Ang mga sumusunod na punto ay ang mahalaga sa ebanghelyo. Posible para sa isang tao na maligtas na hindi pa lubos na nauunawaan ang mga ito. Gayunpaman, ang pagtanggi sa alinmang sa mga puntong ito ay nag-aalis ng pundasyon ng ebanghelyo. Ang isang tao o organisasyon na tumatanggi sa alinman sa mga mahahalagang ito ay may posibilidad na bumuo ng isa pang ebanghelyo, na nagtitiwala sa isang maling paraan ng kaligtasan.
Kapag ibinabahagi mo ang ebanghelyo sa isang tao, ang ilang mga punto ay magiging lalong mahalaga dahil sa mga pagkakamali na pinaniniwalaan na niya. Halimbawa, kung siya ay naniniwala na ang kaligtasan ay sa pamamagitan lamang ng isang partikular na organisasyon, siya ay maniniwala na ang sa pagiging miyembro ng organisasyon ay kinakailangan para sa kaligtasan. Kailangan niyang malaman na ang isang tao ay indibidwal na tumatanggap ng kapatawaran at nagkakaroon ng direktang kaugnayan sa Diyos.
(1) Nilikha ng Diyos ang tao na kawangis nya upang magkaroon sya ng kaugnayan sa kanya. (Genesis 1:27, Mga Gawa 17:24-28).
Ang katotohanang ito ay nagpapakita ng layunin ng ating pag-iral at ang layunin ng kaligtasan. Ang katotohanang ito ay sinasalungat ng mga relihiyon na hindi naniniwala sa isang Diyos na may personalidad at nagmamahal sa lahat ng tao. Ang katotohanang ito ay nagpapakita ng tunay na problema sa mundo; walang kaugnayan ang mga tao sa Diyos.
►Paano kung ang isa tao ay hindi naniniwala na mahal siya ng Diyos?
(2) Ang mga unang tao ay nagkasala at nahiwalay sa Diyos. (Genesis 3:3-6, 8, Isaias 59:2).
Ipinapakita nito ang pinagsimulan ng kasalanan at ang dahilan ng kalagayan ng mundo. May pagdurusa at kalungkutan ang mundo dahil sa kasalanan. Mayroon pa ring kagalakan at layunin dahil sa disenyo ng Diyos, ngunit ang mundo ay hindi tulad ng kung ano ang plano dito ng Diyos.
► Paano kung hindi naniniwala ang isang tao na ang kasalanan ang tunay na problema ng mundo?
(3) Ang bawat isa sa atin ay nakagawa ng kasalanan laban sa Diyos. (Roma 3:10, 23).
Ang bawat tao ay nagkasala at kusang nagkasala laban sa Diyos. Walang tao na laging ginagawa kung ano ang tama.
► Paano kung iniisip ng isang tao na kaya niyang bigyang-katwiran ang mga bagay na ginawa niya?
(4) Ang bawat tao na hindi nakatagpo ng awa ay hahatulan ng Diyos at hahatulan ng walang hanggang kaparusahan (Hebreo 9:27, Roma 14:12, Apocalipsis 20:12).
Ipinapakita nito ang kaseryosohan at madaliang pangangailangan ng kaligtasan ng bawat indibidwal.
► Paano kung ang isang tao ay hindi naniniwala na mayroong isang matuwid na Diyos na hahatol sa kanyang mga kasalanan?
(5) Walang magagawa ang tao upang bayaran ang kanyang mga kasalanang nagawa laban sa Diyos (Roma 3:20, Efeso 2:4-9).
Ang mabubuting gawa at mga regalo ay hindi maaaring magbayad sa mga kasalanan dahil ang kasalanan ay laban sa Diyos na walang hanggan at dahil ang lahat ay pag-aari na niya.
► Paano kung naniniwala ang isang tao na dapat niyang gawin ang kanyang sarili na maging karapat-dapat sa kapatawaran?
(6) Dapat ay may basehan ang pagpapatawad dahil mabigat ang kasalanan at ang Diyos ay makatarungan (Roma 3:25-26).
Nais ng Diyos na magpatawad , ngunit kung siya ay nagpatawad ng walang batayan, tila walang halaga ang kasalanan at ang Diyos ay tila hindi makatarungan.
► Bakit kinakailangan ang kamatayan ni Cristo ?
(7) Si Jesus, ang Anak ng Diyos, ay namuhay ng perpektong buhay at namatay bilang isang alay upang mapatawad tayo, maging matuwid sa harap ng isang banal na Diyos, at magkaroon ng buhay na walang hanggan. (Juan 3:16, Roma 5:8-9, 1 Pedro 2:22, 24).
Dahil si Jesus ay anak ng Diyos, ang kanyang sakripisyo ay may walang katapusang halaga at nagbibigay ng batayan para sa kapatawaran ng sinuman sa mundo. Kung tao lang siya, limitado lang ang halaga ng sakripisyo niya. Kung hindi siya Diyos, hindi niya tayo lubos na maliligtas, at kailangan nating maghanap ng ibang paraan ng kaligtasan.
► Bakit itinuturo ng ilang relihiyon na ang mga tao ay dapat maligtas sa pamamagitan ng gawa?
(8) Si Jesus ay pisikal na bumangon mula sa mga patay, na nagpatunay ng kanyang pagkakakilanlan bilang Anak ng Diyos at ipinakita ang kanyang kapangyarihan na magbigay ng buhay na walang hanggan. (Juan 11:25-26, Juan 20:24-28, Roma 1:4, Apocalipsis 1:18).
Ang mga kultong tumatanggi sa muling pagkabuhay ni Jesus ay kadalasang tinatanggihan din ang kanyang pagka-Diyos at ang kasapatan ng kanyang sakripisyo para sa kaligtasan. Pagkatapos ay nag-iimbento sila ng isa pang paraan ng kaligtasan.
► Anu-ano ang mga bagay na alam natin dahil nabuhay si Jesus mula sa mga patay?
(9) Ang sakripisyo ni Jesus ay sapat na para sa kaligtasan. (Efeso 2:8-10, 1 Juan 2:2).
Ang kaligtasan ay sa pamamagitan ng biyaya, sa pamamagitan ng pananampalataya, kay Jesu-Cristo lamang, at hindi sa pamamagitan ng mga mabubuting gawa. Maraming relihiyon ang nagtuturo na ang isang tao ay maaaring bahagyang makamit ang kanyang kaligtasan. Inilalagay nito ang mga tao sa ilalim ng kontrol ng isang relihiyosong organisasyon na nagsasabi sa kanila kung ano ang gagawin upang maligtas.
► Bakit iniisip ng ilang tao na hindi sila maliligtas kung wala ang kanilang relihiyosong organisasyon?
(10) Inililigtas ng Diyos ang bawat tao na umaamin na siya ay makasalanan, nagsisisi sa kanyang kasalanan, at naniniwala sa ebanghelyo (Marcos 1:15, 1 Juan 1:9).
Walang organisasyon ng tao ang may karapatang magdagdag sa mga kinakailangan para sa kaligtasan o mag-alok ng ibang paraan ng kaligtasan.
► Anong uri ng tao ang may karapatang maniwala na siya ay naligtas?
(11) Ang pagsisisi ay nangangahulugan na ang isang tao ay nagsisisi sa kanyang mga kasalanan at handang talikuran ang kanyang mga kasalanan (Isaias 55:7, Ezekiel 18:30, Ezekiel 33:9-16, Mateo 3:8).
Ang pagsisisi ay hindi nangangahulugan na dapat gawing perpekto ng isang tao ang kanyang buhay bago siya tanggapin ng Diyos. Ang Diyos lamang ang makapagliligtas sa hindi mananampalataya mula sa kapangyarihan ng kanyang mga kasalanan. Ang pagsisisi ay nangangahulugan na ang isang tao ay lubusang nagsisisi para sa kanyang mga kasalanan na handa siyang talikuran ang mga ito. Kung ang isang tao ay hindi handang tumalikod sa kanyang mga kasalanan, hindi siya maliligtas.
► Bakit hindi mapapatawad ang isang tao nang walang pagsisisi?
(12) Ang isang taong nagsisisi at naniniwalang makasalanan siya ay tumatanggap ng kaligtasan kapag hiniling niya sa Diyos na iligtas siya (Roma 10:13, Mga Gawa 2:21).
Ang bawat tao ay maaaring lumapit sa awa ng Diyos dahil kay Jesus. Walang institusyon o taong ahente ang kailangan para matanggap ng isang tao ang kapatawaran ng Diyos. Natatanggap ito ng isa isa ng tao at nagsisimula ng direktang relasyon sa Diyos.
► Paano natin malalaman na ang isang tao ay maaaring maging isang Kristiyano sa isang sandali?