Lesson 7: Ang Pagiging Katulad ni Kristo sa Pamamagitan ng Espiritual na Pagsasanay
28 min read
by Tim Keep
Leksiyon 6 Pagbabalik-aral
Paalala sa tagapanguna sa klase: Magbalik-aral sa walong mahalagang katotohanan mula sa Leksiyon 5-6 at ang anim na hakbang para sa paghahanap ng kabanalan mula sa Leksiyon 6. Tanungin ang mga mag-aaral kung sino ang may nais na ibahagi ang kanilang mga personal na panalangin mula sa Leksiyon 6.
Sa pagtatapos ng leksiyong ito, ang mag-aaral ay dapat na:
(1) Nauunawaan ang kahulugan ng 1 Timoteo 4:7.
(2) Nalalaman kung bakit kinakailangan ang espiritual na pagsasanay upang mahubog sa pagiging katulad ni Jesus.
(3) Magsimulang isabuhay ang mga prinsipyong natutuhan sa leksiyong ito.
Mga Larawan ng Buhay
May isang batang mananampalataya ang nahihirapang magtiyaga sa maliliit na bahagi ng pagsunod. Makapangyarihang binago ng Dios ang kanyang buhay at pinagaling siya mula sa isang masakit, nagpapahirap sa kanyang sarili na espiritual na sugat; gayunpaman, may mga bahagi pa rin ng nagpapatuloy na pakikibaka. Nakikipagbaka siya sa paglakad nang may pananampalataya.Naghahangad siyang masunod sa lahat ng kanyang mga iniisip sa buhay. Nais niyang maging isang mas maasikasong ama sa kanyang mga maliliit pang anak. Ninanais niyang hindi maging sobrang taas-baba ang kanyang emosyon. Nais niyang maging mas mahusay na tagapangasiwa ng kanyang oras. Nahihirapan siyang makuntento sa kanyang trabaho at nakikita niya ang kanyang sarili na nangangarap makakita ng ibang opportunidad. Isang araw ay tinawagan niya ako at sinabi, “Naniniwala ako na isinasara ng Dios ang iba pang pinto ng opportunidad sa panahong ito ng aking buhay upang matutunan ko ang disiplina ng pagtitiyaga. Ang aking buhay sa puntong ito ay isang serye ng mga hindi pa tapos na proyekto.Alam ko na kung tunay akong magtatagumpay sa aking relasyon sa Dios, kakailanganin kong matutong magtiyaga at tapusin ang aking nasimulan. Ang aking pagkamainipin ay isang isyu sa aking katangian na nakakaapekto sa iba pang bahagi ng aking buhay!” Namamangha ako sa kababaang-loob at pananaw ng aking kaibigan. Siya ay lumalalim at lumalago... sa pamamagitan ng pagsasanay!
Ang Malaking Ideya
Ang malaking ideya ng leksiyong ito ay ang pagsasanay bilang napakahalaga para sa paghubog ng isang maka-Dios na katangian – ang pagiging katulad ni Kristo sa ating buhay. Ang pagsasanay na ito ay kinabibilangan ng kahirapan, ang mga klasikong espiritual na disiplina (tulad ng pagbabasa, pananalangin, pag-aayuno, atbp.), pati na rin ang personal na disiplina.
Ang ilan ay mangangatwiran na ang aking kaibigan na nabanggit sa itaas ay nangangailangan lamang ng kapuspusan at kapangyarihan ng Banal na Espiritu sa kanyang buhay. Walang alinlangan na totoo ito. Ngunit hindi maaaring puspusin at bigyan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu ang mga mananampalataya nang nakahiwalay sa pagsunod. Tulad ng pag-aani ng mais o bigas ay direktang nauugnay sa matapat na paglilinang at pagpapatubig ng magsasaka, gayon rin ang pag-aani ng espiritual na katangian ay direktang nauugnay sa pagsisikap na puspos ng pananampalataya ng Kristiyano.
Ang leksiyong ito ay tumatawag sa atin sa masigasig, nagpapatuloy, at mapagbantay na paglakad kasama ng Dios, na nakaugat sa pananampalataya, at binibigyang kapangyarihan ng pag-ibig.
Mga Pananaw sa Pagiging Banal mula kina Pablo at Pedro
Dalawang pangunahing talata ang makakatulong sa paghubog sa ating pagkaunawa sa gampanin ng pagsasanay sa paghubog ng espiritual na buhay.
Isinulat ni Pablo,
Huwag mong pag-aksayahan ng panahon ang mga alamat na walang halaga, sa halip, sanayin mo ang iyong sarili sa banal na pamumuhay. Sa pagsasanay ng katawan ay mayroon ding pakinabang, ngunit ang banal na pamumuhay ay mapapakinabangan sa lahat ng paraan, sapagkat ito’y may pangako hindi lamang para sa buhay na ito ngayon, kundi maging sa buhay na darating.[1]
Ang mga pangunahing salita dito ay “pagsasanay” at “banal na pamumuhay.” Sa palagay mo paano naging magkakonekta ang dalawang kongseptong ito?
Kahulugan ng Kabanalan
► Talakayin ang terminong “kabanalan” sa iyong pangkat. Pahintulutan ang bawat isa na magbigay ng kahulugan.
Sa ating panahon, sa palagay ko ay hindi na natin awtomatikong alam kung ano ang pagiging banal/kabanalan. Sa isang sulyap sa kapaligiran ng ating iglesia ay nagpapakita ng isang baluktot na pagkaunawa dito.Kapag maraming tao ang nag-iisip tungkol sa isang banal na tao, madalas nilang iniisip ang isang tao na mahinahon, isang tao na palaging may dala-dalang malaking Biblia, nagsasalita nang may magalang na tono, at naglalaan ng maraming oras sa pagpunta sa simbahan.
Ngunit ang mga taong may kabanalan ay nakikita sa lahat ng hugis, sukat, kultura, at personalidad. Ang pagiging banal ay hindi lamang tulad ng pagiging komportable sa lumang pares ng pantalong maong o gayun din sa amerikana/suit at kurbata. Ang pagiging banal ay walang natatanging tono ng tunog o lakas ng tunog sa pananalangin. Ang pagiging banal ay walang isang partikular na istilo ng pagsamba o uri ng musika.
Ang pagiging banal ay ang napakagandang buhay ni Jesus, na naisasabuhay natin sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Ang kabanalan ay ang pag-alam, nasisiyahan, sumusunod, at may biblikal, taos-puso, at tunay na paglakad kasama ng Dios. Ang pagiging banal ay para sa lahat, para sa lahat ng lugar, mula sa bawat kultura, lahi, at uri ng pamumuhay, sapagkat ang pagiging banal ay hindi isang bagay, kundi isang tao. Ang kabanalan ay ang buhay ng Panginoong Jesus.
► Bakit napakahirap para sa atin na tanggapin na ito ang tama? Bakit kung minsan ay mas madali pa para sa mga bagong mananampalataya na maunawaan ito kaysa sa mga taong lumaki sa iglesia?
Ang Pananaw ni Pablo patungkol sa Kabanalan
(1) Una, ang kabanalan ay isang paglalakbay – “patungo sa kabanalan.”
Huwag tayong panghinaan ng loob. Alalahanin natin na ang Dios ay matiyaga sa atin, sapagkat, “Kung paanong ang isang Ama ay naaawa sa kanyang mga anak, ganoon din naaawa ang Panginoon sa mga may takot sa kanya.” Ang Perfectionism ay isang kaaway na marami sa atin ang kailangang makipaglaban.
(2) Maraming dapat iwasan na kaabalahan na nakakahadlang sa ating paglalakbay sa pagpapabanal.“Ngunit iwasan mo ang mga usapang walang pag galang sa Dios at mga kathang-isip na kwento.”[2]
Ang mga kathang-isip na kwentong iyan ay bunga ng mga alamat at tradisyon ng mga Hudyo na nag-uugnay ng mga walang kabuluhang haka-haka, tulad ng pinagmulan ng mga anghel at kanilang mga kapangyarihan at iba pang ibang bagay na pinili ng Dios na hindi ipaunawa. Ang listahan ng mga haka-haka, pamahiin, at mitolohiya ay lalo pang lumago simula noon!
(3) Ang kabanalan ay maaaring makamtan sa pamamagitan ng pagsasanay, na nakaugat sa pananampalataya.“Ngunit sanayin mo ang iyong sarili tungo sa kabanalan.”
Ang salitang isinalin na “pagsasanay” ay ang salitang pinagkuhanan natin ng ating salitang Ingles na, gymnasium.Sa salitang pagsasanay, naiisip natin ang pagod na kalamnan, pagbuhat ng mabibigat, mabilis at malalim na paghinga, at pawis na umaagos/bumubuhos sa ating mukha! Sinabi ni Wesley, “Tulad ng mga makikipaglaban sa mga palarong Grecian, sanayin ninyo ang inyong maga sarili tungo sa kabanalan. Sanayin ninyo ang inyong sarili tungo sa kabanalan ng puso at pamumuhay, nang may masigasig na pagsisikap, kasiglahan, at kasipagan.”[3]
Dapat nating tandaan na ang isang tao ay hindi kayang sanayin ang kanyang sarili o alisin ang kanyang sarili mula sa sinasadyang kasalanan. Ang sinasadyang kasalanan ay dapat na “patayin!”[4]
Natutuwa ako na hindi hinihimok ni Pablo si Timoteo tungo sa isang maigsing paraan patungo sa kabanalan, dahil wala naman talagang maigsing paraan. Ang bagong kapanganakan ay madalian lamang at ito ay isang usapin lamang ng paniniwala sa Panginoong Jesus-Kristo. Ang pagpapaunlad ng kabanalan at katangian ng pagiging banal ay nangangailangan ng pagsisikap.
(4) Ang kabanalan na nakukuha sa pamamagitan ng pagsasanay ay nangangako ng mas mahusay na kalidad ng buhay ngayon at sa buhay na walang hanggan.
Mga komento ni John Wesley,
Ang taong may takot, pagmamahal, at naglilingkod sa Dios ay may pagpapala ng Dios sa kanyang buong buhay. Inililigtas siya ng kanyang relihiyon mula sa lahat ng labis na iyon, kapwa sa pagkilos at passion, na sumisira sa mga pundasyon ng buhay at madalas na itinuturing itong isang pasanin. Ang kapayapaan at pagmamahal sa kanyang puso ang nagdudulot ng sinseridad at pagiging kalmado na nagiging sanhi upang magliwanag, lumakas ng permanente ang ilaw ng buhay…. Kaya, ang kabanalan ay may pangako naat sinisigurado ang mga pagpapala ngparehong mundo.[5]
Sa 2 Pedro 1:5-8, sumulat si Pedro sa mga mananampalataya na “tulad namin ay tumanggap ng napakahalagang pananampalatayangmula sa ating makatarungang Dios at tagapagligtas na si Kristo Jesus” (1:1), na “tumanggap ng lahat ng bagay na nauukol sa buhay at kabanalan” (1:3), at “binigyan... ng mga dakila at napakahalagang mga pangako, upang sa pamamagitan nito ay makabahagi tayo sa kanyang likas bilang Dios” (1:4). At “sa mismong kadahilanang ito,” ay “maidagdag ito sa kanilang pananampalataya”:
Dahil dito, sikapin ninyong idagdag sa inyong pananampalataya ang kabutihan; sa inyong kabutihan, ang kaalaman; sa inyong kaalaman, ang pagpipigil sa sarili; sa inyong pagpipigil sa sarili, ang katatagan; sa inyong katatagan, ang pagiging maka-Dios; sa inyong pagiging maka-Dios, ang pagmamalasakit sa kapatid; sa inyong pagmamalasakit sa kapatid, ang pag-ibig.[6]
Tandaan: Nagkakaisa ang mga komentarista na ang “nakikibahagi sa banal na kalikasan” ay nangangahulugang pagsasabago o pagpapanumbalik tungo sa pagiging kalarawan ng Dios! Sinabi ni Adam Clarke, “Ang layunin ng lahat ng mga pangako ng Dios... ay upang maibalik tungo sa pagiging kawangis ng Dios ang mga taong nahulog sa kasalanan, dahil ang wangis na ito ay nawala sa tao.”[7] Ito ang plano ng Dios para sa lahat ng nagtitiwala kay Kristo Jesus at sa mga pangakong nilalaman ng ebanghelyo. Ang kalikasan ng Dios ay ang ilog kung saan dumadaloy ang bawat biyaya, na ginagawang mas posible ang pagpapabanal.
Ang Pananaw ni Pedro
(1) Tiniyak sa atin ni Pedro na habang ang banal na katangian ay mula sa Dios, ang pakikibahagi dito ng mas higit pa ay nakabatay sa atin, sa pamamagitan ng kanyang biyaya.
Nilinaw ni Pedro na ang pagbuo ng espiritual na katangian na ang pundasyon ayang nakapagliligtas na pananampalataya ay nangangailangan ng pagsisikap. Ganito ang paliwanag ng isang komentarista: “Ang langis at apoy ay buong ibinigay ng Dios sa pamamagitan ng biyaya, at ‘kinuha’ng mga mananampalataya: ang kanilang bahagi mula doon ay ang ‘pagsasa-ayos ng kanilang mga ilawan.’”[8]
(2) Ang bawat mananampalataya ay dapat na nakikibahagi ng ganap at may ganap na pagnanais na palaguin at linangin ang banal na kalikasang nakatanim sa kanila.
Sa orihinal na wika ay napaka-diin nang pagkakasabi ni Pedro. Ano ang ilan sa mga banal na katangian ang binigyang diin ni Pedro na dapat nating idagdag sa pananampalataya?
(3) Binigyan tayo ni Pedro ng isang tiyak na listahan ng mga katangiang dapat nating idagdag at kung hindi, tayo ay magiging “baog o walang bunga sa kaalaman patungkol sa ating Panginoong Hesu-Kristo.”[9]
Magdagdag ng kalinisang-puri – Kahusayan sa moralidad/kabutihang-asal, lalo na sa mga oras ng paghihirap at pag-uusig.
Magdagdag ng kaalaman – Ito ay pagkilala sa kalooban ng Dios.
Magdagdag ng pagpipigil sa sarili – ito ay ang wastong paggamit ng lahat ng kasiyahan sa lupa, pagsasanay na pigilan ang sarili, at hindi pinahihintulutang mas manaig ang pisikal na pagnanasa.
Magdagdag ng pagtitiyaga – Ito ang matiyagang pagtitiis sa gitna ng pagdurusa at paghihirap.
Magdagdag ng kabanalan – Ang isang taong pinabanal na yaong ganap na nagpapasakop sa Dios, kasama ang kanyang mga tao at kanyang mga hangarin.
Magdagdag ng pagmamalasakit sa kapatid – Sa pagiging banal ay dapat tayong magdagdag ng pagiging matulungin, kagandahang loob, at kaligayahan. Ang pagiging banal ay hindi nakakapagod, mapagkunwari, hindi madamot, o nagmamaktol!
Magdagdag ng pag-ibig – Pag-aalaga na walang pag-iimbot, hindi lamang para sa pamilya ng Dios, ngunit para sa buong sangkatauhan.
[1]1 Timoteo 4:7-8, idinagdag ang pagbibigay-diin.
Ang mga Katangian ni Kristo ay Mabubuo sa Atin sa Pamamagitan ng Pagsasanay/Pagsasabuhay
Gustong-gusto kong maglakad para mag-ehersisyo. Nakakatulong ito sa akin na mapanatili ang mabuting kalusugan. Napapaginhawa nito ang aking isipan. At dahil nakakapagdasal ako habang naglalakad, ang paglalakad ay nagpapalapit sa akin sa Panginoon. Naglalakad ako kapag mainit at kung malamig. Maraming beses na rin akong naglakad sa ilalim ng ulan at niyebe.
Ang mundo ay humigit-kumulang na 40,000 kilometro (24,000 milya)paikot, at mayroon akong personal na layunin na lakarin ito, sa pamamagitan ng parehong distansya! Sa madaling salita, bago ako mamatay, umaasa akong makalakad ako ng hindi bababa sa 40,000 kilometro para sa pag-eehersisyo. Nagsimula ako walong taon na ang nakakalipas;at kung mananatili akong malusog, at kung bibigyan ako ng lakas ng Panginoon, tatagal pa ako ng dalawampu’t dalawa pa. Pagkatapos ng walong taon, sa paglalakad ng 6.4 kilometro kada araw (apat na milya), sa higit-kumulang dalawampu’t limang kilometro sa isang linggo (labing-anim na milya) at 1,287 kilometro kada taon (832 milya), nakalad na ako ng halos 10,300 kilometro (6,400 miles). Mayroon pa akong 30,000 kilometro na dapat pang lakarin, ngunit hindi ko iyon masyadong iniisip. Ang ginagawa ko lamang (kadalasan) ay ine-enjoy ang paglalakad araw-araw.
Ang isang malaking layunin, katulad ng paglalakad ng paikot sa mundo, ay makakamit lamang nang paunti-unti bawat araw. Nangyayari lamang ito sa pamamagitan ng pagbangon araw-araw at pagtutuon ng pansin sa pag-eehersisyo at paglalakad. At kung magpapatuloy ako, sa huli ay matatapos ko ang dating tila imposible.
Ang paghubog ng espiritual na buhay ay katulad nito. Natutunan natin sa leksiyong ito na ang pagiging katulad ni Kristo ay ang layunin na dapat nating marating, hindi lamang sa pagbabago ng ating isipan, kundi sa pamamagitan ng tinatawag ni apostol Pablo na “pagsasanay.”
Ang bawat tao na pinababanal na kilala ko ay kinailangang mag-ukol ng maraming pagsisikap upang maging gayon. Ang kaligtasan ay sa pamamagitan ng biyaya, sa pamamagitan ng pananampalataya; ngunit ang pagpapabanal – ang paghubog ng mga katangian at karakter/pagkatao – ay madalas na dumarating sa pamamagitan ng masakit na pagtalikod sa sariling kagustuhan at sinasadyang pagsisikap. Tinawag ito ni Pablo na “pagsisikap tungo sa layunin.”[1] Ang biyaya, syempre, ay kumikilos kahit sa ating mga pagsisikap.[2]
Ang Pagsasanay ay Kinabibilangan ng Pagsasabuhay nito
Ako at si Becky (ang aking asawa) ay nagninilay-nilay sa pangangailangan na linangin ang pagiging mahinahon sa aming pakikipag-ugnayan sa isa’t-isa at sa aming mga anak. Isang araw ay natagpuan namin ang pagtuturong ito ng isang G. D. W. na natagpuan sa debosyonal na libro ni Lettie Cowman,Streams in the Desert:
Ang biyaya ng Espiritu (katulad ng pagtitiyaga) ay hindi nagaganap sa atin ng biglaan lamang; at kung hindi natin makikita ang ilang estado ng biyaya, at piliin ang mga ito, at paunlarin ito sa ating kaisipan,hindi sila kailanman mananatiling ganap sa ating mga pag-uugali at katangian. Ang bawat paunang hakbang sa biyaya ay dapat na maunawaan muna ito, at pagkatapos ay manalangin ng maypagnanais na magkaroon nito.[3]
Pagsasabuhay ng mga katangian? Hindi pangkaraniwan na makahanap ng isang taong ganito mag-isip, ngunit mahalaga itong maunawaan.
[4]Tandaan natin na ang layunin ng buhay Kristiyano ay hindi lamang ang paggawa ng mga tamang bagay. Ang mga mananampalataya ay maaaring gumawa ng tama dahil sa iba’t-ibang maling kadahilanan – kabilang ang nakokonsensya, natatakot, at pagmamataas.Ang layunin at prayoridad ng Dios ay upang hubugin tayo mula sa ating kalooban hanggang sa maging uri tayo ng mga tao na “regular at madaling sumunod sa kanya;”[5] hanggang ang ating katauhan ay mabago; hanggang maging pangkaraniwan sa ating buhay ang bunga ng Espiritu.
Sa ebanghelyo ni Mateo, inanyayahan ni Jesus ang mga “napapagod at nabibigatan” na makipag-isa sa kanya ang mga tao sa isang matahimik, madalingbuhay ng pagsunod.
Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na napapagod at nabibigatan, at bibigyan ko kayo ng kapahingahan. Pasanin ninyo ang aking pamatok (matigas na kahoy para sa batok ng kalabaw) at matuto mula sa akin, sapagka’t ako ay banayad at may mababang loob; at makakahanap ka ng kapahingahan para sa iyong kaluluwa. Sapagkat ang aking pamatok aymadaling dalin, at magaan ang ibibigay ko sa inyong pasanin.[6]
Kay Jesus, ang pamatok ay maaaring tawaging “madaling dalin” kapag ang panloob na kalalagayan ay nabago: kapag ang puso ay hindi na nagrerebelde sa kalooban ng Dios sa halip ito ay mas nagiging “banayad at mapagpakumbaba” ‒mga termino kung saan sa kontekstong ito ay tumutukoy sa pagtanggap. Ito ang nais ng Dios na gawin sa atin.
Ang pagsasanay ay Nagbubunga ng Karakter
Ang pagkaunawa sa gampanin ng katangian at karakter sa buhay Kristiyano ay mahalaga. Ang pagkabigo sa Espiritual na buhay ay kadalasang direktang magkaugnay, hindi sa kawalan ng katapatan o pagnanais o debosyon, kundi sa maling pagkakaunawa sa gampaning tinutupad ng katangian at karakter ng isang Kristiyano sa ating paglakad kasama ng Panginoon.
Habang isinusulat ko ang leksiyong ito, ako at ang aking asawa ay nag-host sa aming bahay ng pag-aaral ng Biblia kasama ng iba pang mag-asawa. Sa panahon ng aming gawain, may isang mas batang ina ang nagpahayag ng kanyang pagkabigo sa pamumuhay ng tuloy-tuloy bilang Kristiyano.“Marahil ay tila wala itong saysay,” sabi niya, “ngunit minsan ay sumasagi sa aking isipan na marahil ay hindi ako isa sa mga pinili ng Dios, na marahil ay hindi ako magiging malakas kahit gaano man ako magsikap!”
Ngayon, marahil ay hindi nating sinasabi ang katulad nito, ngunit maraming sinserong mananampalataya ang nag-iisip kung ang pinakamataas na antas ng debosyon sa Dios ay nakalaan para sa mga “espesyal” na Kristiyano o “sobrang banal”! Ngunit ang Dios ay walang kinikilingang tao, at ang bawat mananampalataya ay maaaring mahubog tungo sa pagiging katulad ni Kristo. Madalas na ang ating problema ay simpleng kakulangan ng karakter at pag-unawa sa gampaning ginagawa ng karakter sa ating paglakad kasama ng Dios.
Sa parehong paraan na ang rebar (nagpapatibay na mga bakal) ay nagpapalakas sa kongkreto at pinapatibay ng kalamnan ang katawan, pinalalakas ng karakter ang mga katangian sa buhay Kristiyano. Pinatitibay ng karakter ang kaluluwa. Ang karakter ay nagbibigay-daan sa pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, at lahat ng bunga ng Espiritu ay mas manatili sa ating kaluluwa. Ang karakter ang nagbibigay-daan sa mananampalataya na manatili kay Kristo at mamuhay sa tuloy-tuloy na pakikipag-ugnayan at pagsunod kay Jesus. Kung wala ang espiritual na pagpapatibay, kahit gaano pa tayo magsikap at maging pursigido, babagsak tayo dahil sa mga pasanin ng buhay, sa matinding hangin ng kahirapan, at mga alon ng tukso.
Ang banal na kalikasan, sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, ang siyang pinagmumulan ngpag-ibig; ngunit ang pagmamahal sa lahat ng tao (na nagpapakita ng paggalang at pagkilos nang may awa) kapag kumikilos sila tungo sa atin sa hindi mapagmahal na paraanay nangangailangan ng pagsasanay.
Ang banal na binhi ngkahinahunanay nakatanim sa ating mga puso sa pamamagitan ng pananampalataya, ngunit ang banayad na pagtugon sa matatalim na paratang at banayad na sagot sa taong mahilig makipagtalo ay nakakamit sa pamamagitan ng pagsasanay ng dila.
Ang Banal na Espiritu ang pinagmumulan ng kapayapaan,ngunit ang matutunan na panatilihin ang ating mga puso sa perpektong kapayapaan sa gitna ng pagsubok at nakababahalang pangyayari ay nangangailangan ng pagsasanay ng kaluluwa.
Ang pagpipigil sa sariliay bunga din ng Banal na Espiritu; ngunit ang pagtitimpi sa ating mga emosyon at kagustuhan ay nangangailangan ng pagsasanay ng disiplina sa sarili, lalo na para sa mga hindi sanay sa pagsasabi ng “hindi!” sa kanilang sarili.
Pagpapasensya/Pagtitiyaga. Ang kabutihang-asal na ito ay nakatanim din sa ating kaluluwa mula sa Dios. Ito ay isang kalidad ng banal na kalikasan.Ngunit ang kakayahang maghintay para sa inaasahan natin, ang maantala ang naisin, at manatiling panatag ay maikakabit lamang sa ating pagkatao sa pamamagitan ng sinasadyang pagsisikap.
Ang Pagiging matapat ay isang katangian ng banal na kalikasan; ngunit ang pagiging eksakto sa oras, pagtratrabaho nang may pagsusumikap, pagtupad sa ating salita, at pagsasagawa sa ating mga pangako ay nangangailangan ng mapagbantay na pagsasanay, lalo na para sa mga madaling kapitan ng katamaran.
Ang Kababaang-loobay isang bunga ng Banal na Espiritu; ngunit ang pagkilos na isinasaalang-alang ang iba na mas mahusay kaysa sa ating sarili, ang pag-upo sa pinakamababang upuan sa mesa, at pagkuha ng tungkulin ng isang lingkod ay isang kasanayan na makakamit lamang sa pamamagitan ng disiplina.
Ang kadalisayan ng pusoay nagmumula rin sa Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pananampalataya, ngunit ang ugali ng pagbabantay sa ating puso ay nakakamit sa pamamagitan ng masigasig na pagsasanay sa espiritual!
Ang banal na binhi ng pagpipigil sa sariliay mula sa Dios,ngunit ang pagpigil sa dila at ganap na kasanayan sa mga pananalita ay nagmumula sa pagsasanay.
Ang Kagalakan ay bunga ng Banal na Espiritu,ngunit ang matutunan na magpuri sa Panginoon sa lahat ng oras ay isang kasanayan sa pagpili ng kalooban.[7]
Sa pamamagitan ng pagtubos ay binigyan tayo ng Dios ng lahat ng materyales na kinakailangan natin para sa banal na karakter/pagkatao; ngunit ang Paghubog sa katauhang iyon, sa bawat pundasyon, bawat silid ay ating pang-araw-araw na hamon. Saan natin makikita ang biyaya? Biyaya ang nararanasan ng mga mananampalataya kapag abala sila sa pagsasanay.
Ang pagsasanay ay Kinabibilangan ng Mga Pagsubok, Kasama ang Pagdidisiplina
Ang mga pagsubok ang nagsasanay sa atin. Sinabi ni Pablo, “At hindi lamang iyan, ngunit ikinagagalak din natin ang mga pagsubok, dahil alam natin na ang pagsubok ay nagbubunga ng pagtitiyaga; at ang pagtitiyaga ay nagbubunga ng mabuting pagkatao; at ang mabuting pagkatao ay nagbubunga ng pag-asa.”[8] Dapat nating tingnan ang kahirapan na pinahihintulutan ng Dios sa ating buhay bilang kanyang paaralan ng kabutihan.
Sinasanay din tayo ng pagtutuwid ng Dios. Sa Hebreo ay nalaman natin na ang isang tao ay hindi dapat “baliwalain ang pagtutuwid ng Panginoon, at huwag panghinaan ng loob kapag ikaw ay dinidisiplina niya; sapagkat mahal ng Panginoon ang mga dinidisiplina niya at pinapalo ang itinuturing niyang anak.”[9]Nalaman din natin na ang pagdidisiplinang ito ay para sa ating ikabubuti, “upang tayo ay makabahagi sa kanyang kabanalan.”[10]
Ang pagsasanay ay Kinabibilangan ng mga Espiritual na Disiplina
Sinasanay tayo ng mga disiplinang ito. Ang mga espiritual na disiplina ay isang paraan upang matanggap natin ang biyaya. Sa pamamagitan ng pagsasanay sa mga disiplinang ito, palalayain tayo ng Banal na Espiritu mula sa kalupitan sa sarili, pagnanasa, materyalismo, pagmamataas ng ating sarili at magdudulot ito ng kagalingan sa ating mga kaluluwa, at huhubugin tayo na maging katulad ni Jesus.
Sa kursong ito, ilan lamang ang matatalakay natin sa mga klasikong espirituwal na disiplina. Ikakategorya natin ang mga ito sa sumusunod na paraan:
Ang mga disiplina/pamamaraan ng pag-dedebosyon
Pag-iisa – Paglalaan ng oras na mag-isa kasama ang Dios.
Pagninilay – Pag-aaral sa Salita ng Dios na may ganap na pagnanais na makilala at mabigyang-lugod ang Dios.
Pag-aayuno at pagtanggi sa sarili – Ang paglaktaw sa (mga) pagkain, pagkain ng katamtaman, o pagtanggi sa ating sarili sa ilang mga kasiyahan sa ilang panahon upang hanapin ang mukha ng Dios.
Pagiging simple– Ang matutong mamuhay ng mas kaunti upang makapagtuon ng pansin sa pinakamahahalagang bagay.
Paghahandog/pagsasakripisyo – Pagbibigay ng ating oras at mga ari-arian nang higit sa tila makatuwiran sa mga tao upang malinang ang mas higit na pagtitiwala/pagdepende sa Dios.
Ang mga disiplina sa Mga Ginagawa
Pananalangin – Ang pagpapatuloy sa pakikipag-usap sa Dios.
Pagsamba – Paghahandog ng hindi mapipigil na papuri at pagsamba sa Dios.
Fellowship – Pakikipagpalakasan kasama ang ibang Kristiyano upang magbigay at makatanggap ng pangangalaga at paglilingkod.
Kumpisal – Regular na katapatan at transparency sa Dios at sa isang pinagkakatiwalaang kaibigann g Kristiyano.
Pagpapasakop – Pagpapakumbaba sa harapan ng Dios at ng iba habang naghahanap ng pananagutan sa mga relasyon. Sinasanay tayo ng mga relasyon.Ang mga kagamitang kadalasang ginagamit ng Dios upang hubugin tayo tungo sa pagiging katulad ni Kristo ay ang ibang tao. Minsan ang mga kagamitang ito ay napakasakit. Ngunit gumagamit din ang Dios ng mga espiritual na regalo ng ibang mananampalataya para sa “paghahanda’ o pagsasanay (parehong salita na ginamit sa 1 Timoteo 4:7) “ng mga pinabanal,”[11]hanggang sa lumago tayo sa pagiging ganap na katulad ni Kristo Jesus.[12]
Ang Pagsasanay ay Kinabibilangan ng Personal na Disiplina
Ang pagtalikod sa sarili o pagkamatay sa sariling kagustuhan ay ang nagsasanay sa atin. Ang pagtalikod sa sarili ay may kinalaman sa pangako ng isang tao na sabihin ang isang mapagpasyang “hindi” sa mga pisikal na pagnanasa kapag ang mga ito ay masyadong malakas, at lalo na kapag sinimulan nilang sirain ang espiritual na buhay ng isang tao. Ganito ang sinabi ni Pablo:
Ang bawat manlalaro ay nagsasanay nang mabuti at dinidisiplina ang sarili upang makamit ang gantimpala....Dinidisiplina ko ang aking katawan at sinusupil ang masasamang pagnanasa nito; dahil, baka pagkatapos kong ipangaral ang Magandang Balita sa iba ay ako pa ang hindi makatanggap ng gantimpala mula sa Dios.[13]
Mayroong hindi bababa sa anim na personal na disiplina na tatalakayin natin sa kursong ito:
Disiplina sa ating dila
Disiplinasa ating pag-iisip sa buhay
Disiplinasa ating mga kagustuhan
Disiplinasa ating pag-uugali
Disiplinasa ating oras
Ang disiplinasa mga personal na paniniwala
Ang pagsasanay, pagsubok, ang mga espiritual na disiplina, at personal na disiplina: Ito ang mga pangunahing pagsasanay na magdudulot na dumaloy ang biyaya ng Dios sa ating buhay. Makakatulong ito sa atin na mapanatiling nasusubaybayan ang mga likas na pagnanasa, magbunga ng mabuting pag-uugali, at pahintulutan ang Banal na Espiritu na maghari sa atin ang kanyang pagnanais at dalin tayo sa pagiging katulad ni Kristo Jesus.
Bakit ang pagiging katulad ni Kristo at kanyang mga hangarin ay hindi nangyayari nang mas regular sa atin? Bakit napakaraming pagsubok ang nangyayari? Bakit ang ilan sa atin ay nadidismaya sa buhay Kristiyano? Sapagkat iilang Kristiyano lamang ang sumasali sa klase ng Dios sa espiritual na pagpapalakasan!
Ang pag-akyat sa Bundok Everest ay isang hamon na hindi maituturing nang sinuman na madaling gawin. Ang pinakamataas na bundok na nakatayo ng higit kumulang 10,000 metro (30,000 feet) ang taas, at sa pinakatuktok ay may 2/3 mas mababang oxygen kaysa sa lebel ng dagat. Tatlong daaang climber ang nawalan ng buhay sa pagtatangkang akyatin ito. Nagkakahalaga ng $75,000 at 40 na araw upang akyatin ito! Ang buhay Kristiyano ay nangangailangan din ng pagtupad sa mga pangako, dahil ito rin ay isang paglalakbay na hindi natin maituturing na madali!
[5]Sinipi mula kay Dallas Willard na binanggit sa Leksiyon 1.
Ang Paglago sa Pamamagitan ng Pagsasanay Ay Karaniwang Paraan ng Dios sa Paghubog sa Atin
Habang nalalaman natin na ang Banal na Espiritu ay maaari, at ginagawa, na mabago ang ating mga puso sa pamamagitan ng mga tuloy tuloy na pagkakataon sa ating espiritual na paglalakbay, alam din natin na dinadala niya tayo sa ganap na paglago sa pamamagitan ng mga proseso. Ang mga himala ng bagong kapanganakan at pagbabautismo ng Banal na Espiritu ay kamangha-mangha at inaalagaan ang mga problema sa puso, ngunit hindi nito awtomatikong malulutas ang lahat ng ating problema sa karakter.
Upang maituro na ang paghubog ng espiritual na buhay ay isang proseso na hindi maiaalis mula sa mga pambihirang sandali ng muling pagkabuhay. Maraming mga matapat na tagasunod ni Jesus ay nakaranas ng isang “banal na sandali” na may ganap na katapatan at pagsuko na higit pa sa bagong kapanganakanat paglilinis ng Banal na Espiritu bilang isang resulta. Ngunit tulad ng mga himala na hindi sinisira ang mga normal na batas ng kalikasan, ang mga pambihirang sandaling ito o panahon sa ating paglalakbay ay hindi inaalis ang normal na proseso ng paglago na inilagay ng Dios.
Ang Espiritual na Paglago ay Karaniwan na Nakabatay sa Pisikal na Paglaki
Ang mga sanggol ay hindi nagiging matanda sa isang gabi lamang, sa halip ito ay nakabatay sa isang proseso na hinirang ng Dios para sa paglaki. Ang parehong bagay ay totoo sa ating espiritual na paglago.
Ang Paghubog ng Espiritual na Buhay ay Isang Proseso ng Paglago Dahil ang Ating Mga Suliranin At Masmalalim Kaysa sa Alam Natin
Nahubog tayo ng kultura, pamilya, karanasan, at pagkabigo nang higit sa inaasahan nauunawaan natin. Hindi lahat ng pag-uugali ay mabubura ng himala ng pagbabalik-loob. Ang ilang Kristiyanong ina ay tumataas pa rin ang kanilang boses. Ang ilang Kristiyanong Ama sa ilang pagkakataon ay kumikilos parin dahil sa galit. Minsan ang ilang Kristiyanong ina ay labis ang paggastos. Ang mga Kristiyanong Ama ay nakikipaglaban sa mga pag-iisip o matang kung saan-saan tumitingin. Kadalasan ang mga Kristiyano ay labis na nagpapasasa , “labis ang pagsasalita,” “labis ang pagtulog,” atbp. Pinupuri ko ang Dios na pinatawad niya ang mga kasalanan, ginagawa tayong bago, binibigyan ng Banal na Espiritu, gumagawa ng mga himala, at nagpapalayas ng mga demonyo; ngunit palaging magkakaroon ng pangangailangan sa ating buhay para sa pagsasanay.
Ang Paghubog ng Espiritual na Buhay ay Isang Proseso ng Paglago Dahil Ang Mga Ilang Nakagawian Ay Mahirap Alisin
Kung ikaw ay isang taong ayaw magbasa noong bago ka maligtas, marahil ay isa kang Kristiyanong walang pagnanais na magbasa. Kailangan mong sanayin ang iyong isipan na kailangan mong magbasa. Kung may posibilidad kang maging negatibo o mapanghusga, kailangan mong sanayin ang iyong saloobin tungo sa pagpapasalamat at pagtanggap. Kung ikaw ay isang taong napaka-emosyonal noong bago ka pa maligtas, marahil ikaw ay isang taong emosyonal sa pagkakaligtas. Kailangan mong maging abala na sanayin ang iyong mga emosyon. Kung ikaw ay pinalaki ng isang mapang-abusong ama o ina na may napakababang pagtingin sa mga kababaihan, marahil ay nahihirapan ka pa rin na magmahal at magbigay respeto. Sanayin mo ang iyong sarili. Kung binibigyan ng nanay mo ng pananahimik ang iyong ama kapag hindi nasunod ang kanyang gusto, marahil ay nahihirapan ka sa masamang ugali na ito. Pumasok ka sa God’s gym! Kung ikaw ay may kamalayan o may pagpili ng mga estado ng tao, marahil ay nahihirapan ka sa pagmamataas sa kinabibilangang lahi. Sanayin mo ang iyong sarili na isipin na ang lahat ng tao sa paraan ng pagtingin ng Dios sa kanila. Kung hindi ka nakakatanggap ng pagmamahal, kinakailangan mong magsikap upang ipakita ang pagmamahal ng isang Kristiyano.
Mga hindi magandang pag-uugali – sa mga paraan ng pag-iisip, pagpapahayag ng ating sarili, pagtugon sa mga problema – na madalas nakaugat ng malalim sa ating katangian na imposibleng makalabas nang wala ang Banal na Espiritu atpagsasanay! Maliban sa nangyayaring pagsasanay, hindi tayo, mahuhubog tungo sa pagiging katulad ni Kristo. Ang mga disipulo ay isang halimbawa ng katotohanang ito,
Nagbalik siya at dinatnan niyang natutulong ang tatlong alagad, sinabi niya kay Pedro, “Hindi ba talaga kayo magpupuyat na kasama ko kahit isang oras lang? Magpuyat kayo at manalangin, upang hindi kayo madaig ng tukso. Ang espiritu’y handang sumunod, ngunit mahina ang laman.”[1]
Isang pambihirang pagkakataon na napalampas ng mga disipulo na makibahagi sa pagdurusa ni Jesus at samahan siya sa kanyang pananalangin sa kanyang huling sandali. Isang natatanging pagkakataong lumakad kasama niya at tumulad sa kanyang pamumuhay. Ngunit ang laman ay nangingibabaw at hindi nasanay. Dahil dito, inabandona ng mga disipulo si Jesus sa init ng labanan.
Ipapangatwiran ng ilan, Pagkatapos ng Araw ng Pentecostes ang mga disipulo ay hindi na muling nakatulog sa pananalangin sa halip sila ay naging mapagbantay!Malaki ang pagdududa ko sa pahayag na ito! Ang araw ng Pentecostes ay nagbigay sa Banal na Epsiritu, ngunit hindi nito tinatanggal ang pangangailangan ng mga disipulo para sa disiplina sa sarili. Si Pedro, ang pangunahing tauhan sa araw ng kwento sa Araw ng Pentecostes ay sumulat sa mga disipulo tungkol sa pangangailangan ng masigasig na pagsasanay.Tandaan na si Pedro ang nagtiyak sa atin na natanggap natin ang lahat ng kinakailangan para sa isang tapat na buhay Kristiyano, ngunit dapat nating idagdag ang pundasyon ng pagsasanay.[2]
Pagsasalarawan ng Pagsasanay mula sa Tunay na Buhay
[1]Ang mga propesyonal na atleta ay naging mas mahusay sa pamamagitan ng pagsasanay. Hindi sila naghihintay lamang habang inaabangan na makarating sila sa laruan o sa lugar ng paligsahan; hindi nila hinihintay lamang kung ano ang kanilang magagawa. Ang mga sundalo ay hindi naghihintay lamang habang inaabangan nilang mapunta sila sa madugong labanan upang matutunan kung ano ang kanilang armas. Ang mga karpintero ay naging bihasa sa paggamit sa kanilang kagamitan sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pag gamit nito.
Sa parehong paraan na ang mga atleta, sundalo, at mga karpintero ay naging dalubhasa sa pamamagitan ng pagsasanay, kaya’t ang mga Kristiyano ay nagiging bihasa sa katangiang Kristiyano – pagtitiyaga, kabaitan, pagpipigil sa sarili – sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pagsasanay.
Magtanim ka ng kaisipan, mag-ani ka ng paggawa; Magtanim ka ng paggawa; umani ka ng kaugalian; magtanim ka ng kaugalian, umani ka ng kahihinatnan.
Isang Halimbawa ng Pagsasanay sa Sarili
Alam ni Daniel ang peligro ng pagmamahal sa Babelonia at maaaring makalimutan ang Dios at ang minamahal na bayang kanyang kinalakihan. Habang siya ay tinangay bilang isang bihag, siguro ay napapaisip siya kung paano niya maiiwasan ang kanyang puso at isipan na maging katulad ng mga taga-Babilonia. Sa isang pagkakataon sa simula ng kanyang pagiging alipin, nagpasiya siya na sanayin ang kanyang sarli sa debosyon sa Dios at sa bayang kanyang kinalakihan:
Ngayon nang malaman ni Daniel na ang kasulatan ay nilagdaan na, siya ay umuwi. At sa kanyang silid sa itaas, nang bukas ang kanyang mga bintana paharap sa Jerusalem, lumuhod siya nang tatlong beses sa isang araw, at nanalangin at nagpasalamat sa harap ng kanyang Dios, ayon sa kanyang nakagawian mula pa sa kanyang pagkabata.[1]
Mula sa mga unang araw ng kanyang pagkabihag, itinatag na ni Daniel ang mga pang-araw-araw na kaugalian- mga disiplinang nagbabantay sa kanyang puso mula sa pagmamahal ng Babilonia,panatilihin ang kanyang puso sa kanyang bayang pinagmulan,at ingatan ang kanyang pagmamahal kay Jehovah.
Ang pagsasanay ni Daniel ay nagresulta sa mga kahanga-hangang mga pangitain, espirituwal at panlipunan inpluwensiya, epektibong pananalangin; at nagkaroon siya ng napakalaki na impluwensiya sa mga Judio na nakabilanggo. Katulad ni Daniel,ang mga matatagumpay na Kristiyano ay yaong sinasanay ang kanilang sarili patungo sa pagiging makaDios.
Nais mo bang maging isang mas malakas na Kristiyano? Madalas na hindi maunawaan ng mga kabataang lalaki at babae ang tunay na lakas. Ang lakas ay hindi ang kawalan ng tukso. Ang lakas ay hindi tahimik na pagwawalang-bahala sa sakit, sa kagandahan, sa kawalan ng katarungan, sa senswal na kasiyahan. Ang mga malalakas na Kristiyano ay ang mga taong hindi naaapektuhan ng pagmamataas, hindi ssensitibo sa mga salita na nakakasakit at nakakasugat, walang nakikitang kaakit-akit sa ipinagbabawal na prutas, o hindi nakadarama ng labis na gutom para sa makalaman na pagnanasa. Ang pinakamagandang saita para ilarawan ang mga taong walang nararamdaman, walang nakikita, walang dinaramdam, at walang panlasa, ay hindi ang salitang malakas, kundi... patay!
Ang tunay na lakas ay matataguan sa:
Ang biyaya na makapagpasya na harapin ang kasalanan at anumang bagay na humahadlang sa ating espiritual na paglago
Ang biyayay na makapasok sa pagsasanay ng Dios araw-araw upang magsanay tungo sa kabanalan
Ang mapagpakumbabang katapangan na gumawa ng mga pananggalang sa mga bahagi kung saan tayo ay pinakamadaling maakit ng tukso
Isang pangako ng pagtupad sa proseso ng espiritual na disiplina at pagbuo ng lakas
Espiritual na pagbabantay sa araw-araw at may kalakip na panalangin sa pagsusuot ng buong baluti ng Dios
Ang pigging puspos ng Banal na Espiritu!
Ang aming anak na si Jesse, na bulag, ay may magandang gabay na aso na nagngangalang Nala. Maraming itinuro sa akin si Nala tungkol sa kalamangan ng disiplina at pagsasanay. Upang maging kapaki-pakinabang siya sa kanyang pinaglilingkuran – protektahan at gabayan siya – kailangan muna niyang tiisin ang lahat halos walong buwan nang mahigpit na pagsasanay. At upang patuloy siyang maging kaaki-pakinabang, dapat siyang mamuhay ng may disiplina. Ang kanyang pagkain at tubig ay maingat na kinokontrol. Ang kanyang pagtulog at libreng oras ay pinangangasiwaan ng maayos. Siya ay sinanay na huwag tumahol o humabol sa mga pusa! Siya ay naglaan ng halos bawat sandal ng bawat araw sa paggabay o tahimik na paghihintay sa tabi ni Jesse para sa kanyang susunod na utosd. Ang kanyang pagsasanay ay ginagantimpalaan ng maraming pagmamahal, masustansyang pagkain, at araw-araw na oras ng paglalaro! Si Nala ay may kasiya-siya at kapaki-pakinabang na buhay... dahil sa disiplina.
Leksiyon 7 Mga Takdang Aralin
(1) Kumuha ng pagsusulit batay sa materyal mula sa leksiyong ito.
(2) Maglaan ng hindi bababa sa tatlumpung minute sa linggong ito sa pagbabalik-aral sa leksiyong ito, kabilang ang mga sanggunian ng Banal na Kasulatan, at humiling ng pang-unawa sa Banal na Espiritu.
(3) Itala sa iyong journal ang anumang particular na pagbabago na data gawin sa iyong buhay, na ipinakita sayo ng Panginoon.
(4) Pagnilayan ang kahit isang Awit sa iyong pagng-araw-araw na oras ng debosyonal, at itala ito sa iyong journal kung ano ang sinasabi ng salmista tungkol sa gawa at katangian ng Dios.
(5) Itala sa iyong journal ang isang persona na panalangin para sa espiritual na pagbabago at paglago batay sa leksiyong ito.
(6) Gamitin ang Pang-araw-araw na Gabay sa Pananalangin ni Brown sa iyong pribadong pananalangin.
Leksiyon 7 Pagsusulit
(1) Ano ang kahulugan ng kabanalan?
(2) Ano ang ibig-sabihin ni Pablo sa “Magsanay tungo sa kabanalan”?
(3) Ano ang pitong pamantayan na sinabi ni Pedro na dapat nating idagdag sa ating pananampalataya?
(4) Ano ang tatlong bagay ang kailangan sa pag-eehersisyo, o pagsasanay?
(5) Pangalanan ang ilan sa mga espiritual na disiplina na dapat nating gawin kung tayo ay lalago sa Kristiyanong katangian.
SGC exists to equip rising Christian leaders around the world by providing free, high-quality theological resources. We gladly grant permission for you to print and distribute our courses under these simple guidelines:
No Changes – Course content must not be altered in any way.
No Profit Sales – Printed copies may not be sold for profit.
Free Use for Ministry – Churches, schools, and other training ministries may freely print and distribute copies—even if they charge tuition.
No Unauthorized Translations – Please contact us before translating any course into another language.
All materials remain the copyrighted property of Shepherds Global Classroom. We simply ask that you honor the integrity of the content and mission.