Lesson 3: Ang Kapangyarihan ng Paghubog ng Kasiguraduhan Mula sa Biblia
37 min read
by Tim Keep
Balik-aral sa Leksiyon 1 at 2
Tagubilin sa tagapanguna sa klase: Magbalik-aral sa Leksiyon 1 at Leksiyon 2 gamit ang mga tanong na ito: Ano ang layunin ng bawat Kristiyano? Ano ang tatlong aspeto ng paglalakbay sa Paghubog ng Espirituwal na buhay na tinalakay sa Leksiyon 2? Tanungin ang mga mag-aaral kung sino sa kanila ang may nais na ibahagi ang kanilang personal na panalangin mula sa Leksiyon 2.
Sa pagtatapos ng leksiyong ito, ang mag-aaral ay dapat na:
(1) Nauunawaan kung bakit mahalaga ang katiyakan ng kaligtasan.
(2) Malaman ang mga pundasyong sandigan ng katiyakan.
(3) Kayang maipahayag nang malinaw ang ebanghelyo – ang pundasyon ng katiyakan.
(4) Kayang masagot ang katanungan: Ano ang buhay na pananampalataya?
(5) Maunawaan ang patotoo ng Banal na Espiritu.
(6) Makapasa sa Sampung Pagsubok ng Katiyakan.
Mga Larawan ng Buhay
Naligaw ka na ba? Iyon ay naranasan ko na. Hindi ko makakalimutan yung panahon na kami ay nasa Pilipinas at naligaw kasama ang isang grupo ng mga misyonero at mga pastor. Katatapos lamang namin ng isang Bible conference sa isang bahagi ng Cordillera kung saan ay walang mga kalsada at nagpasya kaming maglakad pabalik habang malamig ang gabi. Ang paglalakad ay dapat na tatagal lamang ng apat o limang oras. Gayunpaman, matapos kaming magkamali ng landas, nagpaikot-ikot kami sa loob ng kagubatan sa buong gabing iyon nang mahigit labing isang oras at ito ay lubos na nakakapagod. Sa kalagitnaan ng gabi, may isang matandang miyembro ng aming grupo ang naupo at umiyak! Ang halos lahat sa amin ay ganoon na rin ang nararamdaman. Ang pisikal at emosyonal na epekto ng pagkakaligaw ay hindi na maisalarawan.
Ang pagkakaligaw, o maging ang pakiramdam ng pagkakaligaw, ay nagdudulot ng takot, pangamba, pagkapagod, at pagkatalo. Ang katiyakan, sa kabilang banda, ay nagdudulot ng kumpiyansa, kapayapaan, at kalakasan. Ito ang epekto ng pagkakaalam! Sa buhay Kristiyano, ang Espirituwal na katiyakan ay nagdudulot ng matibay na pananampalataya, Espirituwal na katiyakan, at matagumpay na pamumuhay. Samakatuwid, ang paglalakbay sa Paghubog ng Espirituwal na buhay ay nagsisimula sa katiyakan.
Ang Malaking Ideya
Ang imahen ng Dios ay maaaring maibalik muli sa atin tanging kung ang buhay na presensiya ni Jesus ay nananahan sa atin.
Matapos ang maraming taon ng pagmiministeryo, natuklasan ko na maraming mananampalataya ang nakikibaka na magkaroon ng katiyakan. Kapag ninakaw ng kaaway ang ating katiyakan ng kaligtasan, ninanakaw din niya ang ating kumpiyansa at pinaguguho ang ating pananampalataya. Ang pakikibaka upang magkaroon ng katiyakan ay hindi nangangahulugan na ang isang tao ay hindi ligtas, ngunit nangangahulugan ito na sila ay mas mahina at madaling maatake ni Satanas at ng budhi. Ang kakulangan ng katiyakan ay humahantong sa pagkahiya at takot sa halip na kapangyarihan at pag-ibig at disiplina sa sarili.
“Sapagkat ang espiritung ibinigay sa atin ng Dios ay hindi espiritu ng kahinaan ng loob, kundi espiritu ng kapangyarihan at pag-ibig at pagpipigil sa sarili.”[1]
Kaya, kung sinasabi natin na tayo ay mga anak ng Dios, ano ang batayan sa ating pagsasabi nito? Paano natin malalaman kung totoo ang ating sinasabi na tayo ay mga anak ng Dios? Ito ay isang mahalagang tanong na dapat mong malaman ang sagot; sapagkat gagawin ng kalaban ng ating kaluluwa ang lahat upang paratangan ka,[2] lapain ka,[3] at wasakin ang iyong pananampalataya. Pinayuhan tayo ni Pablo na subukin ang ating sarili upang malaman kung tayo ay namumuhay ayon sa pananampalataya.[4]
Ang Paghubog ng Espirituwal na Buhay ay Para lamang sa Mga Binuhay sa Espirituwal ng Banal na Espiritu
Sa sandaling ang tunay na pananampalataya ay naroroon sa puso ng mananampalataya, nagsisimula na ang pagtulad sa imahen ni Kristo. Pinababanal tayo nito. At kung hindi tayo nagiging banal, kung magkagayon ay wala si Kristo sa atin at walang laman ang ating pananampalataya.[1]
Gayunpaman, ang Paghubog tungo sa imahen ni Kristo ay para lamang sa mga nabuhay na dahil kay Kristo sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Hindi mangyayri ang paglago kung wala ang buhay – ang buhay ni Jesus! Ang Paghubog ng Espirituwal na buhay ay hindi makakapagbigay sa atin ng isang bagong kalikasan. Ang Paghubog ng Espirituwal na Buhay tungo sa imahen ni Kristo ay posible lamang dahil nasa atin ang kanyang bagong kalikasan.
Kapag tinawag tayo ng Banal na Kasulatan upang “mamuhay tulad ng pamumuhay ni Kristo,”[2] o maging “tumulad kayo sa Dios,”[3] o upang “sundan ang kanyang mga hakbang,”[4]ang mga bagay na ito ay hindi inuutos sa mga taong patay sa Espirituwal na buhay kundi sa mga anak ng Dios na tinubos at binuhay kasama ni Kristo, at kung saan ngayon ang Banal na Espiritu ay nananahan.
Kung paanong hindi natin maiisip gawin na lumakad sa isang libingan at utusan ang mga patay na bangkay na maging katulad ni Kristo, sa gayon din ay hindi natin dapat isipin na maaari tayong maging katulad ni Kristo nang hindi tayo ipinanganganak ng mag-muli.
Isang halimbawa ng bagong kapanganakan mula sa Efeso 4:25
Ang bagong Espirituwal na kapanganakan ay nagbubukas ng mga pintuan para sa Paghubog ng Espirituwal na buhay na katulad ni Kristo Jesus. Nang sinabi ni Pablo sa mga Kristiyanong taga-Efeso na “isuot ninyo ang inyong bagong pagkatao,” sinabi pa niya, “na nilikhang kalarawan ng Dios, sa totoong katuwiran at kabanalan.”[5] Sa madaling salita, Sapagkat nilikha kayo ng Dios bilang bagong kalalakihan o kababaihan na matuwid at banal, kaya kumilos kayo tulad nito. Sinundan pa ito ni Pablo ng, “Dahil dito, itakwil na natin ang pagsisinungaling at tayong lahat ay magsabi ng totoo sa isa’t isa, sapagkat tayo’y bahagi ng iisang katawan.”[6] Ang dahilan kung bakit masasabi natin ang totoo ay dahil tayo na dating patay sa ating mga kasalanan ay nilikhang espirituwal ng Dios. Mayroon na tayong buhay na may pagkikipag-ugnayan sa Dios.
Ang isa pang halimbawa ng bagong kapanganakan ay mula sa 2 Pedro 1:4
Ipinaalala sa atin ni Pedro na sa pamamagitan ng personal na kaugnayan kay Kristo Jesus, tayo ay “binigyan na lahat ng mga bagay na magtuturo sa atin upang tayo’y makapamuhay ng maka-Dios,”[7] at ginawang “kabahagi ng kanyang karangalan at kabutihan,” at “makaiwas sa nakakasirang pagnanasa ng sanlibutan.”[8]Ito ang banal na katangiang inilagay sa ating mga kaluluwa na siyang nagiging dahilan upang maging posible ang:
Dahil dito, sikapin ninyong idagdag sa inyong pananampalataya ang kabutihan, sa inyong kabutihan ang kaalaman, sa inyong kaalaman ang pagpipigil sa inyong sarili, sa inyong pagpipigil sa sarili ang katatagan, sa inyong katatagan ang pagiging maka-Dios, sa inyong pagiging maka-Dios ang pagmamalasakit sa kapatid, at sa inyong pagmamalasakit ang pag-ibig.[9]
Ang kabutihan, kaalaman, pagpipigil sa sarili, katatagan, kabanalan, ang lahat ng ito ay katangian ng ating Panginoong Jesus kung saan ay maaari tayong makibahagi sapagkat natanggap na natin ang binhi ng banal na kalikasan.
Ang tanong ay, “Mayroon ka bang binhi ng Dios sa iyong kaluluwa?” Ikaw ba ay ipinanganak ng mag-muli?
Isang ilustrasyon mula sa palakasan
Nasisiyahan ako sa laro ng golf, kahit na hindi ako isang bihasa sa paglalaro nito. Paano kung posibleng pumasok sa aking katawan ang pinakasikat na propesyonal na manlalaro ng golf sa buong mundo? At paano kung kusang-loob kong ibinigay sa kanya ang kontrol sa aking isip at katawan? Magkakaroon ba iyon ng kaibahan sa aking mgalaro? Syempre!
Sa pamamagitan ng pananampalataya sa ebanghelyo, ang Panginoong Hesu-Kristo ay nanahan sa atin sa pamamagitan ng Banal na Espiritu (Juan 14:16-18), bilang kapwa indibidwal at bilang buong katawan ni Kristo (1 Corinto 3:16; 6:15). Ang pananahang ito ay nangangahulugan na maaaring kumilos sa buhay natin ang parehong kapangyarihan na ipinakita ni Kristo (Efeso 1:19; 3:20). Ginagawa nitong posible para sa lahat ng mananampalataya na tumulad kay Kristo.
Kinabibilangan ng Paghubog ng Espirituwal na Buhay ang Pagsasanay na ipamuhay ang Pagkakaroon ng Banal na Katangian na nasa atin. Ngunit Hindi Natin Ito Magagawa Sa Pamamagitan ng Sariling Kakayanan
Hindi natin kayang likhain sa ating puso ang mga kalikasan ng Dios, sa pamamagitan ng sariling kakayanan, ngunit dapat nating gawin ang mga nararapat na kundisyon kung saan ang kanyang kalikasan ay lalago sa atin sa paglipas ng panahon.
[10]Hindi natin kayang magkaroon sa ating puso ng kalikasan ng Dios sa pamamagitan ng sariling kakayanan, sapagkat ito ay itinanim sa atin sa pamamagitan ng biyaya, sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Ngunit, dapat nating gawin ang mga kundisyon at itanim ang mga binhi kung saan nakikita ang kalikasan ng Dios – ang buhay ni Jesus – at lalago sa ating pagkatao sa paglipas ng panahon.
Hindi natin kayang magkaroon ng bunga ng Banal na Espiritu sa ating buhay: pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiis, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili (Galacia 5:22-23). Sinabi ni Pablo na ang mga bungang ito ay “ang bunga ng Banal na Espiritu,” hindi ang ating bunga. Ngunit, dapat nating gawin ang mga kinakailangang paglakad upang magbunga sa ating buhay ang Banal na Espiritu.“Lumakad ka kasam ng Banal na Espiritu,” Ito ang panghihimok na sinabi sa atin ni Pablo (Galacia 5:16). Ang Paglakad ay nagsasaad na isang malayang pagpili, ang antas ng pagbibigay pansin sa direksyong ibinibigay ng Banal na Espiritu,at ang antas ng pagsisikap para dito.
Ang magsasaka ay walang kapangyarihan upang makabuo ng kahit isang butil ng mais, ngunit alam ng lahat na ang isang magsasaka ay isang taong masyadong abala. Pinatatabaan niya at nililinang ang lupa. Itinatanim niya ang binhi. Binubunot niya ang mga damo na nagbabantang pigilang lumaki ang mga batang binhi. Sa madaling salita, ginagawa ng magsasaka ang lahat upang malikha ang kondisyon para sa isang masaganang ani. Ang bawat Kristiyano ay ang magsasaka ng kanyang sariling kaluluwa. Kung ang mga Espirituwal na katangian ng pag-ibig, pagtitiyaga, kabaitan, at pagpipigil sa sarili ay hindi lumalago sa ating pagkatao sa paglipas ng panahon, hindi ang likas na katangian ng Dios na nasa atin ang may depekto, kundi ang ating paglalaan ng ating pansin kagaya ng sa isang magsasaka. Gaano kalaki ang ibinibigay mong pansin sa paglilinang sa ibinigay ng Dios na “binhi” ?
Dalawang Matinding bagay na Nakamamatay na Dapat Iwasan: Ang Kawalan ng Kasiguraduhan sa Buhay na Walang Hanggan at Pagiging Hindi Kwalipikado upang Magkaroon ng Kasiguraduhan sa Buhay na Walang Hanggan
Nais kong kilalanin ang dalawang matinding bagay na nakamamatay na kumakalat sa panahon ngayon – Ang kawalan ng kasiguraduhan sa Buhay na Walang Hanggan (ang isang “Kristiyano” ay hindi maaring makasigurado na mayroon siyang Buhay na Walang Hanggan) at ang pagiging hindi kwalipikado at walang dapat gawin upang makasigurado na mayroon siyang Buhay na Walang Hanggan (ang isang “Kristiyano” ay nakakasiguradong may Buhay na Walang hanggan kahit na ang kanyang buhay ay hindi nagbubunga). Ang dalawang ito ay matindi at labis na nakakasira sa ebanghelyo at sa Paghubog ng Espirituwal na buhay.
Naniniwala ako na mayroong ilang mga bagay tungkol sa kawalan ng katiyakan sa buhay na walang hanggan sa denominasyong kinalakihan ko. Ang pagbibigay-diin ng Biblia sa tunay na pagsisisi, maingat na pagsunod, kadalisayan ng puso, at maka-dios na pag-uugali, kung hindi ito maingat na nababalanse sa katuruan mula sa Biblia patungkol sa biyaya, ito ay nagdudulot ng hindi malusog na pagsisiyasat at kawalan ng pag-asa. Minsan ay napapaniwala tayo na ang anumang kasalanan pagkatapos ng pagtanggap sa kaligtasan ay maaaring maging sanhi upang mawala sa isang tao ang kanyang kaligtasan, at maliit lamang na pag-asa ang inaalok sa mga nakikipaglaban sa mga nakasanayang kasalanan ng mga kulang pa sa gulang sa Espirituwal na buhay.
Naaalala ko pagkatapos ng isang partikular school revival, kung saan ako at karamihan sa aking mga kaibigan ay “nailigtas” muli, nagpasiya kaming subukan ang aming makakaya upang “manatiling ligtas sa panahong iyon!” Ang ibig naming sabihin ay hindi na kami palihim na manunuod ng masamang pelikula sa telebisyon ng kapitbahay, makipagtalo sa aming mga kapatid, balewalain ang mga alituntunin sa paaralan, suwayin sina Inay at Itay, o mag-isip ng mga masamang bagay! Gagawin namin ang aming makakaya upang hindi magkasala! Labis kaming mag-iingat, sapagkat sa aming pagkakaalam ang kaligtasan ay tulad ng isang bagay na madaling mabasag at madaling mawala. Bagaman nagawa namin ang aming lahat ng makakayanan upang maging tunay na mga Krisityano, makalipas ang halos dalawang linggo ay napagpasyahan namin na ito ay napakahirap ipagpatuloy at sumuko na kami! Nakaramdam din kami ng kalayaan upang kumilos ng hindi tama, at alam namin na magkakaroon ng iba pang pagkakataon upang “maligtas” muli. Naisip namin na, siguro balang araw magiging sapat ang aming gagawin upang mapanatiling ligtas;ngunit sa aming kalooban ay pinagdududahan namin ito.
[11]Kapag ang pananamapalataya at katiyakan ay nakasalalay sa isang tao at hindi dahil kay Kristo at sa kanyang ginawa sa krus, ang resulta nito ay ang kawalan ng kasiguraduhan. Kapag ang pananampalataya ng isang tao ay nakabatay sa kanyang matuwid na mga gawa, sa halip na sa katuwiran ni Kristo na kumikilos sa kanya, siya ay mabibigo. Kapag ang mabubuting gawa, sa halip na biyaya, ang nagiging paraan upang magkamit ng kaligtasansa sa halip na bilang ang bunga ng kaligtasan, ang mabuting balita ay nagiging masamang balita. Ang patuloy na pagsusuri sa sarili na nakabukod sa pananampalataya na nakasentro kay Kristo ay humahantong sa pagkatalo, pagkatapos ay kawalan ng pag-asa, pagkatapos ay ang pagkawasak ng Espirituwal na buhay. Ang kawalan ng kasiguraduhan sa pagkakaroon ng buhay na walang hanggan ay mapanlinlang at lubusang nakakasira ng pananampalataya bilang hindi kwalipikado, walang kailangang gawin upang makamtan ang kasiguraduhan ng pagkakaroon ng buhay na walang hanggan.
Sa kabaligtaran ay ang pagiging hindi kwalipikado para magkaroon ng Buhay na Walang Hanggan – “kaligtasan” o “kapatawaran” nang walang pagbabagong-buhay. Ganap na itinuturo ng Biblia na ang mga mananampalataya ay may kasiguraduhan na sila ay ligtas, at ang kanilang kasiguraduhan ay nakasalalay, hindi sa kanilang sarili, ngunit sa natapos na gawain ni Kristo. Ngunit maraming tao ngayon ang nagtuturo na ang isang tao ay maaaring pawalang-sala o patawarin nang hindi nagbabagong-buhay o nagiging bago. Itinuturo ito sa kanila kahit na sobrang linaw na sinasabi ng Banal na Kasulatan na ang pagtitiwala kay Kristo ay nagdudulot ng“bagong buhay” para sa mga taong patay.[12] Dahil sa maling aral na ito, marami ang walang ingat tungkol sa pagiging matuwid, pagiging manhid sa paniniwala, at bulag sa kanilang tunay na kalagayang espirituwal.
Inilarawan sa isang pag-uusap sa radyo sa pagitan ng isang tanyag na guro ng Biblia at isang caller ang isang malungkot na katotohanan. Parang ganito ang sinabi ng caller: “Sir, tinanggap ko si Kristo noong bata ako, ngunit lumayo ako sa simbahan sa mahabang panahon at ngayon ay namumuhay ako ng isang buhay na puno ng imoralidad. Nag-dodroga ako, nakagawa ng pangangalunya nang maraming beses, at nakulong na rin. Sa palagay mo ligtas pa rin ako?” Sumagot sa kanyang katanungan ang tagapagturo ng Biblia, “Sa aking palagay, kung tinanggap mo talaga si Kristo noong bata ka pa, kahit na gaano ka man naging masama, ikaw ay patungo sa langit at hindi ka maaalis mula sa landas na iyon.” Iyon lang ang kanyang isinagot. Walang babala. Walang pagsaway dulot ng pagmamahal. Isang pananalita lamang ng pagpapalakas ng loob.
Matapos kong marinig ang pag-uusap na ito ay naisip ko ang mga seryosong katanungan:
Paano mabibigyan ng katwiran ang sinuman ayon sa biblia upang magkaloob ng katiyakan sa isang taong patuloy na namumuhay sa sinasadyang kasalanan?
Nag-alok ba kahit minsan ang mga may-akda ng Biblia ng katiyakan ng kaligtasan sa isang kasalukuyang namumuhay sa pagrerebelde/pagsuway?
Ang mga apostol na nagsulat ng Bagong Tipan ba ay nagbibigay ng kasiguraduhan ng kaligtasan sa isang taong nagsasagawa ng kasalanan?
Hindi! Sa katunayan, nagbabala si Jesus: “Hindi lahat ng tumatawag sa akin, “Panginoon, Panginoon,”ay makakapasok sa kaharian ng langit, kundi ang mga taong sumusunod sa kalooban ng aking Ama na nasa langit.”[13]
Hinihikayat ni Pablo ang mga nagsasabing sila ay Kristiyano na huwag mag-akala ng anuman:“Siyasatin/Subukan ninyo ang inyong mga sarili kung kayo’y namumuhay ayon sa pananampalataya. Suriin ninyo ang inyong sarili. Hindi ba ninyo nalalamang nasa inyo si Kristo Jesus? – maliban na lang kung kayo’y mga nabigo sa pagsubok.”[14]
Marami sa nagsasabing sila ay mananampalataya ay hindi lubos na nauunawaan ang ebanghelyo. Naniniwala silang pinatawad sila ng Dios sa pamamagitan ng kamatayan ni Jesus sa krus, ngunit hindi nila maipaliwanag kung paano. Ang isang tao ay maaaring maligtas nang hindi lubusang nauunawaan ang ebanghelyo; ang pagtitiwala at katiyakan ay pinatatatag sa pamamagitan ng kaalaman. Dahil kulang sila ng pang-unawa, marami sa mga Kristiyano ang nakikita ang kanilang sarili na nahihirapang pigilan ang mga paratang ng Kaaway. Minsan ay nadadaig sila ng pag-aalinlangan at kawalan ng pag-asa. Hindi ito ang nais ng Dios na maging buhay natin.
► Gawin ang Pagsubok sa iyong Kasiguraduhan sa susunod na dalawang pahina at suriin kung paano mo naintindihan ang ebanghelyo. (Gumawa ka ng kopya nito, sa halip na isulat ito sa iyong libro.) Huwag mag-atubiling gamitin ang iyong Biblia.
Ang Paghubog ng Espirituwal na Buhay ay tutulong sa atin upang matutunan kung paano pagagandahin ang lupa ng mga puso natin upang makalago sa atin ang wangis ni Kristo.
[11]“Hindi dinadala ng mga bulaklak ang tagsibol, ngunit wala tayong tagsibol kung walang mga bulaklak. Hindi ang mga ibon ang nagdadala ng tag-araw,ngunit wala tayong tag-araw kung walang mga ibon. Hindi ang pagiging makatwiran ang nagliligtas sa akin, ngunit ang kaligtasan ay nagbubunga ng pagiging natuwid.”
– A.W. Tozer
(3) Ano ang tatlong bunga ng pagkakasala ng makasalanan?
__________ mula sa Dios (Isaias 59:1-2)
Inilalagay tayo sa ilalim ng__________ ng Dios (Efeso 5:5-6)
Nagreresulta sa__________ (Roma 6:23; Efeso 2:1)
(4) Paano maaalis ng pananampalataya sa kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus ang mga bungang ito ng kasalanan?
Ginawa ng Dios si Jesus na maging__________ para sa atin (2Corinto 5:21; 1 Pedro 2:24).
Bilang kapalit natin, si Jesus ay__________mula sa Dios dahil sa kasalanan (Mateo 27:46).
Pinasan ni Jesus ang__________ ng Dios para sa atin (Isaias 53:6-7).
Sa pamamagitan ng pananampalataya sa kanyang muling pagkabuhay, ginagawa tayo ni Jesus na__________sa espirituwal at panghabang buhay (Efeso 2:6; 1 Pedro 1:3).
(5) Ano ang ilan sa mga pinakamalinaw na palatandaan na nakatanggap tayo ng bagong buhay sa pamamagitan ng pananampalataya sa muling pagkabuhay ni Kristo Jesus?
Mayroon tayong patotoo ng __________ ___________ na tayo ay mga anak ng Dios (Roma 8:16).
May pagnanais tayong malaman at__________ ang Salita ng Dios (Juan 8:31; 1 Pedro 2:2-3; 1 Juan 2:3-4).
Mayroon tayong isang ___________ para kay Jesus at para sa iba (Juan 8:42; 13:35; 1 Juan 3:14).
Bagaman kailangan pa nating maputulan upang mapaganda,at mas lalong mamungang Espirituwal na __________ (Juan 15:8; Galacia 5:22-23), at kahit na ang ilan ay maaari pa ring mahirapang paglabanan ang mga nakasanayang kasalanan (1 Juan 2:1; Hebreo 12:1), mapagtatagumpayan natin ang mga sinasadya at nakasanayang__________ (1 Juan 2:29). Ganito ang pagkakasabi ni John Wesley: “Ang kasalanan ay nananatili, ngunit hindi ito naghahari.”
(6) Bakit kinailangang isakripisyo ni Jesus ang kanyang sariling dugo? (Hebreo 9:22; 1 Pedro 1:18-19)
Dahil sa kautusan ng Dios ang kasalanan ay hindi maaaring__________kung wala ang pagsasakripisyo ng isang walang kasalanang__________.
(7) Ano ang kahalagahan ng pagkakatawang tao ni Jesus? (1 Timoteo 2:5)
Sa pagiging tao at Dios, si Jesus ay naging__________sa pagitan ng Dios at ng tao. Kinatawan niya ang parehong banal na Dios at makasalanang tao. Siya ay naging pangalawang Adan na hindi nahulog sa kasalanan, at samakatuwid ay kwalipikado bilang perpektong sakripisyo upang maging kapalit natin.
(8) Ano ang gampanin ng mga paggawa sa ating kaligtasan? (Santiago 2:17; Tito 3:8; Efeso 2:10)
Ang mabubuting gawa ay ang__________ ng bagong kapanganakan.
(9) Ano ang dapat mong gawin upang magkaroon ng kaligtasan? (Ang ABC ng kaligtasan)
__________na ikaw ay isang makasalanan at__________ (Roma 6:23; Gawa 3:19)
__________ang ebanghelyo (Gawa 16:31; Efeso 2:8)
__________si Jesus bilang Panginoon (Roma 10:9)
(10)Hindi lamang tayo naiingatan sa pamamagitan ng pananamapalataya sa natapos na gawain ni Kristo kundi naiingatan din tayo sa pamamagitan ng ______________ (1 Pedro 1:5).
[1]Mayroong tatlong matibay na pundasyon ng katiyakan ang nais naming talakayin ngayon:
Ang Pananampalataya sa natapos na gawain ni Kristo, na pinatutunayan ng
Matapat na pagsaksi ng Banal na Espiritu at
Angmabungang paglakad bilang Kristiyano.
Sa mga sumusunod na pahina, susuriin natin ito nang mas mabuti.
Mahahanap Natin ang Kasiguraduhan sa pamamagitan lamang ng Pananampalataya sa Natapos na Gawain ni Kristo Jesus
Ang matibay na pundasyon ng nakapagliligtas na pananampalataya ay hindi nakaugat sa pagbabago ng ating mga emosyon, ang pagkakamali ng ating mga karanasan, o ang hindi pagkakaparepareho ng ating espiritual na kalalagayan, sa halip ito ay nakaugat sa hindi nagbabago at walang hanggang gawain ng pagtubos ng Dios.
Ang mga damdamin at karanasan ay nakakamangha sa buhay Kristiyano, ngunit ang mga ito ay hindi pare-pareho, nagkakaiba-iba, at hindi maaasahan. Kahit na ang mga huwad na relihiyon ay maaaring magbigay ng mga espirituwal na karanasan,sapagkat“ang anghel ng liwanag” ay dalubhasa sa panghuhuwad/pagpapanggap.[2]
Ang katuwiran ay bunga ng kaligtasan, ngunit kahit ang mga pinakadakilang apostol ay nakaranas rin ng mga sandali ng kabiguan. Ang ating kaligtasan ay nakabatay sa isang bagay na mas maaasahan kaysa sa ating sarili, ating mga emosyon at ating mga karanasan: ang katotohanan ng ebanghelyo.
Tayo ay tinuruan na kapag ang isang piloto ay dumadaan sa kaulapan, hindi niya dapat pagkatiwalaan ang kanyang mga pandama, kundi ang kanyang mga instrumento. Sa katulad na paraan, kapag ang mga mananampalataya ay dumaan sa mga espirituwal na bagyo, hindi natin dapat pagkatiwalaan ang ating sarili, kundi ang Salita ng Dios.
Ikinuwento sa akin ng aking ama ang tungkol sa isang mangangaso na naligaw sa kagubatan; kahit na mayroon siyang isang compass, hindi niya ito pinagkatiwalaan. Nakalulungkot, pagkatapos ng maraming araw ng paghahanap, natagpuan siya ng mga awtoridad na patay na. Ang Salita ng Dios ay ang compass ng ating kaligtasan na dapat nating pagkatiwalaan.
Ano ang natapos na gawain ni Kristo?
Ano ang ibig nating sabihin sa natapos na gawain ni Kristo Jesus? Nangangahulugan ito na ako ay dapat na maligtas sa pamamagitan lamang ng kanyang pangalan,[3] na si Jesus ay namatay bilang kapalit ko, na siya ang nagbayad ng kaparusahan para sa aking mga kasalanan at ito ay ang parusang kamatayan:[4]
Si Jesus ang siyang pumalit sa akin. Dahil ang tao ay nagkasala, kailangang bayaran ng tao ang kaparusahang nararapat para dito. Si Jesus ay nagkatawang tao (Ang Dios sa pag-aanyong tao) upang pumalit sa pwesto ng tao para sa kahatulan at upang ipakipagkasundo ang tao sa Dios.[5]
Inialay ni Jesus ay kanyang dugo na walang kasalanan bilang pagbabayad-sala para sa kasalanan.[6]
Pinasan ni Jesus ang ating mga kasalanan sa kanyang sariling katawan, na naging perpektong handog para sa kasalanan.[7]
Si Jesusay nahiwalay sa kanyang Ama at pinasan ang galit na nararapat para sa ating mga kasalanan, upang hindi tayo walang hanggang tuluyang mahiwalay sa Dios.[8]
Sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesus sa kanyang pagkamatay para sa ating kasalanan, ang ating dating buhay na makasalanan ay kasamang ipinako sa krus kasama niya.[9]
Sa muling pagkabuhay ni Jesus mula sa mga patay, tayo rin,ay magkakaroon ng bagong buhay.[10]
Sa kanyang muling pagkabuhay,tinalo ni Jesus ang kasalanan, kamatayan, at bawat kapangyarihan ng kasamaan; at sa pamamagitan ng pananampalataya, ang parehong kapangyarihan na muling bumuhay sa kanya ay siya ring kumikilos sa atin.[11]
Sa pamamagitan ng muling pagkabuhay, ang Banal na Espiritu ay nagbibigay ng bagong buhay sa mga patay sa mga pagkakasala at kasalanan.[12]
Si Kristo na nasa atin ay ang “ pag-asa upang makabahagi sa kaluwalhatian ng Dios.”[13]
Ang kaligtasan ay nangangahulugang tayo ay nakikibahagi sa banal na katangian ng Dios[14] at ang ating buhay ay nakatago sa Dios, kasama ni Kristo.[15]
Ang mga naniniwala sa ebanghelyo ay naligtas sa pamamagitan ng pananamapalataya lamang sa mensaheng ito, at hindi sa kanilang pagsisikap na kalugdan sila ng Dios.[16]Ang pananampalatayang nakapagliligtas ay ang parehong pananampalataya na nagpapanatili sa lahat ng mananamapalataya hanggang wakas.[17]
Dapat tayong makarating sa bahagi ng ating buhay Kristiyano kung saan ang lahat ng ating kumpiyansa para sa buhay na walang hanggan ay nakasalalay lamang sa natapos na gawain ni Kristo Jesus sa krus. Ang mga mabubuting gawa ay bunga ng kaligtasan at hindi ito kailanman ang pagmumulan ng kaligtasan,katulad ng mga ginagawang kabaitan ng asawang lalaki sa kanyang asawang babae ay hindi magiging batayan ng kanilang pangako sa pagiging mag-asawa sa halip ito ay ang bunga. Sa ating buhay Kristiyano, tulad ng sa ating mga relasyon sa tao, ang ating pag-ibig ay hindi perpekto, ang ating mga ginagawa ay madalas na mayroong pagkakamali, at ang ating mga karanasan ay kadalasang nakakadismaya.
Hindi ko makakalimutan ang kwento na sinabi ng isa sa aking mga propesor sa Bible college tungkol sa dalawa niyang mag-aaral. Ang dalawang ito ay umibig sa isa’t- isa, kalaunan ay nagkasundong magpakasal, at ang petsa ng kasal ay kanilang itinakda. Dumating ang araw ng kasal, maganda ang seremonya, at ang kanilang mga pangako ay inulit nang may katapatan at damdamin. Makalipas ang ilang oras, ang bagong kasal na ito ay labis na nagkasakit sa pagkakalason sa pagkain (sa aking pagkaka-alala sa kwento) at ginugol ang kanilang honeymoon sa ospital!
“Nabawasan ba ang kanilang pagiging mag-asawa dahil sa kanilang naramdaman sa mga araw pagkatapos ng kanilang kasal?” itinanong ito ng aking propesor sa buong klase. Siyempre,alam natin ang sagot. Ang pagiging mag-asawa, katulad ng kaligtasan, ay nakabatay sa isang hindi nagbabagong pangako, o tipan, at hindi sa mga hindi maaasahang damdamin at mga karanasan.
Ang katangian ng pananampalataya
Kung ang kaligtasan ay sa pamamagitan ng pananampalataya, napakahalaga na maunawaan ang likas na katangian ng pananampalatayang ito. Ang Salita ng Dios ay malinaw na nagtuturo na ang pananampalataya na nakapagliligtas ay isangbuhay na pananampalataya. Ang pananampalataya ay ang pagtitiwala kay Kristo ngayon! Ang buhay na pananampalataya ay nagtitiwala sa ginawang pagtutubos ni Kristo ngayon. Ang buhay na pananampalataya ay nagpapahintulot sa Dios na iligtas tayo mula sa nakaraan at upang patuloy na iligtas tayo sa kasalukuyan. Ang buhay na pananampalataya ay magpapakita ng mga katibayan.“Ang patay na pananamapalataya” ay ang pananampalataya na walang kalakip na gawa – kahit ang mga demonyo ay mayroong pananampalataya.[18] Makikita natin ang buhay na pananampalataya sa mga sumusunod na talata:
“Tayo ay lumapit nang may dalisay na puso nang may lubos na kasiguruhan ngpananampalataya, na ang ating mga puso ay inalis sa masamang budhi at ang ating mga katawan ay hinugasan ng purong tubig.
Let us draw near with a true heart in full assurance of faith, having our hearts sprinkled from an evil conscience and our bodies washed with pure water.”[19]
“Na iningatan ng kapangyarihan ng Dios sa pamamagitan ng pananampalataya para sa kaligtasang nakahandang ihayag sa wakas ng panahon.”[20]
Mula sa mga talatang ito, at marami pang iba, natutunan natin ang mga sumusunod tungkol sa buhay na pananampalataya:
(1) Ang buhay na pananampalataya ay taos-puso–ito ay nagmumula sa “isang tunay na puso.”
Ang isang taos-pusong mananampalataya ay nagtatamasa ng isang malinis na budhi. Hindi siya isang mananampalataya na walang kasalanan, ngunit isa siyang taong nakaranas ng “pag-aalis mula sa masamang kunsensya.”[21]
Ang isang taos-pusong mananampalataya ay isang mapagpakumbabang mananampalataya. Hindi na niya itinatago o pinagtatakpan ang kasalanan. Kung ang Salita ng Dios ay hinahatulan siya sa pagiging “wala sa marka” sa espirituwal, inaamin niya ito at tumatanggi na mamuhay sa pagkukunwari.[22]Ang isang matapat na mananampalataya ay tumatanggap ng masakit na disiplina ng Dios katulad ng ginagawa ng isang mapagmahal na Ama.[23] Ang sakit na ito ay tanda din ng totoong buhay.
Pinagsasanayan ng isang matapat na mananampalataya ang pagsunod.[24] Ang isang taong nagsasabing siya ay isang mananampalataya na nakasanayan nang sumuway sa Dios ay tinatawag na sinungaling.[25]
(2) Ang buhay na pananampalataya ay nagbubunga ng katiyakan – “buong katiyakan ng pananampalataya.”
Ang katiyakan ay nagsisimula sa kaalaman patungkol sa ebanghelyo[26]na siyang batayan ng katiyakan. Ang pag-unawa at katiyakan ay isang malakas na depensa laban sa pag-aalinlangan, takot, tukso, at sa nagpaparatang na kasinungalingan ng diablo.[27]
(3) Ang buhay na pananampalataya ay ang pananamapalataya na iniingatan ng kapangyarihan ng Dios – “iniingatan ng kapangyarihan ng Dios sa pamamagitan ng pananampalataya.”
Ang salitanginiingatanay nangangahulugang ipagtatanggol katulad ng kastilyo o matibay na muog. Ang banal na kapangyarihan ng Dios sa pamamagitan ng pananampalataya ay nagtatanggol, nag-iingat, at higit sa lahat ay mag-aakay sa atin tungo sa langit. Ang mga mananampalataya na mayroong buhay na pananamapalataya ay tumitingin kay Jesus bilang “may-akda at tagapagtapos” ng pananampalataya.[28] Siya ang nagsimula ng mabuting gawain ng kaligtasan sa kanila at siya rin ang tatapos nito.[29]
Dapat natin itong linawin, ng sobrang linaw: ang lahat ng biyaya para sa espirituwal na paglalakbay ay nagmumula sa Dios. Siya ang “makapag-iingat sa inyo mula sa pagkakatisod, at upang maiharap kayo nang walang kapintasan sa harapan ng kanyang kaluwalhatian na may labis na kagalakan.”[30] Kailangan lamang ng Dios ng isang daluyan ang tunay na pananampalataya upang ibuhos ang kanyang biyaya. Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Dios, na may kalakip ng pananampalataya, tatanggapin natin ang biyaya na nag-iingat sa ating mga kaluluwa tungo sa buhay na walang hanggan.
(4) Ang buhay na pananampalataya ay isang pananampalataya na may pagkamatiyaga. Kung ang pagpapanatili ay nakasalalay sa pananampalataya, kung gayon ang pananampalataya ay palaging nagpapatuloy araw-araw.
Malinaw na itinuro ni Jesus at ng bawat manunulat ng Bagong Tipan na ang tunay na pananampalataya ay isang pananampalatayang nagtitiyaga:
“Kung nagpapatuloy kayo sa pananampalataya, nakabaon at matatag, at hindi nakikilos nang palayo sa pag-asa ng ebanghelyo.”[31]
“Ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya; subalit kung ang sinuman ay tatalikod,hindi ko siya kalulugdan.”[32]
“Taglay ang matibay na pananampalataya at malinis na budhi; mayroong hindi sumunod sa kanilang budhi, ang kanilang pananampalataya ay natulad sa isang nawasak na barko.”[33]
[34]Ang pananampalataya ayon sa Biblia ay isang pananampalatayang patuloy na nangyayari at nakasalalay kay Kristo bilang tanging pag-asa ng kaligtasan. Lalo na sa mga sandaling tayo ay nabigo, kailangan nating lumapit sa krus, kahit na nagsisi na tayo. Kung ang paglayo, pagtalikod, o pagbitaw sa pananampalataya sa ebanghelyo ay hindi isang nakatatakot na posibilidad,bakit tayo mahigpit na binalaan ng mga sumulat ng Bagong Tipan? Dapat nating suriin ang ating pananampalataya.
Ang Resulta ng Nakapagliligtas na Pananampalataya
Ang buhay na pananampalataya sa natapos na gawin ni Kristo Jesus ang siyang nagdadala sa atin sa pagkakaroon ng pagkakaisa sa kanya. Kapag tayo ay ligtas ito ay nangangahulugan na tayo ay espirituwal na pinagkaisa kay Kristo at naging bahagi ng kanyang katawan, o iglesia. Sa sandaling maligtas tayo, maraming kamangha-manghang bagay ang nangyayari:
► Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga talata na naaayon sa mga sumusunod na bilang. Alin sa mga katotohanang ito ang pinakamahalaga sa iyo sa ngayon?
Tayo ay itinuring na matuwid. Sa pamamagitan ng pananampalataya sa ginawang pagtubos ni Jesus, ngayon ay itinuturing tayo ng Dios Ama bilang matuwid – na parang hindi tayo nagkasala.[35] Itinuturo din ng Biblia na sa sandaling nanampalataya tayo sa ginawang pagtubos ni Kristo ay “itinuring tayo ng Dios na matuwid hindi dahil sa ating mga sariling gawa.”[36]
Binuhay tayo. Sa pamamagitan ng kamatayan at muling pagkabuhay ni Kristo, tayo ay ginawang buhay sa espirituwal, o ipinanganak nang muli.[37]Sa pamamagitan ng dugo ni Kristo[38]at sa pamamagitan ng Banal na Espiritu,[39]ang ating mga pagkakasala ay hinugasan na at binigyan tayo ng bagong buhay.
Tayo ay Pinabanal. Tinawag na tayong banal ng Dios! Sa madaling salita, inihiwalay niya tayo para sa kanya. Tayo ay sa kanya lamang.[40]
Tayo ay ipinagkasundo sa Dios. Sa pamamagitan ng paghahandog ng kanyang sarili, pinagsama ni Jesus ang isang banal na Dios at ang makasalanang tao.Ngayon ay hindi na tayo mga kaaway ng Dios, sa halip tayo ay itinuturing na mga kaibigan.[41]
Tayo ay tinanggap bilang kabahagi ng pamilya ng Dios. Ginawa tayong kanyang sariling anak at mayroon ng lahat ng karapatan at pribilehiyo ng isang relasyon sa pagitan ng isang Ama at Anak.[42] Sa pamamagitan ng pananampalataya sa natapos na gawain ni Kristo, tayo ay itinuring na tagapagmana ng Dios kasama ni Kristo.
Tayo ay pinangakuan ng mana. Ang manang ito ay hindi mawawala at nakalaan sa langit para sa atin.[43]
Hindi natin namamalayan ang lahat ng biyayang ito sa panahong tayo ay naligtas; ngunit sa pag-unlad ng ating pang-unawa,ang mga katotohanang ito ay mas nagiging mahalaga para sa atin,at mas nagiging matapat tayo sa bagong pagkakakilanlan na ito kapag pinaglalaanan natin ito ng pansin.
Ang Buhay na pananampalataya ay nagbubunga ng katiyakan.
Minsan, may isang taong sumulat kay John Wesley. Sinabi niya na kung paniniwalaan na maaaring mawala ang kaligtasan ng isang tao, magbubunga ito ng kawalan ng pag-asa sa mga mananampalataya. Ipinunto pa niya kay Wesley, “Kung [mangyayari ito] gayun,matapos nito ay mamawala ang aking kapanatagan.” Dahil dito ay tumugon si Wesley nang may masidhing puso:
Hindi mayayanig ang aking kapanatagan, hindi sa anumang opinyon, o alinman na ang isang mananampalataya ay maaari o hindi mahulog, hindi sa pag-alaala ng anumang nagawa sa aking nakaraan; kundi sa kung ano ang nasa ngayon, sa aking kasalukuyang pagkakilala sa Dios sa pamamagitan ni Kristo, na muling iniugnay ako sa kanyang sarilli; sa aking pagtingin ngayon sa liwanag ng kaluwalhatian ng Dios sa mukha ni Kristo Jesus; sa aking paglakad sa ilaw sapagkat siya ay ang ilaw, at pagkakaroon ng kaugnayan sa Ama at kanyang Anak. Ang aking kapanatagan ay sa pamamagitan ng biyaya ay makapaniniwala ako sa Panginoong Hesu-Kristo, at ang Banal na Espiritu ang magpapatotoo sa aking Espiritu na ako ay anak ng Dios. Gusto ko ng kapanatagan sa ganitong paraan at walang iba pang dahilan, upang makita ko na si Jesus na nasa kanang kamay ng Dios, para mismo sa aking sarili, at hindi para sa iba, ay magkaroon ng walang-hanggang pag-asa, at nararamdaman ko ang pag-ibig ng Dios na ibinuhos sa aking puso, at ang aking kasalanan ay ipinako sa krus. Ako ay labis na nagagalak dahil dito, ang patotoo ng aking budhi, na sa pagiging simple at taos-puso, hindi dahil sa karunungan ng aking sarili, kundi sa biyaya ng Dios kayaako [nakapapamuhay] sa mundo. Humayo ka at hanapin mo, kung kaya mo, ang mas matibay na kagalakan; isang mas maliwanag na kapanatagan dito sa panig ng langit. Kung may iba kang inaasahan nang pagmumulan ng kapanatagang ito, ikaw ay nakabatay sa mga inaasahang madaling masira, na hindi naman talaga magdadala ng iyong mga pasanin, ngunit ito ay tutusok sa iyong kamay at masasaktan ka.
Ang sinasabi ni Wesley ay ang totoong nakapagliligtas na pananampalataya ay hindi sa nakaraan, kundi sa kasalukuyan.Ito ay buhay. Ang Biblical na pananampalataya ay ang araw-araw na pagtingin kay Jesus at araw-araw na karanasan ng kanyang biyaya. Mayroon ka ba ng ganitong pananampalataya?
Matatagpuan Natin ang Kasiguraduhan sa Pamamagitan ng Tapat na Pagsaksi ng Banal na Espiritu
Ang pangalawang matibay na pundasyon ng biblikal na katiyakan ay ang patotoo ng Banal na Espiritu.
Sapagkat hindi espiritu ng pagkakaalipin ang inyong tinanggap upang kayo’y mamuhay sa takot.Sa halip ang inyong tinanggap ay ang espiritu ng pagkupkop upang kayo ay gawing mga anak ng Dios, kaya makakatawag tayo sa kanya ng, “Ama, Ama ko.”Ang Espiritu mismo ang sumasaksi sa ating espiritu na tayo ay mga anak ng Dios.[44]
Ang Biblikal na katiyakan ay dumarating sa pamamagitan ng pagsaksi ng Banal na Espirituna na tayo ngayon ay mga anak na ng Dios. Ito ang panloob na kumpiyansa at Espirituwal na kamalayan na tayo ay pinatawad ng Dios at ipinanganak nang muli.
Ang konsepto ng Biblia ng pagtubos at pag-aampon ay isang kahanga-hangang katotohanan. Ang pagkaka-alipin ay isang malungkot na katotohanan sa panahon ng Bagong Tipan.Ngunit tayo ay sinabihan na sa pamamagitan ng pagbabayad ng tiyak na halaga, ang isang alipin ay maaaringtubusin at maging malaya. Pagkatapos mabili ang kalayaan ng alipin, ang manunubos ay maaari siyang ituring na anak at gawing tagapagmana ng kanyang buong ari-arian. Ang pag-aampon ang siyang kumukumpleto sa proseso ng pagtubos.
Sinasabi ng Biblia na noong tayo ay hindi pa nagbabalik-loob tayo ay mga alipin. Ang ating panginoon ay ang kasalanan. Sa pamamagitan ng paghahandog ng kanyang sariling dugo,binayaran ni Kristo ang halaga ng ating katubusan mula sa kasalanan, at winawasak ang kapangyarihan nito naumaalipin sa atin, at tinanggap/inampon niya tayo bilang kanyang sariling mga anak. Sa pamamagitan ng pananampalataya tayo ngayon ay “tagapagmana ng Dios kasama ni Kristo.”[45] Ang nagpapatunay ng espirituwal na transaksyong ito ay ang tinatawag ng Biblia na patotoo, o testimonya, ng Banal na Espiritu. Ito ay isang kamalayang panloob na tayo ngayon ay minamahal na anak ng Dios.[46] Ang Dios ay hindi na isang kaaway o isang estranghero, ngunit Isa siyang higit nating nakikilala bilang “Ama, Ama Ko!” – Kung saan ay nakakalapit tayo na mayroong isang napakalapit na relasyon.[47]
Ang isang malapit na kaugnayan sa Dios ay isa sa pinakamahalagang matibay na pundasyon ng Paghubog ng Espirituwal na buhay. Nasisiyahan ka ba sa patotoong ito ng Banal na Espiritu? Napagtanto mo ba kung gaano ninanais ng Dios na mapalapit ka sa kanya? Naiintindihan mo ba ang halagang payag bayaran ng Dios upang ikaw at ako ay maging malapit sa kanya? Alam mo ba kung gaano ka nais ng Dios na pagpalain at ibigay ang biyaya niya sa iyo?
Matatagpuan Natin ang Kasiguraduhan sa pamamagitan ng Katibayan ng isang Mabungang Paglakad sa Buhay Kristiyano
Ang pangatlong bahagi ng biblikal na katiyakan ay isang mabungang paglakad kasama ng Dios. Kahit na tayo ay ligtas na sa pamamagitan ng biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya lamang at iniingatan ng biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya, ngunit ang nakapagliligtas na pananampalataya ay hindi kailanman nag-iisa.Ang bawat tunay na pananampalataya ay makikilala ng malinaw sa pamamagitan ng mga katibayan ng kanilang pag-uugali at buhay. Ang tunay na mananampalataya ay nagpapakita ng kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng kanilang mga gawa:
“Kung ano tayo ngayon ay gawa ng Dios, at sa pakikipag-isa natin kay Kristo Jesus ay nilikha niya tayo para sa mabubuting gawa, na inihanda ng Dios noong una pa man upang gawin natin.”[48]
“Ngunit hindi mo ba nalalalaman, O hangal na tao, na ang pananamapalataya na walang kalakip na gawa ay patay?”[49]
Itinuro ni Jesus na ang isang mabungang buhay Kristiyano ay katibayan ng pagiging totoong tagasunod niya (Juan 15:8). Kung ang buhay ng isang tao ay hindi nailalarawan sa pamamagitan ng pagiging mabunga ito ay isang tanda ng pagiging patay sa espirituwal na buhay.
[1]“Tungkulin ng bawat isa na ibigay ang kanyang lubos na makakaya upang maipagpatuloy ang pagkakatawag sa kanya at maging sigurado sa pagkakapili sa kanya; upang ang kanyang puso ay lumago sa kapayapaan at kagalakan sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, at sa kalakasan at kagalakan ng pagsunod sa tungkulin, ito ang tamang bunga ng katiyakan sa kaligtasan.”
– Westminster Confession of Faith
[33]1 Timoteo 1:19, idinagdag ang pagbibigay-diin.
[34]“Dahil kinakailangan din ang parehong merito at kapangyarihan ng dugo ni Cristo upang panatilihin tayong malinis kung paanong tayo’y nilinis nito.”
– Adam Clarke
Ang Bunga ng Nakapagliligtas na Pananampalataya: Sampung Praktikal na Pagsubok ng Katiyakan171F
[1]Ang mga sumusunod ay sampung pagsubok kung saan maaari nating suriin ang ating sarili upang makita kung ang ating pananampalataya ay tunay na buhay at nagbubunga (2 Corinto 13:5). Habang ang natapos na gawain ni Kristo ay ang ugat ng kaligtasan, ang sampung katanungang ito ay makakatulong sa atin upang suriin ang bunga ng kaligtasan:
(1) Ano ang ginagawa ko ng palihim?
Ang mga taong nailigtas na ay nakararanas ng isang malaking pagbabago sa kanilang palihim na gawain sa kanilang buhay. Binabago ng kaligtasan ang iyong tinitingnan sa internet at kung ano ang iyong ginagawa kapag walang sinuman ang tumitingin. Kung ang iyong ginagawa ng palihim ay walang malaking pagbabago, marahil ay hindi ka isang taong nagkaroon ng bagong buhay. Ang isang taong naligtas na ay mayroong pagnanasa para sa isang dalisay na puso![2]
(2) Mayroon bang totoong pagsisisi?
Ang kaligtasan ay nagbubunga ng isang mapagpakumbaba, nagsisising puso‒hindi lamang sa sandali ng pagbabalik-loob, kundi tuwing kinukumbinsi ka ng Dios na napapabayaan mo ang iyong espirituwal na buhay. Si Pedro, na isang alagad nang higit sa tatlong taon, ay lumuha at naghinagpis matapos niyang itanggi na kilala niya ang Panginoon.[3] Nang sawayin ni Pablo ang mga taga-Corinto dahil sa kanilang maling gawain,ang kalungkutan mula sa Dios ang nag-akay sa kanila upang magsisi – isang matibay na pagnanais na talikuran ang kasalanan at pagtakbo sa Dios![4]
(3) Mayroon ba akong pag-ibig kay Kristo?
Ang kaligtasan ay nagbubunga ng matinding pagmamahal kay Jesus.Sinabi ni Jesusna kung ang Dios ang iyong Ama, iibigin natin Siya.[5]Hindi dapat magtaka ang sinuman kung umiibig sila sa isang tao, lalo na sa Dios. Ang pag-ibig ay ang nagpapakilig sa kaluluwa. Ito ang iniisip natin kapag gumigising tayo sa umaga at bago matulog sa gabi. Ito ang nagtutulak sa atin na kumilos. Ito ang nagiging dahilan kung bakit handa tayong magsakripisyo. Iyon ang ating dahilan para mabuhay.
(4) Mahal ko ba ang aking kapwa?
Isinulat ni apostol Juan na ang taong hindi nagmamahal sa kanyang kapwa sa napaka praktikal na paraan (tulad ng pagbabahagi ng ating mga pag-aari) at tulad ng pagmamahal na ipinakita ng Dios sa krus ay hindi nagmula sa Dios.[6]
(5) Ako ba ay nagpapasakop sa Salita ng Dios?
Ang pagpapasakop sa Salita ng Dios ay isa sa pinakamalinaw na palatandaan ng muling kapanganakan. Sinabi ni Jesus na tayo ay totoong mga alagad kapag sinusunod natin ang kanyang Salita.[7] At sinabi rin niya na, “Hindi lahat ng tumatawag sa akin ng, ‘Panginoon, Panginoon,’ ay makakapasok sa kaharian ng langit, kundi ang mga gumagawa ng kalooban ng aking Ama na nasa langit.”[8] May kapangyarihan ba ang Salita ng Dios sa iyong buhay?O,madali para sa iyo na huwag itong pansinin?
(6) Nasaan ang aking isipan?
Ang kaligtasan ay nagbubunga ng pagbabago ng isipan. Sa aklat ng Roma, sinabi ni Pablo na ang mga namumuhay ayon sa makasalanang laman (hindi-Kristiyano) ay nagtutuon ng kanilang mga isipan sa mga bagay na naaayon sa makasalanang laman. Ito ay patungo sa kamatayan! Ngunit ang mga namumuhay alinsunod sa Banal na Espiritu (totoong Kristiyano) ay nagtutuon ng kanilang mga isipan sa pagpapahalaga sa mga bagay na Espirituwal. Ito ay nagdudulot ng buhay at kapayapaan.[9]Nakikita mo ba ang iyong sarili na mas higit na nag-iisip tungkol sa Dios, sa Salita ng Dios, at sa mga bagay na makalangit? Ang pag-iisip sa buhay na puspos ng Banal na Espiritu ay isang disiplina, ngunit ito rin ay resulta ng isang bagong kalikasan.
(7) Napuksa ko na ba ang aking mga dios-diosan?
[10]Sa pamamagitan ni Propeta Ezekiel, ipinangako ng Dios na iwiwisik ang malinis na tubig sa mga makasalanan, at lilinisin sila mula sa lahat ng kanilang karumihan at dios-diosan, bibigyan sila ng isang bagong puso at isang bagong espiritu, papalitan ang kanilang pusong bato ng isang malambot na puso, at ilalagay ang kanyang Espiritu sa kalooban nila upang matupad nila ang kanyang Salita.[11]Nagawa na ba niya ito sa iyong buhay? Ginagawa pa ba niya ito sa iyong buhay? Ang Dios ay naninibugho/seloso para sa iyong pag-ibig at pagmamahal; at kung ikaw ay kanyang anak, tinatanggal niya ang lahat ng nagnanais na umagaw sa pagmamahal na iyon.
(8) Ako ba ay isang bagong nilalang?
Nakikita ba ng iba ang mga pagbabago sa akin? Ang pagiging isang Kristiyano ay paglipat mula sa pagiging patay sa Espirituwal patungo sa buhay na Espirituwal. Walang bumangon mula sa patay nang hindi ito nalalaman! Hindi ka mabubuhay mula sa mga patay maliban kung napansin ng ibang tao ang pagbabago na nagawa sa iyo ng biyaya ng Dios.
(9) Nagtitiwala ba ako kay Kristo?
Ang isang pusong lubos na nagtitiwala kay Kristo ay malakas na katibayan ng kaligtasan. Ang mga tunay na mananampalataya ay nagtitiwala kay Kristo hindi lamang para sa buhay na walang hanggan ngunit para sa pang araw-araw na buhay, tulad ng pagkain at damit.[12] Nakikita mo ba ang iyong sarili na handang umalis sa ligtas na lugar at lumakad sa ibabaw ng tubig patungo kay Jesus, kahit na hindi naiintindihan ng ibang tao at iba ang ipakita nito tungkol sa iyo? Nagtitiwala ka ba sa kanya? Ang mga pagpapasya na iyong ginagawa ay nagpapakita sino ang pinagkakatiwalaan mo – pera, ang lakas ng katawan, o si Kristo.[13] Kung ikaw ay isang mananampalataya, nagkakaroon ka ng mga pagpapasya tungkol sa iyong pananalapi, iyong pamilya, iyong kalusugan, iyong trabaho at marami pang ibang bagay kung saan ay itinuturing na kahangalan ng mga hindi mananampalataya.[14]
(10) Nakikita ko ba si Kristo at mga tao sa isang bagong pamamaraan?
Ang mga tunay na mananampalataya ay nakikita ang mga tao sa ibang pamamaraan. Sinabi ni Pablo na mula ngayon hindi na natin nakikita ang mga tao ayon sa laman – ayon sa kanilang katayuan sa lipunan o katayuang pang-ekonomiya – sa halip ay ayon sa kanilang Espirituwal na katayuan – bilang mga taong minamahal ng Dios at kung para kanino namatay at muling nabuhay si Kristo.[15] Tulad ng hindi na natin itinuturing lamang na isang ordinaryong tao si Kristo, sa gayon nakikita natin ngayon ang ating mga kapwa mananampalataya kung sino sila – mga bagong nilalang na ipinakipagkasundo sa Dios. Nakikita mo ba ang mga tao na iba na kaysa dati mong pagtingin?
[1]Hango mula sa mensahe ni Pastor Tim Conway, “Am I Saved? 10 Tests of Assurance - Tim Conway.” Retrieved from https://www.youtube.com/ September 18, 2020.
[10]“Kung paanong ang isang punla ng oak ay isang oak, gayundin ang isang sanggol na Kristiyano ay isang Kristiyano. Subali’t kung paanong magiging katawa-tawa na tawagin ang isang bramble bush/dawag na oak, katawa-tawa rin na tawaging Kristiyano ang isang tao na hindi nagtataglay ng anumang katangian ng isang Kristiyano.”
- Hindi Alam kung sino
Huminto Saglit para sa isang Sandali ng Pagninilay
Narito ang ilang mga katanungan sa Paghubog ng Espirituwal na buhay na dapat isaalang-alang:
Nagtitiwala ka ba ngayon sa natapos na gawain ni Kristo? Ang iyo bang pag-asa ay nakasalalay lamang sa kanyang sakripisyo?
Kailangan mo bang magsisi sa pagtitiwala sa iyong sariling pagsisikap at katuwiran upang gawing katanggap-tanggap ka sa Dios?Sa iyong sariling pagganap?
Pinayagan mo ba ang iyong mga hindi maaasahang damdamin o pagkakaroon ng kamalayan sa kabiguan na agawin ang iyong pagtitiwala sa ebanghelyo?
Nasisiyahan ka ba sa patotoo ng Banal na Espiritu na ikaw ay anak ng Dios?
Patuloy ka bang mas natututo patungkol sa mga pribilehiyo at responsibilidad ng iyong kaugnayan sa Dios?
Nakikita mo ba ang bunga ng nakapagliligtas na pananampalataya sa iyong buhay? Kung ikaw ay kinasuhan sa korte ayon sa batas sa pagiging isang Kristiyano magkakaroon ba ng sapat na ebidensya upang hatulan ka?
Marahil sa ngayon ito ay isang magandang panahon para ikaw ay yumuko sa harap ng Panginoon. Kung wala kang pananampalataya, sumampalataya ka at tanggapin mo ang ebanghelyo. Hilingin mo sa Panginoon na tulungan kang lubos na magtiwala kay Kristo. Kung nagkaroon ka ng kamalayan sa kawalan ng paniniwala at kasalanan, magsisi ka at humingi sa Panginoon ng biyaya at awa. Nilalabanan ng Dios ang mapagmataas ngunit binibigyan niya ng biyaya ang mga mapagpakumbaba.[1]
(1) Muling suriin ang Pagsubok sa Katiyakan sa linggong ito at ibigay ang pagsubok na ito sa hindi kukulangin sa tatlong tao na nagsasabing sila ay mga Kristiyano. Gawin ito bago dumating ang susunod na klase. Maging handa na pag-usapan sa loob ng klase sa susunod na linggo ang mga resulta ng mga pagsubok.
(2) Kumuha ng pagsubok ayon sa materyal sa leksiyong iyo.
(3) Maglaan ng hindi bababa sa tatlumpung minuto sa linggong ito upang magbalik-aral sa leksiyong ito, isama ang mga sanggunian sa Banal na Kasulatan, at hilingin sa Banal na Espiritu na bigyan ka ng mas malalim na pang-unawa.
(4) Itala sa iyong journal ang anumang mga tiyak na pagbabago na dapat gawin sa iyong buhay, tulad ng ipinapakita sa iyo ng Panginoon.
(5) Pagnilayan ang hindi bababa sa isang Awit sa iyong Pang-araw-araw na oras ng pag-aaral ng biblia, at itala sa iyong journal kung ano ang sinasabi ng salmista tungkol sa kalikasan at katangian ng Dios.
(6) Itala sa iyong journal ang isang personal na panalangin para sa Espirituwal na pagbabago at paglago batay sa leksiyong ito.
(7) Magsanay gamit ang Gabay sa Pang-araw-araw na gabay sa Pananalangin ni Dr. Brown sa iyong pang-araw-araw na pribadong pananalangin.
Leksiyon 3 Pagsusulit
(1) Kumuha muli ng pagsubok sa kasiguraduhan.
(2) Ano ang tatlong matibay na pundasyon ng katiyakan na tinalakay sa leksiyong ito?
(3) Ano ang anim na bunga ng nakapagliligtas na pananampalataya?
(4) Banggitin ang ilan sa mga bunga ng totoong kaligtasan.
SGC exists to equip rising Christian leaders around the world by providing free, high-quality theological resources. We gladly grant permission for you to print and distribute our courses under these simple guidelines:
No Changes – Course content must not be altered in any way.
No Profit Sales – Printed copies may not be sold for profit.
Free Use for Ministry – Churches, schools, and other training ministries may freely print and distribute copies—even if they charge tuition.
No Unauthorized Translations – Please contact us before translating any course into another language.
All materials remain the copyrighted property of Shepherds Global Classroom. We simply ask that you honor the integrity of the content and mission.