Panimula
► Bakit umiiral ang hidwaan sa relihiyon? Kailangan ba ang hidwaan sa relihiyon , o maiiwasan ba ito?
► Pagkatapos ng maikling talakayan tungkol sa mga tanong na ito, dapat hanapin ng klase ang mga sumusunod na sanggunian ng banal na kasulatan:1 Timoteo 3:15, Judas 1:3; Mateo 16:6, 12; Tito 1:9; and 1 Pedro 3:15. Talakayin nang maikli kung ano ang ipinahihiwatig ng mga talatang ito tungkol sa hidwaan sa relihiyon.
Sinabi ni Jesus sa babaeng Samaritana na nasa balon na ang problema sa pagsamba ng mga Samaritano ay hindi nila kilala kung sino ang kanilang sinasamba. (Juan 4:22). Ang konsepto ng isang tao Sa Diyos ay ang kanyang pinakamahalagang katangian at tiyak na pundasyon ng kanyang buong relihiyon. Wala nang mas mabigat na pagkakamali kaysa maging mali tungkol sa kung ano ang Diyos.
Imposibleng sambahin ang Diyos ng hindi naniniwala sa isang bagay tungkol sa kanya. Kung may maling konsepto ang isang tao tungkol sa Diyos, igagalang niya ang mga katangiang wala sa Diyos at mabibigong parangalan ang mga katangian na mayroon ang Diyos. Ang sariling katangian ng mananamba ay magbabago upang tumugma sa katangiang inaakala niyang taglay ng Diyos.
Hindi maaaring maglagay ang isang tao ng kanyang pananampalataya kay Jesus para sa kaligtasan ng hindi naniniwala sa bagay na kaugnay sa kanya. Kung ang isang tao ay naniniwala sa mga maling bagay tungkol kay Jesus,mayroon siyang doktrina na hindi sumusuporta sa ebanghelyo. Maaaring naniniwala siya sa isang maling ebanghelyo na hindi makapagliligtas sa kanya.
May responsibilidad ang simbahan na magtatag ng katotohanan. Sinabi ni Apostol Pablo na ang simbahan ang haligi at suhay ng katotohanan (1 Timoteo 3:15). Upang maitatag ang katotohanan, may responsibilidad ang simbahan na ipaliwanag at ipagtanggol ito. Sinasabi sa atin ni Apostol Judas na kapag nagtuturo ang mga tao ng mga maling doktrina, dapat nating “ipaglaban ang pananampalataya na minsanang ibinigay sa mga banal” (Judas 1:3).
Ang maling doktrina ay parang isang sakit na nagkakalat ng epekto nito (2 Timoteo 2:17). Ang maling doktrina ay inihahambing sa isang lebadura, na unti-unting nakakaapekto sa isang tinapay (Mateo 16:6).
Inaanyayahan ng Diyos ang mga pastor upang maging mga pinuno sa pagtatanggol ng katotohanan. Sinabi ni Pablo kay Tito na dapat magturo ang isang pastor ng tamang doktrina at sawayin din ang mga sumasalungat dito (Tito 1:9). Sinabi rin niya na dahil sa mga manlilinlang, nalalayo sa katotohanan ang buong pamilya (Tito 1:10-11).
Ang kursong ito ay hindi tungkol sa mga doktrinang naghahati sa iba’t-ibang simbahang Kristiyano sa mga kategorya tulad ng Methodist, Baptist, o Pentecostal. Ang mga simbahang ito ay pangkalahatang sumasang-ayon sa mahahalagang doktrina ng Bibliya na binanggit sa Manwal ng Doktrina sa likod ng kursong ito. sa halip, ang kursong ito ay tumitingin sa mga relihiyosong grupo na tumatanggi sa mga doktrina na siyang pundasyon ng pananampalatayang Kristiyano.
Sa araling ito, pag-aaralin natin ang walong mahahalagang paraan na dapat ihanda ng mga Kristiyano sa pagharap sa hidwaan sa relihiyon. Dapat silang:
1. Personal na nararanasan ang kaligtasan.
2. Maging matatag sa doktrina ng bibliya.
3. Nauunawaan ang panganib ng pagkakamali.
4. Nauunawaan ang mga miyembro ng kulto.
5. Nauunawaan ang pinagmulan ng huwad na mga relihiyon.
6. Naibabahagi ang ebanghelyo.
7. Naisasabuhay ang simbahan.
8. Nagdedepende sa Banal na Espiritu.