Pamumuno sa Ministeryo
Pamumuno sa Ministeryo
Audio Course Purchase

Search Course

Type at least 3 characters to search

Search through all lessons and sections in this course

Searching...

No results found

No matches for ""

Try different keywords or check your spelling

results found

Lesson 6: Ang Pamumuno Batay sa Katangian

14 min read

by Stephen Gibson


Ang Kapangyarihan ng Paniniwala

Ang paniniwala ay katiyakan tungkol sa katotohanan. Ang paniniwalang ito ay batay sa matatag na paniniwala tungkol sa katotohanan. Ang paniniwala ang siyang gumagabay sa ating mga desisyon, sapagkat ang isang tao ay kumikilos bilang tugon sa pinaniniwalaan niyang totoo.

Ang paniniwala ay hindi lamang tumutukoy sa katotohanan sa relihiyon. Kung ang isang taong tagabenta ng produkto ay tunay na naniniwala na ang kanyang produkto ay ang pinakamahusay at naniniwalang kailangan ito ng lahat, mayroon siyang paniniwala. Ang paniniwalang iyon ay magiging mas malamang na maka-impluwensya sa ibang tao.

Naligaw sa disyerto ang isang pangkat ng mga tao. Tinalakay nila ang kanilang sitwasyon at ang kanilang mga posibleng gawin. Isa sa kanila ang pinakakapani-paniwala sa kanyang mga paliwanag tungkol sa kanilang sitwasyon. Kinumbinsi din niya sila na alam niya kung ano ang dapat nillang gawin. Kaya siya ang naging pinuno.

Ang paniniwala ay maaaring mali. Ang isang tao ay maaaring maniwala sa mga bagay na hindi totoo. Maging ang mga maling paniniwala ay maaaring magbigay ng kapangyarihan sa pamumuno sa isang panahon. Halimbawa, kung ang isang tao ay namamali sa paniniwala na alam niya ang mga direksyon upang makarating sa isang lugar, maaaring sundan siya ng mga tao dahil sa kanyang paniniwala. Sa kalaunan ay mabibigo sila, at ang kanyang impluwensya ay lubhang mababawasan. Mas malamang na hindi na nila siya susundin sa susunod.

Ang pamumuno ay batay sa paniniwala, sapagkat pinamumunuan ng isang tao ang iba sa pamamagitan ng pagpapakita sa kanila ng katotohanan at pagpapakita sa kanila ng naaangkop na tugon sa katotohanang iyon. Sinasabi niya, “Ganito ito, at ito ang dapat nating gawin.”

Kung mapagtanto ng isang tao sa isang masikip na gusali na ang gusali ay nasusunog, alam niya na kailangang marinig ng bawat isa ang katotohanang iyon at tumugon dito. Mayroon siyang paniniwala na dapat iparating sa iba. Ang impormasyon ay nag-uudyok sa pagkilos mula sa lahat ng naniniwala dito. Sa loob ng ilang segundo, ang taong iyon ay isang pinuno sapagkat naimpluwensyahan niya sila sa pamamagitan ng pagpaparating sa kanila ng kanyang paniniwala. Hindi siya nagpapatuloy na maging pinuno maliban kung naniniwala rin sila na alam niya kung ano ang dapat nilang gawin. Nagtatapos ang kanyang pamumuno sa puntong natapos ang kanyang paniniwala.

Para sa Kristiyano, ang katotohanan ng Salita ng Dios at ang kanyang kalooban para sa atin ay dapat na maging pundasyon para sa bawat institusyon, hindi lamang para sa mga organisasyon ng mga ministeryo. Ang isang Kristiyano ay hindi dapat nagpapatakbo ng isang negosyo na taliwas sa Salita ng Dios.

Ang matibay na paniniwala ay kinakailangan para sa matibay na pamumuno. Mag-isip ng sinumang mahusay na pinunong Kristiyano, mula man ito sa Banal na Kasulatan o mula sa kasaysayan. Subukang isipin na siya ay walang matatag na paniniwala, kahit na may mahusay siyang kakayahan.

Kahit na ang isang tao ay isang mabuting tagapag-ayos at tagapagsalita, hindi siya makakapamuno ng matagal ng walang paniniwala.

Para sa bawat isa sa mga pinuno na ito mula sa kasaysayan, hayaan ang isang tao mula sa pangkat na magkwento tungkol sa kanya, pagkatapos ay hilingin sa pangkat na subukang isipin ang mga pinuno na ito ng walang matibay na paniniwala: Sina Moises, Josue, Pablo, Martin Luther, Abraham Lincoln, Mahatma Gandhi, Winston Churchill, at Billy Graham. (Ang bawat isa sa mga ito ay may malaking impluwensya, ngunit hindi Kristiyanong pinuno ang ilan sa kanila).

Ang paniniwala, hindi ang tagumpay ang siyang dapat na maging pinakamataas na nagtutulak sa isang pinuno para kumilos. Siya ay napipilitang magtagumpay dahil sa paniniwala. Samakatuwid, hindi niya kailanman dapat ikompormiso ang paniniwala para sa tagumpay.

Ang paniniwala ay hindi dapat maging isang bahagi lamang ng iilang oras o maging isang uri ng pagpapanggap. Kung pumapayag ang isang tao na baguhin ang kanyang mga paniniwala dahil siya ay natanggap na magtrabaho para kumatawan sa ibang paniniwala, hindi siya maaaring maging isang malakas na pinuno.

Ang pinuno ay dapat na makilala sa kanyang pagpupursigi para sa katotohanan. Dahil siya ay nagagabayan ng kanyang paniniwala, lagi niyang nais na malaman kung ano ang katotohanan. Mas gugustuhin niyang iwasto siya kaysa magpatuloy na maniwala sa isang maling bagay.

Ang paniniwala ay makapagpapalakas sa isang tao nang higit sa kanyang personalidad. Maging ang isang tao na kinamumuhian ang komprontasyon, argumento, at pagpuna ay maaaring maging isang pinuno sapagkat siya ay may matatag na paniniwala.

Ang paniniwala ay nagbibigay din ng kakayahan sa isang tao na kumilos ng may mas mataas na antas ng katalinuhan na kabaligtaran kung wala siyang paniniwala. Sa “karunungan dulot ng paniniwala,”[1] maraming mga desisyon ang nagagawa mula sa biglang tugon dahil ang ilang mga pagpipilian ay hindi kailangang isa-alang-alang. Ito ang nagdudulot sa tao ng kakayahang makita ng mas mabilis kung ano ang tama. Katulad ng kaalaman o karunungan, ang taong walang paniniwala ay isang hangal.

► Sino ang isang mahusay na pinuno na personal mong kakilala? Paano nagbibigay ng lakas ang paniniwala sa kanyang pamumuno?

Si Daniel at ilang iba pang mga Hudyo ay nagsasanay para sa pamumuno sa isang dayuhang imperyo, kasama ang iba pang mula sa maraming ibang bansa.

Mahalaga para sa kanya na gumawa ng maayos at mabigyang kasiyahan ang pinuno ng pagsasanay, ngunit ang kanyang mga paniniwala ay nasubukan ng mapagtanto niya na ang pagkain ay maling kainin ng isang Hudyo. Maraming tao sa isang katulad na sitwasyon ang ikinokompromiso ang kanilang mga paniniwala kung ang mga paniniwala ay tila magpapababa sa kanilang katayuan.

Naobserbahan ng pinuno ng pagsasanay na si Daniel ay mayroong napakahusay na pagpupursigi. Si Daniel ay lumapit sa kanya ng buo ang loob, at mapagpakumbabang sinabi ang kanyang kahilingan, at nag-alok na subukan ang isang bagay na hindi magiging sanhi ng kapahamakan para sa pinuno ng pagsasanay. Pinarangalan ng Dios ang katapatan ni Daniel at binigyan siya ng malaking katagumpayan (Daniel 1:8-15).


[1]Isang salitang ginamit ni Mohler sa The Conviction to Lead.