Si Miri ay isang bata sa isang nayon sa Papua New Guinea. Kaunti lang ang mga laruan niya ngunit minsan nilalaro ang bungo ng kanyang lolo. Ang bungo ay itinago sa bahay bilang paraan ng paggalang sa kanilang ninuno at para makaiwas din sa masasamang espiritu.
► Basahin nang malakas ang Awit 147 nang sabay-sabay. Dapat magsulat ang bawat mag-aaral ng isang talata na nagbubuod sa talata ng banal na kasulatan na ito. Ano ang sinasabi ng talatang ito tungkol sa paglahok ng Diyos sa paglikha? Ang bawat mag-aaral ay dapat magsulat ng isang listahan ng mga pahayag. Bilang isang pangkat, talakayin kung ano ang iyong isinulat.
Mga Relihiyong Pangkalikasan
[1]Ang relihiyong pangkalikasan ay isang sistema ng paniniwala sa relihiyon o pananaw sa mundo na tipikal ng karamihan sa mga sinaunang kultura, at ito ang batayan para sa gawaing panrelihiyon sa karamihan sa sinaunang mga lipunan. Maraming mga paniniwala at gawi ng mga relihiyong pangkalikasan ang matatagpuan din sa mga sumasamba sa iba pang mga pangunahing relihiyon sa daigdig kabilang ang Hinduismo, Budismo, Voodooismo, at Romano Katolisismo. Maraming tao sa Relihiyon ng New Age ang nag-aaral ng mga relihiyon sa kalikasan upang makahanap ng mga paraan upang makipag-ugnayan sa higit sa natural.
Ang relihiyon sa kalikasan ay tinatawag minsan na animismo. Ang animismo ay isang terminong nagbibigay-diin sa paniniwalang may mga espiritu ang mga elemento ng kalikasan. Kabilang dito ang mga hayop, puno, bundok, at ilog. Naniniwala ang mga animista na dapat nilang kilalanin at makipag-ugnayan sa mga espiritung iyon upang magtagumpay sa pagpapalaki ng pagkain, pagtatayo ng mga bahay, at pananatiling malusog.
Naniniwala ang mga animista sa mga espiritu na nananatili sa ilang mga lugar, ngunit nasa Diyos ang lahat ng kapangyarihan sa bawat lugar, tingnan ang 1 Mga Hari 20:28.
Naniniwala rin ang mga animista sa mga espiritu na hindi kinakailangang nakakabit sa isang materyal na katawan o lokasyon. Maaari rin silang maniwala na ang mga espiritu ng kanilang mga ninuno ay kasangkot sa mundo at sa kanilang buhay.
Maaaring hindi tawagin ng mga animista na relihiyon ang kanilang mga paniniwala. Ang animismo ay realidad lamang sa kanila. Ang animismo sa pangkalahatan ay walang makapangyarihang banal na kasulatan at walang nakasulat na doktrina.
► Anong mga pagkakatulad ang nakikita mo sa pagitan ng mga relihiyong pangkalikasan at iba pang relihiyon na ating napag-aralan?
Sa mga relihiyong pangkalikasan, ang mga tao ay hindi naiiba sa mundo, ngunit bahagi nito, na walang espesyal na katayuan.
Binibigyan ng Diyos ng espesyal na halaga ang mga tao at binibigyan sila ng espesyal na pangangalaga, tingnan ang Mateo 10:31.
[2]Ang mga nagsasagawa ng mga relihiyon sa kalikasan ay may mga espesyal na salita, bagay, o aksyon upang makipag-ugnayan sa mga espiritu. Ang mga kaugaliang ito ay naiiba sa iba't ibang lipunan. Ang mga kaugalian ay dapat na makatutulong sa kanila na maiwasan ang mga masasamang espiritu, at posibleng makakuha ng magandang tugon mula sa kanila. Maaaring dalhin ng isang tao ang isang bagay na dapat ay may kapangyarihan. Kadalasan, hindi maipaliwanag ng isang animista kung bakit ginagawa ang isang kaugalian.
Nais ng Diyos na alisin natin ang anumang bagay na ginagamit para umasa ng tulong sa mga espiritu. Kung mayroon tayong mga bagay na iyon, hindi tayo lubos na nagtitiwala sa Diyos, tingnan ang Mga Gawa 19:19.
Maaaring naniniwala ang mga animista na may mga paraan para makakuha ng kapangyarihan ang isang tao mula sa isang bagay o ibang tao. Naniniwala sila na ang isang tao ay dapat mag-ingat na hindi maapektuhan ng mapaminsalang kapangyarihan mula sa partikular na mga bagay o lugar.[3]
Karamihan sa mga kasanayan na tinatawag na mga pamahiin ay nagmula sa mga konseptong animista. Ang pamahiin ay ang ideya na ang isang tao ay dapat sumunod sa ilang mga kasanayan dahil ang mga partikular na bagay, aksyon, o lugar ay may espirituwal na kapangyarihan. Ang mga Kristiyano ay hindi mapamahiin, kahit na alam nila na ang masasamang kapangyarihang higit sa natural ay totoo, dahil nagtitiwala sila sa pinakamataas na kapangyarihan ng Diyos.
► Bakit sinasabi sa atin ng Bibliya na huwag gamitin ang mga bagay na bahagi ng pamahiin?
Naniniwala ang mga animista na ang mundo ay puno ng espirituwal na panganib, at dapat silang mag-ingat na huwag masaktan ang mga espiritu ng kalikasan o ng kanilang mga ninuno. Ang kanilang buhay ay ginagabayan ng palagiang takot. Minsan iniisip ng mga tao na ang mga sinaunang lipunan ay masaya at walang pag-aalala hanggang sa dumating ang mga misyonero na may organisadong relihiyon, ngunit hindi iyon totoo. Ang mga sinaunang tao na walang ebanghelyo ay nabubuhay sa pagkaalipin sa takot sa mga espiritu. Dumating ang ebanghelyo bilang isang napakagandang mensahe ng pagpapalaya. Natutunan nila na maaari silang maglingkod sa isang Diyos na nagmamahal sa kanila at hindi kailangang matakot sa mga espiritu.
Maraming beses na sinasabi sa atin ng Bibliya na hindi tayo dapat matakot dahil mapagkakatiwalaan natin ang Diyos, tingnan ang Isaias 41:10.
[4]Ang mga taong sumusunod sa mga relihiyon ng kalikasan ay maaaring may mga espesyalista sa relihiyon na itinuturing na mga dalubhasa sa pagharap sa mga bagay ng mga espiritu. Ang bawat kultura ay may sariling pangalan para sa mga relihiyosong espesyalista.
Maaaring naniniwala ang mga animista sa isang kataas-taasang Diyos na lumikha, ngunit hindi sila nananalangin sa kanya dahil sa tingin nila ay imposible ang pakikipag-ugnayan sa kanya. Iniisip nila na ang mga espiritu sa paligid nila ang dapat nilang harapin para sa mga kahihinatnan ng kanilang buhay.
Ang pagtatangkang makipag-ugnayan sa mga espiritu ay madalas na humahantong sa pakikipag-ugnayan sa mga demonyo.
► Ngayon bumalik at basahin ang naka-bold at naka-italic na teksto at bawat kasulatan.
“Ito ay ang pinakamataas na kapangyarihan ng Diyos na gumagawa ng probidensya at mga himala nang lubusan at komportbale sa mundo ng Bibliya. Hindi kailanman maibubukod ang Diyos sa Kanyang nilikha.”
“At naniniwala ako sa Banal na Espiritu, ang Panginoon at Tagapagbigay ng Buhay, na nagmumula sa Ama at sa Anak.”
- Ang Kredo ng Nicene
Ebanghelismo
Maraming animista ang naniniwala na sa isang kataas-taasang Diyos, ngunit hindi naniniwala na maaari silang lumapit sa kanya o interesado siya sa kanila. Sinasabi sa kanila ng ebanghelyo na mahal sila ng Diyos at ipinakita ang kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng pagpapadala kay Jesus.
Iniisip ng maraming animista na nakasakit sila ng isang espirituwal na nilalang: ang Diyos, ang kanilang mga kamag-anak na naging banal, o ibang tao. Ipinaliliwanag ng ebanghelyo na handang magpatawad ang Diyos sa ating mga kasalanan upang tayo ay magkaroon ng kaugnayan sa kanya.
Nabubuhay ang mga animista sa takot sa mga espiritu. Matitiyak natin sa kanila na kung makikilala nila ang Diyos, nasa ilalim sila ng kaniyang proteksiyon at maaari silang makitungo sa kaniya sa halip na sa mga espiritu.
Isang Patotoo
Si Hato ay pinuno ng isang tribo sa Papua New Guinea. Nabuhay siya sa takot sa mga espiritu at ninuno. Madalas na nakikipagdigma ang mga nayon sa isa't isa. Isang misyonero ang dumating upang manirahan sa kanyang nayon. Nakita ni Hato kung paano nagtiwala ang misyonero sa Diyos sa panahon ng krisis nung nasa pangaang mga anak ng misyonero. Nagpasiya si Hato na paglingkuran ang Diyos sa halip na ang mga espiritu.
Pag-aaral ng Banal na Kasulatan- Bahagi 2
► Ngayon basahin muli ang Awit 147. Ang bawat mag-aaral ay dapat magsulat ng isang talata na nagpapaliwanag sa mensahe ng talatang ito para sa animista. Maaaring ibahagi ng ilang mag-aaral ang kanilang isinulat.
Takdang Aralin para sa Bawat Aralin
Tandaan na humanap ng pagkakataong ipahayag ang ebanghelyo sa isang tao mula sa relihiyosong grupong ito. Maghandang ibahagi sa iyong mga kamag-aral ang tungkol sa pag-uusap na mayroon kayo. Isulat ang iyong 2-pahinang nakasulat na ulat at ibigay ito sa iyong pinuno ng klase.
SGC exists to equip rising Christian leaders around the world by providing free, high-quality theological resources. We gladly grant permission for you to print and distribute our courses under these simple guidelines:
No Changes – Course content must not be altered in any way.
No Profit Sales – Printed copies may not be sold for profit.
Free Use for Ministry – Churches, schools, and other training ministries may freely print and distribute copies—even if they charge tuition.
No Unauthorized Translations – Please contact us before translating any course into another language.
All materials remain the copyrighted property of Shepherds Global Classroom. We simply ask that you honor the integrity of the content and mission.