Pag-aaral ng Talata – Roma Bahagi 4, Talata 3
Sa araling ito nagpapatuloy tayo sa Ikaapat na Bahagi ng aklat ng Roma. Napag-aralan natin sa Roma 6 (ang tungkol sa katagumpayan sa kasalanan) at Roma 7 (tungkol sa nahatulang makasalanan). Sa araling ito pag-aaralan natin ang Roma 8 na naglalarawan sa buhay ng isang Kristiyano sa mahihirap na sitwasyon sa mundo.
Pangunahing Punto ng Kabanata 8
Bagaman ang mananampalataya ay nabubuhay sa isang makasalanang mundo, ang paghihirap mula sa mga kundisyon nito at mula rin sa kaniyang sariling mga kahinaan, ang Banal na Espiritu ay nagbibigay sa kanya ng tagumpay laban sa kasalanan at sa lahat ng mga pagkakataon.
Buod ng Kabanata 8
Ang kabanatang ito ay tumutukoy sa bawat isa sa tatlong persona ng Trinidad ng ilang beses. Ang tatlo ay may malapit na kaugnayan sa ating pangkasalukuyan at pangwakas na kaligtasan. Maaari tayong mamuhay sa tagumpay laban sa laman, magtamasa ng personal na katiyakan ng kaligtasan, magtiis ng mga pangyayari sa mundong nahulog sa kasalanan, manalangin nang may espirituwal na tulong na higit sa ating sariling mga pananaw, at magpatuloy sa ating nakapagliligtas na relasyon sa Diyos.
8:1-13 ay bumubuo ng isang talata na maaaring bigyang pamagat na “Wala Na Sa Laman.”
Panimula sa 8:1-13
Ang mga hindi hinatulan ay yaong hindi na sumusunod sa laman. Ang pagiging nasa laman ay hindi lamang nangangahulugang maging tao, ngunit mapapailalim sa kontrol ng bumagsak na kalikasan.[1]
Ang namumuhay sa laman ay kasalungat ng pagiging ligtas. Ang pagiging nasa laman ay kamatayan (8:6) at pagkapoot laban sa Diyos (8:7). Ang taong nasa laman ay hindi nagbibigay-lugod sa Diyos (8:8) at mamamatay (8:13). Ang pagiging nasa laman ay ang parehong kondisyon na inilarawan sa 7:7-25 (tingnan sa 7:14, 18, 25).
Ang 8:12-13 ay ang konklusyon. Hindi tayo dapat mamuhay ayon sa laman, dahil ang tao na nabubuhay ayon sa laman ay mamamatay, na nangangahulugang tatanggap ng paghatol ng Diyos (tingnan ang 1:17). Dapat nating patayin ang mga makasalanang gawa ng katawan. Dahil ang isang tao na kontrolado ng laman ay hindi tagasunod ni Hesus, ang kasalanan ay dapat wakasan sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu.
► Dapat basahin ng isang mag-aaral ang Roma 8:1-13 para sa grupo.
Mga Tala Bersikulo-Bersikulo
(8:1) Ang taong sumusunod sa Espiritu ay hindi hinatulan. Ang taong sumusunod sa laman ay nahatulan na - at wala kay Kristo.
(8:2) Ang batas ng Espiritu ng buhay ay ang taong pinatawad ay tinatanggap ng biyaya at may espirituwal na buhay. Ang batas ng kasalanan at kamatayan ay ang taong hahatulan ng kautusan at hahatulan ng kamatayan.
(8:3) Ang kautusan ay nagbigay ng mga hinihingi. Hindi ito nagbibigay ng kapangyarihan. Ang isang hindi mananampalataya ay walang kakayanang sundin ang kautusan; samakatuwid, ang kautusan ay hindi maaaring maging isang paraan upang maligtas. Ipinadala ng Diyos ang kanyang Anak bilang tagapagligtas.
(8:4) Hindi natin nalilimutan ang kautusan ng Diyos, ngunit sinusunod ito sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu.
(8:5) Ang bawat tao ay sumusunod sa kanyang sariling kalikasan. Kung hindi pasiyanakatatanggap ng buhaynaespiritwal, siya ay kontrolado ng laman.
[2](8:6) Ang kontrolado ng makasalanang kalikasan ay nasa ilalim ng kahatulan. Ang ibang paraan ay ang paglakad sa Espiritu, at sumusunod sa Diyos. Walang pagpipilian na mapapatawad habang patuloy na sinusunod ang kasalanan.
(8:7-8) Ang taong may likas na pagiging nasa laman ay natural na isang kalaban ng Diyos, dahil hangga't siya ay kontrolado ng makasalanang kalikasan ay hindi siya makapagpapasakop sa Diyos. Hindi siya katanggap-tanggap sa Diyos sa kondisyong iyon.
► Ilista ang ilan sa mga detalye ng paglalarawan ng taong nasa laman.
(8:9) Ang maging sa laman ay hindi nangangahulugang maging tao; nangangahulugan itong pagiging nasa ilalim ng kontrol ng isang nahulog at makasalanang kalikasan. Ang mananampalataya ay wala na sa laman. Magkakaroon pa rin siya ng mga tukso mula sa laman, ngunit wala na siya sa ilalim ng kontrol nito, at may kapangyarihan na upang labanan ang tukso. Sinasabi sa atin ng talatang ito na ang kapangyarihang ito ay nandiyan sapagkat ang Espiritu ng Diyos ay nariyan. Ang isang tao ay hindi dapat mag-angkin na gagabayan at pinili ng Espiritu kung wala siyang tagumpay sa kasalanan.
[3](8:10-11) Ang katawan ng tao ay naaapektuhan pa rin ng kasalanan ni Adan at ng ating sariling mga kasalanan ng nakaraan. Kaya't, ang mga hangarin nito ay maaaring magtungo sa maling direksyon. Hindi natin mapagkakatiwalaan na gabayan tayo ng mga hangarin ng ating katawan. Pero ang parehong kapangyarihan na nagpabangon kay Hesus upang mabuhay muli ay gumagana sa atin at nagbibigay sa atin ng buhay upang ang ating mga katawan ay madala sa pagsunod sa Diyos. Ang kahinaan ng katawan ay hindi isang dahilan para sa kasalanan, sapagkat higit ang kapangyarihan ng Diyos.
(8:12-13) Ang pagsunod sa laman ay humahantong sa espirituwal na kamatayan. Sa pamamagitan ng Espiritu ay pinapatay natin ang makasalanang mga gawain ng katawan, at tinatapos na ang mga ito. Tanging ang mga taong gumagawa nito lamang ang siyang mabubuhay – makatatakas sa paghatol ng Diyos. Walang konsepto dito ng isang tao na pinatawad at tinanggap ng Diyos habang pinipiling magpatuloy sa paggawa ng kasalanan.
“Ang mga tao ay komportable sa kung ano ang panlabas, nakikita, materyal at mababaw. Ang mahalaga sa Diyos ay isang malalim, panloob, lihim na gawain ng Banal na Espiritu sa ating mga puso.”
- John R.W. Stott,
The Message of Romans:
God's Good News for the World
“Ang isang mabuting gana sa pagkain, kapag kontrolado, ay nagtataguyod ng kalusugan at pagiging kapaki-pakinabang. Ang parehong gana, kapag inalipin ang buong katauhan at pinamahalaan ang buhay, ay nagdadala ng pagkaalipin at kasalanan”
-Wilbur Dayton