunidad na Kristiyano, iniiwan din nila ang paraan ng Dios upang sila ay pabanalin.
Kung nais mong maging mas nagkakaloob ng iyong sarili, mas maligaya, mas mapagmahal, higit na mas katulad ng Panginoon, dapat kang regular na makipag-ugnayan sa pamilyang ito. Sa pamamagitan ng pagsamba kasama ng kongregasyon, pagdidisipulo sa maliliit na grupo, at sa one-on-one accountability/pananagutan, unti-unti tayong mababago at magiging kung ano ang orihinal na pagkalikha sa atin. Ngunit anong uri ng iglesya/espirituwal na komunidad ang pinaka-nakakapagpabago?
Ang Mga Nakapagpapabagong mga Komunidad ay Handang Tumanggap[1]
Ang iglesya sa Bagong Tipan ay nagkaroon ng kanyang mga pag-aaway. Sa Roma 1, halimbawa, nagkaroon ng mga pagkakahati-hati sa mga iglesya sa Roma patungkol sa “mga bagay na kaduda-duda” “kaduda-dudang mga bagay.”[2]Ang ilan ay hindi nakakakain ng karne na di wasto sa batas ng Judio, samantalang ang iba ay maaari; ang iba ay may obligasyon na gawin ang mga pistang araw ng mga Judio, samantalang ang iba ay hindi. Ang dalawang panig ay humuhusga sa isa’t-isa,[3]isang salitang 3 beses na ginamit ni Pablo sa 13 talata. Naging pilit ang pagsamba at pagsasama-sama. Labis na nagiging hindi kanais-nais ang mga bagay-bagay! Ano ang solusyon?
Ang solusyon, ayon kay Pablo, ay “tanggapin” ang isa’t-isa. Ginamit rin niya ang salitang ito ng tatlong beses. Ang malalakas sa espirituwal ay dapat “Tanggapin ang sinumang mahina sa pananampalataya, ngunit hindi upang pagtalunan ang mga kaduda-dudang mga bagay.”[4]Dapat din tanggapin ng mahihina ang sinumang kumakain, “dahil tinanggap siya ng Dios”.[5] At, para sa buong iglesya, sinabi ni Pablo, na nasasaisip ang parehong suliranin, “Samakatuwid, tanggapin ninyo ang isa’t-isa, kung paanong tinanggap tayo ni Cristo, sa ikaluluwalhati ng Dios.”[6]
Ang iglesya ni Jesus ay mananatiling maraming pagkakaiba-iba, at mayroong malaking tukso na husgahan ang isa’t-isa patungkol sa iba-ibang paksang usapin. Ang tugon ay ang tanggapin ang isa’t-isa. Hindi ito nangangahulugan na dapat tayong magkompromiso sa malinaw na doktrina at paraan ng pamumuhay na salungat sa Biblia; kundi ito ay nangangahulugan na lilikha tayo ng kapaligiran kung saan ang mga tunay na mananampalataya, na nagpapakita ng bunga ng kaligtasan, ay makararamdaman ng malugod na pagtanggap/welcome.[7]
Sinabi ni John Wesley, sa isang tanyag na sermon,ito ay isang hindi maiiwasang bunga ng kahinaan ng tao at kakulangan sa pang-unawa na lahat tayo ay nagtataglay ng magkakaibang opinyon sa mga espirituwal na mga usapin. Sinabi niya na ang pangunahing katanungan na dapat nating pagtuunan ng pansin ay ito: “Ang iyo bang puso ay matuwid, kung paanong ang puso ko ay kaayon sa puso mo. Kung magkagayun, iabot mo sa akin ang iyong kamay.”[8]
Ang isang tumatanggap na komunidad ay hindi komunidad na kumukunsinti sa lahat ng bagay, hindi sumasang-ayon sa lahat ng bagay, hindi pare-pareho ang mga kaloob, subali’t binubuklod ng katotohanan at pag-ibig.
► Ano ang ilan sa mga hamon ng pagiging handang tumanggap ng isang tao o bilang kongregasyon na handang tumanggap?
Nakapagpapatibay ang mga Nakapagpapabagong Komunidad
Malinaw na napag-aralan ang prinsipyong ito sa ating kurso, Ang Doktrina at Gawain ng Iglesya, kaya’t hindi ko na ito tatalakayin dito. Paano nakapagpapatibay ang mga ito?
Sa pamamagitan ng pangangaral at pagtuturong ayon sa Biblia
Sa pamamagitan ng pagsambang nagtataas/exalting sa Dios
Sa pamamagitan ng dalisay/genuine na pagsasama/fellowship
Sa pamamagitan ng mga gawain ng paglilingkod
Ang Mga Nakapagpapabagong Komunidad ay Nagbibigay ng Pananagutan[9]
Ito ay isa sa pinakamahalagang dahilan kung bakit dapat tayong makibahagi sa komunidad na Kristiyano. Lahat tayo ay nangangailangan ng pananagutan/accountability –lalung lalo na ang mga pastor at tagapangunang Kristiyano. Ang pananagutan ay nagtatatag ng karakter. Dahil sa pananagutan, ako ay nagiging mas natatakot sa kasalanan. Ang pagkaalam na may mga taong nakadepende sa akin at umaasa ng makaDios na pag-uugali mula sa akin ay nakapagpapabanal.
Kung minsan ang pananagutan ay nagdadala ng komprontasyon. Ito rin ay nagpapaging-banal at dapat na tanggapin nang maluwag sa loob. Lahat tayo ay nangangailangan ng ibang tao upang mangusap sa ating mga buhay. Kailangan nating buksan ang ating sarili sa iba at ipahayag ang ating mga pagkukulang. Kinakailangan natin ng transparency o bukas sa pagsusuri ng iba. Kung walang accountability/pananagutan, tayo ay nagiging pabaya sa ating espirituwal na buhay.
Kailangan ni Haring David ng isang Natan upang harapin siya ng katotohanan.[10] Kinailangan ni Pedro si Pablo upang sawayin siya sa paglayo mula sa ebanghelyo.[11]
Dapat nating papanagutin ang isa’t-isa sa Kasulatan.
Laging ang Kasulatan!
Tayo ay inaatasang “magpaalalahanan.”
Ang pagpapaalala ay pagbibigay ng babala, bantayan, at magbigay ng paggabay sa isa’t-isa. Sinasabi ni Pablo na “paalalahanan ang sinumang matigas ang ulo”[12]
“Gayunman ay huwag mo siyang ituring na kaaway kundi paalalahanan siya bilang isang kapatid.”[13]
Dapat tayong mag-alok ng disiplina. Ang pagdidisiplina ay may kalakip na pagsaway, pagtutuwid, at pagtuturo.
Ang mga unang Methodista ay ilan sa mga pinakadalisay na halimbawa ng epekto ng pananagutan. Sa ilalim ng pagpahid/pagkasi ng Banal na Espiritu, ang kanilang tagapanguna, si John Wesley, ay nangaral sa mga grupo ng (karaniwan) pinahirapan, napabayaang kalalakihan at kababaihan sa mga slum areas, sa mga kanto sa lansangan, at mga bukirin sa buong England, at nasaksihan niya ang hindi mabilang na pagbabalik-loob kay Cristo. Subalit nakita rin niya ang malaking bilang ng mga nagbalik-loob na ito na naging matitibay, puspos ng Espiritung mga disipulo. Ano ang naging susi? Ipinilit niya na ang mga nagbalik-loob ay maging matapat sa isa’t-isa.
Si Wesley... pinilit niya na ang mga tao ay makilahok sa mga tinatawag nilang mga lipunan, na ginagamit halos katulad ng (sa tahanan) iglesy. Dagdag pa rito, sila ay tinagubilinan na sumali sa isang klase na binubuo ng labindalawang katao at isang tagapanguna sa klase. Sa bawat linggo sila ay hinahamon na dumating sa pagpupulong sa klase upang matapat na ibahagi sa iba ang tungkol sa kalagayan ng kanilang kaluluwa. Napakaseryoso ni Wesley tungkol dito na kapag ang mga tao ay hindi nakadalo sa pagpupulong sa klase, hindi sila pahihintulutang makabalik malibang pumunta muna sila sa kanya at ibahagi kung bakit sila lumiban.
Bagaman ang ginagawa ni Welsey ay maaaring hindi gumana [sa lahat ng lugar] sa kasalukuyang mundo, ito ay tiyak na gumana sa panahong iyon. Nag-alok siya sa mga tao ng pamamaraan(kaya sila tinawag na “Methodista”) upang lumago sa pagiging kawangis ni Cristo sa konteksto ng mga komunidad.[14]
Ang disenyo ng pagpupulong na pag-aaral ay sundin ang utos na iyon ng Dios, “Ipahayag ninyo ang inyong pagkukulang sa isa’t-isa, at ipanalangin ang isa’t-isa, upang kayo ay gumaling.” Narito ang mga tanong na karaniwang itinatanong sa mga pagpupulong na iyon:
Anong mga nalalamang kasalanan ang nagawa ninyo mula nang huli tayong magpulong?
Ano ang mga tukso na nakaharap na ninyo?
Paano kayo nailigtas?
Ano ang iyong inisip, sinabi o ginawa, na [hindi ka sigurado] isang kasalanan o hindi?
Talagang mahihirap na mga tanong –subalit isipin kung gaano nakakabago ang mga ganitong uri ng mga tanong para sa atin kung magkakaroon tayo ng ganito karaming interes sa isa’t-isa. Mayroong halos nakakagimbal na nakasulat sa journal ni John Wesley, kung saan sinabi niya na nalulumbay siya na nabigo siyang mag-organisa ng mga lipunan at pagpupulong na pag-aaral sa isang bayan kung saan siya ay nangaral. Maraming kaluluwa ang nagbalik-loob kay Cristo doon, subalit nang siya’y bumalik doon pagkalipas ng dalawampung taon kaunti lamang ang naging bunga. Ito ang kanyang sinabi:
Ako ay mas kumbinsido ngayon kaysa kailanman na ang pangangaral katulad ng isang apostol, nang hindi pinagsasama-sama ang mga nagising na at sanayin sila sa mga daan ng Dios, ay pagkakaroon lamang ng mga anak para sa mamamatay-tao. Gaano karami na bang pangangaral ang nagawa. Ngunit walang regular na lipunan, walang disiplina, walang kaayusan o koneksiyon. At ang ibinunga nito ay siyam sa bawat sampu ng mga minsan nang nagising ang ngayon ay mas higit pang natutulog kaysa bago sila nagising.[15]
Kung walang accountability/pananagutan sa iba, ang mga iglesya ay nagiging emosyonal at superficial/mababaw. Naniniwala si Dr. Dennis Kinlaw na ikaw at ako ay nangangailangan ng accountability ng ibang mananampalataya upang makita ang pangangailanan ng ating sariling puo. Isinulat niya:
Kumbinsido ako na ang pangangailangang ito para sa Kristiyanong komunidad ang siyang motibo sa likod ng paglikha ni Wesley ng mga klase sa unang Methodista. Hindi ko iniisip na mayroon pang mas mabuting paraan upang ituro ang kabanalan. Ang [mga] pagtitipong ito ay naghahayag ng pagiging maramdamin ng bawat isa at ang kalupitan ng mga pagnanasa para sa sarili.
Karaniwan nating itinuturing ang iglesya bilang isang lugar para sa mabubuting halimbawa, para sa pagtatatag sa isa’t-isa sa pananampalataya; ngunit ito rin ay lugar para sa pagsasaliksik at paghahayag ng sarili. Ito ay isang masakit na bahagi ng buhay sa iglesya na hindi natin gusto; subali’t ito ay isang kinakailangang bahagi. Sa banyagang lugar ng pagmimisyon, ang pinakamalaking suliranin ng isang manggagawang pangmisyon ay hindi ang tungkol sa mga hindi-ligtas, kundi sa ibang mga misyonero. Iyon ay bahagi ng banal na plano [ang pagpapabanal sa atin].[16]
Praktikal na Payo Para sa Pakikilahok sa Komunidad
Gawin mong kapaki-pakinabang ang iyong sarili sa iba at sa iyong pamilya sa iglesya.
Palagi mong ipaalala sa iyong sarili kung gaano kahalaga ang iglesya para kay Cristo at tratuhin ang isa’t-isa bilang pamilya.
Italaga ang iyong sarili sa kahit anong anyo ng ministeryo sa katawan, maging ito’y ang paglilinis ng palikuran!
Italaga ang iyong sarili nararamdaman mo man ito o hindi.
Maging mahina ka para sa iba. Kung ikaw ay isang lalaki, makipagkaibigan ka at managot sa isa pang makaDios na lalaki. Kung ikaw ay isang babae, ibahagi mo ang iyong buhay sa isa pang babaeng makaDios.
Kapag nagtitipon kayo para sa pagsamba, gawin ninyo ito ng buong puso.
Kapag may mga suliranin sa inyong lokal na iglesya, maging bahagi ka ng solusyon.
(1) Kumuha ng pagsusulit batay sa materyal mula sa leksiyong ito.
(2) Magsama-sama kayo ng iyong mga kamag-aaral at magpatotoo sa mga espirituwal na leksiyon na inyong natanggap mula sa kurso at ang mga paraan na ginamit ng Dios ang mga leksiyong ito sa inyong buhay.
(1) Sino ang Iglesya?
(2) Ayon sa Efeso 4:11-13, Ano ang layunin na ibinigay sa Iglesya ang mga espirituwal na mga kaloob?
(3) Mga ilang beses ginamit sa Bagong Tipan ang phrase na “sa isa’t-isa?
(4) Tapusin ang pangungusap: “Dumating si Jesus upang bumuo ng _______________ , hindi lamang upang sagipin ang ________________________.”
(5) Magbigay ng tatlong salitang palarawan na ginamit para ilarawan ang iglesya.
(6) Ano ang tatlong katangian ng nakakapagpabagong komunidad ang itinuro sa leksiyong ito?
(7) Ano ang apat na tanong na madalas itinatanong sa pagmimiting ng klaseng Methodista sa ilalim ni John Wesley?
SGC exists to equip rising Christian leaders around the world by providing free, high-quality theological resources. We gladly grant permission for you to print and distribute our courses under these simple guidelines:
All materials remain the copyrighted property of Shepherds Global Classroom. We simply ask that you honor the integrity of the content and mission.
Questions? Reach out to us anytime at info@shepherdsglobal.org
Total
$21.99By submitting your contact info, you agree to receive occasional email updates about this ministry.
Download audio files for offline listening
No audio files are available for this course yet.
Check back soon or visit our audio courses page.
Share this free course with others