Lesson 5: Ang mga Pamamaraan at Kahulugan ng Pagbibigay-katwiran
21 min read
by Stephen Gibson
Pagbibigay Kahulugan sa Pananampalatayang Nakapagliligtas
► Ano ang pananampalatayang nakapagliligtas? Kung ang isang tao ay may pananampalatayang nakapagliligtas, ano ang ibigsabihin ng kanyang pinaniniwalaan?
Ano ang pinaniniwalaan ng mananampalataya?
(1) Naniniwala sita na wala siyang magagawa upang bigyang-katwiran and kanyang sarili.
“Sapagkat sa biyaya kayo'y naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya, at ito'y hindi sa pamamagitan ng inyong sarili, ito'y kaloob ng Diyos; hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinuman ay huwag magmalaki” (Efeso 2:8-9).
Nalalaman niya na walang bagay siyang magagawa (mga gawa) na maaaring magamit niya upang maligtas, kahit bahagya man lang.
(2) Naniniwala siya na ang handog ni Kristo ay sapat para sa kanyang kapatawaran.
“Siya ang kabayaran para sa ating mga kasalanan, at hindi lamang para sa atin kundi para din sa kasalanan ng buong sanlibutan” (1 Juan 2:2).
Ang Propitiation ay nangangahulugang ang handog na nagpapaging posible para sa ating kapatawaran.
(3) Naniniwala siya na pinatatawad siya ng Diyos sa kundisyon ng pananampalataya lamang.
“Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, siya ay tapat at banal na magpapatawad sa ating mga kasalanan at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan” (1 Juan 1:9).
Kung iniisip niya na mayroon pang ibang kundisyon, inaasahan niyang maligtas kahit manlang bahagya sa pamamagitan ng mga gawa sa halip na lubusang kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya.
Ang Ikatlong Bahagi ay may tatlong talata. Ang una (3:21-31) ay nagpapakita na ang tao ay dapat mapawalang-sala sa paraang inihanda ng Diyos, dahil ang tao ay hindi mapawawalang-sala batay sa kanyang ginawa. Ang Talata 2 (Roma 4) ay gumagamit kay Abraham at David bilang ilustrasyon ng pananampalatayang nagpapawalang-sala, nagpapakita na ang doktrina ay hindi bago. Ang Talata 3 (Roma 5) ay nagpapaliwanag kung paanong angs handog ni Kristo ang nagpapaging posible sa klaseng ito ng pagpapawalang-sala. Sa araling ito pag-aaralan natin ang lahat ng tatlong talatang ito.
Pangunahing Punto ng 3:21 - 5:21
Ang probisyon ng Diyos sa kaligtasan ng tao ay ang handog ni Kristo, na nagbibigay ng pagpapawalang-sala sa pamamagitan ng biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya.
Pag-aaral ng Talata – Roma Bahagi 3, Talata 1
Pangunahing Punto ng 3:21-31
Ang pamamaraan ng Diyos sa pagpapawalang-sala ay sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya, at ang pagpapawalang-sala sa pamamagitan ng mga gawa ay imposible.
Buod ng 3:21-31
Dahil walang sinuman ang matuwid batay sa kakayahang laging sundin ang lahat ng kautusan, dapat magkaroon ng ibang pamamaraan upang mapawalang-sala. Ang suliranin (ipinakita sa 3:26) ay upang bigyang-katwiran ng Diyos ang makasalanan at manatiling maging isang matuwid na hukom. Ang suliranin ay nalutas nang pagbabayad-sala; nagbigay ang Diyos ng isang handog bilang batayan ng kapatawaran. Maaari niyang patawarin ang isang taong nananampalataya, ngunit ang handog ay nagpapakita na itinuturing ng Diyos na seryoso ang kasalanan.
► Dapat basahin ng isang mag-aaral ang Roma 3:21-31 para sa grupo.
Mga Tala Bersikulo-Bersikulo
(3:21) Ang pagiging matuwid na katanggap-tanggap sa Diyos ay natutupad nang hiwalay sa kautusan. Sinasabi ng apostol na ang ideyang ito ay hindi bago, subali’t itinuro ng kautusan at ng mga propeta. “Subali’t ngayon...” ay tumutukoy sa panahon ng lubusang paghahayag ng ebanghelyo ni Kristo, tulad ng sinasabi ng susunod na talata. (Tingnan din ang talatang 3:25).
(3:22-23) Walang pagkakaiba sa pagitan ng pagliligtas maging sa Hudyo o Hentilman, dahil pantay lamang sila na nahatulan ng kamatayan. Maging sa sinaunang Israel nang sila’y sumunod sa mga ritwal na ibinigay ng Diyos sa kanila, walang sinumang naligtas sa pamamagitan ng mga paghahandog at mga ritwal. Ang sinumang naligtas ay dahil nakatanggap siya ng biyaya bilang tugon sa pananampalataya. (Tingnan ang 3:30).
Ang kaligtasan para sa sinuman ay sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang salitang lahat ay ginamit ng ilang beses dito. Kung paanong ang lahat ay nagkasala, ang lahat nang sumampalataya ay maliligtas. Ang talatang “sa lahat ng mga sumasampalataya” ay isang pagbibigay-diin sa pagiging bukas ng handog, kung paanong ang talatang “mula sa pananampalataya hanggang sa pananampalataya” ay nagbibigay-diin sa kundisyon ng pananampalataya (1:17).
(3:24) Ang biyaya ay libre para sa atin, dahil binayaran na ni Hesus ang halaga ng katubusan.
(3:25) Ang mga naunang kasalanan ay ang mga kasalanang nagawa bago dumating si Kristo. Ang mga ito ay hindi nabayaran ng pagsasagawa ng mga seremonya, kundi sa pamamagitan ng kamatayan ni Kristo, bagaman ang mga kasalanang ito ay nagawa nang kanyang kamatayan ay sa hinaharap pa. Pinatawad na ng Diyos ang mga ito batay sa pagbabayad-sala ni Kristo bago paman ito maganap, dahil ito’y nakaplano na mula pa sa pasimula. (Tingnan ang 3:21.)
Ang pagbabayad-sala ay nagpapakita na ang Diyos ay makatuwiran kahit na ang kanyang katarungan ay hindi biglaan. Ipinakita nito na seryoso ang Diyos tungkol sa kasalanan.
(3:26) Ipinapakita ng talatang ito ang kasagutan sa malaking suliranin: Paano maaaring maging makatwiran ang Diyos at bigyan pa rin ng katuwiran ang isang makasalanan? Ang pagbabayad-sala ang nagbigay ng paraan. Naglaan ang Diyos ng handog bilang batayan ng pagpapatawad. Maaari niyang patawarin ang sinumang sumasampalataya, ngunit ang handog ay nagpapakita na itinuturing ng Diyos na mabigat ang kasalanan
► Ano ang magiging suliranin kung pinatawad ng Diyos ang mga tao nang walang pagbabayad-sala?
Ang Diyos ang makatwirang hukom ng sanlibutan. Ipinahayag niya na ang kasalanan ay talagang seryoso na ito ay may pangwalang-hanggang kaparusahan. Nahiwalay ang mga tao mula sa Diyos dahil sa kasalanan. Ang Diyos ay responsable sa pangwakas na katarungan para sa sanlibutan, ang gantimpala para sa mga taong gumagawa ng mabuti at parusa para sa mga gumawa ng masama.
Ang pagpapatawad nang walang batayan ay sasalungat sa mismong pagkakakilanlan ng Diyos. Ito ay hindi magpaparangal sa kanya dahil lilitaw na siya ay hindi nananatili sa kanyang tugon sa kasalanan. Tila hindi siya magiging makatarungan kung parurusahan niya ang ilang tao at patatawarin naman ang iba. Hindi ito maliit na suliranin lamang, dahil ang buong sanlibutan ay umiiral upang luwalhatiin ang Diyos. Paano tunay na sinserong luwalhatiin ng tao ang Diyos kung hindi nila iniisip na siya ay makatarungan?
Ang solusyon ay dapat isang bagay na nagpapakita na seryoso ang kasalanan, nagkaloob ng isang dahilan para sa kapatawaran, at nagpapakita ng kalikasan ng Diyos; upang patuloy na maparangalan ng mga tao ang Diyos bilang banal at makatarungan.
Ang pagbabayad-sala ay tumutugon sa pangangailangang iyon. Ang paghahandog ni Hesus ng kanyang sarili sa krus ay nagpakita na ang kasalanan ay seryoso. Ang pangangailangan ng pagsisisi ay daan upang kilalanin ng makasalanan ang kasamaan ng kanyang kasalanan. Ang libreng handog na kaligtasan para sa lahat ay ginagawang pang-indibidwal ang pagpili. Sagayun, magiging makatwiran para sa Diyos na patawarin ang mga taong tatanggap nito at hindi patawarin ang mga tumatanggi rito.
Bakit hindi niya pinatatawad ang mga hindi nagsisisi? Kung patatawarin ang isang tao na nagpapatuloy sa kasalanan nang walang pagsisisi ay magpapawalang-halaga sa layunin ng pagbabayad-sala: ang magkaloob ng kapatawaran habang ipinapakita ang katarungan ng Diyos.
(3:27) Walang batayan ang pagtataas-sa-sarili sa pagkakamit ng kaligtasan. May mga tao na naniniwala na mapagmataas ang sinumang nag-aangkin na alam niya na siya ay ligtas. Subali’t ang isang tao na nakaaalam na siya ay pinatawad na dahil sa biyaya ay may dahilan upang maging mapagpakumbaba, hindi mapagmataas.
(3:28) Ang pagpapawalang-sala ay hindi depende sa naunang pagiging matuwid. Ang pagpapawalang-sala ay nangangahulugan na ang makasalanan na nagsisisi at sumasampalataya ay ibinilang na matuwid na tila ba hindi siya nagkasala. Ang buhay ng pagsunod sa Diyos ay nagsisimula sa pagpapawalang-sala, at hindi bago iyon. Hindi mababago ng isang tao ang kanyang sariling buhay sa layuning maging katanggap-tanggap siya sa Diyos. Siya ay katanggap-tanggap na sa Diyos sa pamamagitan ng pagbabayad-sala ni Kristo, at hindi sa anupamang ibang paraan.
(3:29-30) Iniuugnay ng mga tekstong ito ang talata sa tema ng aklat. Ang mensahe ay para sa buong mundo. Ang katotohanang ito ay batay sa paniniwala sa iisang Diyos. Dahil mayroon lamang iisang Diyos, ang kanyang mga layunin ay para sa buong sangkatauhan, di tulad ng isang lokal na Diyos na maaaring interesado lamang sa isang bansa o lipi. Laging nilalayon ng Diyos naibahagi ng Israel ang kaalaman tungkol sa Diyos sa mga Hentil (Isaias 42:6, Isaias 43:21, Isaias 49:6).
► Sinabi ng apostol na hindi sinisira ng pagpapawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya ang kautusan, kundi tinutupad ito. Paano iyon?
[1](3:31) Kapag ang isang tao ay nagsisi sa kanyang kasalanan at nagsimulang mamuhay sa pagsunod, itinataguyod niya ang kautusan bilang pamantayan ng katuwiran. Anumang teorya ng pagbabayad-sala at pagbibigay-katwiran na ginagawang walang kaugnayan ang kautusan para sa Kristiyano ay hindi naaayon sa talatang ito.[2] Kung ang isang tao ay humingi ng kapatawaran ngunit hindi nilayon na simulan ang pagsunod sa Diyos, ito ay nagpapakita na hindi niya nauunawaan ang kasamaan ng kasalanan at ang tunay na dahilan kung bakit kailangan niya ng kapatawaran. Sinisikap niyang matanggap ang mga benepisyo ng kaligtasan sa pamamagitan lamang ng pagpapanggap na iginagalang ang kautusan.
“Walang sinumang lubusang nagtatatag ng kautusan tulad ng mga taong nagsisisi at tumalikod sa kanilang kasalanan at nagtiwala kay Hesus para sa kanilang kaligtasan”
-McLaughlin,Commentary on Romans
[2]Ang dalawang sermon ni John Wesley na pinamagatang “The Law Established by Faith” ay nagpapaliwanag ng mabuti sa konseptong ito. (Tingnan ang Mga Iminumungkahing mga Babasahin dulo ng kursong ito.)
Pag-aaral ng Talata – Roma Bahagi 3, Talata 2
Pangunahing Punto ng Kabanata 4
Si Abraham, ang taong pinili ng Diyos upang maging Ama ng bayan ng Diyos, ay pinawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya.
Buod ng Kabanata 4
Ang doktrina ng pagpapawalang-sala sa pamamagitan ng biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya ay itinatag sa Lumang Tipan. Si Abraham, ang taong pinili ng Diyos upang maging ama ng bayan ng Diyos, ay pinawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya. Naunawaan din ni Haring David ang pagpapawalang-sala sa pamamagitan ng biyaya. Ang pagtutuli ay hindi ang paraan ng kaligtasan, kundi ibinigay lamang bilang tanda ng pananampalataya na taglay na ni Abraham. Si Abraham ang naging ama at halimbawa ng lahat ng maliligtas sa kalaunan sa pamamagitan ng pananampalataya.
► Dapat basahin ng isang mag-aaral ang Roma 4 para sa grupo.
Mga Tala Bersikulo-Bersikulo
(4:1) Si Abraham ang biyolohikal na ama ng mga Hudyo. Ang tanong ay, “Ano ba ang tunay na tinanggap ni Abraham?” Ang tanong na ito ay sasagutin upang masagot naman ang mga tanong na, “Sino ang magmamana niyon?” at “Paano natin iyon mamanahin?”
(4:2) Ang teoriya ng kaligtasan sa pamamagitan ng mga gawa ay natural na nauuwi sa pagmamataas.
► Anong pananampalataya ang taglay ni Abraham na ibinilang bilang pananampalatayang nakapagliligtas?
(4:3) Hindi nalalaman ni Abraham ang buong plano ng kaligtasan at samakatuwid hindi niya maaaring ilagay ang kanyang pananampalataya sa pambayad sa kasalanan na ginawa ni Kristo. Gayunman, pinaniwalaan niya ang pangako ng Diyos kung ano lamang ang inihahayag. Ang bahagi ng pangako na binanggit sa kabanatang ito ay: Si Abraham ang magiging ama ng maraming bansa (4:17-18), subalit ang natitirang bahagi ng pangako ay: ang lahat ng tao sa mundo ay pagpapalain sa pamamagitan ng kanyang mga salinlahi (Genesis 12:2-3, Genesis 22:17-18). Ang pangako ay inulit kay Jacob (Genesis 28:14). Sa pamamagitan ng mga inapo ni Abraham ang pabor ng Diyos ay ihahandog sa lahat ng tao sa lupa. Ito ang pangako ng biyaya ng Diyos kay Abraham. Ito ay isang pangako ng biyaya na inialay sa lahat.
Si Abraham ay pinawalang-sala dahil siya’y naniwala sa pangako ng biyaya ng Diyos. Ang kanyang pagpapawalang-sala ay pareho rin ng sa atin, bagaman ang ating pananampalataya ay may masmaraming nilalaman.
(4:4) Kung ang isang tao ay nagtatrabaho para sa kanyang kaligtasan, ang kaligtasan ay hindi isang regalo. Sa halip, mayroon siyang isang pagkakautang na sinisikap niyang pagbayaran (tingnan ang Roma 11:6).
(4:5) Ang isang taong hindi nagtratrabaho ay hindi isang taong walang pakialam sa pagsunod sa Diyos, kundi isang tao na hindi kumikilos bilang paraan upang maligtas. Sa halip na umasa sa kanyang mga gawa upang makamit niya ang karapatang makapasok sa langit, naniniwala siya sa pangako ng Diyos na ililigtas siya.
(4:6-8) Tinukoy din ni David ang pagpapawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya nang ilarawan niya ang pagtanggap ng Diyos na nakasalalay sa kapatawaran ng mga kasalanan. Hindi na ipapataw ng Diyos ang pananagutan sa nakaraang pagkakasala ng mananampalataya. Ipinakikita ni apostol Pablo na ang doktrina ng pagpapawalang-sala sa pamamagitan ng biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya ay hindi isang bagong –kahit si Haring David ay naunawaan ito.
Paano natin nalalaman na ito’y tumutukoy sa nakalipas na kasalanan at hindi ang nagpapatuloy na kasalanan? Sinasabi ng Roma 6:2 na dahil tayo ay patay nasakasalanan, samakatuwid hindi na tayo nabubuhay sa kasalanan. Ang buong talata ng Roma 6 ay sumasalungat sa ideya na maaari tayong mamuhay sa kasalanan habang pinawawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya. (Tingnan din ang Roma 5:6-8: “noong tayo ay mahihina pa,” at “noong tayo'y mga makasalanan pa,” na nagpapahiwatig na ngayon tayo’y mayroong lakas at hindi na mga makasalanan na tulad ng dati— tayo’y pinawalang-sala at binago na.)
(4:9) Ang tanong na ito ang nagpapakilala sa paksa kung paano ang isang tao ay makararating sa posisyon ng pagpapawalang-sala ayon sa pananampalataya. Ang pagpapala bang ito ay dumarating lamang sa mga taong tuli?
► Alin ang unang dumating: ang kautusan o ang biyaya?
(4:10-12) Si Abraham ay hindi pa tinutuli nang tumanggap ng biyaya. Ang pagtutuli ay dumating lamang pagkatapos. Kaya't posible na ang isang hindi tinutuli ay makatanggap ng biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya. Si Abraham ang espiritwal na ama ng mga sumusunod sa kanyang halimbawa (ng mga naglalakad sa kanyang mga yapak) sa pananampalataya, kahit na sila'y hindi tinutuli. Ang mga may pananampalatayang nagliligtas ay mga espiritwal na anak ni Abraham. Ang mga Israelita ay hindi mga espiritwal na anak niya maliban kung sila'y naniwala, kahit na sila ay mga anak niya sa laman.
(4:13-14) Sino ang magmamana ng biyaya ni Abraham? Kung sila ang mga tumutupad sa kautusan, sagayun hindi ito pananampalataya sa pangako.
(4:15) Ang kautusan ang pamamaraan para sa paghatol, dahil inihahayag nito ang kasalanan. Hindi ito ang paraan upang tumanggap ng biyaya. Kung walang kautusan, walang paglabag dito. Hindi nagsasalita si Pablo partikular sa kutusan mula kay Moses, kundi tungkol sa hinihingi ng Diyos mula sa pangkalahatan ng sangkatauhan. Walang alinmang lugar kung saan ang mga hinihingi ng Diyos ay lubusang hindi nababatid (1:20).
(4:16-17) Maraming salinlahi si Abraham na nagtatag ng iba’t-ibang bansa. Gayunman, sinasabi dito ng apostol na si Abraham ang ama ng marami dahil siya ang ama ng lahat ng maypananampalataya.
Ang kaligtasan ay tinanggap sa pamamagitan ng pananampalataya upang ito’y maibigay bilang biyaya. Kung kinakailangan ang anumang gawa upang maging karapat-dapat ang tatanggap, hindi na ito lubusang maituturing na biyaya. Dahil ito ay sa biyaya, ito ay dapat tanggapin sa pamamagitan lamang ng pananampalataya. Ang taong nagsisikap na maging marapat para dito ay hindi nakauunawa sa kaligtasan.
► Ano ang pangako ng Diyos kay Abraham? Paano iyon natutulad sa pangako ng kaligtasan na tinangap natin?
(4:18-19) Naniwala si Abraham sa Diyos kahit walang anumang bagay sa kanyang kalagayan ang makapagbibigay sa kanya ng pag-asa. Ang kanyang katawan ay tila patay na kung tungkol sa kakayahang maging isang ama sa isang anak. Lampas na rin si Sara sa panahong ang kanyang katawang pisikal ay maaari pangmagkaanak. Subali’t ang tunay na pananampalataya ay hindi depende sa mga kalagayan sa paligid.
Ang pananampalatayang ito ay salungat sa pagtitiwala sa mga gawa. Ito ang nagpapaliwanag kung bakit si Ismael, ang anak ni Agar, ay isang anyo ng kaligtasan sa pamamagitan ng mga gawa (Galalcia 4:22-31). Ang pagsilang ni Ismael ay sumisimbolo sa kung ano ang maaaring matupad sa pisikal, sa halip na kung ano ang nangyayari sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang kaligtasan ay sa pangako, pagkatapos ay pananampalataya, pagkatapos ay ang himala.
(4:20-21) Mas naluluwalhati ang Diyos sa pagtitiwala ng tao kaysa sa kakayahan ng tao.
(4:22) Tingnan ang mga paalala sa talata 3.
► Tinanggap ba natin ang parehong kaligtasan na tinanggap ni Abraham?
(4:23-25) Ang pananampalataya ni Abraham ay isang halimbawa para saatin. Hindi niya nalalaman ang buong plano ng kaligtasan, subali’t pinaniwalaan niya ang bahaging ipinahayag sa kanya. Dapat nating paniwalaan ang mga nahayag na detalye ng plano ng kaligtasan na hindi nalalaman ni Abraham: ang kamatayan at muling pagkabuhay ni Kristo. Ang mga talata na ito ay nagpapakita na natanggap natin ang parehong pagpapawalang-sala na tinanggap ni Abraham, dahil sinasabi nito na ang katuwiran ay iniuukol sa kanya at gayun din inilalaan sa atin sa parehong batayan.
Pag-aaral ng Talata – Roma Bahagi 3, Talata 3
Pangunahing Punto ng Kabanata 5
Si Kristo sa kanyang kamatayan at muling pagkabuhay ay binaligtad ang resulta ng kasalanan, nagdala ng pakikipagkasundo, katuwiran at buhay.
Buod ng Kabanata 5
Ngayon na tayo ay pinawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya, tayo ay nakapagkasundo sa Diyos sa pamamagitan ni Kristo (5:1) Ang talatang “sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesu-Kristo” ay nagpapakilala sa paksa ng kabanata: ang pagiging epektibo ng pagbabayad-sala na ginawa ni Kristo. Ang kasalanan ni Adan ay nagdala sa mundo sa ilalim ng kasalanan at kamatayan, at bawat taong kasunod niya ay nagkasala. Ang pagbabayad-sala ni Kristo ang bumaligtad sa mga epekto ng kasalanan.
► Dapat basahin ng isang mag-aaral ang Roma 5 para sa grupo.
Mga Tala Bersikulo-Bersikulo
[1](5:1-2a) Ang talata na ito ang nagdurugtong sa nakaraang seksiyon sa seksiyong ito. Ang paksa ng kabanata ay ang epekto ng ginawa ni Kristo. Ang kapayapaan ay tumutukoy sa pakikipagkasundo sa Diyos – ang pagiging magkaaway ay naalis at ang poot ay napawi na.
Sinabi ni Hesus na siya ang pintuan (Juan 10:9). Ang talatang ito ay may katulad na sinasabi, dahil sa pamamagitan niya tayo ay maaaring pumasok sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya. Siya ang daan, ang katotohanan, at ang buhay (Juan 14:6).
(5:2b-5) Inilalarawan ng mga talata na ito ang karanasan ng isang mananampalataya habang siya’y nabubuhay ayon sa biyaya.
Sinabi ni Pablo na ang ating kagalakan ay dahil sa pag-asa na ating mararanasan ang kaluwalhatian ng Diyos. Sinabi niya na maaari pa rin tayong magalak kahit sa mga kapighatian.
Ang Kristiyano ay maaaring magtamasa at magtiis sa maliliit na bagay (mga pangyayari sa buhay) dahil ang malalaking bagay ay matatag. Ang hindi mananampalataya ay nagsisikap hanapin ang kasiyahan mula sa mga bagay sa buhay. Subali’t, hindi kailanman sapat upang masiyahan; mabilis silang lumilipas. Ang mga kundisyon sa buhay ay hindi naman ganun kasama kung ang buhay ay isang paglalakbay, subali’t ang mga kundisyon sa buhay ay tila miserable kung wala nang iba pa.
Ang matapat na pagtitiis ng kapighatian ay tumutupad ng proseso para sa mananampalataya (Tingnan din ang Santiago 1:2-4). Sa ating pagtitiis sa kapighatian sa pamamagitan ng pananampalataya, nagkakaroon tayo ng katiyagaan. Ang katiyagaan ay hindi lamangang kagustuhang maghintay; ito ang kakayahang magtiis sa pamamagitan ng pananampalataya. Habang isinasabuhay natin ang matiyagang pananampalataya, patuloy nating nararanasan at nakikita ang pagkilos ng Diyos; na siyang nagbibigay sa atin ng pag-asa. Nalalaman natin na natutupad ang mga layunin ng Diyos kahit na ang mga pangyayari ay tila masama.
► Paano mo palalakasin ang iyong loob kapag ikaw ay nasa masasamang pangyayari?
Alam natin na ang ating pag-asa ay hindi mabibigo, dahil naranasan na natin ang pag-ibig ng Diyos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Sa Efeso 1:13-14, sinabi ni Pablo na ang Banal na Espiritu ang katiyakan na tutuparin ng Diyos ang lahat ng kanyang mga ipinangako. Ang Espiritu ay katulad ng paunang bayad para sa isang kontrata.
(5:6-10) Ay nagbibigay-diin na sa oras ng pagpapawalang-sala sa atin hindi tayo karapat-dapat doon at walatayong magagawa upang matupad iyon. Tayo ay walang lakas makasalanan pa rin at mga kaaway.
(5:6) Ang pagiging mahina ay nangangahulugan na hindi natin kayang iligtas ang ating sarili, lalo na sa pagtupad sa mga hinihingi ng kautusan. Wala tayong kapangyarihan na tuparin ang mga hinihingi ng Diyos o iligtas ang ating mga sarili mula sa kasalanan.
(5:7-8) Bihira na may isang taong magnais na mamatay kahit para sa isang mabuting tao, ngunit si Kristo ay namatay para sa atin habang tayo ay makasalanan.
(5:9-10) Si Kristo ay nabubuhay bilang ating tagapamagitan at kapanalig. Ang katwiran ni Pablo na kung ang Diyos ay handa tayong patawarin noong tayo’y mga makasalanan pa, kung kaya’t mas lalo tayong may katiyakan ngayon sa kanyang pabor, ngayon na tayo’y pinawalang-sala na dahil kay Kristo. Tayo’y ipinakipagkasundo sa pamamagitan ng kanyang kamatayan para sa atin at patuloy na nagiging katanggap-tanggap sa Diyos sa pamamagitan ng ating kaugnayan sa buhay na Kristo.
(Ang sumusunod na bahagi ay mahalaga para 5:12-19.)
Ang pag-ibig ng Diyos ay walang dahilan, hindi masusukat, at hindi magwawakas.
Tayo ba ay may kasalanan din dahil sa kasalanan ni Adan?
► Tayo ba ay may kasalanan din dahil sa kasalanan ni Adan? Ipaliwanag ang iyong sagot.
Ang Roma 5:12-19 ay nagsasabi na ang lahat ng sangkatauhan ay napasailalim ng kasalanan at kamatayan dahil sa kasalanan ni Adan, tayo ba ay personal na may kasalanan din dahil sa kasalanan ni Adan? Ang mga makasalanan ba ay parurusahan dahil sa kasalanan ni Adan?
Hindi sinabi ni Pablo na ang mga makasalanan ay parurusahan dahil sa kasalanan ni Adan. Sa 5:12 sinabi niyang ang kamatayan ay naipasa sa lahat ng tao dahil ang lahat ay nagkasala. Ang bawat isang tao ay indibidwal na nakokonsensya sa kanyang sariling kasalanan. Binigyang-diin ng Roma 1-2 na ang mga tao ay nangangailangan ng pagpapawalang-sala dahil sila ay mga makasalanan na lumabag sa kautusan ng Diyos. Ang mga tao ay hindi na hinatulan dahil sa kalagayan nila nang sila’y isilang, kundi dahil sa kanilang pagpili na magkasala. Ang paghuhukom ay ayon sa mga gawa (Pahayag 20:12, Roma 2:6-16, 2 Corinto 5:10).
Gayunman, dahil kay Adan pumasok ang kasalanan sa mundo. Bilang ama ng buong sangkatauhan na hindi pa isinisilang, siya ang naghiwalay sa sangkatauhan mula sa Diyos. Ang lahat ng taong isinilang pagkatapos niya ay na hiwalay na sa Diyos, at, samakatuwid, may dungis ng kasalanan. Dahil sa kasalanan ni Adan, ang lahat ng tao ay isinilang na may pagkahilig sa pagkakasala at lahat sa kanila ay sumunod rito sa pamamagitan ng paggawa mismo ng kasalanan.
Ang mga sumusunod na mga pangungusap ay maaaring bigyang kahulugan sa gayung pagkaunawa:
Marami ang namatay dahil sa pagsuway ng isang tao (5:15)
Ang paghatol kasunod ng isang pagsuway ay nagdulot ng kahatulan (5:16)
Dahil sa pagsuway ng isang tao, naghari ang kamatayan (5:17)
Isang pagsuway ay humantong sa kahatulan para sa lahat ng tao (5:18)
Dahil sa kanyang kasalanan marami ang naging makasalanan (5:19)
Hindi sinabi ni Pablo na tayo’y makasalanan dahil sa kasalanan ni Adan; kundi, si Adan ang nagpasok ng kasalanan at ang bawat isa ay sumunod sa kanya. Ang mga makasalanan ay nangangailangan ng kapatawaran sa kanilang maraming pagsuway (5:16), hindi dahil sa kasalanan ni Adan.
Pag-aaral ng Talata – Roma Bahagi 3, Talata 3
Mga Tala Bersikulo-Bersikulo (Patuloy)
(5:12) Ang dahilan na ang kamatayan ay kumalat sa lahat ng tao ay hindi dahil ang pagkakasala ni Adan ay ipinasa sa kanila, kundi ang lahat ay nagkasala. Si Adan ang siyang nagdala ng kasalanan sa mundo at dinala ang impluwensya nito sa kanyang mga salinlahi.
(5:13-14) Ang kasalanan ay hindi nahayag at malinaw na nahatulan kung wala ang kautusan. Gayunman, maging hanggang sa matanggap ni Moisesang kautusan, naghari ang kamatayan. Nalalaman ng mga tao na sila ay nakakadama ng pagkakasala, kahit wala ang linaw na ibinibigay ng kautusan (tingnan 1:20). Ang tunay na lawak ng kasalanan ay ipinakita ng kautusan. Ang kasalanan tulad ng kasalanan ni Adan ay tumutukoy sa sinasadyang pagsuway sa isang inihayag na kautusan. Ang mga hindi nagtataglay ng anumang rebelasyon ay walang gayung kalinaw na pagpipilian; gayunman, hindi pa rin nila lubos na sinunod ang kanilang konsiyensya (1:21).
(5:15) Ang ginawa ni Adan ay naghatid ng kamatayan sa marami, at ang ginawa ni Kristo ay nagdala ng buhay sa marami. Ang terminong marami ay tumutukoy sa bawat isang tao sa pangkalahatan. Ang binibigyang-diin ay ang pagbabayad-sala ni Kristo ay mas malaki ang naabot na epekto kaysa sa kasalanan ni Adan. Sinasabi ng talatang ito na kung paanong ang kasalanan ni Adan ay naging sanhi sa lahat na maging makasalanan, ang pagbabayad-sala ni Kristo ay nag-aalok ng biyaya sa lahat. Ang Diyos ay nag-aalok ng biyaya sa bawat tao na naging makasalanan sa pamamagitan ng pagkahulog ni Adan.
► Mula sa talatang 15, paano mo sasagutin ang isang tao na nag-iisip na nagkaloob ang Diyos ng kaligtasan sa maliit na porsiyento lamang ng sangkatauhan?
(5:16) Ang orihinal na kasalanan ay isang pagkilos lamang, subali’t kailangan ang biyaya ngayon para sa maraming kasalanan. Ang biyaya ay dapat mas higit na malaki kaysa sa orihinal na kasalanan.
(5:17-19) Marami ang naging makasalanan dahil sa mga epekto ng kasalanan ni Adan. Sila ay magiging matuwid sa pamamagitan ni Kristo. Ang kahulugan ng ibig sabihin nito ay sila ay nabago.
(5:20) Pinadadami ng kautusan ang kasalanan dahil lumilikha ito ng mahabang listahan ng paglabag kung saan sa nakalipas ay kaunting kasalanan lamang ang kinikilala. Pinararami rin nito ang kasalanan dahil matapos malaman ng isang tao ang kautusan at pinipiling tanggihan ito, siya ay nagiging mas masamang makasalanan kaysa noong una. Ito ang kundisyong inilarawan sa 7:5-24. Subali’t ang biyaya ay pinararami nang higit pa sa lahat ng kasalanan.
Kamangha-manghang Biyaya
Si John Newton ay may Kristiyanong ina, subali’t siya’y naging isang marino at kapitan ng barko na nahulog sa matinding kasalanan. Nagdanas siya ng mahihirap na pangyayari sa kanyang buhay. Siya ay ipinagkanulo ng mga kaibigan at, saloob ng ilang panahon, ay naging isang alipin. Nang bumuti-buti na ang kanyang kalagayan, nagpatuloy siya sa kasalanan at tumulong upang sirain ang buhay ng marami sa pamamagitan ng pangangalakal ng mga alipin. Siya ay kapitan ng isang barko ng mga alipin sa loob ng maraming taon. Minsan, nawasak ang kanilang barko at napadpad sa isang isla, subali’t nailigtas ng isang kapitan na naging kaibigan ng kanyang ama. Naramdaman niya na naging maawain ang Diyos sa kanya kahit pa siya ay naging masama. Pagkalipas noon, ang kanilang barko ay napunta sa isang matinding bagyo; at tumawag siya sa Diyos upang humingi ng awa. Nakaligtas ang barko sa unos, at si Newton ay nagpatuloy sa pag-asa sa awa ng Diyos. Lumipas ang panahon at umalis na rin si Newton sa dagat at naging isang pastor. Isa sa mga himno na kanyang isinulat ay ang pinakamaraming beses na inawit at naitala sa lahat ng panahon, ang “Kamangha-manghang Biyaya.”
Sa kanyang testimonya, sinabi ni Newton, “Ang Diyos sa kanyang awa ay iniahon ako sa malalim maruming putik at inilagay ang aking mga paa sa ibabaw ng Bato, si Kristo Hesus. Iniligtas niya ang aking kaluluwa. At ngayon, ito ang naisin ng aking puso: na papurihan at parangalan ang kanyang walang katulad, malaya, makapangyarihan at pinagmumulan ng biyaya dahil ‘Subalit sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, ako ay ako’ (1 Corinto 15:10). Malaking kagalakan sa aking puso na iniaasa ko ang aking kaligtasan nang lubusan sa biyaya ng Diyos.”[1]
(1) Ano ang pinaniniwalaan ng taong may pananampalatayang nakapagliligtas?
(2) Ano ang suliranin na nilutas ng pagbabayad-sala?
(3) Paano nilutas ng pagbabayad-sala ang suliranin?
(4) Ano ang ibigsabihin ng pagpapawalang-sala?
(5) Paano tinutupag ng isang tao ang kautusan bilang pamantayan ng katuwiran? (Roma 3:31)
(6) Ano ang pangako nang biyaya ng Diyos kay Abraham?
(7) Ano ang sinabi ni David tungkol sa pagpapawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya?
(8) Sino-sino ang mga anak sa espirituwal ni Abraham?
(9) Paano natin nalalaman mula sa Roma 5:15 na ang kaligtasan ay iniaalok sa lahat?
Aralin 5 Takdang-aralin
Sumulat ng isang pahina tungkol sa pagpapawalang-sala kabilang ang mga sagot sa mga sumusunod na tanong: Ano ang suliranin na nilutas ng pagbabayad-sala? Bakit hindi maaaring maligtas ang isang makasalanan sa pamamagitan nang pagiging masunurin? Paano ipinakita ni Abraham ang pagpapawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya? Paano natin malalaman na ang kaligtasan ay para sa lahat?
SGC exists to equip rising Christian leaders around the world by providing free, high-quality theological resources. We gladly grant permission for you to print and distribute our courses under these simple guidelines:
No Changes – Course content must not be altered in any way.
No Profit Sales – Printed copies may not be sold for profit.
Free Use for Ministry – Churches, schools, and other training ministries may freely print and distribute copies—even if they charge tuition.
No Unauthorized Translations – Please contact us before translating any course into another language.
All materials remain the copyrighted property of Shepherds Global Classroom. We simply ask that you honor the integrity of the content and mission.