Pamumuno sa Ministeryo
Pamumuno sa Ministeryo
Audio Course Purchase

Search Course

Type at least 3 characters to search

Search through all lessons and sections in this course

Searching...

No results found

No matches for ""

Try different keywords or check your spelling

results found

Lesson 16: Pagsasalita sa Publiko

13 min read

by Stephen Gibson


Ang Kapangyarihan ng Komunikasyon

"Ang salitang maayos na ipinahayag ay tulad ng mga gintong mansanas na nasa larawang pilak" (Kawikaan 25:11). Ang tamang salita na sinabi sa tamang oras, at naipahayag nang maayos, ay isang likhang sining. Ang maayos na pagpapahayag ay isang kasanayan na maaaring paunlarin.

Ang mga tao ay nagkakaroon ng kanilang impresyon ng iyong katalinuhan, kumpiyansa, at mga kakayahan mula sa iyong kakayahang makipag-usap. Ang iyong pagiging epektibo sa ministeryo ay nakasalalay sa iyong kakayahang impluwensyahan ang iba.

Karamihan sa ministeryo ay binubuo ng komunikasyon. Ang pangangaral, pagtuturo, pagpapayo, at paghihikayat ay ginagawa sa pamamagitan ng komunikasyon. Karamihan sa mga pinuno ng ministeryo ay mahusay na tagapagsalita. Napaka-hindi-pangkaraniwan para sa isang taong hindi mahusay magsalita na maging isang mabisang pinuno.

► Mayroong isang lumang kasabihan, "Ang panulat ay mas malakas kaysa sa tabak." Ano sa palagay mo ang ibig sabihin nito?

Ang pisikal na lakas ay hindi kayang tumbasan ang kapangyarihan ng isang ideyang naipahayag ng maayos. Napipilit ng isang sandata na gumawa ang tao ng isang bagay, ngunit ang isang ideya ay nabibihag ang kanilang isipan at puso. Iyon ang dahilan kung bakit nililimitahan ng ilang gobyerno ang kalayaan sa pagsasalita.

► Dapat basahin ng isang mag-aaral ang Santiago 3:1-8 para sa pangkat.Talakayin kung ano ang sinasabi ng talatang ito tungkol sa kapangyarihan ng komunikasyon.

Ang talata sa Santiago ay halos nagpapahayag ng tungkol sa potensyal na pinsalang maidudulot ng dila. Ang kapangyarihan ng komunikasyon ay maaaring gamitin para sa mabuti o para makapanakit. Pinili ng Dios ang komunikasyon ng mga tao , binigyan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu, bilang paraan ng katuparan ng kanyang plano ng kaligtasan.

Dahil sa kapangyarihan ng komunikasyon, dapat palagi itong gamitin nang maingat ng isang Kristiyano. Bilang isang tagapagsalita, dapat mong sundin ang etika ng Kristiyano. Palaging nasa panig ng katotohanan. Huwag kailanman magsulong ng isang bagay na hindi mo pinaniniwalaan. Huwag kailanman subukang kontrolin ang mga tao sa pamamagitan ng pagsasabi sa kanila ng mga bagay na hindi eksaktong totoo, o ipagkait ang mga impormasyon na magiging mahalaga sa kanila.