Mga Prinsipyo ng Komunikasyon
Mga Prinsipyo ng Komunikasyon

Search Course

Type at least 3 characters to search

Search through all lessons and sections in this course

Searching...

No results found

No matches for ""

Try different keywords or check your spelling

results found

Mga Prinsipyo ng Komunikasyon

Lead Writer: Danny McCain

Course Description

Ang kursong ito ay nagtuturo ng teolohiya ng komunikasyon, mga pamamaraan ng mabisang pagsasalita, at mga pamamaraan para sa paghahanda at pagpapahayag ng isang biblikal na sermon.

Introduction

Kung nag-aaral bilang isang grupo, maaari kayong magsalit-salit sa pagbasa na materyal. Pana-panahong tumigil para sa pagtatalakayan ng klase. Bilang tagapanguna sa klase, tungkulin mo napanatilihin at huwag lumayo sa materya na pinag-aaralan ang inyong talakayan. Makatutulong na magkaroon ng limit sa oras ang bawat panahon ng pagtatalakayan.

Mga Tanong sa pagtatalakayan at ibang gawain sa klase ay ipinakikilala ng simbolong ito ►. Kapag dumating kayo sa isa sa mga ito, itanong ang mga kasunod nito, at hayaan ang mga mag-aaral upang talakayin ang sagot. Tiyakin na lahat ng mag-aaral ay nakikibahagi sa talakayan. Kung kinakailangan, maaari mong tawagin sa pangalan ang mag-aaral.

Maraming reperensiya sa Kasulatan ang ginamit sa kursong ito. May mga talatang nakasulat na sa teksto. Ang mga Kasulatang nasa loob ng parenthesis ay sumusuporta sa mga pangungusap sa teksto. Hindi kinakailangang basahin ang mga talata.

Bawat leksiyon ay nagtatapos sa takdang-aralin. Dapat tapusin ang bawat takdang-aralin at i-report bago ang simula ng susunod na oras ng pag-aaral.

Sa katapusan ng ilang aralin, ang bawat miyembro ng klase ay maghahanda ng isang sermon o aralin sa Biblia na ipapakita sa kabuuan ng klase. Sa kaso ng presentasyon ng grupo, maglaan ng oras sa simula ng susunod na pagkikita ng klase para sa mga presentasyon. Gamitin ang assessment form sa likod ng gabay sa kursong ito upang i-evaluate ang mga sermon at upang tulungan ang mga mag-aaral na maging mas mabuti ang kanilang kakayahang magsalita. Iminumungkahi namin na gumawa ng mga kopya ng form na ito upang magamit sa klase.

Karamihan sa mga aralin ay may kasamang mga tanong sa pagsusulit. Pagkatapos ng bawat klase, maaaring ulitin ng lider ang mga tanong sa mga mag-aaral. Ang susunod na sesyon sa klase ay dapat simula sa isang maikling pagsusulit gamit ang mga tanong na ito. Dapat gawin ang mga pagsusulit nang hindi tinitingnan ang aklat ng kurso, mga nakasulat na notes, Biblia, o mga kamag-aral. Isang test answer key ang maaaring i-download sa www.shepherdsglobal.org.

Depende sa istilo ng iyong klase, maaari mong piliin na gawin ang mg takdang-aralin lamang, at hindi ang mga tanong sa pagsusulit. Maaari mong iakma ang bahaging ito ng kurso ayon sa istilo ng pagkatuto ng iyong mga mag-aaral.

Kung nais ng mga mag-aaral na magkaroon ng sertipiko mula sa Shepherds Global Classroom, dapat silang dumalo sa mga sesyon ng klase at kumpletuhin ang mga takdang-aralin. Mayroong form sa dulo ng kurso upang itala ang mga takdang-aralin na natapos na.

Ready to Start Learning?

Choose a lesson to begin your journey through this course.