Leksiyon 7 Balik-aral
Paalala sa lpinuno ng klase: Isulat muli ang mga pangunahing punto mula sa Leksiyon 7. Itanong sa mga mag-aaral kung sino sa kanila ang handing magbahago ng kanilang mga personal na panalangin mula sa Leksiyon 7.
Search through all lessons and sections in this course
Searching...
No results found
No matches for ""
Try different keywords or check your spelling
39 min read
by Tim Keep
Paalala sa lpinuno ng klase: Isulat muli ang mga pangunahing punto mula sa Leksiyon 7. Itanong sa mga mag-aaral kung sino sa kanila ang handing magbahago ng kanilang mga personal na panalangin mula sa Leksiyon 7.
Sa pagtatapos ng leksiyong ito, ang mag-aara ay dapat na:
(1) Nauunawaan ang kahalagahan ng mga klasikong espiritual na disiplina sa paghubog ng espiritual na buhay.
(2) Magkaroon ng mas mahusay na pagkaka-unawa sa mga disiplinang ito.
(3) Simulan ang pagsasabuhay ng mga disiplinang ito.
Mga Krisitiyanong Namumuhay sa Mahihirap na Kondisyon
Pinamumunuan ni Daisy ang isang kongregasyon ng mga overseas foreign workers (OFWs) sa Paris. Upang makaraos sa pananalapi, halos lahat ng kanyang kongregasyon ay nagsasalo sa maiit na espasyo sa apartment sa medjo masikip na mga kondisyon. Karamihan ay nagtratrabaho ng naakatagal sa isang araw at napakaunting oras ng paghinga sa buong taon. Maaari bang magkaroon ng paghubog ng espiritual na buhay kahit sa ganitong mahirap na kalagayan?
Karamihan sa mga Krisitiyano sa labas ng USA ay nakatira sa overpopulated, urban na mga lungsod. Karamihan ay nakatira sa mahihirap na lugar, sinusubukang mabuhay sa $4 sa isang araw o mas kaunti. Marami ang nagtitiis sa mahabang paglalakbay, minsan dalawa hanggang tatlong oras sa isang araw. Karamihan ay nakatira kasama ang kanilang mga extended na pamilya, o naglalakbay palayo sa kanilang mga pamilya kasama ng iba. Para sa mga mananampalatayang ito, ang paghahanap ng isang tahimik na oras at isang lugar ng pag-iisa ay isang malaking hamon; ang paggawa ng panalangin at pagninilay sa Salita ng Dios bilang pang-araw-araw na priyoridad ay nangangailangan ng napakalaking pangko ng pagtupad nito.
Mga Kristiyanong Namumuhay ng Napaka-abala
Sa kanluran, karamihan sa mga Kristiyano ay nabubuhay sa isang napakabilis na pag-usad ng maka-materyal na mundo. Mahirap magdahan-dahan nang sapat upang magkaroon ng espiritual na pag-iisip. Sila ay kadalasang may sapat na espasyo, nabubuhay nang higit sa makaraos lamang, mayroong tahimik na lugar, at kung pinasimple nila ng kaunti ang kanilang mga buhay maaari silang maglaan ng oras para sa espiritual na disiplina. Ang kanilang hamon ay madalas na makikita lamang ang halaga ng mga disiplina at paglalaan ng oras upang linangin ang perensya ng Dios.
Sa harap ng tarangkahan ng Marine training camp sa Isla ng Parris, sa South Carolina, ay may karatulang nagsasabing, “Saan Nagsisimula ang Pagkakaiba!” Ano ang pagkakaiba para sa isang United States Marine? Ang ilan sa mga pagkakaiba sa isang Marine ay: matigas na postura ng katawan, walang bahid ng dumi ang uniporme, isang pakiramdam ng pagtutuon ng isipan at determinasyon, persona na disiplina, pisikal at mental na katigasan, isang kahandaang sumunod sa mga utos, at ang kakayahang kumilos bilang isang miyembro ng isang pangkat para sa labanan. Ang mga katangiang ito ay nabuo sa panahon ng seryosong pagsasanay sa Isla ng Parris. Alam ng mga Marines na ang kanilang buhay ay maaaring depende sa kalidad ng kanilang pagsasanay. Ang pagsasanay ay kung saan nagsisimula ang pagkakaiba![1]
► Kung ang isang tagalabas ay tumingin sa mga Kristiyano sa iyong iglesia, ano kaya ang kanilang ililista bilang pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng mga pananampalataya at hindi mananampalataya?
Ang iglesia, ang hukbo ng Dios, ay tinawag upang “gawing alagad ang lahat ng bansa.”[2] Ito ay higit pa sa pagdadala sa mga nagbalik-loob sa isang patotoo ng kaligtasan; ito ay tumutulong sa mga bagong mananampalataya na mahubog tungo sa pagiging kawangis ni Kristo. Ang kanilang buhay, gayundin ang buhay ng iglesia, ay nakasalalay sa ating katapatan sa tungkuling ito.
Paano natin ito maisasakatuparan? Paano tayo magiging tapat na tagasunod ni Jesus? Ang pinakamahalaga sa leksiyong ito, ay kung paano tayo higit na mahuhubog tungo sa pagiging katulad ni Kristo sa ating mga katangian? Paano tayo mahuhubog mula sa isang estado ng pagiging wasak at pagiging makasarili tungo sa isang estado nang pagiging buo at pagiging kapaki-pakinabang sa kaharian ng Dios? Bahagi ng sagot ay sa pagsasagawa ng mga klasikong espiritual na disiplina. Sinabi ni Richard Foster, “ang pagiging mapaniwalain sa mga kababalaghan at ang sumpa ng ating panahon.... Ang desperadong pangangailangan ngayon ay hindi para sa mas maraming matatalinong tao, o mas maraming taong may angking kaloob, ngunit nangangailangan tayo ng mas malalim na mga tao. Ang mga klasikal na disiplina sa buhay espirtual ay tumatawag sa atin na higitan ang pamumuhay na mapaimbabaw at mamuhay ng mas malalim.”[3]
Sa pamamagitan ng “klasiko” ang kahulugan natin nito na naisasagawa nila ito ng mga tapat na Kristiyano sa bawat henerasyon.
Ang pagsasagawa ng mga espiritual na disiplina, kasama ang ministeryo ng Banal na Espiritu, ay magbibigay ng pagsasanay para sa isang matagumpay na buhay. Ang mga ito ay ganap na mahalaga para sa pag-usad nang higit sa isang nominal, maligamgam, madalas na natatalong buhay Kristiyano. Napatunayan na ito ng bawat tapat na henerasyon ng mga Krisityano.
Ang mga espiritual na disiplina ay mahalaga sa buhay ni Jesus; kung tayo ay mahuhubog at maging katulad ni Kristo, ang mga ito ay magiging lalong mahalaga para sa ating mga buhay.
Ang Mga Espiritual na Disiplina ay Nakikipaglaban sa Kamunduhan, sa Pagnanasa ng laman, at sa Diyablo
[1]Pinakamabuting maunawaan ang buhay Kristiyano bilang isang lugar ng digmaan.[2]Ang pangangailangan para sa taimtim, pagsisikap na puno ng pananampalataya at espiritual na pagiging militar ay malinaw na binigyang diin ni Jesus at ng mga apostol. Sinabi ni Jesus, “At mula sa mga araw ni Juan Bautista hanggang ngayon, ang kaharian ng langit ay dumaranas ng karahasan; at ang marahas (isang armado, taimtim na puso at lubos na tapat) ay kinuha ito sa pamamagitan ng puwersa.”[3]Tinukoy ni Pablo ang buhay Kristiyano bilang isang digmaan.[4]Ang digmaang ito ay nangangailangan ng alerto, mapagbantay, puyat na mga Kristiyano. Ang mga Nominal, maligamgam na mga mananampalataya ay hindi mabubuhay.
Sa alegorya, ang Pilgrim’s Progress, ni John Bunyan, ang pangunahing karakter, si Christian, ay bumisita sa Interpreter’s house. Doon, ipinakita kay Christian ang isang pangitain ng isang armadong lalaki na nagmamadali patungo sa pintuan ng Langit, dinaig ang mga bantay, at pagkatapos ay pumasok sa mga pintuan ng banal na lungsod na may malaking kagalakan. Hindi nauunawaan ni Christian ang pangitaing ito, kaya ipinaliwanag ito sa kanya ng Interpreter. Ang pangitain ay nangangahulugan na pagmamadali, masigasig na pagpapasiya ay kinakailangan sa bawat Kristiyano na nagnanais na makapasok sa Langit, dahil ang lahat ng Impiyerno at nasa labas upang pigilan tayo.
Ang pagsasagawa ng mga espiritual na disiplina ay magpapatibay sa ating mga puso at maghahanda sa atin sa pag-iisip at espiritual para sa pakikipaglaban sa kamunduhan, sa pagnanasa ng laman, at sa diyablo.[5]
Ang mga Espiritual na Disiplina ay Isang Paraan ng Pagtanggap ng Biyaya, at Paghahanda sa Atin para sa Digmaan
Sa digmaang ito, kailangan natin ng biyaya. Ikaw at ako ay walang laban mula sa kamunduhan, pagnanasa ng laman, o sa diyablo. Sa katunayan, ang lahat ng pagsisikap ng tao para magkaroon ng katuwiran ay hindi sapat. Ang katuwiran ay isang regalo mula sa Dios. Wala tayong magagawa para matanggap ang kaluwalhatian ni Jesus. Ngunit binigyan tayo ng Dios ng mga espiritual na disiplina bilang isang paraan ng pagtanggap ng biyaya. Isinulat ni Richard Foster,
Ang isang magsasaka ay walang kakayanang magpatubo ng butil ng bigas; ang tanging magagawa niya ay magbigay ng tamang mga kondisyon para sa paglaki ng butil ng bigas. Nililinang niya ang lupa, siya ay nagtatanim ng binhi, dinidiligan niya ang mga halaman, at pagkatapos ay ang kalikasan ng mundo ang kikilos at tutulong magpatubo sa butil ng bigas. Sa parehong paraan ito ay katulad ng mga espiritual na disiplina – ang mga ito ay isang paraan ng paghahasik sa Espiritu. Ang pagdidisiplina ay ang paraan ng Dios upang malinang ang ating lupa; inilalagay niya tayo kung saan ay maaari siyang kumilos sa atin at upang tayo ay baguhin.[6]
Ang Tagapagturo at may akda nang Paghubog ng Espiritual na Buhay na si Robert Mulhollandwrites ay isinulat ang,
Sa huling pagsusuri, wala tayong magagawa para ibahin ang ating sarili tungo sa pagiging isang taong nagmamahal at naglilingkod kagaya ng ginawa ni Jesus, maliban na lamang kung gagawin nating available ang ating sarilisa Dios upang gawin ang kanyang pagkilos sa pamamagitan ng biyayang nakakaagpabago sa ating buhay.[7]
Nagpatuloy siya sa pagpapaliwanag na may tatlong paraan kung paano tayo magiging available para sa Dios sa paghubog ng espiritual na buhay: komprontasyon, pagtatalaga, at mga espiritua na disiplina:
(1) Dumadaloy ang biyaya sa pamamagitan ng komprontasyon.
“Sa pamamagitan ng ilang pamamaraan – ang Banal na Kasulatan, pagsamba... isang kapatid kay Kristo... – maaaring suriin ng Espiritu ng Dios ang ilang bahagi kung saan hindi tayo nagiging katulad ni Kristo.”[8]
(2) Ang biyaya ay dumadaloy sa pamamagitan ng pagtatalaga.
Dapat tayong dumating sa punto ng pagsasabi ng “oo”sa Dios sa bawat punto ng hindi pagkakatulad. Dapat nating bigyang pahintulot ang Dios na gawin ang mga bagay na nais niyang gawin sa atin... sapagkat ang pagbabago ay hindi sapilitang ibinibigay sa atin.[9]
Dapat nating buksan ang pintuan ng ating kaluluwa sa Dios.
(3) Ang biyaya ay dumadaloy sa pamamagitan ng espiritual na disiplina –
Ito ang mga pagkios sa pagbubukas ng pinto sa Dios sa isang tuloy-tuloy na pamamaraan.
► Mga katanungan para sa talakayan:
Mayroon bang anumang pagkakatulad ang nangyayari sa isang kampo ng military at kung ano ang nangyayari sa iyong iglesia?
Ganon rin ba sa iyong personal na buhay?
Ang mga Kristiyano ba sa iyong local na kongregasyon ay nagpapaalala sayo ng mga sundalo sa isang aktibong digmaan o mga bata sa isang palaruan?
Gaano kaiba sa palagay mo ang iyong pamumuhay kung talagang naniniwala kang namumuhay ka sa gitna ng digmaan?
Ang Espiritual na Disiplina ay Nagbibigay ng Higit na Kaisyahan sa Dios
Oo, tayo ay mga sundalo. Ngunit tayo ay mga sundalo na patungo sa isang kasalan. Madalas nating iniisip na ang mga Kristiyanong nagsasagawa ng mga espiritual na disiplina ay mga napakaseryoso at mahigpit, pati ang pagiging hindi masaya. Minsan ito ay totoo; ngunit kailangan nating isipin ang buhay Krisityano hindi lamang bilang pakikidigma kundi bilang pakikibahagi sa isang kasal.[10]
[11]Tayo ang nobya ni Kristo na patungo sa ating kasal. Ang araw ng ating kasal ay magiging isang araw ng perpektong pakikipagka-isa kay Kristo at isang araw ng walang hanggang kapistahan at pagdiriwang. Bilang mga Kristiyanong patungo roon, ang masayang pag-aasam na ating nararanasan at ang lumalagong pagmamahal na mayroon tayo para kay Kristo, ang ating nobyo, ay nagbibigay sa atin ng kagalakan ‒kagalakan na madalas na lumalabas sa ating mga puso at sa ating pang-araw-araw na buhay. Ang mga pinabanal ng Dios sa lahat ng dako sa mundo na higit na nakaapekto sa buhay ko ay hindi malungkot at nagdadalamhati. Hindi sila nalulumbay o negatibo. Ang kanilang pagsasagawa ng mga espiritual na disiplina ay hindi nagdudulot sa kanila na maging mapagmataas sa kanilang espiritual o lumalayo sa mga “normal” na tao. Siguradong sila ay alerto at matino ang pag-iisip; ngunit, katulad ni Jesus, sila ang pinakamapagpakumbaba, di madaling masiraan ng loob, at masayang tao sa mundo.
Ang mga Krisityanong naglalakad na may bigat ng mundo sa kanilang mga balikat ay hindi nagsasanay na manaangin, mag-ayuno, o magnilaynilay sa Banal na Kasulatan na na-aayon sa Biblia. Ang pagsasanay sa presensya ng Dios, na siyang naitutulong sa atin ng disiplina, ay magdadala ng espiritual na kalayaan. Ang pagkabalisa, takot, at pang-aapi ay mawawala sa atin sa ating paglapit sa presensya ni Jesus.
[12]Napakahalaga na matutunan ng mga Kristiyano na ipagdiwang ang kabutihan at mga pagpapala ng Dios, kahit na sa digmaan. Ang ating “maliit” na mga pagdiriwang sa paglalakbay ay nagpapatikim ng araw na ating kasal! Itinuro ni John Wesley na ang pag-ibig ng Dios ay “ang kagalakan sa kanya, ang pagsasaya sa kanyang kalooban, ang patuloy na pagnanais na bigyan siya ng lugod, ang hanapin at matagpuan ang ating kaligayahan sa kanya, at ang pagkauhaw araw at gabi para sa higit na kasiyahan sa kanya.”[13] Ang espiritual na disiplina ay hindi dapat maging mga gawi lamang, ngunit mga gawain na nagdudulot ng isang mas ganap na kasiyahan sa Dios at sa kanyang maraming pagpapala.
Dapat tayong maging lubhang maingat na huwag ituring ang panalangin, pag-aayuno, o alinman sa mga espiritual na disiplina bilang isang paraan upang magtamo ng pagpapala ng Dios, upang magkaroon ng pagkakautang sa atin ang Dios, o maging ang paghahangad ng magkaroon ng mga materyal na “pagpapala.” Nadarama ng ilang mga Kristiyano na kung sila ay gagawa ng ilang paghahandog, kung gayon ang Dios ay may utang sa kanila at kailangan ibigay sa kanila ang kanilang hinihiling. Ang mga espiritual na disiplina ay tungkol sa paglinang ng isang mas malalim na kaugnayan sa Dios, hindi upang gawin siyang isang taong may pagkaka-utang.
Ang mga Espiritual na Disiplina Ay Paraan upang Mabuo ang Pangkaraniwang Disipulo Tungo sa Pagiging Katulad ni Kristo
Ang mga espiritual na disiplina ay hindi para sa mga super Kristiyano. Walang ganun. Ang mga espiritual na disiplina ay para sa mga nanay sa bahay, mga magsasaka, manggagawa sa pabrika, imigrante, propesor, mag-aaral, may-ari ng negosyo, at...sa lahat.
Ang mga tagasunod ni Jesus ay ordinaryong mangingisda lamang; gayunpaman, natutunan nila mula kay Jesus ang mga gawain ng pag-iisa, pagninilay-nilay, pananalangin, pag-aayuno, pagsasakripisyo, pagsamba, paglilingkod, at Banal na Hapunan ng Panginoon. Habang nagsasanay sila, mas naging katulad niya sila. At sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga disiplinang ito, ang kapangyarihan ng Dios ay dumadaloy sa kanilang buhay.
Si Santiago ay mabilis na nahihikayat ang mga ordinaryong Kristiyano na kahit
Si Elias ay isang tao na tulad din natin... nang taimtim siyang nanalangin na huwag umulan, at hindi nga umulan.... At muli siyang nanalangin, at ang langit ay nagbigay ng ulan, at namunga ang mga halaman.[14]
Kinakatagpo ng Dios ang mga ordinaryong tao at ginagamit sila para sa kanyang kaluwalhatian.
“Tinatawag tayo ng mga disiplina na lumampas sa pangkaraniwang pamumuhay tungo sa kaibuturan ni Jesus. Tinatawag nila tayong higit sa kaswal na Kristiyanismo tungo sa isang masiglang espirituwal na atleta na magbibigay-daan sa atin na maranasan ang higit at higit pa sa kailaliman ng karagatan ng Diyos.
Ang mga espirituwal na disiplina ay hindi kailanman dapat maging mga nakaugalian lamang, kundi mga gawaing nagdadala sa atin sa mas lubos na kasiyahan sa Dios.
“Iniuukol ng Dios ang mga disiplina ng espirituwal na buhay para sa ordinaryong mga nilalang: mga taong may trabaho, mga nag-aalaga sa mga bata, mga naghuhugas ng plato at nagpuputol ng damo sa bakuran. Ang totoo, ang mga disiplina ay pinakamabuting isinasagawa sa gitna ng mga relasyon sa ating asawang lalaki o babae, ating kapatid na lalaki o babae, o mga kaibigan at kapitbahay.”
– Richard Foster
Sa leksiyong ito at sa mga sumusunod na leksiyon, tutuklasin natin ang ilan sa mga klasikong espirituwal na disiplina at maghahanap ng mga praktikal na paraan upang maisabuhay ang mga ito sa ating paglakad kasama ng Dios.[1] Ang ilan sa kanila ay nangangailan ng higit na paliwanag kaysa sa iba.
Ang Espirituwal na Disiplina ng Pag-iisa
“Madaling araw pa’y bumangon na si Jesus at nagunta sa isang lugar na walang tao; at doon ay nanalangin siya.”[2]
Ang kahulugan ng pag-iisa
Ang pag-iisa ay simpleng paglayo sa mga tao upang mapag-isa kasama ng Dios at mas mapalapit sa kanya. Bilang isang espirituwal na disiplina, ang pag-iisa ay hindi lamang tungkol sa pag-iisa na walang kasama, kundi ito ay tungkol sa pag-iisa kasama ng Dios. Ang pag-iisa ay isang pag-aayuno mula sa pakikipagkaibigan upang ituon ang ating isipan sa ating pangunahing pakikipagkaibigan sa Dios.
Ngunit dapat nating maunawaan ang pag-iisa hindi lamang bilang pag-alis sa isang pisikal na lugar, kundi sa isang lugar din sa pag-iisip. Ang pag-iisa ay nagsasara ng pinto ng ating isipan, sa ilang sandali, sa mundo sa labas, upang mabago ang panloob na katauhan. Kung iisipin natin ang pag-iisa sa ganitong paraan, marahil ang isang pagsakay sa tren o isang masikip na opisina ng doctor ay maaaring maging isang lugar ng pag-iisa kapag hindi mahanap ang pisikal na pag-iisa.
Ang Pag-iisa sa buhay ni Jesus
Sinasabi sa atin ni Lucas na si Jesus ay madalas na “umaalis patungo sa ilang (malungkot, nag-iisa) na mga lugar at duon nananalangin”[3]Bakit niya ito ginagawa? Dahil ang paglilingkod sa mga tao ay nakakaubos ng kanyang espiritual na mga yaman‒mga yaman na kinakailangang palitan palagi. Bagama’t mayroon lamang siyang ilang taon upang tapusin ang kanyang gawain dito sa lupa, sadyang inayos ni Jesus ang kanyang buhay upang makalayo sa kanyang mga tagasunod at mapag-isa kasama ng kanyang Ama.
[4]Ang kapangyarihan ng pag-iisa sa paghubog ng espiritual na buhay
Ang isa sa mga ama ng simbahan, si Diadochos ng Photiki, ay naobserbahan na kung ang pintuan ng ating buhay ay hahayaan na bukas sa ibang tao nang napakatagal, ang init ng ating mga kaluluwa ay sisingaw.[5] Naobserbahan ko ito sa sarili kong buhay. Nagsimula akong maghirap sa espiritual kapag nabigo akong umupo sa paanan ni Jesus. Ang pagkabalisa, kawalan ng pasensya, pagkawala ng kumpiyansa, isang mapag-alalang paraan ng pag-iisip sa mangyayari, isang pakiramdam ng kawalang kabuluhan,isang kritikal na espiritu‒ ito ay kadalasang resulta ng pagpapabaya sa pag-iisa.
Sa pag-iisa, nawawala ang ating hindi malusog na pakikipag-ugnayan sa tao. Sa pag-iisa, iniiiwas natin ang ating mga mata sa mga tao at sa mga paraan nilang nakakasakit o nakakasdismaya sa atin at ibinabalik ang ating pagtingin sa Panginoon. Sa tunay na pag-iisa, inihahandog natin sa Banal na Espiritu ang ating buong atensyon. Ibinabalik niya sa ayos ang ating mga pananaw at mga prayoridad tungo sa kanya at ibinubuhos ang sariwang kapayapaan, pagmamahal, at kagalakan sa ating mga puso. Sa pag-iisa, nakakatagpo tayo ng biyaya na maibabalik natin sa ating mga komunidad at mga responsibilidad na may pagtatalaga ng Banal na Espiritu upang magkaroon ng pangmatagalang epekto.
Inaalis tayo ng pag-iisa mula sa nakamamatay na sakit ng pagiging abala at pag-iisip sa kakayahang tumupad. Sa pag-iisa, matututunan natin na hindi tayo pinahahalagahan ng Dios dahil sa kung ano ang ginagawa natin para sa kanya, kundi kung sino tayo – ang ating panloob na pagkatao. Pinahahalagahan ng mga makasanlibutan ang mga nakikitang tagumpay nang higit sa pagbabago ng ating mga isipan sa presensya ng Dios. Alam ng mga taongnag-iisip ng mga espiritual na bagay na ang paghubog sa ating kaloob-loobang pagkatao tungo sa larawan ni Kristo ay ang pangunahing layunin ng Dios sa kanyang ginawang pagtubos.
Sa pag-iisa, natuklasan natin na ang Banal na Espiritu ay mas higit na makakakilos sa pamamagitan ng ating pananatili sa kanya kaysa sa ating walang pag-asang pagsisikap na gumawa ng isang bagay na mahusay para sa kanya.[6]
Mga praktikal na payo para sa pagsisimula sa pag-iisa
(1) Maghanap ng lugar na angkop para sa iyo.
Maging malikhain. Isang mag-aaral sa isang Asian Bible school ang gumapang sa ilalim ng kanyang kama upang mapag-isa kasama ang Dios dahil ito lamang ang tahimik na lugar na mahahanap niya! Ang iba, katulad ko, ay natuklasan na ang paglalakad nang mag-isa sa isang parke malapit sa aking tahanan ay nagbibigay sa Dios ng espasyo para magsalita. Sa Pilipinas, isang bansang makapal ang populasyon, hindi bababa sa isang pastor ang nagsabing nakatagpo siya ng pag-iisa sa CR(Comfort Room) dahil ito lamang ang lugar na makakalayo siya sa mga tao! Marahil ang iyong mga kalagayan ngayon ay ginagawang imposible ang paghahanap ng isang tahimik na lugar. Naiintindihan ng Panginoon kung nasaan ka at tutulungan ka niya kung hahayaan mo siya.
(2) Maglaan ng regular ng oras ng pag-iisa.
Para maging isang disiplinang nakapagpapabago ang pag-iisa, mahalagang makahanap ka ng regular na oras para sa iyo at panatilihing magawa iyon sa oras. Sinabi ni John Wesley na “anumang oras” ay “walang oras.” Sa madaling salita, maliban kung magtatakda tayo ng regular na oras upang mapag-isa kasama ang Panginoon, malamang na hindi ito mangyari.
(3) Panatilihin ang iyong pag-iisip sa Dios.
Huwag maghanap ng espiritual na mga pangitain, panaginip, o higit sa karaniwan na mga palatandaan. Hangarin lamang na patahimikin ang iyong puso at makipag-ugnayan sa Dios, sa pamamagitan ng kanyang Banal na Espiritu, sa pamamagitan ng kanyang Salita.
(4) Maging Matiyaga.
Ang disiplina ay palaging nauuna bago ang kasiyahan! Totoo ito sa lahat ng disiplina. Bago natin simulang maranasan ang mga pakinabang ng pag-iisa, malamang na kailangan nating pagsanayang gawin ito ng maraming beses.
► Bigyan ng pagkakataon ang mga miyembro ng grupo na ipahayag ang pinakakapaki-pakinabang na pagtuturo tungkol sa pag-iisa.
Ang Espiritual na Disiplina ng Pagninilay
“Ngunit ang kaniyang kasiyahan ay nasa kautusan ng Panginoon, at ang kaniyang kautusan ay pinagninilayan araw at gabi. At siya’y magiging parang punong kahoy na itinanim sa tabi ng mga ilog....”[7]
Ang kahulugan ng pagninilay
Hagah (Hebreo) – Upang makipag-usap sa sarili; pag-isipan.[8]
Meletao (Griyego) – Upang maingat na lutasin sa isipan; upang pag-isipan.[9]
Ang pagninilay-nilay sa Banal na Kasulatan ay paulit-ulit na pag-iisip sa Salita ng Dios sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa sarili. Pinagninilayan natin ang Banal na Kasulatan kapag ginagamit natin nang maypananalangin ang isang particular na bahagi ng Salita ng Dios at paulit-ulit natin itong iniisip hanggang sa magsimulang buhayin ito ng Banal na Espiritu sa ating puso; hanggang sa matanggap ng ating puso ang pagtuturo, babala, at pagtutuwid nito; hanggang sa matikman ng ating kaluluwa ang nakapagpapabagong tamis nito. Tulad ng sa bawat disiplina, ang magninilay-nilay ay nangangailangan ng liwanag ng biyaya ng Banal na Espiritu.[10]
► Ipabasa sa isang mag-aaral ang 1 Corinto 2:9-14. Talakayin kung ano ang itinuturo ng talatang ito tungkol sa gampanin ng Banal na Espiritu sa pagbibigay liwanag sa Salita ng Dios.
Pinagnilayan ni Haring David ang Salita ng Dios hanggang sa nasumpungan niya itong “mas kanais-nais... kaysa sa ginto, oo kaysa sa gintong lantay; mas matamis din kaysa pulot ng pukyutan.”[11] Ang Kristiyanong nagninilay-nilay sa Salita ng Dios ay hindi lamang nagbabasa at nakakalimot, sa halip ay nilalasap ang bawat kagat at sinasabi ang sarap nito sa kanyang buong buhay. Ito ay isa sa mga pinaka-nakapagpapabago sa lahat ng espiritual na disiplina. Maraming Kristiyano ang nagbabasa ng kanilang mga Biblia, ngunit kakaunti lamang ang naglalaan ng kanilang oras upang lasapin at tikman ito.
Ang Biblikal na pagninilay ay hindi ang pag-aalis ng laman ng isipan kundi ang pagpuno sa ating isipan ng Salita ng Dios.
Ang pagninilay sa Silangan (Zen, yoga, at Transcendental Meditation) ay nagtuturo ng pag-aalis ng laman ng isipan at ito ay lubhang mapanganib. Ang isip na naiwang walang laman ay tatahanan ng mga kasinungalingan ng demonyo at marahil ng mga demonyo mismo.[12]Ang biblikal na pagninilay ay nakatuon sa pagpuno sa isipan ng mga Salita ng Dios.Naibulalas ng sumulat ng Mga Awit, “Oh, ang iyong mga utos ay tunay kong iniibig! Ito ang aking pinagninilayan buong araw.”[13]
Sa Filipos 4, pinayuhan ni Pablo ang mga mananampalataya na huwag alisin ang laman ng kanilang isipan kundi “pagnilaynilayan ang mga bagay na ito.”[14] Anong mga bagay? Hindi ang mga nakalipas na kasalanan, nakaraang kabiguan, o ang mga pagkakamali ng iba; ngunit ang mga bagay na “marangal,” “makatarungan,” “dalisay,” “kaibig-ibig,” “mga mabuting ulat,” mga bagay ng “kabutihan,” at mga bagay na “kapuri-puri.” Kung pipiliin ng bawat anak ng Dios ang bawat sandali upang palitan ang mga negatibo, ang kritikal na mga kaisipan ng mga mabubuting kaisipan, ang kanilang espiritual na buhay ay magbabago.
Ang layunin ng biblikal na pagninilay sa paghubog ng espiritual na buhay.
Ang kapangyarihan ng pagninilay ay nagbibigay ito ng pagkakataon para sa araw-araw na paglilinis sa pamamagitan ng Salita ng Dios.[15] Binabago ng Salita ng Dios ang paraan ng ating pag-iisip at pag-uugali. Inilalantad ng liwanag ng Salita ng Dios[16]ang bawat nakatagong kasalanan[17] at bawat mapangwasak na kasinungalingan ng Diyablo. Regular na binubusog ng Salita ng Dios ng katotohanan ang ating mga kaluluwa hanggang sa masanay tayong mag-isip at kumilos tulad ni Jesus.
Ang dahilan kung bakit napakaraming Kristiyano ang natatalo sa espiritual na mga labanan ay dahil sila ay nakalantad sa digmaan nang walang tabak – ang tabak ng Banal na Espiritu.[18]Kapag bumulong si Satanas, hindi ka talaga mahal ng Dios, o kaya naman ay, Hindi mo kayang magawa iyan, hindi ka talaga tunay na Kristiyano, hindi mo kayang mabuhay ng may kabanalan, ang lahat ay hindi sumasang-ayon sa iyo, hindi ka mapapatawad ng Dios... muli, wala silang depensa. Ngunit sa pamamagitan ng disiplina ng pagninilay-nilay ay inuulit natin ang katotohanan ng Dios araw-araw, kada-buwan, taon-taon hanggang sa ang ating pananampalataya sa Dios ay maging matatag at hanggang ang bawat nag-aalab na kasinungalingan ng kaaway ay malabanan at matalo.
Ang mga resulta ng pagninilay sa Banal na Kasulatan
Ang Salita ng Dios ay nagbubunga ng pananampalataya,[19]samakatuwid ang pagninilay-nilay ay magpapatibay sa ating pagtitiwala sa Dios.
Dinadalisay ng Salita ng Dios ang mga kaisipan at buhay,[20]samakatuwid papalitan ng pagninilay-nilay ang mga maling kaisipan ng mga tamang kaisipan.
Ang Salita ng Dios ay nagbibigay ng mabisang kalasag laban kay Satanas,[21] samakatuwid ang pagninilay-nilay ay magbibigay proteksyon sa atin.
Ang Salita ng Dios ay nagpapaunlad sa buhay ng mananampalataya,[22] samakatuwid ang pagninilay-nilay ay magdudulot ng higit at mas malaking sukat ng pagpapala ng Dios.
Mga praktikal na payo para sa pagsisimula sa pagninilay-nilay
(1) Huwag itong gawing komplikado.
Gustong-gusto ko ang simpleng diskarte ni John Wesley sa pagninilay-nilay:
Narito ako, malayo sa abalang paraan ng mga tao. Umupo akong mag-isa: ang Dios lamang ang naririto. Sa kanyang harapan ako ay nagbukas, aking binasa ang kanyang aklat; para sa layuning ito, upang mahanap ang daan patungo sa langit. Mayroon bang pag-aalinlangan hingil sa kahulugan ng aking nabasa?... Itinaas ko ang aking puso sa Ama ng mga Liwanag: “Panginoon, hindi ba ito ang iyong Salita, ‘Kung ang sinoman ang nagkukulang ng karunungan, ay dapat siyang humingi sa Dios’?...”Pagkatapos ay hinanap ko at isinaalang-alang ang magkatulad na mga talata ng Banal na Kasulatan, “inihahambing ang mga espiritual na bagay sa mga espirituwal na bagay.”Pinagnilay-nilayan ko iyon nang buong atensyon at kasipagan na kaya nang aking isipan. Kung mayroon pa ring pag-aalinlangan, sasangguni ako sa mga may karanasan sa mga bagay patungkol sa Dios; at pagkatapos ay ang [makasaysayang] mga kasulatan.... At kung ano ang natutunan ko, iyon ang ituturo ko.[23]
(2) Humanap ng tahimik na lugar. “Manahimik at kilalanin na [siya] ang Dios.”[24]
(3) Magbasa at pagnilay-nilayan na may kasamang panalangin para sa pang-unawa at kahandaang sumunod.[25]
(4) Maingat na bantayan ang iyong mga inaasahan. Huwag maghanap ng mga palatandaan o supernatural na paghahayag. Sikapin lamang na makilala ang Dios at makilala ka niya.
(5) Sa pag-alis mo sa iyong tahimik na lugar, panatilihin sa isipan ang kahit isang kaisipan at pag-isipan mo ito sa buong araw.
(6) Sa buong araw, magsanay na palitan ng mga Salita ng Dios ang talunan, mapanghimasok na mga kaisipan.
► Maglaan tayo ng limang minuto para magsanay na magnilay nang sama-sama. Hayaang tumahimik ang lahat at magnilay-nilay sa Josue 1:8. Huwag subukang gawing balangkas ang talatang ito para sa pag-aaral ng Biblia. Sa halip, ilagay ang iyong sarili sa kwento. Maging si Josue! Pagnilayan kung ano ang kahulugan ng mensaheng ito para sa kanya. Pagkatapos ay isipin ang tungkol sa iyong sariling buhay. Ano ang mensahe ng Panginoon para sa iyo?
Ang Espiritual na Disiplina ng Pag-aayuno
At sinabi niya sa kanila, “Hinahayaan ba ninyong hindi kumain ang mga panauhin sa kasalan habang kasama pa nila ang lalaking ikinasal? Darating ang araw na kukunin sa kanila ang lalaking ikinasal; at saka sila mag-aayuno.”[26]
Ang pag-aayuno ay isa sa mga pinakanakapagpapabago sa espiritual na katayuan, ngunit isa rin ito sa pinakamahirap gawin – dahil dito ito ay napapabayaan – sa lahat ng mga espiritual na disiplina. Kapag isinasabuhay ito nang taos sa puso at may kaakibat na pananalangin, ito ay isa sa pinakamabisang paraan ng pagpapanibago ng ating pagkagutom sa Dios, paghuli sa kaisipang pagala-gala, pagpipigil sa maligalig na mga pagnanasa, pagsunog sa ipa ng pagiging makasarili, paglilinaw ng patutunguhan, pagtanggap ng sariwang espiritual na pagkaunawa sa Salita ng Dios, at pagpapanatili ng kapangyarihan at pagtatalaga ng Banal na Espiritu.
Ang kahulugan ng pag-aayuno
Ang pag-aayuno batay sa Banal na Kasulatan ay ang pag-iwas sa pagkain, (o paglilimita sa dami ng pagkaing kinakain),para sa mga espiritual na layunin. Ang pag-aayuno ay hindi pagdidiyeta! Ang pag-aayuno ay tila naiiba sa iba pang anyo ng pag-iwas—sa paglilibang, pagtatalik (para sa mga mag-asawa[27]), mga pagtitipon sa komunidad, o anumang katulad na gawain, pati na ang paghihinay-hinay at pagtangi sa mga sariling kagustuhan sa mga ganitong pagkakataon ay maaaring maging mahalaga para sa paglinang ng espiritual na paglago.
Ang pag-aayuno ay hindi ipinag-uutos, ngunit ito ay ipinapalagay na gawin ng mga Krisityano.
Hindi direktang iniuutos ng Banal na Kasulatan ang pag-aayuno, ngunit ipinapalagay na gagawin ito ng mga Kristiyano. Sa teksto sa itaas[28]dapat ay maging malinaw sa atin na ippinapalagay ni Jesus na ang bawat mananampalataya ay “mga-aayuno.” Naalala ko ito isang hapon sa isang kumperensya sa Pilipinas, kung saan ang beteranong misyonero na si Wesley Duewel ay ang tagapagturo.“Sinabi ni Jesus na mag-aayuno ang kanyang mga disipulo,” sabi niya. “Kung gayun, ikaw ba ay isang disipulo? Isinasagawa mo ba ang disiplinang ito?” Ang Salita ng Dios ay nagbigay ng conviction sa akin, at napagtanto Ko na ang aking paglakad bilang Kristiyano ay nagkukulang ng kapangyarihan dahil sa aking pagpapabaya sa disiplinang ito.
[29]Ang pag-aayuno ay mayroong napakahalagang bahagi sa buhay ni Jesus, sa buhay ng mga apostol, at iglesia sa Bagong Tipan. At ito ay naging isang mahalagang disiplina sa bawat dakilang gawain ng Dios. Sinabi ni John Wesley, “Alam ng lahat na ang bawat mabuting Methodistaay nag-aayuno dalawang beses sa isang linggo (Miyerkules at Biyernes).” Sinabi ni Epiphanus, ang ama ng iglesia at Obispo ng Salamis, Cyprus (315-403), “Sino ang hindi nakakaalam na ang pag-aayuno sa ikaapat at ikaanim na araw ng linggo ay ginagawa ng mga Kristiyano sa buong mundo?”
Mga halimbawa ng pag-aayuno sa Biblia
[30]Ang Banal na Kasulatan ay puno ng mga halimbawa ng pag-aayuno. Sina Moises, Hannah, David, Elias, Esther, Daniel, ang mga propeta, Anna, Juan Bautista, Si Jesus, Pablo, ang mga apostol, ang matatanda sa Antioch, at si Cornelio, silang lahat ay nag-ayuno.
Habang nag-aayuno si Moises, nagsalita sa kanyang harapan ang Dios gaya ng pakikipag-usap ng isang tao sa kanyang kaibigan.[31]Habang nag-aayuno at nananalangin si Hannah,binuksan ng Dios ang kanyang sinapupunan at ibinigay sa kanya si Samuel.[32] Habang nag-aayuno at nananalangin si Daniel, binigyan siya ng “kasanayan sa pag-unawa” sa Salita ng Dios,[33]ang kapangyarihan ng Dios ay ipinakita upang talunin ang prinsipe ng Persia, at ang sagot sa panalangin ni Daniel ay ipinagkaloob.[34] Habang nananalangin at nag-aayuno si Saulo (Pablo), napuspos siya ng Banal na Espiritu at nabuksan ang kanyang mga mata.[35] Habang nag-aayuno, nananalangin, nagbibigay limos si Cornelio, ang mga taimtim na handog na ito ay naging isang mabangong handog sa Dios,[36]na nagdulot ng sagot sa panalangin ni Cornelio na nagligtas sa kanyang buong sambahayan. Ilan lamang ito sa maraming halimbawa sa Biblia ng kapangyarihan ng Dios na naipamalas sa pamamagitan ng pag-aayuno at pananalangin.
Limang makapangyarihang resulta ng pag-aayuno
(1) Ginagawang mapagpakumbaba ng pag-aayuno ang kaluluwa.
Sinabi ng sumulat ng Mga Awit, “Ngunit para sa akin, kapag sila ay may sakit, sako ang aking idinadamit;pinagpapakumbaba ko ang aking kaluluwa sa pamamagitan ng pag-aayuno.”[37] Alam ni Ezra na ang pagbabalik sa kanilang sariling bayan ng mga Judiong ipinatapon ay mangangailangan ng biyaya mula sa Dios. Sa liwanag ng maraming panganib at tukso sa hinaharap, isinulat niya: “Aking ipinahayag ang pag-aayuno doon sa pampang ng ilog… upang manikluhod sa harap ng aming Dios, upang hilingin sa kanya na patnubayan kami at aming maliliit na kasama, at ingatan sa paglalakbay… at pinakinggan niya ang aming panalangin.”[38]
Paano pinapagpapakumbaba ng pag-aayuno ang kaluluwa? Ang pag-iwas sa pisikal na pagkain ay nagpapaalala sa kaluluwa ng lubos na pangangailangan ng tao, at pag-asa sa Dios; ito ay nagpapaalala sa atin na tayo ay pinapanatili ng mga espiritual na bagay sa halip na pisikal, at mga materyal na bagay. Ang pag-aayuno ayon sa Biblia, na nakasentro kay Kristo ay isang patotoo sa Dios at sa sarili nating kaluluwa: Aking Dios, nagugutom ako para sa iyo. Banal na Espiritu, kailangan kita higit pa sa pagkain, higit pa sa pisikal o materyal na mga pagpapala, higit pa sa anumang bagay sa mundong ito!
Natagpuan ko na ang pag-aayuno ay isang lunas para sa espiritual na pagkabaog. Kapag ako ay tuyo at baog sa espiritual, ang pag-aayuno at pananalangin ang naglilinang sa matigas na lupa ng aking puso at nagiging handa itong makatanggap ng pagtatanim ng Salita ng Dios.
(2) Isinasailalim ng pag-aayuno ang ating likas na pagnanais sa ating espiritual na mga pagnanais.
Inilalantad ng pag-aayuno ang mga bahaging di napapansing kasalanan at pagiging makasarili, na pinapatay ang ating pinakamalakas na pagnanais; pinananatili ng pag-aayuno ang ating mga katawan sa ilalim ng mga espiritual na mga bagay. O, gaya ng sinabi ng isang ama ng iglesia, “Tinitiyak ng pag-aayuno na hindi pakukuluin ng tiyan ang katawan upang hindi mahadlangan ang kaluluwa.”[39] Minsan sinabi sa akin ng kapatid kong Pilipino, na si David Yucaddi, na alam niyang kailangan niyang mag-ayuno kapag nararamdaman niyang nagsisimulang umusbong sa kanyang kalooban ang maling pagnanasa! Sa madaling salita, ang pinakamaliit na pagtaas ng pagmamataas o maling pagnanasa ay, para sa kanya, ang nagsisilbing signal ng pangangailangan na mag-ayuno. Ang ibang mga pinabanal ay nagpatotoo din na ang pag-aayuno ay pumapatay ng apoy ng hindi wastong sekswal na pagnanasa.
Pagkatapos kong magturo tungkol sa pag-aayuno isang Linggo, may isang Kristiyanong lalaki ang nakadama ng pangangailangan na maisama ang disiplinang ito sa kanyang paglakad kasama ng Dios. Pagkalipas ng ilang panahon,nagpatotoo siya na ang pag-aayuno ay nagbigay sa kanya ng kamalayan sa mga pangangailangan sa kanyang puso. “Hindi ko napagtanto kung gaano ako naging madaling magalit hanggang sa nagsimula akong mag-ayuno,” ang sabi niya. “Nang sabihin kong ‘Hindi’ sa aking katawan, nakita ko ang aking sarili na naging madaling magalit sa aking mga anak!” Nagtatawanan kami dahil kaya na naming makita ito. Ang pagtanggi sa sarili ay naghahayag ng mga saloobin sa mga bahaging dati ay hindi natin nakikita sa ating mga puso.
[40]Ipinapaalala sa atin ni Richard Foster na, “Ang tiyan ay parang anak na sunod sa layaw, at ang anak na sunod sa layaw ay hindi nangangailangan ng pagpapakalayaw, kundi… disiplina.” Alam naman nating lahat kung ano ang nangyayari kapag sinimulan nating disiplinahin ang isang batang sunod sa layaw, hindi ba? Mas pinalayaw ang bata, kapag dinisiplina, mas malakas ang pagnanais nitong masunod ang kanyang sariling kagustuhan. Hanggang sa matuto siyang magpasakop sa salitang “hindi,” ay magkakaroon tayo ng hamon sa ating mga kamay. Gayundin ito sa ating sariling panloob n a pagkabatang sunod sa layaw!
(3) Ang pag-aayuno ay nagdaragdag sa ating espiritual na gana.
Natagpuan ni Jesus ang higit na kasiyahan sa paggawa ng kalooban ng kanyang Ama kaysa sa pisikal na pagkain,[41] at tinawag niya tayo na maging katulad niya. Sinabi niya, “Mapalad ang mga nagugutom at nauuhaw sa katuwiran, sapagkat sila ay bubusugin.”[42]Kapag ako ay nag-aayuno, at ang mga kirot ng gutom ay lumalakas, sasabihin ko sa Dios, “Panginoon, ang mga kirot na dulot ng gutom na ito ay mga pagtitiis sa gutom para sa iyo. Gusto kong maging ganito kagutom para sa iyo.” Hindi naman ito makakapagpasaya sa akin sa sandaling ito, ngunit hindi ko kailanman nakilala ang Dios na binalewala ang taimtim na panalanging ito. Dapat nating sikaping gawing panalangin ang ating mga pasakit, sa paniniwalang bibigyan tayo ng kasiyahan ng Dios ng higit pa ng tungkol sa kanyang sarili.
(4) Ang pag-aayuno ang nagbibigay sa atin ng higit na pang-unawa sa mga espiritual na bagay.
Sa pamamagitan ng pag-aayuno, naunawaan ng iglesia sa Bagong Tipan sa Antioch ang kalooban ng Dios para sa pasimula ng kanilang ministeryo sa pagmimisyon: “Habang sila ay naglilingkod sa Panginoon at nag-aayuno, sinabi ng Espiritu Santo, ‘Ibukod mo para sa akin si Bernabe at si Saulo para sa gawaing inilaan ko para sa kanila.’”[43] Ang taimtim na pananalangin na may pag-aayuno ay kadalasang nagdudulot ng higit na kalinawan sa ating buhay at tumutulong sa atin na gumawa ng mahahalagang desisyon.
Ang buhay pananalangin at pag-aayuno ni Jesus ay nagpapanatili sa kanya ng higit na kamalayan sa espiritual na pagkagutom ng mga taong nakapaligid sa kanya, pinapanatiling puno ng pagmamahal ang kanyang puso para sa kanila, at pinapanatiling alerto ang kanyang espiritu sa nais ipagawa at ipasabi ng kanyang Ama para sa mga taong gutom sa espiritual. Tulad ng mga disipulo, madalas tayong abala sa ating sarili at sa ating sariling mga pangangailangan kaya nawawala ang ating pagmamahal sa mga kaluluwa. Ang pag-aayuno ay nakakatulong upang mapanatili ang ating mga gana, upang ating makita at marinig ang gawain ng Banal na Espiritu sa ating paligid.
► Basahin ang Juan 4:27-34 nang magkakasama. Talakayin ang kaibahan ng kaugnayan ni Jesus at mga disipulo sa pagkain. Ano ang ibig sabihin ni Jesus sa pagsasabi na, “Mayroon akong pagkaing makakaing hindi ninyo alam,” at “Ang aking pagkain ay ang gawin ang kalooban ng nagsugo sa akin”? Sa palagay mo, posible bang ang pag-ibig ng mga disipulo sa pagkain ay naging dahilan upang hindi nila makita ang ginagawa ng Banal na Espiritu sa Samaria?
(5) Ang pag-aayuno ay nagpapalakas ng ating pananampalataya at, samakatuwid, ay nagbibigay-daan sa atin na makibaka at talunin ang kaaway.
Naniniwala ako na ang dahilan kung bakit napakaraming mabubuting lalaki at babae ang mahina at walang kapangyarihan at dahil hindi sila nagsasagawa ng regular na pag-aayuno. Sa Mateo 17, nakita ng mga disipulo ang kanilang sarili na walang kapangyarihan na palayasin ang masamang espiritu sa isang binata. Nilinaw ni Jesus na ang problema ay kawalan ng paniniwala: “Pagkatapos, nang sila sila na lamang ay lumapit ang mga disipulo kay Jesus at sinabi, ‘Bakit hindi po naming mapalayas ang demonyo?’ Sumagot siya, ‘Dahil sa inyong maliit na pananampalataya.’”[44] Pagkatapos ay nagpatuloy si Jesus sa pagtuturo, “Ngunit, ang ganitong uri ay hindi mapapalayas kundi sa pamamagitan ng panalangin at pag-aayuno.”[45]
Ano ang kaugnayan ng taimtim na panalangin at pag-aayuno at pananampalataya? Ang taimtim na pananalangin (pananalangin na may pag-aayuno) ay nagpapalakas ng pananampalataya at nagpapataas ng ating kapangyarihan at pagiging epektibo sa paglilingkod sa Dios. Tayo ay nakikibahagi sa espiritual na labanan; kung walang panalangin at pag-aayuno, hindi natin mararanasan ang pagliligtas ng Dios ayon sa gusto niyang ihayag. Madalas na natatagpuan ni Pablo ang kanyang sarili sa gitna ng malaking espiritual na labanan at samakatuwid ay madalas siyang nag-aayuno.[46]
Ang aking mga kapatid na naglilingkod sa papaunlad na mga bansa ay kadalasang nahaharap sa pagsalungat ng mga demonyo. Alam nila na kung walang panalangin at pag-aayuno ay hindi nila makikitang masisira ang mga espiritual na muog. Sineseryoso nila ang mga salita ni Jesus dahil dito at samakatuwid ay nakakaranas sila ng mga dakilang pagpapakita ng banal na kapangyarihan.
Dalawang pangunahing anyo ng pag-aayuno sa Biblia
Normal na pag-aayuno – pag-iwas sa lahat ng pagkain, solido o likido, ngunit hindi sa tubig
Bahagyang pag-aayuno o paghihinay-hinay– paghihigpit sa pagkain, ngunit hindi ganap na pag-iwas[47]
Mga praktikal na payo para sa pagsisimula ng pag-aayuno
Isaalang-alang ang iyong pisikal na kondisyon at sundin ang mga rekomendasyon ng doktor.
Magsimula sa isang 24-oras na bahagyang pag-aayuno. Magsimula sa tanghalian hanggang sa tanghalian kinabukasan (dalawang pagkain). Uminom lamang ng mga katas ng prutas. Subukan ito isang beses sa isang linggo para sa ilang linggo o buwan.
Subukan ang isang normal na pag-aayuno ng 24-oras. Uminom lamang ng tubig. Uminom ng bitamina kung kinakailangan. Gawin ito linggo linggo.
Pagkaraan ng ilang panahon,lumipat sa isang normal na 36-oras na pag-aayuno. Mag-ayuno mula hapunan hanggang sa almusal sa ikalawang araw (tatlong pagkain). Gawin ito isang beses sa isang linggo sa loob ng ilang linggo o buwan.
Subukan ang pag-aayuno ng ilang araw. Dito maaari kang makakita ng isang makabuluhang espiritual na tagumpay sa iyong buhay.
Gawing regular na bahagi ng iyong buhay ang pag-aayuno! Damhin ang sakit ng tiyan na walang laman at umasa sa Dios na puspusin ka ng kanyang biyaya.
► Huwag mag-atubiling magbahagi ng mga patotoo tungkol sa disiplinang ito. Magsanay ng pag-aayuno sa linggong ito at maging handa na bumalik sa susunod na linggo upang pag-usapan ang iyong karanasan.
Ang Espiritual na Disiplina ng Kapayakan
“Panatilihin ang iyong mga gawi na walang bahid ng kasakiman; makuntento ka sa mga bagay na mayroon ka. Sapagkat siya mismo ang nagsabi, ‘Hinding-hindi kita iiwan ni pababayaan man.’”[48]
Ang kahulugan ng disiplina ng pagiging payak
Ang disiplina ng pagiging payak ay ang disiplina ng pagtutok sa mga prayoridad ng Dios at pagsasa-ayos ng pamumuhay ng isang tao ayon dito. Nagsisimula ito sa isang panloob na saloobin ng paghiwalay sa lahat maliban sa pinakamataas na kasiyahan sa buhay – ang pagkilala at paglilingkod sa Dios. Nagdudulot ito ng mga pagpipilian sa pamumuhay na naaayon sa saloobing ito.
Ang panlabas na pagiging payak ay tungkol sa paggawa ng ating bahagi upang gawing mas espiritual at praktikal na episyente ang ating buhay; tungkol sa pag-aalis sa ating sarili ng lahat ng bagay na nagnanakaw ng ating kagalakan; tungkol sa pag-aalis sa ating buhay ng mga kalat na bumabagabag sa atin, ang kaguluhan na nakakagambala sa atin, ang utang na lumulunod sa atin, at mga aktibidad na kumokontrol sa atin.
Tinatawag ng Dios ang bawat Kristiyano sa isang panloob na kapayakan – isang pag-ibig na nakatuon para sa Dios at mga tao at isang nakatuon na debosyon sa paghahanap ng kanyang kaharian.[49] Ngunit ang panloob na kapayakan ay mapapanatili lamang kapag sinadya nating ayusin ang ating pag-araw-araw na buhay sa mga simpleng paraan. Maraming Kristiyano ang nagnanais na mamuhay ng mas malaya at kontentong buhay, ngunit ang masamang gawi ng labis na pag-iskedyul, labis na pagsasalita, labis na pangako, labis na paggastos, labis na pag-kolekta, labis na pagtratrabaho at maging ang labis na paglilingkod ay pumipigil sa kanila na magkaroon ng buhay na kanilang ninanais.
Ang pagiging payak mula sa buhay ni Jesus
[50]Ipinakita ni Jesusang disiplina ng pagiging payak sa kanyang mga salita at gawa. Kapag binasa natin ang mga kwento ng kanyang buhay, hindi siya tila nagmamadali, ngunit napakarami niyang nagawa. Ang kanyang mga aktibidad ay palaging may layunin.[51] Ang Banal na Espiritu ay palaging nagdadala sa kanya sa isang makabuluhan, may layunin na pamamaraan.[52] Hindi lamang siya nagsusumikap; matalino siyang nagsasagawa ng mga gawain, at palaging ginagawa ang mga bagay na nakalulugod sa kaniyang Ama.[53]
Hindi madali ang buhay ni Jesus, nguni’t ito ay payak. Alam niya kung tungkol saan ang kanyang buhay at mula pagkabata ay ginawa na Niya ang kalooban ng kanyang Ama.[54] Kapag nagsasalita si Jesus ay matipid siya sa mga salita.[55] Ang kanyang “Oo” ay nangangahulugang “Oo,” at ang kanyang “Hindi” ay nangangahulugan ng “Hindi.”[56] Simpleng pamumuhay ang pinili niya.[57] Naglaan siya ng maraming pagkakataon sa loob ng kanyang isang araw para sa “pagkilos ng Banal na Espiritu” at tinanggap ang bawat isa sa kanila sa pamamagitan ng biyaya.[58] Ang mga tao, hindi ang mga materyal na bagay, ang palagi niyang prayoridad‒lalo na ang mga taong nangangailangan ng pagtubos at mga alagad na nangangailangan ng pagsasanay. Namuhay siya bilang isang masigasig na tagapagbahagi ng ebanghelyo, na sinusuportahan ng iba. Siya ay inilibing sa isang hiram na libingan. Nang siya ay mamatay sa krus, ang tanging mayroon siya dito sa lupa ay ang damit na suot niya. Ang disiplina ng pagiging payak sa buhay ni Jesus ay nagpanatili sa kanya ng pagiging tuon ang isipan sa prayoridad na ibinigay sa kanya ng kanyang Ama.
Ang disiplina ng pagiging payak sa Biblia
Ang Biblia ay hindi nag-aalok ng isang talaan ng mga tuntunin kung paano natin dapat gawing simple ang ating buhay, ngunit ito ay naglalahad ng ilang babala at payo. Nagdeklara si Jesus ng digmaan laban sa materyalismo. Itinuro niya na hindi tayo maaaring maglingkod sa Dios at sa pera. Binalaan niya tayo laban sa pag-iimpok ng mga kayamanan sa lupa[59] at sa pag-iimbot, na nagsasabi: “Ang buhay ng tao ay hindi binubuo ng kasaganaan ng kaniyang mga pag-aari.”[60]Hiniling pa niya na ibenta ng mayamang binatang pinuno ang lahat ng pag-aari niya para sumunod sa kanya.[61]Sinabi ni Pablo na ang mga nagnanais na yumaman ay nahuhulog sa tukso.[62] Nagbabala ang sumulat ng aklat ng Mga Awit, “Kung dumarami ang kayamanan, huwag mong ituon ang iyong puso sa mga ito.”[63]
Ang kapangyarihan ng pagiging payak sa paghubog ng espiritual na buhay
Ang layunin ng pagiging payak ay para palayain tayo. Ang gawing payak ang ating pamumuhay ay magpapalaya sa atin mula sa pang-aakit ng materyalismo at nagbibigay-daan sa atin na maglaan ng mas maraming oras at mga mapagkukunan para sa kaharian ng Dios, at ito ay magliligtas sa atin mula sa pagka-alipin sa pagsang-ayon ng mga tao. Ang gawing payak ang ating mga gawain at ministeryo ay magpapalaya sa atin na gawin kung saan tayo tinawag at ihinandang gumawa, at pagsikapang gawin ito nang mas mahusay. Ang gawing payak ang ating pananalita ay magpapalaya sa atin sa paggawa ng mga pangako at nais gawin na hindi natin kayang tuparin at magbibigay-daan sa atin na tuparin ang mga pangakong kaya nating gawin.
Mga panganib sa pagiging payak
Dapat tayong maging maingat sa ilang mga panganib:
[64](1) May panganib ang legalismo.
Hindi tayo dadalin ng Banal na Espiritu sa parehong mga pagpipilian sa pamumuhay. Ang kalidad o istilo ng pananamit na ating isinusuot, ang mga tahanan na ating tinitirahan, ang halaga ng pera na ating naiipon o ibinibigay ay ayon sa nais ng Dios para sa atin. Huwag natin husgahan ang isa’t isa.
(2) May panganib na itakwil ang mga materyal na bagay bilang masama.
Ang pagiging payak ay hindi ang pagtatakwil sa lahat ng pag-aari(maliban kung hinihiling ito ni Jesus) ngunit pinapanatili ang mga ito sa kanilang tamang lugar.
(3) May panganib na itakwil ang mga biyayang kaloob ng Dios.
Dumating si Pablo sa isang lugar ng kasiyahan na may parehong sakripisyo at kasaganahan.[65] Kaya niyang tanggapin nang may pasasalamat ang kasaganahan gaya ng pagtanggap sa sakripisyo. Kung pinagpapala ka ng Dios, magalak at huwag kang mahiya! Huwag lamang ilagak ang iyong puso sa pagpapala. Kung ikaw ay nagdurusa, “ikagalak mo itong lahat”!
Praktikal na payo para sa pagsasanay ng disiplina sa pagiging payak
Huwag magpaalipin sa utang.[66]
Bumili ng mga bagay para sa kanilang kalidad at pagiging kapaki-pakinabang kaysa sa kanilang pagiging uso.
Paunlarin ang ugali ng pagbibigay ng mga bagay sa iba.[67]
Matutong tangkilikin ang mga bagay nang hindi kinakailangan na maging pagmamay-ari ang mga ito.
Matutong mahalin ang mga simpleng bagay sa buhay, lalo na ang mga magandang nilikha ng Dios sa mundo.
Iwasan ang mga pagpapayaman sa pamamagitan ng pandaraya, na nagpapakain sa espiritu ng kasakiman.[68]
Gumawa lamang ng pangako at mga mga pagtupad sa pangako na alam mong magagawa mong tuparin.[69]
Tumulong na sirain ang paniniil ng pera sa pamamagitan ng pagiging mapagbigay.[70]
Iwasan ang anumang bagay na makakagambala sa iyo upang unang hanapin ang kaharian ng Dios at kanyang katuwiran.
► Sa puwang sa ibaba, isulat ang hindi bababa sa tatlong paraan na alam mong maaari mong gawing payak ang iyong buhay upang mas matutukan ang iyong mga biblikal na prayoridad. Maging handa na gawin ang mga pagbabagong ito sa pamamagitan ng biyaya ng Dios, at maging handa na ibahagi ang iyong patotoo sa iyong grupo sa susunod na pagpupulong.
| Tatlong Paraan Para Gawing Payak ang Aking Pamumuhay |
|---|
|
|
“Parang hindi mahirap mangyari, na gugugol tayo ng isang buong araw sa isang walang tigil (na pakikipag-usap) sa tao, nang hindi nagkukulang ang ating kaluluwa, at sa gayun, napipighati natin ang Banal na Espiritu ng Dios. Araw-araw nangangailangan tayong bumukod sa mundo, kahit man lang sa umaga at sa gabi, upang makipag-usap sa Dios, upang makisama nang mas malaya at lihim sa ating Ama.”
- John Wesley
“Una, hayaang isagawa ito (pag-aayuno) para sa Panginoon at ang mga mata ay sa kanya tanging nakatingin. Hayaang ito ang ating maging intensiyon, at ito lamang, upang luwalhatiin ang ating Ama sa Langit.”
- John Wesley
“Ang ating mga pagnanasa bilang tao ay katulad ng mga ilog na umaapaw ang mga pampang; ang pag-aayuno ay tumutulong upang panatilihin ang mga ito sa kanilang wastong mga daanan.”
– Richard Foster
Naglaan si Jesus ng maraming pagkakataon sa kanyang araw para sa “mga banal na pag-antala” at tanggapin ang bawat isa sa kanila nang may biyaya.
(1) Kumuha ng pagsusulit batay sa materyal mula sa leksiyong ito.
(2) Maglaan ng hindi bababa sa tatlumpung minuto sa linggong ito sa pagbabalik-aral sa leksiyong ito, kabilang ang mga sanggunian ng Banal na Kasulatan, at humingi ng pang-unawa mula sa Banal na Espiritu.
(3) Itala sa iyong journal ang anumang partikular na pagbabago na dapat gawin sa iyong buhay, na inihahayag sa iyo ng Panginoon.
(4) Magnilay-nilay sa kahit isang Awit sa iyong pang-araw-araw na oras ng pag-aaral ng Salita ng Dios, at itala sa iyong journal kung ano ang sinasabi ng sumulat ng Mga Awit tungkol sa kalikasan at katangian ng Dios.
(5) Itala sa iyong journal ang isang personal na panalangin para sa espiritual na pagbabago at pag-unlad batay sa leksiyong ito.
(6) Magsanay gamit ang Pang-araw-araw na gabay sa Pananalangin ni Dr. Brown sa iyong pang-araw-araw na pribadong pananalangin.
(1) Ano ang dalawang pakinabang ng espiritual na disiplina gaya ng itinuro sa leksiyong ito?
(2) Paano nagdudulot sa akin nang higit na kasiyahan sa Dios ang mga espiritual na disiplina?
(3) Magbigay ng sanggunian sa Biblia na nagpapakita kung gaano kahalaga ang pag-iisa sa buhay ni Jesus.
(4) Ano ang kahulugan ng pagninilay-nilay?
(5) Ano ang apat na kapangyarihang resulta ng pag-aayuno?
(6) Ayon kay Richard Foster, “Ang ating pagnanasa bilang tao ay parang __________ na may posibilidad na umapaw ang kanilang __________.”
(7) Magbigay ng dalawang anyo ng pag-aayuno.
SGC exists to equip rising Christian leaders around the world by providing free, high-quality theological resources. We gladly grant permission for you to print and distribute our courses under these simple guidelines:
All materials remain the copyrighted property of Shepherds Global Classroom. We simply ask that you honor the integrity of the content and mission.
Questions? Reach out to us anytime at info@shepherdsglobal.org
Total
$21.99By submitting your contact info, you agree to receive occasional email updates about this ministry.
Download audio files for offline listening
No audio files are available for this course yet.
Check back soon or visit our audio courses page.
Share this free course with others