Lesson 4: Paghubog ng Espirituwal na Buhay sa Pamamagitan ng Pagkilala sa Dios
30 min read
by Tim Keep
Leksiyon 3 Balik Aral
Paalala sa tagapanguna sa klase: Talakayin ang mga pangunahing punto ng Leksiyon 3. Tanungin ang mga mag-aaral kung sino ang may nais na ibahagi ang kanilang nakasulat na mga personal na panalangin mula sa Leksiyon 3. Suriin din ang tatlong aspeto ng paglalakbay sa Paghubog ng Espirituwal na buhay na tinalakay sa Leksiyon 2.
Sa pagtatapos ng leksiyong ito, ang mag-aaral ay dapat na:
(1) Malaman kung saan maghahanap upang matuklasan kung sino ang Dios.
(2) Maunawaan ang tatlong mahalagang paraan ng pagpapahayag ng Dios sa kanyang sarili.
(3) Maunawaan kung gaano kahalaga ang pagkakilala sa Dios sa Paghubog ng Espirituwal na buhay
(4) Makayanang maipahayag ang ilan sa mga pangunahing katangian ng Dios.
(5) Maunawaan kung paano perpektong ipinahayag ni Jesus ang katangian ng Dios.
Mga Larawan ng Buhay
Simula nang magkasala ang tao noong ito ay nasa Hardin pa, natukso siyang paniwalaan ang pinakamasamang bagay tungkol sa Dios. Ngunit hindi tayo maaaring pilitin mahalin o gayahin ang isang Dios na hindinatin pinagkakatiwalaan. Nahihirapan ang ilang sinserong mananampalataya na pagsikapan na maging katulad ni Kristo sapagkat hindi nila nakikita kay Jesus ang kagandahang nakikita ng iba.
Mga Biktima ng Kalamidad
Kapag ang mga natural na kalamidad, gawa ng mga pananakot, opaglaganap ngmalalang sakitay tumama sa isang bansa, may ilang Espirituwal na tagapanguna angnag-aangkin na ito ang pagbubuhos ng poot at paghatol ng Dios. Maraming mga Kristiyanoang nakikipaglaban sa ganitong pananaw sa Dios, lalo na’t maraming mananampalataya ang nagdurusa kasama ang mga hindi mananampalataya.
Mga Mag-aaral sa isang Bible School
May ilang mag-aaral sa Bible school ang lingguhang nagtitipon kasama ang kanilang pangulo sa kolehiyo para sa pagdidisipulo ng isang maliit na grupo. Sa isa sa kanilang pagpupulong, tinanong ng kanilang pangulo at tagapagturo ang mga tanong na ito sa mga mag-aaral: “Kung si Jesus ay papasok ngayon sa pintong iyan at titingnan ka ng diretso sa mata, ano kaya, sa iyong paniniwala, ang magiging ekspresyon ng kanyang mukha?” Nagulat ang mga mag-aaral sa tanong, ngunit ito ay nagpaisip sa kanila. Isang pares sa kanila ang naniniwala na titingnan sila ni Jesus nang may pagkabigo. Ang ekspresyon ng kanyang mukha ay magsasabing, “Maaari mong gawin ang mas mabuti kaysa dyan.” Isang mag-aaral naman ang naniniwala na si Jesus ay magmumukhang galit. May isang batang babae ang nagsimulang umiyak ay naging emosyonal kaya hindi siya nakasagot. Isang mag-aaral lamang ang naniniwala na kung si Jesus ay maglalakad papasok mula sa pinto ay papasok itong nakangiti!
Isang Asawang Babae na Bata pa at Ina
Ang pagsisikap na turuan at gabayan si Trisha, isang bagong Kristiyano, tungo sa isang matatag at maraming natutupad na buhay Kristiyano ay hindi magiging madali.Lumaki siya sa isang mapang-abuso, sirang tahanan at may napakakaunting positibong halimbawa. Sa huling bahagi ng kanyang pagiging kabataan, nakipag-ugnayan siya sa isang pangkat ng mga nagsasabing sila ay mga Kristiyano. Ipinaramdam nila sa kanya na siya ay kabilang sa pamilya ngunit ito rin ang nag“brain-washed” sa kanya sa isang matindi ang pagkakabaluktot atwalang biyayang uri ng “Kristiyanismo.”
Sa ilalim ng impluwensyang ito ay hindi kailanman naramdaman ni Trisha na kaya nyang maabot ang mga kailangan ng pagiging isang Kristiyano. Sa halip na maranasan ang kagalakan ng kaligtasan, patuloy siyang nakikipaglaban sa pag-aalinlangan, kawalan ng pag-asa at kahihiyan.Siya ay litong-lito sa buhay Espirituwal. Hindi niya alam kung paano paghiwalayin ang mahalagang doktrina ng Biblia mula sa mga hindi mahahalagang doktrina ng kanyang simbahan. Nang hindi na niya makayanan ang bigat, humiwalay si Trisha sa simbahang iyon at nagsimulang dumalo sa simbahan na aking pinangangalagaan. Isang araw ng Linggo, siya ay tumayo at nagpatotoo sa isang napapagod at namimighating tinig,at nagtapos sa kanyang “patotoo” sa napakalungkot ngunit nakakapagmulat na pahayag: “Sinusubukan ko lang ang lahat ng aking makakaya upang manatiling ligtas!”Para kay Trisha ang Dios ay napakaraming hinihingi; ang paglilingkod sa kanya ay isang pasanin, at imposible siyang bigyang kaluguran.
Nang sinubukan kong turuan si Trisha sa katotohanan ng ebanghelyo at sa doktrina ng biyaya ng Dios, parang tinitingnan niya ako nang may pagdududa. Sa palagay ko ay nag-iisip siya kung isa ako sa mga “makamundo” pastor na binigyang babala sa kanya ng unang iglesya na kanyang kinabilangan.Marahil ay nag-aalok ako sa kanya ng isang mababang bersyon ng buhay Kristiyano. Siguro ang pagiging isang Kristiyano ay sinadyang maging sobrang hirap, at sinusubukan ko lamang na gawin itong madali!
Isang Mananampalataya na Dumaranas ng Sakit
Ang asawa ng isang napakahirap na magsasaka na nakilala ko sa isang maliit na nayon sa Asya ay biglang dinapuan ng di malamang uri ng pagsusugat sa buong katawan niya.Nagdusa siya ng hindi maipaliwanag na sakit sa loob ng maraming linggo. Wala sa mga remedyong inireseta ng kanyang doktor ang naging epektibo. Isang araw, may isang tagapagturo ng ebanghelyo ng kasaganahan ang nagsagawa ng isang krusada malapit sa kanyang nayon,at dinala siya ng kanyang pamilya upang makita siya nito. Ipinapahayag niya na dahil ang karamdaman at pagdurusa ay resulta ng kasalanan, palaging kalooban ng Dios na pagalingin ang mga tao sa kanilang pisikal na karamdaman. Ipinapangaral niya na ang pisikal na pagpapagaling ay isang biyaya na dapat angkinin ng bawat mananampalataya, kahit na sapilitang hingin, bilang kanilang nararapat na mana! Ipinapangaral din niya na ang mga may sapat na pananampalataya, at magbibigay din ng “binhing” kaloob, sila ay makakatanggap ng agarang paggaling. Dahil sa kanilang desperasyon/kawalang-pag-asa, ibinigay ng mahirap na babaeng ito ang lahat ng makakayanan niya at “naniwala” ng lubusan para sa kagalingan at mataimtim na nagdasal. Ngunit hindi pa rin siya gumaling. Bakit? Hindi niya alam kung bakit. Marahil ay hindi siya karapat-dapat sa paningin ng Dios. Ang kanyang pananampalataya ay nasugatan. Pakiramdam niya ay inabandona siya ng Dios.
Isang Matandang Kristiyano
May kakilala akong isang matandang Kristiyano na pinahihirapan ng mga saloobin tungkol sa Dios. Naniniwala siya na ang mga masasamang bagay na nangyayari sa kanya ay resulta ng parusa ng Dios sa pagkabigo na sundin ang lahat ng nasasaloob na pag-uutos (pagnanais na ipinaparanas) sa kanya.Minsan naramdaman niyang sinasabi sa kanya ng Dios na dumalo sa isang gawain ng pagbabalik-loob; ngunit dahil hindi maganda ang pakiramdam nilang mag-asawa, pinili nilang hindi pumunta. Nang siya ay nahulog at nabali ang kanyang braso makalipas ang ilang araw, sigurado siyang ito ay parusa mula sa Dios para sa kanilang “pagsuway.” Ang mahalagang buhay ng ginang na ito ay ipinamuhay nang may matinding pagkabalisa.
Isang magsasaka sa Asya
Kamakailan ay sinabi sa akin ang tungkol sa isang Kristiyanong magsasaka sa Pilipinas na inamin ang kanyang galit at pagkalito sa kanyang kinabibilangang iglesya. “Hindi ko maintindihan!” ang sabi niya. “Bakit ang aking tanim na sibuyas ay nasira at kumunti, samantalang ang aking kapitbahay na hindi mananampalatayaay nagkaroon ng malusog at masaganang-ani? Parang hindi patas ang Dios! Dahil ako ay isang Kristiyano, hindi ba dapat ay mas pinasasagana ng Dios ang aking tanim kaysa sa tanim ng aking kapitbahay?”
Isang Grupo ng Mga Kabataan sa Mexico
May isang grupo ng mga kabataan sa Mexico na pinagbawalang maglaro sa loob ng nasasakupan ng simbahan.“Ito ay sagradong lugar!” sila ay madalas na pinapagalitan, “at kung kayo ay maglalaro, dapat ninyo itong gawin ng malayo satahanan ng Dios!” Ang mga pinuno ng kongregasyong ito, pati na rin ang mga kabataan, ay nalilito tungkol sa Espirituwal na buhay. Marami sa mga kabataan na lumaki sa lokal na iglesyang ito ay tumalikod sa Dios.
►Ano ang tila pinaniniwalaan ng mga indibidwal sa kwentong ito tungkol sa Dios? Paano hinuhubog ng kanilang pananaw sa Dios ang kanilang mga buhay?
Mahalaga kung ano ang Ating Pinaniniwalaan Tungkol sa Dios
Walang pag-aalinlangan, ang nag-iisang pinakadakilang impluwensya sa Paghubog ng ating Espirituwal na buhay ay ang ating pagtingin sa Dios. Ang iyong pagtingin sa Dios ay lubusang nakakaapekto sa iyong buhay ngayon. Ito ay nakakaapekto sa iyong pagtingin sa iyong sarili. Ito ay nakakaapekto sa iyong relasyon sa ibang tao. Ito ay nakakaapekto sa iyong relasyon sa Dios. Basahing mabuti ang mga salitang ito mula kay A.W. Tozer:
Walang nakakabaluktot at nakakasira ng kaluluwa nang higit sa isang mababa o hindi karapat-dapat na konsepto tungkol sa Dios. Ang ilang tiyak na sekta, katulad ng mga Pariseo, habang pinanghahawakan nila na ang Dios ay mahigpit at mabagsik, nakayanan nila na panatilihin ang isang mataas na antas ng panlabas na moralidad; ngunit ang kanilang katuwiran ay panlabas lamang.... Ang Dios ng mga Pariseo ay hindi isang Dios na madaling pakisamahan, kaya’t ang kanyang relihiyon ay naging isang mabagsik at mahirap at walang pagmamahal....
Gaano kabuti kung malalaman natin na ang Dios ay madaling pakisamahan! Naaalala niya kung saan niya tayo iwinangis at alam niya na tayo ay mula sa alabok. Kung minsan ay pinarurusahan niya tayo,totoo ito, ngunit kahit na magkagayon ito ay ginagawa niya ng may ngiti‒ang may pagmamalaki, malambing na ngiti ng isang Ama na may nag-uumapaw na kagalakan sa isang hindi perpektong anak ngunit may pangakong anak na dumarating araw-araw upang maging kamukhang Isang anak na nararapat sa pagiging anak ng Ama.[1]
Mahalaga ang paniniwala natin tungkol sa Dios.
Iniisip ng mga kaibigan ni Job na palaging pinagpapala ng Dios ang matuwid at pinaparusahan naman ang mga makasalanan, kaya’t hinatulan nila at itinuring nilang masama ang kanilang kaibigan na nagdurusa.
Inakala ni Haring Saul na ang Dios ay higit na mabibigyang lugod sa mga handog kaysa sa pagsunod, kaya’t nawala sa kanya ang kaharian.
Inisip ni Haring David na ang mga batas ng Dios ay mga panukala lamang, kaya’t nagalit siya sa Dios dahil sa pagpatay kay Uzza.
Iniisip ng mga Pariseo na ang kabanalan sa harap ng Dios ay maaaring makamtan sa pamamagitan ng higit na pagsunod sa mga kautusan, kaya't sila ay naging mas konserbatibo at mas nagtuon ng pansin sa mga paghahandog, ngunit lalo rin silang nagingmas mapagmataassa espirituwal at mapang-abuso.
Ang mga karaniwang tao noong panahon ni Jesus ay naniniwala na ang kalamidad at karamdaman ay palaging isang tanda ng sumpa ng Dios sa personal na kasalanan o kasalanan ng pamilya, kaya isinisisi nila ang mga depekto ng kapanganakan at pagbagsak ng mga tore sa mga biktima.[2]
Maging ang mga alagad ay naniniwala na nakaukol ang pansin ni Jesus sa samahan, kaya’t kinokondena nila ang mga makadios na manggagawa na hindi bahagi ng kanilang grupo.
Kaya mahalaga talaga kung ano ang pinaniniwalaan natin tungkol sa Dios!
Ang katanungang nais nating pagtulungang sagutin sa leksiyong ito ay: Paano tayo magsisimulang magkaroon ng malusog na pananaw sa Dios? Paano tayo magkakaroon ng tainga na maririnig nang mas malinaw ang Dios at mga mata na makikita Siyanang mas malinaw?
Ang Dios ay hindi nagbabago magpakailanman, ngunit ang ating pagtingin ay napipinsala ng mga ulap:mga ulap ng tradisyon,mga ulap ng maling konsepto,mga ulap ng kasalanan,mga ulap ng pagmamalaki, at kung minsan ay mga ulap ng espirituwal na pang-aabuso.Nabubuo natin sa ating isipan ang imahen ng Dios sa pamamagitan ng mga impormasyong nakukuha natin mula sa ating pamilya, ating iglesia, at sa nakapaligid na kultura. Syempre, Hindi lahat ng natutunan natin ay mali, ngunit ang ilan sa mga ito ay mali. Kaya, sa bawat buhay, ang imahen ng Dios ay malabo o natatakpan sa ilang paraan. Nakikita ito ng kaaway ng ating kaluluwa. Ang Paghubog ng Espirituwal na buhay ay makakatulong na alisin ang lahat ng humahadlang para matago ang totoong mukha ng Dios.
Noong bata pa ako, ang aking pamilya ay naninirahan sa magandang estado ng Washington sa loob ng ilang panahon. Ang isa sa mga paboritong alaala ko noong mga araw na iyon ay nangyari nang bumisita kami sa Mt. Rainier, isang napakagandang bundok na may 4,392 metrong lawak, na ang tuktok nito, sa isang maaliwalas na panahon, ay posibleng makita kahit na nasa isang daang milya ang layo!
Isang araw habang nagmamaneho ang aking ama kasama ng aking pamilya sa paanan ng bundokng Mount Rainier, nadismaya kami na hindi namin nakita ang rurok buong araw dahil natatakpan ito ng mga ulap. Naaalala ko ang aking pagtingin sa labas ng bintana sa likurang upuan ng aming brown station wagon na umaasa na masulyapan man lang ito, nang bigla na lamang, nawala ang mga ulap, at nakita ko na! at hindi ko maipaliwanag ang ganda nito! Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung anong salita ang maaaring maglarawan ng kamangha-manghang tanawin ng rurok ng bundok na parang nakalutang sa asul na kalangitan na may layong dalawang kilometro sa itaas namin.
Napakagandang araw sa buhay ng isang mananampalataya kapag nawala ang mga ulap at masulyapan niya ang kaluwalhatian ng Dios –ang Dios ay makikita nang napakaganda at perpekto mula sa buhay ni Jesus!
Sa leksiyong ito, matututunan natin na ang isang mas malinaw, malusog na pananaw sa Dios ay mabubuo sa pamamagitan ng maraming paraan:
Sa pamamagitan ng pagbubulay-bulay sa paghahayag ng Dios sa kanyang sarili, lalo na sa kanyang malikhaing pagkilos at sa Banal na Kasulatan. Ang pagsisikap na alisin ang laman ng ating isipan ng mga maling imahen ng Dios ay walang kabuluhan maliban kung patuloy nating pinupuno ang ating mga isipan ng katotohanan. Ito ang sariwang hangin ng katotohanan na nagtutulak palayo sa mga ulap.
Sa pamamagitan ng pagsasaayos ng ating mga kaisipan tungkol kay Jesus,dahil siya ang kabuuan ng pagpapahayag ng Dios ng kanyang sarili sa mga tao. Sanayin natin ang ating mga sarili na makita ang Dios sa pagkatao, sa katuruan, at nakapagliligtas na ginawa ni Jesus. Malalaman natin na ang pagtingin sa Dios sa mukha ni Jesus ay mahalaga sa isang mahusay na nabuong pagtingin sa Dios.
Sa pamamagitan ng personal na karanasan sa Dios. Malalaman natin na ang Dios ay madalas na nagpapakita ng higit pang kagandahan habang mas nakakasama natin siya sa ating paglakad. Sa buong kasaysayan ay pinili ng Dios na ipahayag ang katotohanan tungkol sa kanyang sarili sa konteksto ng relasyon.
Pagkatapos, matututunan nating bihagin araw-araw ang bawat pag-iisip at sumunod sa mgakatotohanang ipinapakita niya tungkol sa kanyang sarili.
Ang Isang Malusog na Pananaw sa Dios ay Nagsisimula sa Paghahayag ng Dios ng kanyang Sarili
Maraming paraan kung paano ipinapakita ng Dios ang kanyang sarili sa mga tao. Inihahayag niya ang kanyang sarili araw-araw sa mga magaganda at kamangha-manghang bagay sa mundo na kanyang nilikha at itinataguyod. Ipinahahayag ng kalangitan ang kanyang kaluwalhatian at ang gawa ng kanyang mga kamay.[1] Ang mga kamangha-manghang pagkakaiba-iba ng mga nilalang, ang mga kamangha-manghang bundok at dumadaloy na bukal, ang mga malalawak na karagatan at masasaganang kabundukan, ang mga kumplikadong disenyo at kamangha-manghang misteryo na nagpapakita ng kanyang karunungan,[2] kanyang kapangyarihan, at kanyang banal na katangian.[3] Ang sariling isipan ni Jesus ay tila naiintriga ng mundo na kanyang ginawa, at palagi niyang tinutukoy ito sa kanyang mga pagtuturo.[4] Ngunit sa leksiyong ito ay pagtutuunan natin ng pansin ang higit na perpektong paghahayag ng Dios.
Ipinahahayag ng Dios ang kanyang Sarili sa pamamagitan ng Kanyang Mga Katangian na makikita sa Banal na Kasulatan
Mahalaga para sa atin na pag-aralan ang mga paraan na pinili ng Dios upang ilarawan ang kanyang sarili. Tingnan ang mga sumusunod na talata bilang halimbawa:
At siya ay dumaan sa harap ni Moises, na nagsasabi, “Ako ang PANGINOON, ang PANGINOON, ang mahabagin at mabait na Dios, hindi madaling magalit, sagana sa pag-ibig at katapatan.”[5]
Ang talatang ito ay isa sa mga pinakanakakamanghang talata sa lahat ng Banal na Kasulatan na nakakapagbigay-sulyap sa maluwalhating katangian ng Dios. Sa talatang ito,si Moses, ay nakipag-usap sa Dios tulad ng isang kaibigan,[6]at hiniling niya na makita ang kaluwalhatian ng Dios!Ito ay isang matapang na kahilingan. Tumugon ang Dios ng,
Ipapamalas kong dumaan sa harapan mo ang lahat ng aking kabutihan, at sasabihin ko sa iyo ang aking pangalan, ang PANGINOON …. At ito ang mangyayari, habang ang aking kaluwalhatian ay dumadaan,ilalagay kita sa kabila ng bato, at tatakpan kita ng aking kamay habang ako ay dumadaan.[7]
Bagamat si Moises ay binigyan lamang ng isang sulyap sa likuran ng Dios, at hindi ang kanyang buong kaluwalhatian – ang kanyang mukha – sa araw na iyon,[8]subalit ang paghahayag ng Dios ay napakabanal at napakaganda at kahanga-hanga na nagdulot kay Moises na “iyuko ang kanyang ulo sa lupa at magpuri.” Sa halip na maging dahilan ito para tumakbo palayo si Moises, ang pagpapakita ng Dios ay naging dahilan upang makiusap sa Dios si Moises na samahan ang kanyang bayan, na “patawarin ang aming kasamaan at kasalanan,” at upang “kunin kami bilang iyong kayamanan.”[9] Nais ni Moises na maging pag-aari ng Dios na ito!
► Habang pinagbubulayan mo nang may kasamang pananalangin ang sumusunod na mga katangian ng Dios na ipinahayag kay Moises sa Bundok ng Sinai,tanungin mo ang iyong sarili kung: Ang Dios ba na nakita ni Moises ay ang Dios na kilala ko sa aking isipan at puso?
(1) PANGINOON – Yahweh
Nalaman ni Moises na ang Dios ay ang “PANGINOON, angPANGINOONG Dios.” Kapag ang PANGINOON ay nakasulat ng malalaking letra, ipinapahiwatig nito ang personal na pangalan para sa Dios ng Israel – Yahweh. Si Yahweh ay ang Dios na nagmamahal, kumakalinga, nagtatanggol, at dumidisiplina sa kanyang kayamanang minana.
(2) Mahabagin o Maawain
Ang unang katangian ni Yahwehna nakalista ay isa siyang “mahabaging” Dios, ito ay nangangahulugan na siya ay tunay na nagmamalasakit sa mga tao at hinahawakan sila ng maamong saloobin ng pag-aalala at awa.
(3) Puno ng kabaitan
Ikalawa, tinawag ni Yahweh ang kanyang sarili na “puno ng kabaitan,” ito ay nangangahulugang ginagawa Niya para sa mga tao ang hindi karapat-dapat para dito at kadalasan ay lumalagpas pa ito sa kung ano ang maaaring asahan upang ipagkaloob ang tunay na napakabuting pabor sa mga tao.
(4) Hindi madaling magalit
Pangatlo, inilarawan ni Yahwehang kanyang sarili na “hindi madaling magalit.” Ito ay nangangahulugan na mayroon siyang pasensya sa hindi gaanong kasiya-siyang pag-uugali at pagkukulang ng mga tao, kabilang ang kanilang pagkabigo sa moralidad. Si Yahweh ay ang Dios ng pangalawang pagkakataon!
(5) Pag-ibig
Ika-apat, idineklara ni Yahweh ang kanyang sarili na “sagana” (sa literal na salin, “dakila”) sa “pag-ibig.” Ang salitang Hebreo na hesed, dito sa (NIV) ay isinalin na pag-ibigo kabutihan sa(NKJV),ay isang salitang ginamit nang 175 beses sa Biblia patungkol sa Dios. Ipinapahayag nito ang kanyang di-nararapat sa atin, hindi matitinag na kabaitan at kabutihan. Ito ay isang salita na nagpapahayag ng tungkol sa mahabagin, walang kamatayan,mapagmahal na debosyon ng isang miyembro ng isang relasyong may pakikipagtipan para sa katipan. Gaano man maging pabagu-bago at hindi maaasahan ang mga tao sa kanilang relasyon sa Dios, ang Dios ay maaaring asahan sa bawat sitwasyon at sa lahat ng oras na magiging buong tapat sa kanyang mga pangako!
(6) Katotohanan
Ang kasunod, inilarawan niya ang kanyang sarili bilang “sagana sa katotohanan,” na nangangahulugan na anuman ang kanyang sabihin ay tama, maaasahan, at maaaring pagkatiwalaan hanggang sa lawak ng mga usapin tungkol sa buhay at kamatayan, omaging ang mga usapin tungkol sa walang hanggangbuhayat kamatayan.[10]
►Maglaan ng ilang oras upang pagnilayan ang mga katangiang ito ng Dios at tanungin ang iyong sarili kung ito ba ay katulad ng Dios na nasa iyong isipan. Ang Dios ba ay kamangha-mangha para sa iyokatulad ng ginawa niya kay Moises?
[10]D. K. Stuart, Exodus(Volume 2), (Nashville: Broadman & Holman Publishers, 2006), pp. 715–716
Ang isang Malusog na Pananaw tungkol sa Dios ay Nakabatay sa Ating Pagtingin kay Jesus bilang Buong Paghahayag ng Dios sa Kanyang Sarili
Si Jesus ay ang Kaluwalhatian ng Dios
► Basahin ang Juan 1:14-18 ng may atensyon.
Sa tekstong ito, sinasabi sa atin ni Juan na ang kaluwalhatian ng Dios na hindi nakita ni Moises, at hindi pinayagan na makita, ay nakita natin sa paghahayag kay Jesus:
At ang Salita [na “kasama ng Dios” at ang siya rin “ang Dios”[1]] ay nagkatawang- tao at namuhay na kasama natin, at nakita natin ang kanyang kaluwalhatian….At sa kapuspusan ng kanyang kagandahang loob na tinanggap nating lahat….Kailanma’y wala pang nakakakita sa Dios, ngunit ang Bugtong na Anak, na nasa piling ng Ama, ang natatanging Dios na pinakamamahal ng Ama, ang nagpakilala sa Ama.[2]
Sa mga talatang ito, itinuturo sa atin ni Juan ang kamangha-manghang katotohanan na si Jesus ay ang buong paghahayag ng kaluwalhatian ng Dios, at si Jesus ay ang kaisang-isang “pinakamamahal ng Ama,” o ang isa na kaisa at nakakakilala sa Ama nang may malapit na kaugnayan, ay bumaba sa ating mundo upang ipakilala siya sa atin; hindi lamang upang malaman natin ang tungkol sa kanya, kundi upang makilala natin siya nang mas malalim.
Ang pangalang Ama ay mas perpektong naihahayag sa mga Ebanghelyo. Inihayag ng Bagong Tipan na sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo, ang Dios ay naging ating Ama‒isang pangalan para sa Dios na ginamit lamang ng labing limang beses sa Lumang Tipan, ngunit 245 na beses sa Bagong Tipan! Bilang isang pangalan ng Dios, binigyang diin nito ang mapagmahal na pag-aalaga, pagkakaloob, pagdidisiplina, at paraan ng pagtukoy sa Dios sa ating panalangin. Sa pamamagitan ni Jesus, dinadala tayo nito sa pakikipag-ugnayan sa Dios Ama![3]
Kay Jesus, ibinibigay ng Dios ang higit pa sa kanyang pangalan at mga katangian. Ibinigay niya ang kanyang sarili!Ibinigay niya sa atin ang nakikita ng ating mga mata, naririnig ng ating tainga, at mahahawakan ng ating mga kamay.[4]
Ginawang Mas Malinaw ni Jesusna Makita ang Katangian ng Dios
“Sapagkat ang Dios ang nag-utos na magkaroon ng liwanag sa gitna ng kadiliman, siya ring nagbigay liwanag sa ating puso/isip upang ibigay ang liwanag ng kaalaman sa kaluwalhatian ng Dios na nahahayag sa mukha ni Kristo.”[5]
► Ano sa palagay mo ang kahulugan ng pahayag na ito, “ang kaluwalhatian ng Dios sa mukha ni Kristo Jesus”?
Ang kahulugan ng talatang ito ay nailawan ng Dios ang puso ng bawat tunay na mananampalataya na makita kay Jesus ang bawat katangian, bawat kadakilaan ng Dios. Sa pagkakatawang tao ni Jesus ay makikita ang kaluwalhatian ng Trinidad ng Dios.
Ang pagkaunawa na ang Dios ay ganap na nahayag kay Jesus ay magiging pinaka-mabisang impluwensya sa paghubog ng ating espirituwal na buhay kapag lubos natin itong naunawaaan. Bakit? Sapagkat sa mga oras ng pagkalito tungkol sa Dios at kanyang mga pamamaraan, matututunan nating bumaling sa buhay at katuruan ni Jesus para sa mga sagot.
Angganapna kapahayagan ng Dios ay wala sa kanyang nilikha, kanyang mga pangalan, o kanyang mga katangian. Ang mga ito ay magaganda at totoong mga paghahayag. Ngunit ang ganap na kapahayagan ng Dios ay nasa katauhan ng Panginoong Hesu-Kristo. Ang mga tunay na nakaunawa at tumanggap ng kamangha-manghang katotohanang ito ay mailalagay sa isang landas ng kalayaan, kagalingan, at pagiging buo.
Ang lahat-lahat sa Dios ay, iyon din si Jesus. Ang bawat katangian ng Dios ay katangian din ni Jesus. Ang bawat pangalan ng Dios ay pangalan ni Jesus. Kung sino si Jesus, gayun din ang Dios. Samakatuwid, ang anumang konsepto ng Dios sa ating kaisipan na hindi naaayon sa pagkatao, ginawang pagtubos, at katuruan ng ating Panginoong Hesu-Kristo, na itinuturo ng Salita ng Dios, ay isang huwad na Dios.
Ang Dios ng Lumang Tipan at ang Dios ng Bagong Tipan ay pareho.Ngunit tanging sa pagkakatawang tao, tanging sa ebanghelyo maaaring malinaw na maunawaan ang Dios.
Inihayag ni Jesus na ang Dios ay ang banal na pagmamahal‒na siya ay mabuti, matiisin, mapagkakatiwalaan, mapagbigay, tapat, banal, makatarungan, at marami pang iba.
► Maglaan ng ilang sandali upang pag-isipan ang mga impluwensyang nakakabuo sa iyong buhay.Paano sa palagay mo hinubog ng iyong pamilya, iglesia, at kultura ang iyong pagkaunawa sa Dios? Sa iyong Sarili?May mga bagay ba na itinuturo tungkol sa Dios ang aking pamilya o iglesia na hindi naaayon sa buhay at katuruan ni Jesus?
Si Jesus ay ang Tagapagbigay kahulugan ng Dios
Kapag naglalakbay ako sa ibang bansa ay madalas na kailangan ko ng isang tagapagbigay kahulugan. Bakit? Hindi dahil sa walang katuturan ang ibang mga wika, kundi dahil wala silang kahulugan para sa akin! Hindi pa natututunan ng aking utak kung paano bigyang kahulugan ang iba’t-ibang mga tunog at ekspresyon, kaya kailangan ko ng isang tao na nakakaintindi sa kanila upang bigyang kahulugan ang mga ito para sa akin. Nalaman ko na ang pinakamahusay na mga tagapagbigay-kahulugan ay ang mga tao na hindi lamang nauunawaan ang aking wika at kultura, kundi ang mga tao na katutubo sa wika at kulturang nais kong maunawaan. Ang mga katutubong tagapagsalita ay maaaring maunawaan at mabigyang kahulugan ang kanilang kultura sa mga paraang hindi mauunawaan ng mga tagalabas. Sa parehong paraan, ang mga propeta ng Dios, mga pari, at makata ay binigyan ng inspirasyon ng Dios na ipaliwanag ang kanyang mga katangian, pamamaraan, at kalooban. Ginawa nila ang pinakamahusay nilang magagawa. Ngunit ang Dios lamang ang ganap na makapaghahayag at makapagpapaliwanag ng tungkol sa Dios; iyan ang dahilan kung bakit si Jesus ay dumating, bilangang Dios na nagkatawang tao, katutubong taga-langit. Sa kanya, at sa pamamagitan niya, sa wakas ay maririnig, makikita, mahahawakan sa katawan ang Dios. Sa pamamagitan lamang niya, ang taong makasalanan ay maaaring makipagkasundo sa Dios.
Isang Personal na Paglalakbay
“Ang proseso ng paghubog ng espirituwal na buhay na maging katulad ni Kristo ay isa sa mga patuloy na pagpapalit...ang mga mapanirang imahen at ideya ay papalitan ng mga imahen at ideya na pumupuno sa pag-iisip ni Jesus mismo.”[6]
Mapalad ako na nagkaroon ng isang kamangha-mangha, maka-Dios na paglaki. Ang aking pagkabata ay napuno ng talagang mabuti, maka-Dios na binanal,kabilang ang aking mga magulang, na mahal ako, na nagturo sa akin ng Salita ng Dios, at siyang nagbigay ng magandang halimbawa na dapat kong sundan. Sa kasamaang palad, ang ilang mga mangangaral at guro na narinig ko noong ako ay bata pa ay nagtuturo ng mga baluktot na ebanghelyo. Ang kanilang mga mensahe ay nagdulot ng pagkalito, kawalan ng tiwala sa mga tagapagturo ng Biblia, at isang antas ng kawalan ng kapanatagan sa espirituwal na kalagayan (pati na rin ang pakikibaka ng ilan sa mga maling kasalanan at kahihiyan).
Naaalala ko ang mga panahon ng aking pagsisimulang paglakad kasama ng Dios at sinabi ko na,“Ama, hindi ko maintindihan ang lahat ng mga tinig at kuro-kuro na ito! Ang aking kinabilangang iglesia ay nagtuturo ng isang bagay, at ang ibang iglesia ay nagsasabi ng isa pang bagay. Ang isang tagapagturo ng Biblia ay nagsasabi ng isang bagay, at tila sinasalungat naman ito ng isa pang tagapagturo ng Biblia. O Dios, Sino ang tama sa kanila? Gusto kong malaman ang totoo!”
Sa panahong ito ng paghahanap ng mga kasagutan, unti-unti kong naunawaan na isa sa mga pangunahing kadahilanan na ipinadala ng Dios ang kanyang Anak sa mundo ay upang liwanagin ang aking pagkalito tungkol sa Dios. Mula pagkabata ay itinuro sa akin na si Jesus ay Dios, ngunit hindi ko lubos na nauunawaan na si Jesus ay dumating upang ganap na maihayag kung ano ang Dios. Nagsimulang buhayin ng Banal na Espiritu ang ilang mga talata sa aking puso, mga talata tulad ng mga sumusunod:
“Ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama; kaya paano mo masasabi , ‘Ipakita mo sa amin ang Ama’?”[7]
“Siya ang larawan ng hindi nakikitang Dios, ang panganay sa lahat ng nilikha.”[8]
“Sapagkat ikinalugod ng Ama na sa kaniyang Anak manatili ang buo niyang kalikasan.”[9]
Sa wakas ay mas nauunawaan ko na si Jesus ay tunay na Dios na nagkatawang tao, ang buo at pangwakas na paghahayag ng Dios, at mapagkakatiwalaan ko siya na tutulungan niya akong maunawaan ang tungkol sa Dios at kanyang mga mga pamamaraan. Nagsimulang maunawaan ko na unti-unting inihahayag ng Dios ang kanyang sarili sa loob ng buong kasaysayan ng Biblia,ngunit si Jesus ang siyang buo at perpektong paghahayag ng Dios sa kanyang pagkakatawang tao.[10]
Naunawaan ko na sa buong kasaysayan ng Lumang Tipan ay itinuro ng Dios sa sangkatauhan ang tungkol sa kanyang sarili, at higit sa lahat ay ang tungkol sa kanyang pag-ibig na nakapagliligtas. Nagsalita siya sa kanyang paglikha ng mundo; nooong siya ay nasa Hardin ng Eden; sa kanyang paglalakad sa hardin kapag gabi kasama sina Adan at Eba; sa kanyang pangako ng isang Tagapagligtas, kahit na matapos ang kanilang pagkahulog sa kasalanan; sa pagtahi ng Dios ng mga balat ng hayop upang maging pantakip nila; sa pamamagitan ng arko ni Noe na may isa lamang na pinto; sa pamamagitan ng kanyang pakikipagtipan kay Abraham at sa kanyang mga salinlahi; sa pamamagitan ng pagliligtas ng kanyang piniling bayan mula sa pagkakaalipin sa pagtawid sa Dagat na Pula; sa pamamagitan ng kanyang kahanga-hangang presensiya sa Bundok Sinai; sa pamamagitan ng kanyang banal na kautusan; sa pamamagitan ng kanyang magandang tabernakulo kasama ang lahat ng mga simbolo ng pagliligtas, mga piniling pari, ang paghahandog ng dugo, at kaluwalhatian; sa pamamagitan ng kanyang mga hatol sa paghihimagsik; sa pamamagitan ng kanyang mahimalang pagbibigay ng manna mula sa langit at tubig mula sa batong pinalo; sa pamamagitan ng kanyang mga tagumpay laban sa mga masasamang bansa; sa pamamagitan ng kanyang Lupang Pangako; at sa pamamagitan ng kanya mga mensahae ng paghatol at pag-asa sa pamamagitan ng kanyang mga propeta at mga makata ng Israel. Sa tuwing nagsasalita ang Dios, itinuturo niya sa taong makasalanan ang isang walang kasalanang Tagapagligtas na tutubossataong nagkasala at ibabalik siya sa pakikisama sa Dios. Kaya, ang tanging paraan upang tunay na maunawaan ang anuman sa Biblia ay ang makilala si Jesus. Si Jesus ang nag-iisang ang lahat ng bagay at lahat ng tao ay itinuturo. Si Jesus ang tanging nag-iisang itinuturo ng lahat ng bagay at lahat ng tao. Siya ang simula at wakas ng lahat ng bagay.
Simula nang ang Panginoong Jesus ang aking naging pokus bilang isang binata, unti-unti nang nawala ang mga ulap ng pagkalito sa aking isipan. Sa tulong ng Banal na Espiritu, sinimulan kong subukin kung tunay ang mga katuruang naririnig ko, gayun din ang aking sariling pagkaunawa sa Dios, sa pamamagitan ng tanong na: Ang katuruan at paniniwala ba na ito ay naaayon sa katotohanan tungkol sa Dios na ipinahahayag ni Jesus?[11]
Itinatanong ko rin sa sarili ko: Ano ang kahulugan para sa mga alagad ng pagsunod kay Jesus noong dalawang libong taon na ang nakararaan? Ano ang kahulugan ng pagsunod ngayon kay Jesus?Unti-unti, ang nakalilito, na magkakasalungat na tinig ng mga kalalakihan ay nagsimulang maglaho; at nagsimulang marinig ko ang tinig ng Pastol. Sa biyaya ng Dios at payo ng mga maka-Dios na tagapagturo, nagsimulang matuklasan ko ang kagandahan at pagiging simple ng pagsunod kay Kristo Jesus.
Naihayag ang Dios sa mga Kwento ni Jesus
Mayroon mga pagsasalarawan tungkol kay Jesus sa Ebanghelyo na tumutulong sa atin na mabuo ang ating pagkaunawa sa kung ano ang Dios. Sa isang paglalarawan, nakita natin siya na nakaupo sa isang mesa kasama ang mga makasalanan. Sa isa pang paglalarawan, nakita natin ang masasayang mga bata na umaakyat sa kanyang kandungan nang walang bahid ng takot.Sa isang paglalarawan, nakita natin siya na nakatalungko sa mabuhanging dalampasigan ng dagat ng Galilea at nagluluto ng isda para sa kanyang mga disipulong pagod na pagod.Gustong-gusto ko rin ang mga paglalarawan sa Biblia tungkol kay Jesus habang naglalakad kasabay ng dalawang disipulo at tinuturuan sila habang nasa daan patungong Emmaus. Pagkatapos, maraming mga pagsasalarawan tungkol kay Jesus sa panahon ng Passion Week: ang paghuhugas ng mga paa ng kanyang mga alagad, paghahati ng tinapay at pagbubuhos ng alak, pagpapatirapa sa hardin, tahimik na nakatayo sa harap ng mga nag-aakusa sa kanya, at pagpapapako sa krus. Ang bawat isa na paglalarawang ito ay nagsasabi nang mga bagay tungkol sa kung sino ang Diossa kanyang mapagmahal na pagtubos sa atin.
Ang pinakamahalagang leksiyon na malalaman natin tungkol sa Dios ay matututunan natin nang pinaka malinaw mula sa mga pagkukwento ni Jesus – mula sa kanyang mga pagtuturo.
Inihahayag ni Jesus na minamahal ng Dios ang mga makasalanan.
Inihahayag ni Jesus na ang Dios ay mapagbigay.
Inihayag ni Jesus na ang Dios ay hindi mabagsik, hindi nagkukulang ng pasensya, hindi nagkulang ng kabaitan, o nagalit sa mga alagad kung sila ay nabigo.
Inihayag ni Jesus na ang isang tunay na disipulo ay ang pumapasan ng kanyang krus araw-araw at sumusunod kay Jesus.
Inihayag ni Jesus na ang pagmamahal ng Dios para sa kanyang mga anak ay walang hinihinging kundisyon.
Inihayag ni Jesus na ang kaligtasan kailanman ay hindi makakamit sa pamamagitan ng sariling kakayanan ngunit ito ay palaging tinatanggap bilang isang biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya sa kanya.
Inihayag ni Jesus na marami sa mga hindi kilala sa buhay na ito ay magiging tanyag sa buhay na walang hanggan.
Inihayag ni Jesus na ang pinakamataas sa kaharian ng Dios ay ang naglilingkod.
Inihayag ni Jesus na ang biyaya ay taliwas sa pagkakamit nito ngunit hindi sa pagsisikap.
Inihayag ni Jesus na hindi natin kailanman mapapahanga ang Dios sa ating mga mabubuting gawa ngunit sa pagmamagitan lamang ng ating pag-asa sa kanya.
Inihayag ni Jesus na ang Dios ay hindi nagtatala kung gaano karaming beses na tayo ay pinatawad niya, at palagi niyang patatawarin ang nagsisising kaluluwa nang isang beses pa.
Inihayag ni Jesus na itinutuwid at itinatama ng Dios,ngunit hindi kailanman parurusahan, ang mga nagmamahal sa kanya.
Inihahayag ni Jesus na ang Dios ay hindi kailanman nagulat sa ating mga pagkabigo.
Inihayag ni Jesus na ang Dios ay nagpapahalaga sa ating pag-ibig sa kanya at sa mga tao na higit pa sa ating mga sakripisyo.
Inihayag ni Jesus na pinahihintulutan ng Dios na magdusa ang kanyang mga anak at kahit na mamatay, lalo na kung nagsisilbi ito para sa kanyang plano ng kaligtasan.
Inihahayag ni Jesus na labis na kinamumuhian ng Dios ang kasalanan kaya’t ipinadala niya ang kanyang nag-iisang Anak upang mamatay bilang taga-ako ng ating mga kasalanan.
Inihahayag ni Jesusna ang kamatayan ay walang kapangyarihan sa Dios!
Ito ay ilan lamang sa mga leksiyon na ginawang malinaw ni Jesus habang mas nakikilala natin siya.
►Isipin ang mga masasakit na kwento sa simula ng kabanatang ito at talakayin kung paano makakatulong ang natutunan natin sa kabanatang ito para sa mga nakikipagbaka sa mga maling konsepto sa Dios.
[11]Isang ekspresyong hiniram mula kay James Bryan Smith, The Good and Beautiful God (Downers Grove: InterVarsity Press, 2009)
Ang isang Malusog na Pananaw sa Dios ay Nakabatay din sa ating Karanasan tungkol sa Dios
Bagaman ang ating mga karanasan ay dapat palaging sinusukat ayon sa Banal na Kasulatan, gayunman nais ng Dios na ihayag ang kanyang sarili sa konteksto ng pang-araw-araw na buhay.
Sa Biblia, nalaman nina Abraham and Sarah ang tungkol sa katapatan ng Dios habang sila ay naglalakad kasama ng Dios sa kanilang pananampalataya at pakikibaka sa mga hidwaan, gutom, at takot. Nalaman ni Jacob ang tungkol sa paglilinis na dulot ng biyaya ng Dios habang nakaharap siya sa mga kahihinatnan ng kanyang sariling mapanlinlang na kalikasan (ang mga kinahinatnan ay ang hukbo ng 400 kalalakihan ng kanyang kapatid) at pakikipagbuno sa Dios para sa isang pagpapala. Nalaman ni Jose ang tungkol sa lalim ng mapagmahal na pagpapatawad ng Dios bilang isang sapilitang alipin sa Ehipto. Nalaman ng batang David ang tungkol sa kapangyarihan ng Dios sa kabila ng kanyang kahinaan habang tumatakbo siya patungo kay Goliath na may dala lamang na tirator at limang bato. Nalaman ni Hanah na ang Dios ay tumutugon sa mapagpakumbaba, at masidhing pananalangin. Natutunan ni Jesusang pagsunod sa pamamagitan ng mga hirap na tinanggap niya. Nalaman ng mga disipulo ang poot ng Dios sa kasalanan habang pinanonood nila ang pagpaparusa kay Jesus; nalaman nila ang kanyang kamangha-manghang biyaya at banal na kapangyarihan habang tinutupad nila ang Dakilang Komisyon.
Tulad ng mga ito, matututunan natin ang tungkol sa Dios habang araw-araw tayong lumalakad kasama niya.Maraming mga kagandahan tungkol sa Dios ang hindi natin makikita hanggang hindi nabubuksan ang mata ng ating puso sa pamamagitan ng mga paghihirap, sa pamamagitan ng ilang mapanghamong bahagi sa ating paglalakbay kasama niya. Maraming masakit na katotohanan tungkol sa ating sarili ang hindi natin makikita hanggang sa makaharap natin ang problema. Kaya huwag kang magmadali. Huwag mawalan ng pag-asa. Ang bawat hakbang sa paglalakad kasama si Jesus ay isang paglalakbay na inilaan upang mabuo sa atin ang pagiging kawagis niya.[1] Kung mayroon tayong mga mata na nakakakita at mga tainga na nakakarinig, kung gayon ang bawat pagsubok, bawat hindi pagkakaunawaaan, at bawat karanasan ay magiging ating guro.
Hindi tayo mabubuo sa kabutihan ng pag-ibig sa pamamagitan lamang ng pagbabasa tungkol dito o sa pakikinig ng isang sermon tungkol dito o sa pagdalo ng isang love conference. Ang kaalamang nakukuha sa pamamagitan ng pagbabasa, pinagpalang pangangaral, at kumperensya ay mahalaga; ngunit ang karanasan ay ang pinakamahusay na guro.
Alam ko na ang Dios ay may makapangyarihan dahil sa isang panahon na dumanas ng krisis ang aking pamilya ay lubos namin itong nakita. Habang nasa isang maikling pagbisita kami sa USA mula sa Pilipinas, ang aming limang-linggong gulang na anak, na si Jesse, ay na-diagnosed na may cancer. Hindi kami dapat nasa USA sa mga panahong iyon, ngunit hinilingan ako na magpatotoo sa isang paglilitis sa isang kriminal sa isang di inaasahang krimen sa kalye na nasaksihan ko isang taon na ang nakalilipas. Kung hindi kami nakabalik sa USA, wala kaming tulong medikal na kailangan ni Jesse. Sa sasakyan papunta sa bahay ng mga magulang ng aking asawa, ang aming mga puso ay nag-umapaw ng papuri at isang malalim na kamalayan sa soberanya ng Dios. Ang detalyadong paraan kung saan iniayos ng Dios ang aming mga hakbang, itinakda ang oras ng pagsilang ni Jesse, paglipat sa US Embassy sa Manila, at paghahanda sa amin para sa sandaling iyon ay nagbigay kaaliwan na hindi mailarawan.
Alam kong hawak ng Dios ang lahat ng kapangyarihan, sapagkat naranasan namin ito. Isang gabi habang naglilingkod kami sa Panginoon sa ibang bansa,kami ng aking asawa ay parehong ginising sa gitna ng gabi ng isang nakakakilabot na presensya ng kasamaan sa aming silid! Noon lamang iyon nangyari, ang aming walong taong gulang na anak,na si Timothy, ay pumasok sa aming silid na hawak ang kanyang lalamunan at ibinubulong na maynararamdaman siyang sumasakal sa kanya. Kami ay nabigla! Inabot ko ang aking Biblia dahil sa desperasyon, binuksan ito sa Awit 91, at nagsimulang basahin, “Siya na tumira sa lihim na lugar ng Kataas-taasan ay mananatili sa ilalim ng lilim ng Makapangyarihan (ElShaddai)….”Nang oras na matapos ko ang kabanata, tuluyan nang naalis ng kapangyarihan ng Dios ang kadiliman, at si Timothy ay nakatulog sa sahig.
Dapat nating maranasan ang Dios! Para sa ating kapakanan, at alang-alang sa ating mga anak at apo, dapat nating malaman kung sino ang Dios sa pamamagitan ng personal na karanasan.
►Hilingin sa mga mag-aaral na magbahagi ng mga paraan kung saan naranasan nila ang Dios. Siguraduhing sukatin ang bawat karanasan sa pamamagitan ng malinaw na paghahayag ng Banal na Kasulatan.
(1) Kumuha ng pagsusulit batay sa materyal mula sa leksiyong ito.
(2) Maglaan ng hindi bababa sa tatlumpung minuto sa linggong ito upang magbalik-aral sa leksiyong ito, kabilang ang mga sanggunian sa Banal na Kasulatan, at hilingin sa Banal na Espiritu na bigyan ka ng pang-unawa.
(3) Itala sa iyong journal ang anumang mga tiyak na pagbabago na dapat gawin sa iyong buhay, habang ipinapahayag iyon sa iyo ng Panginoon.
(4) Pagnilayan ang hindi bababa sa isang Awit sa iyong pang-araw-araw na oras ng pag-aaral ng Biblia, at itala sa iyong journal kung ano ang sinabi ng salmista tungkol sa kalikasan at katangian ng Dios.
(5) Itala sa iyong journal ang isang personal na panalangin para sa Espirituwal na pagbabago at paglago batay sa leksiyong ito.
(6) Ugaliin ang paggamit ng Gabay sa Pang-araw-araw na gabay sa Pananalangin ni Dr. Brown sa iyong pang-araw-araw na pribadong pananalangin.
Leksiyon 4 Pagsusulit
(1) Ano ang tatlong susi sa Paghubog ng isang malusog na pananaw sa Dios na ipinakita sa Leksiyon 4?
(2) Maikling bigyang-kahulugan ang mga katangian ng Dios na pinangalanan sa Exodo 34:4-11.
(3) Magbigay ng mga sanggunian sa Banal na Kasulatan na nagpapakita na si Jesus ay ang buong kapahayagan ng Dios.
SGC exists to equip rising Christian leaders around the world by providing free, high-quality theological resources. We gladly grant permission for you to print and distribute our courses under these simple guidelines:
No Changes – Course content must not be altered in any way.
No Profit Sales – Printed copies may not be sold for profit.
Free Use for Ministry – Churches, schools, and other training ministries may freely print and distribute copies—even if they charge tuition.
No Unauthorized Translations – Please contact us before translating any course into another language.
All materials remain the copyrighted property of Shepherds Global Classroom. We simply ask that you honor the integrity of the content and mission.