Sa kursong ito, napag-aralan natin ang sining ng komunikasyon. [1]Natutuhan natin kung paano maghanda ng sermon, mga pamamaraan para sa epektibong pagtuturo at relasyong pantao, at mga kakayahan para sa komunikasyon sa magkakaibang kultura at mas mabuting pakikinig. Ang lahat ng mga pamamaraang ito ay mahalaga para sa isang manggagawang Kristiyano. Bilang ministrong Kristiyano, tagapagturo, o tagapanguna, dapat nating gawin ang lahat ng ating magagawa upang epektibong makipag-ugnayan.
Gayunman, matapos nating magawa ang lahat ng ating makakaya, tayo’y umaasa sa Banal na Espiritu para sa espirtuwal na pagbabasbas. Sa hulingaraling ito, pag-aaralan natin ang tungkulin ng Banal na Espiritu sa pangangaral. Magtutuon tayo sa pangangaral, subali’t ang mga prinsipyong ito ay magagamit rin sa pagtuturo at iba pang klase ng komunikasyong Kristiyano.
[1]Karamihan sa mga materyal sa leksiyong ito ay ibinahagi ni Richard G. Hutchison, Dean of Academic Affairs & Spiritual Life sa Bible Methodist Shepherd’s College sa Villasis, Pangasinan, Pilipinas.
Dapat Ihanda ng Tagapangaral ang KanyangSarili
[1]Bilang isang ministro, marami kang iba’t-ibang tungkulin, subali’t walang mas mahalaga sa mga ito kaysa sa iyong pagkatawag upang mangaral. Sa pamamagitan ng pangangaral, nagsasalita ang Diyos sa mga tao na inilagay niyasa iyong pangangalaga. Dahil napakahalaga ng ministeryo ng pangangaral, gagawin ni Satanas ang lahat niyang magagawa upang ilayo ka sa epektibong paghahanda. Kung nais mong maging epektibo sa pagtupad sa iyong pagkatawag na mangaral, dapat kang mag-ukol ng sapat na oras sa paghahanda. Ang paghahanda ng sarili ng tagapangaral ay higit na mas mahalaga kaysa sa paghahanda ng sermon.
Dapat Ihanda ng Tagapangaral Ang Kanyang Sarili sa Pamamagitan ng Pribadong Pananalangin
Para sa epektibong pangangaral at pagtuturo, dapat nating maunawaan na bago tayo magsalita sa publiko sa mga tao, dapat tayong makipag-usap nang pribado sa Diyos. Ang kapangyarihan sa pangangaral ay nagmumula sa paghirang ng Banal na Espiritu. Ang ating paghahanda sa pangangaral ay dapat kalakip ng oras kasama ng Diyos.
Si Jesus ang dakilang halimbawa ng katotohanang ito. Ang mga ebanghelyo ay naghahayag na si Jesus ay paulit-ulit na nag-ukol ng mga oras sa gabi sa pananalangin. Bago ang isang mahalagang pagpapasya, iniukol ni Jesus ang gabi sa pananalangin (Lucas 6:12-13). Kung ang walang kasalanang Anak ng Diyos, na namuhay nang kaisa ng kanyang Ama, ay umasa sa pananalangin, mas lalong higit na kinakailangan natin ang pananalangin upang maging epektibo sa ministeryo!
Sa pamamagitan ng pananalangin, isinusuot natin ang buong baluti ng Diyos (Efeso 6:13) Sa pamamagitan ng pananalangin, tayo ay nabibigyang kakayahan para sa epektibong ministeryo. Dapat maging bahagi ang mataimtim na panalangin sa ating paghahanda sa ministeryo.
Dapat Ihanda ng Tagapangaral ang Kanyang Sarili sa Pamamagitan ng Personal na Integridad.
► Basahin ang 1 Timothy 6. Ano ang itinuturo ng kabanatang ito tungkol sa karakter ng pastor?
Hindi binabasbasan ng Diyos ang programa o ang mga plano; binabasbasan Niya ang mga tao. Sa kabuuan ng kasulatan, nakikita natin ang paghirang ng Diyos sa mga taong nakahanda ang puso para sa paglilingkod. Nagsalita si Haggai sa mga taong nagsisikap na gawin ang gawain ng Diyos subali’t hindi namumuhay nang may pagsunod sa batas ng Diyos. Sinabi ng Diyos, “Ang kanilang inihahandog doon ay marumi” (Haggai 2:14). Ang pangangaral na kinasihan ng Espiritu ay dumarating sa pamamagitan ng mga mangangaral na tumatangging ikompromiso ang kanilang integridad.
Ang ministeryo ng maraming tagapangaral ay natapos sa iskandalo dahil sa pagkawala ng personal na integridad. Ang mga pinansiyal at seksuwal na eskandalo ang tumapos sa ministeryo ng mga kilalang pastor at ebanghelista. Ang ibang ministro at tagapanguna ay nakaiwas sa eskandalo sa publiko, subali’t sila ay hindi naging epektibo sa ministeryo dahil sa nakatagong kasalanan.
Sumulat si Pablo kay Timoteo, isang batang pastor sa Efeso. Sinabi niya kay Timoteo na kailangan niyang panatilihin ang personal na integridad bilang isang ministro. Ang hamon ni Pablo kay Timoteo ay nagpapakita ng klase ng tao na dapat maging tayo upang maging epektibo sa ministeryo (1 Timoteo 6:3-11, 2 Timoteo 2:22).
Sinabi ni Pablo kay Timoteo na siya’y dapat tumakas sa:
Maling Katuruan
Pagkamakasarili
Kontrobersiya at pag-aaway
Ang pag-ibig sa pera
Mga pagnanasa ng kabataan
Dapat nating takasan ang kasalanan at mga bagay na nakaaabala sa atin at nakahahadlang sa ministeryo. Ang iglesya ay nadadala sa kahihiyan ngmgsa tagapangaral na palaaway, imoral, hindi matapat sa katotohanan, angmotibasyon ay pansariling pagmamataas, at nagmamahal sa pera.
Sinabi ni Pablo kay Timoteo na dapat niyang sundin ang:
Pagiging makatuwiran
Pagiging maka-Diyos
Pananampalataya
Pag-ibig
Pagtitiis
Kaamuan
Kapayapaan
Dapat nating sundin ang mga panloob na katangian na nagbibigay kakayahan sa atin para sa ministeryo. Pansinin na ang mga katangian na inilista ni Pablo ay hindi pangunahing panlabas; ang mga ito ay katangian ng puso. Isa sa mga hamon sa personal na integridad ng ministro ay ang karaniwan nating pagtutuon ng pansin sa mga panlabas na kaanyuan sa halip na sa pangloob na mga katangian.” Sapagkat hindi tumitingin ang Panginoon na gaya ng pagtingin ng tao. Ang tao ay tumitingin sa panlabas na anyo, ngunit ang Panginoon ay tumitingin sa puso” (1 Samuel 16:7). Kung ninanais natin ang paghirang ng Espiritu, dapat nating hubugin ang pusong pagpapalain ng Diyos.
Sinabi ni Pablo kay Timoteo na dapat siyang lumaban para sa pananampalataya (1 Timoteo 6:12).
Ipinaalala ni Pablo sa mga taga-Corinto angkahalagahan ng ebanghelyo. Ito ang ebanghelyong nagdadala sa atin ng kaligtasan.
“Ngayon, mga kapatid, ipinaaalala ko sa inyo ang magandang balita na ipinangaral ko sa inyo, na inyo nang tinanggap, na siya naman ninyong pinaninindigan, na sa pamamagitan nito kayo ay ligtas, kung matatag ninyo itong panghahawakan—malibang kayo'y sumampalataya nang walang kabuluhan” (1 Corinto 15:1-2).
Nanawagan si Judas sa mga mangangaral upang ipaglaban ang pananampalatayang ipinagkaloob minsan at magpakailanman sa mga banal (Judas 1:3). Hindi kailanman dapat hayaan ng ministro ang ibang mga usapin upang palitan ang pagiging sentro ng ebanghelyo sa kanyang pangangaral. Maging mga usaping pampulitika, usaping panlipunan, o kontrobersiya sa mga doktrina, si Satanas ay natutuwang ilayo ang tuon ng pangangaral ng mga mangangaral mula sa mensahe ng ebanghelyo. Bilang isang ministro, dapat mong ipaglaban ang pananampalataya. Ang ebanghelyo ang dapat maging sentro ng iyong pangangaral.
“Ang Diyos na nagbibigay ng kapangyarihan sa tagapangaral upang ang mangangaral ay maging daluyan/ channel na sa pamamagitan Niya ay makakikilos ang Banal na Espiritu.”
-Hinango kay
Martyn Lloyd-Jones
Dapat Ihanda ng Banal na Espiritu ang Mangangaral
Bilang mga mangangaral, dapat nating gawin ang lahat ng magagawa upang paghandaan ang ministeryo. Gayunman, sa panghuli, tayo’y umaasa sa paghirang ng Banal na Espiritu para sa kapangyarihan sa pangangaral.
Ang Banal na Espiritu ang Nagbibigay ng Liwanag sa Isipan ng Mangangaral
► Basahin ang mga sumusunod na talata: Awit 119:18, 33, Efeso 1:16-18, 1 Corinto 2:9-16. Ano ang itinuturo ng mga ito sa atin tungkol sa ating pag-unawa sa Kasulatan?
Ang Kaliwanagan ay ang pagbubukas ng Banal na Espiritu sa ating pag-unawa. Ito ay higit pa sa resulta ng ating pag-aaral ng teksto;ito ay gawa ng Diyos. Ang pagbibigay-liwanag ng Banal naEspiritu ay hindi ipinapalit sa pangangailangan ng maingat na pag-aral, subali’t ito’y higit pa sa maaari nating matagpuan sa pamamagitan ng pag-aaral lamang. Dapat ipanalangin ng bawat mangangaral ang kaliwanagang ito mula sa Banal na Espiritu!
Ang Banal na Espiritu ay Nagbibigay ng Kapangyarihansa Mensahe ng Mangangaral
Kung paanong binigyang halimbawa ni Jesus ang kahalagahan ng pananalangin sa paghahanda para sa pangangaral, binigyang halimbawa rin niya ang kahalagahan ng Banal na Espiritu sa ministeryo. Sa kanyang unang pangangaral, sinabi ni Jesus,
“Ang Espiritu ng Panginoon ay nasa akin, sapagkat ako’y hinirang niya upang ipangaral ang Magandang Balita sa mga dukha.” (Lucas 4:18).
Nalalaman ni Jesus na ang susi sa pagiging epektibo sa ministeryo ay ang paghirang ng Banal na Espiritu.
Isinugo ni Jesus ang kanyang mga alagad upang ipangaral ang ebanghelyo sa buong mundo. Gayunman, bago sila naging handa sa pangangaral, dapat nilang tanggapin ang paghirang ng Banal na Espiritu. Hindi isusugo ni Jesus ang kanyang mga saksi sa mundo hanggang hindi sila nabibigyan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu.
“Ngunit tatanggap kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espiritu Santo; at kayo’y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kadulu-duluhang bahagi ng lupa.” (Mga Gawa 1:8).
Tanging sa pamamagitan ng pagbibigay-liwanag ng Espiritu kaya’t maayos nating nabibigyang kahulugan ang Kasulatan. Pagkatapos, sa pamamagitan ng kapangyarihan lamang ng Espiritu na ang ating pangangaral o pagtuturo ay makakaabot sa puso ng ating mga tagapakinig. Sapagkat ang salita ng Diyos ay buhay, mabisa at higit na matalas kaysa alin mang tabak na may dalawang talim, at tumatagos hanggang sa pinaghihiwalayan ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak sa buto, at may kakayahang kumilala ng mga pag-iisip at mga hangarin ng puso. (Hebreo 4:12).
Nagbigay si Jesus ng kahanga-hangang pangako sa kanyang mga alagad. Bilang paghahanda sa kanila upang magpatotoo sa malupit na mga tagapakinig, nangako si Jesus, “Sapagkat hindi kayo ang magsasalita, kundi ang Espiritu ng inyong Ama ang magsasalita sa pamamagitan ninyo” (Mateo 10:20). Hindi ito nangangahulugan na hindi mahalaga ang pag-aaral at paghahanda. Hindi sinasabi sa atin ni Jesus na iwasan ang pag-aaral, subali’t binibigyan niya tayo ng katiyakan na tayo’y magsasalita sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu.
Pinatotohanan ni Pablo ang kapangyarihang ito ng sabihin niya, “Ang aking pananalita at ang aking pangangaral ay hindi sa pamamagitan ng mapang-akit na mga salita ng karunungan, kundi sa pagpapamalas ng Espiritu at ng kapangyarihan” (1 Corinto 2:4). Matiyagang nag-aral si Pablo. Si Pablo ay isang matalinong iskolar, subali’t nalalaman niya na ang tunay na kapangyarihansa pangangaral ay nagmumula sa Espiritu, hindi sa mga pagsisikap ng mga tao.
Upang maging epektibong tagapagturo at mangangaral ng Salita ng Diyos, dapat tayong mag-aral upang maunawaan ang teksto. Dapat tayong manalangin upang hirangin ng Banal na Espiritu. Sa gayun, makapagtitiwala tayo na ang Diyos ay magsasalita sa pamamagitan natin upang dalhin ang kanyang Salita sa kanyang bayan. Ito ang magbibigay ng tunay na kapangyarihan sa pangangaral.
Dapat Ihanda ng Banal na Espirtu ang Tagapakinig
Hindi lamang inihahanda ng Diyos ang mangangaral, inihahanda rin niya ang tagapakinig upang tanggapin ang katotohanan. Bagaman kailangang ihanda ng mangangaral ang kanyang sarili sa ministeryo, maaari tayong magalak na inihahanda rin ng Banal na Espiritu ang mga tagapakinig para sa ministeryo. Kapag tayo’y nangangaral o nagtuturo, hindi tayo nag-iisa, kasama natin ang Banal na Espiritu.
Ipinaalala ni Pablo sa mga taga-Tesalonica na ang epekto ng kanyang pangangaral ay hindi nakabatay sa kanyang sariling kakayahang magsalita kundisa kapangyarihan ng Banal na Espiritu.”Sapagka’t ang aming ebanghelyo ay hindi dumating sa inyo sa salita lamang, kundi sa kapangyarihan din at sa Espiritu Santo” (1 Tesalonica 1:5). Kinuha ng Banal na Espiritu ang mga salita ng mga Apostol at inilagay sa mga puso ng mgataga-Tesalonica nang may kapangyarihan at lubos na paniniwala.
Hangga’t hindi nabibigyang kapangyarihan ng Espiritu ang pangangaral, ang mga nakikinig ay maaaring sumang-ayon sa kanilang isip habang ang kanilang mga puso ay mananatiling hindi nahihipo ng mensahe. Ang Espiritu ang nagpapamulat sa mga tagapakinig sa kanilang pangangailangan at nagbubunga ng malalim na pagtugon.
Ang katotohanang ito ay dapat maging malaking kalakasan ng loob sa bawat isa sa atin na nangangaral. Hindi tayo umaasa sa ating sariling kakayahan; tayo’y nangangaral sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu.
Noong Hulyo, 1741, nangaral si Jonathan Edwards ng sermon na may pamagat na “Mga Makasalanan sa Kamay ng Isang Galit na Diyos” sa isang iglesya sa Enfield, Connecticut. Ito ay sa panahon ng Dakilang Pagkagising, isa sa pinakamatinding pagbubuhos ng Espiritu ng Diyos sa kasaysayan ng Amerika. Ang Espiritu ng Diyos ay bumubuhos sa lahat ng kolonya.
Naipangaral na ni Edwards ang parehong sermon sa kanyang sariling kongregasyon at ito’y may kaunting epekto lamang, subali’t naramdaman niya ang paggabay ng Diyos upang ipangaral ang sermong iyon sa Enfield. Hindi katangi-tanging mangangaral si Edwards. Binabasa niya ang kanyang mga sermon sa iisang tono ng boses. Hindi siya nagsasalita nang malakas o gumagamit ng anumang dramatikong pagkilos. Walang anuman sa kanyang istilo ng pangangaral ang hihikayat sa malaking pagtugon.
Gayuman, sa araw na iyon, ang Espiritu ng Diyos ay kumilos sa buong kongregasyon. Isang saksi ang sumulat, “Bago natapos ang sermon, isang malakas na hinaing at pag-iyak ang narinig sa buong sambahayan…sumisigaw ang mga tao, “Ano ang aking gagawin upang maligtas?” “Naku! Mapupunta ako sa impiyerno!” “Ano ang gagawin ko para kay Cristo?” at mga katulad na salita. Napilitang tumigil sa kanyang mensahe ang mangangaral dahilsa nakagugulat na kapangyarihan ng Diyos na kanilang nakita.”
Nag-aral si Edwards bilang paghahanda; nanalangin siya bilang paghahanda; pinanatili niya ang kanyang personal na integridad. Ang lahat ng ito ay mahalaga, subali’t ang ultimong kapangyarihan ay nagmula sa Banal na Espiritu.
Konklusyon: Ang Pagiging Pangunahin ng Paghirang ng Banal na Espiritu
[1]Kung ang paghirang ng Banal naEspiritu ay napakahalaga, bakit napakaraming mangangaral ang nakokontento na kahit wala ito? Marahil ang isang dahilan ay hindi sila sumasang-ayon na mataimtim na ipanalangin at hilingin ang paghirang.
Nakita natin na ang paghirang ng Espiritu ay nagkakahalaga ng panalangin. Isinulat ni E. M. Bounds, “Panalangin, maraming panalangin, ang presyo ng paghirang sa pangangaral.”[2]
Ipinapakita ng panalangin ang ating mapagpakumbabang pagdepende sa Dios. Kung ang pakiramdam natin ay kaya nating mangaral sa ating sariling kapangyarihan, hahayaan tayo ng Diyos na gawin iyon. Kung tayo ay nangangaral para sa ating sariling kaluwalhatian, hindi natin matatanggap ang paghirang ng Espiritu. Sinabi ng Diyos, “Alang-alang sa akin, alang-alang sa akin, aking gagawin iyon; sapagkat paanong lalapastanganin ang aking pangalan? At ang kaluwalhatian ko sa iba'y di ko ibinigay” (Isaias 48:11). Ang kaluwalhatian ng Diyos ang dapat nating maging motibasyon sa paghanap sa paghirang ng Diyos, hindi ang ating sariling kaluwalhatian.
Ang paghirang ng Espiritu ay “dumarating sa mangangaral hindi sa silid-aralan, kundi sa silid ng panalangin.”
-E. M. Bounds
[2]Inangkop mula kay E. M. Bounds, Power through Prayer.
Mga Takdang Aralin sa Aralin 10
(1) Kumuha ka ng pagsusulit batay sa araling ito. Maingat na pag-aralan ang mga tanong sa pagsusulit bilang paghahanda.
(2) Gamit ang mga prinsipyong iyong natutuhan sa panahon ng kursong ito, mangaral sa loob ng 15-20 minutong sermon sa klase. Ang bawat miyembro ng klase ay magsasagot ng isang “talaan ng pagsusuri” na matatagpuan sa likod ng aklat ng kurso. Sa pamamagitan ng paghahambing ng mga pagsusuri ng iyong mga kamag-aral sa sermong ito sa kanilang pagsusuri sa iyong mga naunang sermon, maaari mong suriin ang iyong pag-unlad sa iyong kakayahang makipag-ugnay nang epektibo.
Mga Tanong sa Pagsusulit sa Aralin 10
(1) Bumanggit ng dalawang paraan na ihahanda ng tagapangaral ang kanyang sarili para sa epektibong ministeryo.
(2) Ano ang sinabi ni Pablo kay Timoteo na dapat niyang ipaglaban?
(3) Sa anong dalawang paraan inihahanda ng Banal na Espiritu ang isang mangangaral?
(4) Ipaliwanag ang kaliwanagan.
(5) Ano ang susi sa pagiging epektibo sa ministeryo na inihalimbawa ni Jesus?
(6) Ayon kay E.M. Bounds, ano ang presyo ng paghirang sa pangangaral?
SGC exists to equip rising Christian leaders around the world by providing free, high-quality theological resources. We gladly grant permission for you to print and distribute our courses under these simple guidelines:
No Changes – Course content must not be altered in any way.
No Profit Sales – Printed copies may not be sold for profit.
Free Use for Ministry – Churches, schools, and other training ministries may freely print and distribute copies—even if they charge tuition.
No Unauthorized Translations – Please contact us before translating any course into another language.
All materials remain the copyrighted property of Shepherds Global Classroom. We simply ask that you honor the integrity of the content and mission.