Lesson 6: Paghubog ng Espiritual na Buhay sa pamamagitan ng Kamalayan sa “Sarili” (Ikalawang Bahagi)
20 min read
by Tim Keep
Pagbabalik-aral sa Leksiyong 5
Paalala sa pinuno ng klase: Suriin muli ang anim na mahalagang katotohanan mula sa Leksiyon 5. Gayundin, magbalik aral sa tatlong aspeto ng paglalakbay sa paghubog ng espiritual na buhay. Tanungin ang mga mag-aaral kung sino sa kanila ang may nais na magbahagi ng kanilang personal na panalangin mula sa Leksiyon 5.
Sa pagtatapos ng leksiyong ito, ang mag-aaral ay dapat na:
(1) Maunawaan ang mahahalagang katotohanan para makilala natin ang ating sarili.
(2) Maunawaan ang mabiyayang resulta ng pagiging wasak ayon sa Biblia.
(3) Kayang makapagsalita tungkol sa kung paano naipakita sa buhay ni Jesus ang pagiging espiritual na wasak.
(4) Malaman kung paano malilinang ang pagiging katulad ni Kristo.
Mga Larawan ng Buhay
Ang aking biyenan ay may magandang puno ng Bradford pear sa kanyang bakuran. Isang magandang puno...na may isang maliit na katawan ang mismong puno at nakatagilid ng bahagya. Naaalala ko na pagkatapos itong maitanim, 15 taon na ang nakalilipas, bumisita ako at ang aking pamilya. Ang unang bagay na napansin ko ay ang pagkakatanim nito, kung sinumang nagtanim nito ay hindi naging maingat sa pagtatanim upang maging diretso ito. Naisip kong hukayin ang paligid ng mga ugat at itulak ito upang dumiretso, ngunit hindi ko ito kailanman ito naisagawa. Habang ang puno ay lumalaki mula sa isang punungkahoy at naging isang sobrang laking puno, ito ay nakatagilid parin kung paano ito itinanim. Hindi ito naituwid ng panahon. Mga taon na dumaan ang araw, hangin, at ulan ay hindi naging sanhi upang lumago ito ng tuwid. Habang lumalaki ang puno at mas lumalawak ang mga sanga, ang hindi pagiging balanse ng bigat ng mga sanga nito ay maaaring maging dahilan upang tumaob ang magandang puno ng Bradford. Marahil hindi. Marahil ay mananatili itong maging isang puno na nakatagilid ng kaunti.
Ang mga tao, tulad ng mga puno, ay madalas na lumalaki habang sila ay nakatanim. Ang ating mga baluktot na kinatatayuan ay maaaring maituwid at ang ating magagaspang na kinatatayuan ay maaaring pakinisin. Ito ang buong kahulugan ng biyaya! Walang mas mahalaga sa ating buhay Kristiyano kaysa sa paglinang ng isang malambot na puso, isang espiritu na madaling turuan, at mapagpakumbabang pagsunod sa Salita ng Dios. Ang mga nakatagilid na tao, ay tulad ng nakatagilid na puno, na mas mahirap maituwid kapag hinayaan nilang tumigas ang lupa ng kanilang mga puso sa paglipas ng kapanahunan ng buhay.
Sa huling leksiyon, nagsimula naming ituro na para maging isang taong puspos ng Banal na Espiritu kung saan tayo tinawag ng Dios na maging, dapat tayong makumbinsi ng walang mahahalagang katotohanan. Sa leksiyong ito, tayo ay maisasabuo ng mga mahahalagang katotohanan na ating tatalakayin.
Ang Malaking Ideya
Ang kamalayan sa sarili – ang kaalaman sa aking sarili – ay ganap na kritikal sa paghubog tungo sa pagiging katulad ni Kristo.Ang tunay na makilala ang sarili ay ang malaman na ang hindi pa napapabanal na “sarili” ay ang pinakamalaking kaaway ng isang tao.
Mahalagang Katotohanan #6:
Ang Pagkamatay sa Pansariling-Interest ay Humahantong sa Paghubog ng Espiritual na Buhay tungo sa pagiging Katulad ni Kristo Ay Posible Lamang sa Pamamagitan ng Pananampalataya
Dapat tayong maging maingat na maunawaan ang kamatayan sa dating pagkatao bilang isang pagkilos ng biyaya. Napakaraming Kristiyano ang sumusubok na maging matuwid sa pamamagitan ng pagpatay sa kanilang makasalanang katangian.Ngunit hindi natin mailalagay sa kamatayan ang ating makasalang katangian sa pamamagitan ng ating sariling kakayahan.O makayanan man lang na ipamuhay ang isang buhay na banal, binagong buhay sa pamamagitan ng ating sariling kakayanan. Ang Dios lamang ang makakagawa ng mga ito sa atin. Ang ating disiplina at paghahangad ay hindi sapat upang talunin ang pagmamataas, pati ang lahat ng pagiging makasarili sa ating kalooban.[1] Ang sarili, ay tulad ng gma ugat ng isang higanteng puno, na binalot ang kanyang sarili sa bawat desisyon, bawat mabuting gawa, bawat aksyon, bawat sakripisyo, at bawat relasyon sa aking buhay. Ang biyaya lamang ang maaaring makapag-alis ng pagkakaalipin nito. Saan matatagpuan ang biyayang ito?
Ang Biyaya ay Matatagpuan sa Kapangyarihan ng Krus at Muling Pagkabuhay, Na Makakamtam sa Pamamagitan ng Pananampalataya
Ang krus lamang ang makakasira sa ng pagiging makasarili. Ito ang pare-parehong mensahe ng Bagong Tipan. Tingnan muli ang Galacia 5:24. Dto ay binanggit ni Pablo ang krus at mahahalagang bahagi nito sa isang matagumpay na buhay, at puspos ng Banal na Espiritu nang sabihin niya na, “At ang mga nakay Kristo ay ipinako sa krus ang dating pagkataokasama ng mga hilig at pagnanasa nito” (binigyang diin). Ang salitang “ipinako sa krus” ay tumutukoy sa krus.
Sa simula ng kanyang liham sa iglesia sa Galacia ay nagpatotoo si Pablo na ang kinakailangan ay ibinigay na sa pamamagitan ng krus para sa katagumpayan laban sa pansariling interes, at siya ay kasalukuyang nabubuhay sa katotohanang iyon:
Namatay akong kasama ni Kristo sa krus. Hindi na ako ang nabubuhay sa aking sarili, kundi si Kristo na. Ipinamumuhay ko ngayonang buhay kong ito sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Dios na nagmahal sa akin at nag-alay ng buhay niya para sa akin.[2]
Tila mayroong isang kontradiksyon dito. Paano ang isang tao ay parehong patay at buhay nang sabay?
► Talakayin: Sa paanong paraa nagiging espiritual na patay at espiritual na buhay ang isang tao ng magkasabay?Gaano kahalaga ang pananampalataya sa talatang ito?
Nang sinabi ni Pablo na, “Ipinako ako sa krus kasam niya,” ang sinasabi niya ay pagkamatay sa dating espiritual na kalalagayan – ang mapagmataas, makasariling si Pablo – ay nasakop ng krus, sa pamamagitan ng pagkakakilanlan kasama nito. Ang “ako” na muling binuhay at ngayong namumuhay ay binuhay na matagumpay “Ako” kung saan si Jesus ay naninirahan at sukdulang naghahari. Ito ang buhay sa ilalim ng pamamahala ng Banal na Espirtu. Ito ang buhay kung saan ang sariling kagustuhan ay isasantabi, at uunahin ang nais ni Kristo. Inihayag ng patotoo ni Pablo na ang pagbabahagi sa pamamagitan ng pananampalataya sa pagkamatay at muling pagkabuhay ni Jesus ay ang susi, hindi lamang sa kapatawaran ng kasalanan, ngunit maging sa pagkamatay sa dating pagkatao.[3]
Maraming Kristiyano ang nabubuhay na natalo dahil sinusubukan nilang talunin ang isang kaaway sa pamamagitan ng sariling lakas na matatalo lamang sa pamamagitan ng krus. Palagi silang nakatingin sa loob, ngunit bihirang tumingin kay Jesus. Ang totoong kwento ay naisalaysay tungkol kay Hiroo Onoda, isang sundalong Hapon, na nanatili sa Isla ng Lubang, sa Pilipinas, hanggang noong 1974, makalipas ang dalawampu’t siyam na taon pagkatapos ng WWII, dahil hindi nakarating sa kanya ang balita na sumuko na ang Japan.[4] SA loob ng maraming taon na si G. Onoda ay nakikipaglaban sa mga lokal na residente ng Filipino, pinatay ang tatlumpung katao! Sinubukan ng mga tao na kumbinsihin siya na natapos na ang digmaan, ngunit hindi siya napaniwala hanggang sa ang kanyang dating opisyal na pinuno ay dumating upang makita siya at ipakita sa kanyang ang opisyal na utos.
Tulad ni Hiroo, napakaraming mananampalataya ay nakikipaglaban sa pagkatalo sa pagnanais ng laman dahil ang balita ay hindi pa umaabot sa kanilang mga puso na dating mapagmataas, makasariling pagkatao ay natalo na sa pamamagitan ng krus. Isa sa mga lihim ng biyaya ay ang kagalakan dahil sa krus!
Ang Biyaya Ay Matatagpuan sa Naninirahang Presensya ni Jesus
Sa Galacia 2:20-21, nilinaw ni Pablo na ang pagkamatay kasama ni Kristo sa Krus ay isa lamang sa bahagi ng pagliligtas ng Dios. Ang pagiging kasama ni Kristo sa kanyang pagkakapako ay ang naghahanda sa atin para sa kapuspusan ni Kristo, ang nag-iisang puno ng kapakumbabaan, puno ng pag-ibig: “Si Kristo ay namumuhay sa akin... na nagmamahal sa akin at nagbigay ng kanyang buhay para sa akin.” Inilarawan ni Pablo ang kanyang buhay ngayon bilang “Si Kristo ay namumuhay sa akin.” Ito ang lihim sa banal na pamumuhay! Sinabi ni Dennis Kinlaw, “Ang pagiging katulad ni Kristo ay isang pagkilos ng biyaya. Nangyayari lamang ito habang si Kristo ay namumuhay sa atin, hindi sa pagsisikap nating maging katulad niya.”[5]
Nakakalungkot, marami sa mananampalataya ngayon ay hindi nakakaranas ng buhay ni Jesus dahil hindi sila namumuhay ng may kamalayan sa paninirahan ng kanyang presensya. Ang iba ay hindi nililinang ang kanyang pakikipag-ugnayan tulad ng nararapat o ang namumuhay sa kanyang kalakasan.
►Sa Juan 15, ano ang sinabi ni Jesus tungkol sa “sikreto” sa isang mabungang buhay? Talakayin kung ano ang kahulugan ng manatili ka Kristo.
Ang Biyaya Ay Matatagpuan sa Naninirahang Presensya ng Banal na Espiritu
Ang pagbabakante ng sarili ay nagbibigay ng puwang para sa ganap na paninirahan at kontrol ng Banal na Espiritu. Ito ang kahulugan ng Efeso 5:18: “At huwag kayong magpakalasing (sa ilalim ng kontrol) ng alak… sa halip ay magpakapuspos kayo sa Espiritu.” Si Jesus ay nabubuhay sa atin sa pamamagitan ng Banal na Espirtu ngunit maaari lamang maging ganap na makakilos kapag namatay tayo sa ating dating pagkatao.[6] Ayon sa Galacia 5 at marami pang ibang talata sa Bagong Tipan, ang kanyang nanahang presensya ay ang susi sa isang buhay na matagumpay, at katulad ng buhay ni Kristo. Pansinin kung paano ito sinabi ni Pablo: “ngunit ang bunga ng Banal na Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagpapasensya.”[7] Ang punto dito ay ang espiritual na bunga ang kanyang bunga(ng Espirtu), at hindi sa akin! Ikaw at ako ay mga binhi na nahuhulog sa lupa at namamatay;[8] ngunit sa pagkamatay natin, at sa patuloy na pagkamatay, siya ang nagbibigay sa atin ng buhay at siyang nagdudulot sa atin na lumago at magbunga. Minsan ay nakakalimutan natin ito at pinapagod ang ating sarili na pagsikapang maging mabuti! Ngunit ang Dios lamang ang makakagawa na gawin akong mabuti.
Ang pamamaraan ng Dios na gawin akong mabuti ay madalas na masakit na proseso. Katulad ng mga duming nakahalo sa ginto, ang pagmamataas at lahat ng mga naipapamalas na karumihan ay nakadikit sa aking likas na katangian; ang Banal na Espiritu lamang ang makakapag papadalisay nito. Paano niya ito nagawa? Ipinahaayag ni Juan na tagapag Baustismo na si Jesus ay “magbabautismo sayo sa Banal na Espiritu at apoy.”[9]Ang puso ng isang mananampalataya, tulad ng ginto, ay hindi malilinis mula sa labas sapagkat ang dumi ay nasa loob, at nakahalo sa katuwiran ng Dios. Ito ay dapat matunaw at mapadalisay ng apoy ng Banal na Espiritu.
Ayon sa patotoo ni Pedro, ito ang paglilinis na naranasan ng mga alagad noong araw ng Pentekostes:
Kaya’t ang Dios, na nakakaalam ng nilalaman ng puso ng bawat tao, ay pinatotohanan na sila ay tinanggap din niyang tulad natin nang ipagkaloob niya sa kanila ang Banal na Espiritu,Iisa ang pagtingin ng Dios sa kanila at sa atin, na nilinis ang mga puso sa pamamagitan ng pananampalataya.[10]
Magalak tayo sa nananahang presensya ng Banal na Espirtu na patuoy na pinababanal ang ating mga puso.
Ang Buhay ng Panginoong Jesus sa Ating Buhay Ay Bunga ng Pagkamatay sa Dating Pagkatao
Ang Pagkamatay sa dating pagkatao ay hindi ang wakas ngunit ang simula ng isang buhay ng nagpapasakop kay Kristo. Ang dahilan kung bakit ang mga buto ay binabaon sa lupa ay hindi para mamatay ito, kundi upang mabuhay ang mga ito sa paraang hindi nila pinangarap!
Ang buhay Kristiyano ay isang buhay kung saan ang ugali ni Jesus ay mas nagiging maliwanag. Ito ang kahulugan ng maging banal. Anumang pagpapahayag ng kabanalan o pagtuturo ng kabanalan na hindi naaayon sa buhay at katuruaan ni Jesus ay hindi totoong kabanalan.“Ang paraan lamang upang makilala ng mundo si Kristo ay sa pamamagitan natin. Kaya, dapat mayroong pagtugon sa ating buhay at sa ating kinakatawan.”[1]
Ang kabanalan ay hindi kapangyarihan.
Ang kabanalan ay hindi pagiging hiwalay sa mundo.
Ang kabanalan ay hindi ang paggawa ng tama.
Ang kabanalan ay hindi isang espiritual na kaloob.
Ito ang mga bunga ng kabanalan, ngunit ang totoong katuwiran ay ang buhay ni Jesus. Ang resulta ng pagkamatay sa dating pagkatao ay palaging isang pagpapakita ng buhay ni Jesus sa atin at sa pamamagitan natin. Narito ang ilan lamang sa mga katangian ng buhay ni Jesus na lumalago sa ating kalooban:
Ang buhay ni Jesus na nahahayag sa isang pusong dalisay ay mas nagiging isang buhay na mapagbigay, ibinibigay ang sarili, at may pagibig na handang magsakripisyo.[2]
Ang buhay ni Jesus na nahahayag sa isang pusong dalisay ay mas nagiging isang buhay na puspos ng (kontrolado ng) at binibigyan ng kapangyarihan, ng Banal na Espiritu.[3]
Ang buhay ni Jesusna nahahayag sa isang pusong dalisay ay mas nagiging malinis: payapa, banayad, masasang-ayunan, maawain, walang pinapanigan, at walang pagkukunwari.[4]
Ang buhay ni Jesus na nahahayag sa isang pusong dalisay ay magiging isang buhay na mayroong malalim na espiritual na pananaw.[5]
Ang buhay ni Jesus na nahahayag sa isang pusong dalisay ay mas magiging isang buhay na puno ng katahimikan, mapayapa, at malaya sa katok at pagkabalisa.[6]
Ang buhay ni Jesus na nahahayag sa isang pusong dalisay ay magiging isang buhay na may pakikipag-isa sa Dios.[7]
Ang buhay ni Jesus na nahahayag sa isang pusong dalisay ay magiging isang buhay na mas matagumpay sa mga nakasanayang kasalanan.[8]
Ang buhay ni Jesus na nahahayag sa isang pusong dalisay ay mas magiging isang buhay na lumalago ang kababaang-loob.[9]
Kung nakikita ko ang aking sarili sa isang bahagi kung saan kailangan kong pumili ng isang pahina ng Biblia kung saan matututunan ang tungkol sa katangian ng isang banal na buhay, sa palagay ko ang Filipos 2 ang aking pipiliin. Ito ay tunay na isa sa mga kabanata sa Biblia na pinaka naghahayag ng tungkol sa pag-iisip at buhay na dapat mayroon tayo.
► Mula sa Filipos 2, gumawa ng isang listahan ng mga katangian ng kabanalang makikita kay Jesus. Ibahagi ang mga ito sa iyong pangkat.
Ang isang taong nilamon ng pansariling-interes ay alipin ng mga hitsura at reputasyon at hindi makapaglingkod sa kapwa tayo sa mapagpakumbabang pamamaraan.
Sinabi ni Dr. Dennis Kinlaw ang mga sumusunod na kwento tungkol kay Samuel Brengle, isang tao na naging isang malakas na ebanghelista at isa sa mga pinaka-maimpluwensyang pinuno ng Salvation Army:
Sa panahon ng senior year ni Samuel Brengle sa Boston University, inalok siya na magpastor sa isang mayamang kongregasyon sa South Bend, Indiana. Nagkaroon siya ng pagkakataon na simulang ang kanyang ministeryo sa tuktok ng listahan ng lipunan. Ngunit, naramdaman niya na tinawag siya ng Dios na sumali sa Salvation Army, kaya’t tumawid siya sa Atlantiko at iniharap ang kanyang sarili kay Heneral William Booth (ang nagtatag ng ministeryo).
“Ayaw namin sa iyo. Mapanganib ka,” sabi ni Booth. “Mapanganib? Anong ibig mong sabihin?” tugon ni Brengle. “Masyado kang maraming pinag-aralan. Hindi mo nanaising maipailalim ang iyong sarili sa isa sa mga opisyal dito ay naging mananampalatayana dating lasingero at ang mga pinuno ng tauhan dito ay mga dating prostitute.” “Mangyaring bigyan mo ako ng isang pagkakatao,” iginiit ni Brengle. Kaya’t si Brengle ay inilagay sa pagtratrabaho bilang bootblack (isang tao na nagpapakintab ng sapatos) para sa Central Salvation Army Corps sa London. Sa isang hindi natapos ayusing basement, sa isang maruming sahig na bahagyang nakalubog sa tubig, sinimulan ni Brengle na linisin ang mga putik mula sa bota ng mga naging mananampalataya na dating mga palaboy sa lansangan na ngayon ay sundalo na sa Army.
Isang araw ay tila may narinig siyang boses sa kanyang kalooban na nagsasabing, “Ikaw ay hanggal!”“Ano ang ibig mong sabihin?” tanong ni Brengle. “Naaalala mo ang lalaking nagbaon ng kanyang kayamanan sa lupa?” sabi ng boses. “Alalahanin mo ang lahat ng pagsasanay na mayroon ka. Itinatapon mo lamang ang mga iyon.” Si Brengle ay nabalutan ng pagkalumbay at nagsimulang manalangin, “Panginoon, nabigo ko ba kayo? Namali ba ako ng pagsunod sa inyong naisin?” At sumagot ang Panginoon, “Tandaan mo, Sam, hinugasan ko ang kanilang mga paa!” Ang maputik na basement na iyon ay naging isang silid-tanggap sa langit nang maramdaman ni Brengle ang presensya ng Panginoon na nakakapagbigay katiyakan. Mula sa araw na iyon, alam niyang tinawag siya upang ilaan niya ang kanyang buhay para sa iba. Ang Banal na Espiritu lamang ang maaaring gawing posible ang ganitong pag-iisip na handang magsakripisyo.[10]
Mag-ingat tungkol sa anumang ideya ng kalaban na hindi tumutugma sa mapagpakumbabang buhay ng Panginoong Jesus.
Ang Isang Tuloy-tuloy, Mabungang Buhay na Katulad ng Kay Kristo, Kung Saan ang Dating Pagkatao ay Patay na at ang Buhay Ngayon ay Kontrolado ni Kristo, Ay Nangangailangan ng Isang Panghabang-Buhay na Paglinang at Pag-aalaga
Ang paglilinis ng puso ay hindi katapusan ng ating pagtulad kay Kristo.Tulad tayo ng mga piloto na hinanay ang ating mga eroplano sa landas ng paliparan ngunit kailangan nating gumawa ng hindi mabilang na pagwawasto bago makalapag ang eroplano.
Ang espiritual na kamatayan sa dating pagkatao isang Kristiyano ay isang buhay na kamatayan – isang tuloy-tuloy na pagkamatay.[1] Ang ating mga handog ay isang buhay na handog – isang tuloy-tuloy na paghahandog. Ang mga larawan ng salita tulad ng “pagkamatay sa dating pagkatao” at naglalayon lamang upang turuan tayo ng mga espiritual na katotohanan,ngunit dapat tayong mag-ingat na huwag lumayo sa Salita ng Dios. Ang isang dalisay na puso ay hindi ang katapusan ng ating hangarin para sa kabanalan. Ang isang dalisay na puso at isang pagnanais na magpasakop at mas mahusay na maghahanda sa atin para sa paglalakbay, ngunit mayroon tayong isang panghabang-buhay na pag-akyat na kailangang gawin!
Ang isang buhay na pusopos ng Banal na Espiritu ay isang buhay na lumalago atpatuloy na pinababanal.Sa pamamagitan ng Espiritu ng Dios tayo ay binabago mulasa “isang antas ng kaluwalhatian hanggang tayo ay maging kalarawan niya.”[2]Ang mga sumusunod ay isang praktikal na payo para sa mga nagnanais na lumalim sa buhay ng kabanalan.[3]
Sa mga sumusunod na artikulo ng aking kaibigan na si Dr. Phil Brown ay nag-aalok ito ng ilang kapaki-pakinabang at biblikal na payo, sa pagmumuhay ng may kabanalan.
Hebreo 12:14ay nag-uutos sa atin na, “Magpakabanal kayo!”[1]Ang kabanalan na dapat nating ipamuhay ay ang kabanalan ng Dios, na perpektong makikita kay Jesus, na hiwalay sa lahat ng kasalanan, walang bahid ng karumihan, dalisay, at matuwid.[2]
(1) Makakapamuhay tayo ng may kabanalan sa pamamagitan ng pagtanggal ang anumang balakid.[3]
Ang mga tumatakbo sa isang marathon ay ilaalis ang bawat oras na nagpapabagal sa kanila. Kung may anumang pumipigil sa iyong paghahanap ng kabanalan, kailangan mo itong isantabi! Ang Media, pera, musika, pagmamataas, relasyon – hindi mahalaga kung ano ito. Kung pinipigilan nito ang iyong pag-unlad sa kabanalan, oras na upang alisin mo ang mga ito.Naisantabi mo na ba ang bawat bigat sa iyong paghahangad ng kabanalan?
(2) Mahahanap natin ang kabanalan sa pamamagitan ng pagsasantabi sa mga madaling makatisod na kasalanan.[4]
Hindi lamang ang mga kabigatan ang kailangang isantabi. Ang mga madaling makatisod na kasalanan ay dapat din alisin. Ano ang kasalanang ito? Ito ang kasalanang madali kang matisod at mabiktima. Ang lahat ng mananampalataya ay madaling mabiktima ng pagiging makasarili, ang pangunahing nakikitang inilalabas ng ating masamang katangian. Isinasantabi natin ang prinsipyong ito ng kasalanan sa pamamagitan ng paglapit kay Kristo upang malinis tayo ng kanyang Banal na Espiritu. Gayunpaman, kahit na matapos ang paglilinis ng iyong puso sa pamamgitan ng pananampalataya, magkakaroon pa rin ng mga kasalanan kung saan madali kang mahulog. Isinasantabi natin ang mga kasalanan na ito sa pamamagitan ng paggawa ng lahat ng iniuutos ng Banal na Kasulatan para sa pag-iingat ng ating sarili mula sa kasaalan: gamitin ang mga paraan upang makatanggap ng biyaya;[5]huwag bigyan ng pagkakataon ang pagnanais ng laman na matupad ang mga hilig nito;[6] tumakas ka mula sa tukso sa pamamagitan ng pakikihalubilo sa mga nagtataguyod ng katuwiran, pananampalataya, pag-ibig, kapayapaan at tumatawag sa Dios ng may isang dalisay na puso;[7] at lumalakad kasama ng Banal na Espiritu.[8] Hinarap mo na ba ang mga kasalanan na madaling kang mahulog?
(3) Mahahanap natin ang kabanalan sa pamamagitan ng pagtingin kay Jesus.[9]
Alam ng bawat tumatakbo sa paligsahan na ang hindi matitinag na isip na nakatuon sa dulo ay ang susi upang manalo. Ang isang tumatakbo na hindi nakatuon ang pansin ay marahil matalo sa takbuhin. Ang salitang isinalin na “pagtingin” ay nangangahulugan na “ituon ang pansin ng isang tao nang walang anumang paggambala, ayusin ang pagtingin ng may pagtitiwala” sa isang tao.Dapat ay hindi tayo magambala at buong tiwala na nakatingin ang mata ng ating kaluluwa kay Jesus. Bakit? Dahil siya ang modelo ng kabanalan. Isang siguradong paraan na maudlot ang ating hangarin na magkaroon ng kabanalan ay ang pagtingin sa paligid at ihambing ang ating sarili sa iba. Upang maging banal na tulad ng pagiging banal ni Jesus, dapat tayong tumakbo na nakatuon ang ating isipan sa kanya. Nakatuon ba kay Jesus ang iyong pagtingin?
[10](4) Mahahanap natin ang kabanalan sa pamamagitan ng pagtitiyaga sa paglaban sa kasalanan.[11]
Ang mga talatang ito ay dapat na magpalaya sa atin mula sa anumang kaisipan na madali ang takbuhin upang magkaroon ng banal na katagumpayan. Oo, ang bawat bigat at ang mga makasalanang madaling makatisod sa atin ay maaaring naisantabi, ngunit tayo ay nasa isang labanan! Nakikipaglaban tayo habang hinahanap ang kabanalan. Ang kalaban ay tutuligsain ang bawat pagsulong sa pagiging katulad ni Kristos. Walang pinipiling edad, antas ng paglago, o estado ng biyaya na nagbubukod sa atin mula sa sagupaang ito. Ang panganib na maging pagod at manghinaang ating isipan ay ang magpapahirap sa atin.Nagtitiyaga tayo sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa pagtitiis ni Kristo. Ang ating kapitan ay nanalo kahit na pilit siyang tinukso ng dyablo. Sa pamamagitan ng kanyang biyaya, ay maaari din tayong magtagumpay! Nagtitiyaga ka ba sa paglaban sa kasalanan?
(5) Mahahanap natin ang kabanalan sa pamamagitan ng pagpapasakop sa pagtutuwid ng Dios at pagtitiis nito ng may buong pasasalamat.[12]
Kung hinahangad natin ang kabanalan, hindi natin dapat maranasan ang pagtutuwid at pagpalo ng Dios, tama? Mali! Hindi iyon ang kanyang pamamaraan. Sa katunayan, ang Dios ay may kapangyarihan na pahintulutan at utusan ang mga paghihirap, kung anupaman ang kaso, ito ay upang matulungan tayong lumago sa kabanalan na tulad ni Kristo. Ang matandang kasabihan, “Walang sakit, walang matatamasang pakinabang” tunay na nagsasalita ito sa ating kalagayan. Hinahanap natin ang kabanalan sa pamamagitan ng mapagpakumbabang pagtanggap sa mga ibinigay na pagtutuwid at tanggapin ito ng may pasasalamat, sapagkat pinatotohanan nila ang kanyang mapagmahal na pagnanais na makibahagi tayo sa kanyang kabanalan.Nagpapasalamat kaba sa Ama para sa kanyang pagtutuwid na nagdudulot ng kabanalan?
(6) Matatagpuan natin ang kabanalan sa pamamagitan ng pagpapatibay sa bawat isa.[13]
Ang motto ng mundo ay “bawat tao para sa kanyang sarili.” Hindi ganoon sa paghahanap ng kabanalan. Ang kabanalan ay dapat hanapin kasama ng pamayanan. Lalago tayo sa pagiging katulad ni Kristo kapag namumuhay tayo sa mga istraktura ng pananagutan at pagiging halimbawa. Tumatakbo tayo nang pinakamahusay sa ating takbuhin kapag nakikipag kapit-bisig tayo sa ating kapwa mananampalataya. Kung ang isang tao ay nadapa, ang kanyang mga kasama ay tutulungan siyang mai-angat muli upang mapanumbalik sa kanyang pagtakbo. Nakipag kapit-bisig kana ba sa kapwa mo mananampalataya na naghahanap ng kabanalan?
Konklusyon
Ang kabanalan ng puso at buhay ay isang paglalakbay, at itong anim na biblikal na alituntunin ay maysisilbing tagapangalaga ng ating kaluluwa mula sa malakas na hangin ng paghihirap at tukso at upang tayo ay lumago bilang mga mamamayan ng kaharian ng Dios.
[1]Ang buong bahaging ito ay isinulat ni Dr. Phil Brown.
[10]“Nang sinabi ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesus ang “magsisi” sa Mateo 4:4, ninais niya na ang buong buhay Kristiyano ay maging isang paghingi ng kapatawaran.”
– Martin Luther
Nakita ko ang pinakamalaking sagabal sa aking espiritual na paglalakbay at ito ay ang pagmamataas – na lumalabas mula sa aking makasalang pagkatao. Tapos na ako sa mga pagpapalusot.Tapos na ako sa pagsisi sa iba. Buo kong iniaalay ang aking sarili bilang isang buhay na handog sayo. Sa pamamagitan ng sinabi ng sumulat ng awit ito ang aking dalangin, “O Dios, Likhain mo sa akin ang isang malinis na puso.” Kasama ni Pablo ay pinapasan ko ang aking krus at naniniwala ako na, “Ako ay ipinako sa krus kasama ni Kristo; hindi na ako ang namumuhay, ngunit si Kristo ang siyang namumuhay sa akin; at ang buhay na ipinamumuhay ko ngayon sa laman at ipinamumuhay ko sa pamamagitan ng pananampalatayasa Anak ng Dios, na nagmamahal sa akin at ibinigay ang kanyang sarili para sa akin.” Nagtitiwala ako ngaton sa paglilinis at pagkilos ng Banal na Espiritu, ang ipinangako ni Jesus nang sinabi niya: “Kung sinuman ang nauuhaw, lumapit siya sa akin at uminom. Ang sumasampalataya sa akin, tulad ng sinasabi sa Banal na Kasulatan, mula sa kanyang puso ay dadaloy ang tubig na nagbibigay ng buhay.”
Amen.
Leksiyon 6 Mga Takdang Aralin
(1) Kumuha ng isang pagsusulit batay sa materyal mula sa leksiyong ito.
(2) Maglaan ng hindi bababa sa tatlumpung minuto ngayong linggo upang magbalik-aral sa leksiyon ito, kabilang ang mga sanggunian sa Banal na Kasulatan, at hilingin sa Banal na Espiritu na bigyan ka ng mas malalim na pang-unawa.
(3) Itala sa iyong journal ang anumang tiyak na pagbabago na dapat gawin sa iyong buhay, tulad ng ipinakita sayo ng Panginoon.
(4) Pagnilayan ang hindi bababa sa isang Awit sa iyong pang-araw-araw na oras ng pag-aaral ng Biblia, at itala sa iyong journal kung ano ang sinabi ng salmista tungkol sa mga katangian ng Dios.
(5) Itala sa iyong journal ang isang personal na panalangin para sa espiritual na pagbabago at paglago batay sa leksiyong ito.
(6) Ugaliin ang paggamit ng Gabay sa Pang-araw-araw na gabay sa Pananalangin ni Brown sa iyong pribadong pananalangin.
Leksiyon 6 Pagsusulit
(1) Ano ang tatlong mahahalagang katotohanan na itinuro sa leksiyong ito?
(2) Kaya bang patayin ng mga Kristiyano ang katangian na likas na makasalanan?
(3) Kumpletuhin ang pangungusap na ito: “Ang __________ lamang ang maaaring makapag-alis ng pagiging makasarili.”
(4) Kumpletuhin ang pangungusap na ito: “Ang pagtalikod sa sariling kagustuhan ay nagbibigay ng puwang para sa__________ __________ at kontrol ng __________ __________.”
(5) Ano ang bunga ng kamatayan sa sariling kagustuhan?
(6) Sabihin ang tatlong katangian ng buhay ni Jesus na nasa sa atin.
(7) Ano ang anim na hakbang para sa paglinang o paghahanap ng kabanalan na itinuro ni Dr. Phil Brown?
SGC exists to equip rising Christian leaders around the world by providing free, high-quality theological resources. We gladly grant permission for you to print and distribute our courses under these simple guidelines:
No Changes – Course content must not be altered in any way.
No Profit Sales – Printed copies may not be sold for profit.
Free Use for Ministry – Churches, schools, and other training ministries may freely print and distribute copies—even if they charge tuition.
No Unauthorized Translations – Please contact us before translating any course into another language.
All materials remain the copyrighted property of Shepherds Global Classroom. We simply ask that you honor the integrity of the content and mission.