Sa naunang dalawang aralin, napag-aralan natin ang paghahanda ng iba’t-ibang uri ng pangangaral. Sa araling ito, gagawa tayo ng mas malalim na pagtanaw sa pangangaral na expository. Tulad ng nakita natin sa Aralin 3, ito ang magiging pangunahing anyo ng sermon para sa karamihan sa mga pastor.[1]
[1]Ang materyal sa leksyong ito ay ibinigay ni Richard G. Hutchison.
Kahulugan ng Pangangaral na Expository
Ang expositoryong pangangaral ay ang pagpapahayag ng isang konseptong Biblikal mula at ipinahayag sa pamamagitan ng pangkasaysayan, gramatikal at pampanitikan na pag-aaral ng isang sipi sa kanyang konteksto. Ang kontekstong ito ay unang inilalapat ng Banal na Espiritu sa katauhan at karanasan ng mangangaral, pagkatapos ay sa pamamagitan niya patungo sa kanyang mga tagapakinig.[1]
Mangyaring isaulo ang kahulugang ito. Kalakip dito ang ilang konseptong mahalaga para sa pangangaral na expository.
Ang Talata sa Kasulatan ang Nagtatakda ng Sermon
Ang mga expositoryong pangangaral ay nakabatay sa mga sipi ng Kasulatan. Ang istruktura at pangunahing nilalaman ay nagmumula sa sipi mismo. Kapag ang pangunahing mensahe ng sermon ay hindi nagmula sa mismong talata sa Kasulatan, ang pangangaral ay hindi expositoryo; hindi ito tunay na nakabatay sa talata sa Kasulatan, bagaman ang mensahe ng sermon ay totoo.
Sa expositoryong pangangaral, itinatanong natin:
(1) Ano ang sinasabi ng talatang ito sa Kasulatan?
Ano ang sinabi ng sumulat? Kapag binabasa ang teksto, ano ang sinasabi ng balarila ng talata? Sa expositoryong pangangaral, hindi tayo naghahanap ng mga nakatagong mensahe; hinahanap natin ang simpleng kahulugan ng teksto.
(2) Ano ang kahulugan ng talatang ito sa Kasulatan?
Ano ang nais ipaunawa ng sumulat sa kanyang mga tagapakinig habangbinabasa nila ang talata? Sa ating pagsasaalang-alang sa kontekstong pangkasaysayan at ang istilo ng pagsusulat, ano ang kahulugan ng talata?
(3) Ano ang pangunahing mensahe ng talatang ito sa Kasulatan?
Dahil ang talata ang nagtatakda ng sermon, ang pangunahing pokus ng isang expositoryong pangangaral ay itatakda ng pangunahing tema ng talata ng Kasulatan. Ang tema ng talata ang mag-uugnay sa lahat ng puntos ng sermon. Ang lahat ng puntos sasermon ay magkakaugnay-ugnaysaisa’t-isa sapamamagitan ng pangunahing tema ng Kasulatan.
Ipinaparating ng Tagapangaral ang isang Konsepto
Dahil ang mensahe ng talata sa Kasulatan ang siyang gumagabay sa pangangaral na expositoryo, mayroon tayong ilang katanungan:
(1) Paano ipinapahayag at ipinapaliwanag ng sumulat ng talatang ito mula sa Kasulatan ang kanyang mensahe?
Ito ang lugar kung saan binubuo ng tagapangaral ang ilang puntos na nagpapahayag at nagpapaliwanag sa pangunahing tema ng talata sa Kasulatan. Tandaan na ang lahat ng mga puntos sa sermon ay dapat magkakaugnay sa isa’t-isa sa pamamagitan ng pangunahing tema ng talata. Paghambingin ang mga halimbawa sa ibaba.
Halimbawa 1
Text: Roma 12:1-2
Pangunahing Punto: Ano Ang Nais ng Diyosna gawin natin?
A. Dapat nating ihandog ang ating katawan sa Diyos.
B. Hindi tayo dapat makiayon sa sanlibutan.
C. Dapat tayong magpanibago sa ating pag-iisip.
Mabuti ang balangkas na ito, subali’t may ilang kahinaan na kailangan nating itama:
Ang pangunahing punto ay hindi lubusang nakaugnay sa pambungad na mga salita ng Roma 12:1; “Kaya nga, mga kapatid, isinasamo ko sa inyo, alang-alang sa mga kahabagan ng Diyos...”
Bagaman ang bawat isa sa mga puntos na ito ay totoo, hindi sila magkakaugnay sa isa’t-isa sa pamamagitan ng pangunahing mensahe ng talata.
Halimbawa 2
Text: Roma 12:1-2
Pangunahing Punto: Anong klase ng pagsamba ang ninanais ng Diyos?
A. Ninanais ng Diyos ang pagsambang nahihikayat dahil sa kanyang kahabagan.
B. Ninanais ng Diyos ang pagsambang kalakip ang buong pagkatao.
C. Ninanais ng Diyos ang pagsambang bumabago sa ating pamamaraan ng pag-iisip.
Mas mabuti ang balangkas na ito.
Ang balangkas ay nakaugnay sa pangunahing tema ng talata.
Gayunman, ang tatlong puntos ay mas mabuting maiuugnay sa isa’t-isa.
Halimbawa 3
Text: Roma 12:1-2
Pangunahing Punto: Anong Klase ng Pagsamba ang Ninanais ng Diyos?
A. Ninanais ng Diyos ang pagsambang nahihikayat dahil sa kanyang kahabagan.
B. Ang kahabagan ng Diyos ang dapat humikayat sa iyo na ihandog ang iyong buong sarili sa kanya bilang iyong pagsamba.
C. Ang paghahandog ng iyong buong sarili sa Diyos ay dapat maging simula ng araw-araw na proseso ng panloob na pagbabago.
Ang balangkas na ito ang pinakamabuti sa tatlong pagpipilian. Ang bawat punto sa balangkas ay nakaugnay sa mas naunang punto.
Ang balangkas na ito ay nagbibigay ng pangunahing puntos para sa iyong expositoryong balangkas sa pag-aaral. Sa bandang dulo ng aralin, gagawa tayo ng isang dagdag na hakbang upang paikliin ang mga punto sa mas maikling balangkas at maging mas madali para sa mga tagapakinig na tandaan iyon. Tinatawag natin itong balangkas ng pangangaral.
(2) Paano malinaw na maipaparating ng tagapangaral ang mensahe ng sumulat?
Para sa epektibong pangangaral na expositoryo, kailangang maisalin ng tagapangaral ang mga salita ng sumulat sa wika ng kasalukuyang tagapakinig. Ipapahayag niya ang orihinal na konsepto ng talata sa Biblia sa paraang mauunawaan ng mga tagapakinig sa kasalukuyan. Para magawa iyon, ang tagapangaral ay gagamit ng:
Mga salitang nakalarawan
Mga kuwento at mga paglalarawan
Mga aral gamit ang iba’t-ibang Bagay
Mga Paliwanag
Mga Balangkas
Ang Konsepto ay Ilalapat sa Tagapangaral
Matapos nating malaman kung ano ang sinasabi ng teksto at kung ano ang kahulugan ng teksto, kailangan nating itanong, “Ano ang sinasabi ng teksto na kailangan kong gawin? Ito ang tinatawag na aplikasyon. Sa ibang salita, itatanong natin, “Ano ang nais ng Diyos na gawin ko?”
Bago pa man maipangaral ang isang sermon sa kongregasyon, dapat itong unang mangusap sa puso at buhay ng tagapangaral. Ang tagapangaral ang laging unang tagapakinig ng isang sermon. Bago natin subukin na ilapat ang Salita ng Diyos sa buhay ng ating mga tagapakinig, dapat una natin iyong ilapat sa ating mga sariling buhay.
Ang Konsepto ay Inilalapat sa mga Tagapakinig
Ang isang sermon na walang kasamang aplikasyon para sa mga tagapakinig ay maaaring napakagandang paliwanag ng talata sa Kasulatan; gayunman, nabibigo itong kilusin ang mga tagapakinig. Ang tunay na expositoryong pangangaral ay dapat may aplikasyon para sa tagapakinig. Inilalapat natin ang mensahe ng Kasulatan sa ating tagapakinig sa pamamagitan ng:
Pagtatanong na nagiging dahilan upang iugnay ng tagapakinig ang mensahe sa kanilang sariling buhay.
Pagbabalik-aral sa mga susing katotohanan at prinsipyo na nanggagaling sa teksto.
Pagsasaalang-alang sa sitwasyon sa buhay ng mga tagapakinig.
[1]Ang depinisyon na ito ay inangkop mula kay Haddon Robinson, Biblical Preaching: The Development and Delivery of Expository Messages (Ada: Baker Books, 2001).
Paggawa sa Teksto
Pagpili ngTeksto
Kapag pumipili ng teksto, ang mangangaral ay dapat humanap ng talata na naglalaman ng kumpletong kaisipan na maaaring ipahayag sa isang sermon. Maraming tagapangaral ang sumusunod sa apat na hakbang sa pagpili ng isang teksto:
1. Piliin ang pangunahing talata para sa sermon. Dahil ang talata sa Kasulatan ang magiging gabay para sabuong sermon, mahalagang piliin ang tamang talata para sa sermon.
2. Tingnan ang konteksto ng napiling talata. Pag-isipan ang mga nakapaligid na mga talata. Kailangan mo bang gumamit ng karagdagang mga talata upang magkaroon ng kumpletong kaisipan?Kailangan mo bang bawasan ang teksto sa mas kaunting mga verses upang makatuon sa iisa lamang kaisipan?
3. Tumingin sa mga gabay-sa-pag-aaral ng Biblia at ibang aklat-reperensiya upang patunayan ang napili. Sa pagtingin sa kung paano ginamit ang talata sa isang gabay sa pag-aaral ng Biblia o komentaryo, mabibigyang patotoo mo ang iyong pinili. Kapag ang ibang aklat-reperensiya ay naghahati ng talata sa ibang lugar, itanong mo, “Nakatitiyak ba ako na pinakamabuti ang aking pinili para sa pagpapahayag ng tema ng talatang ito?”
4. Gumawa ng panghuling desisyon para sa teksto. Pagkatapos mong pag-aralan ang mga nakapaligid na konteksto at tiningnan ang ibang aklat reperensiya, ikaw ay handa nang magsimula ng detalyadong pag-aaral.
Mapuspos sa Teksto
Mula sa ating kahulugan ng expositoryong pangangaral, tandaan na ang talata ay dapat mangusap sa tagapangaral bago ito mangusap sa tagapakinig. Pagkatapos piliin ang tekstong iyong ipapangaral, ang susunod na hakbang ay simulang kilalanin ang iyong sarili sa mensahe ng teksto. Upang magawa ito, kailangan mong paulit-ulit na basahin ang teksto hanggang sa mapuspos ka nito hindi lamang ang mga salita mismo, kundi maging ang mga damdamin na maaaring nadarama ng sumulat nang isulat niya iyon.
► Kung mayroon kang espongha, gawin mo itong kasangkapan sa aralin. Ilagay ang espongha sa tubig hanggang mapuno ang espongha. Ngayon, pigain mo ang espongha. Pansinin mo kung gaano kadaling alisin ang tubig sa espongha. Hindi mo kailangang magtrabaho nang mabigat; puno ng tubig ang espongha. Kapag puno ka ng teksto, ang mga salita ay kusang aagos mula sa iyong puso tulad ng tubig mula sa espongha.
Sa iyong pagkapuspos sa teksto, nagkakaroon ka ng koneksiyong emosyonal sa mga salita ng sumulat.
Kapag ang sumulat ay galit, magalit ka sa kasalanan na nakagalit sa sumulat!
Kung ang sumulat ay nagdiriwang, hayaan mong magsaya ang iyong sariling puso!
Kung ang sumulat ay nalulungkot, samahan mo siya sa kanyang pagkalumbay!
Kung ang sumulat ay nag-aalala, sikapin mong maramdaman ang kanyang pagkabalisa!
Kapag ang sumulat ay tumatawa, tumawa ka rin!
Kapag ang sumulat ay tumatangis, magsimula kang damahin ang luha sa iyong mga mata habang iniisip mo ang tungkol sa kanyang nararanasan!
Ang isang baga mula sa apoy ay may apoy, kahit walang liyab na nakikita. Kapag ang baga ay inilagay sa mga tuyong dahon, papel o kahoy, ang apoy ay magsisimulang magliyab. Sa gayun ding paraan, kapag pinuno mo ang iyong isip at puso ng mga salita sa teksto, magsisimula iyong mag-apoy sa iyong kalooban!
Hindi sapat na malaman lamang ang mga impormasyon sa teksto; kailangan mong maramdaman kung ano ang nadarama ng sumulat. Ang pagkahilig ng sumulat ay dapat maging iyong pagkahilig. Bakit? Dahil hinahawakan natin ang Salita ng Diyos, ang pagkahilig ng teksto ay ang pagkahilig ng Diyos! Tinawag ka upang maging mensahero ng Diyos!
Paano ka mapupuspos ng teksto hanggang maramdaman mo ang damdamin ng sumulat? Subukin mo ang mga hakbang na ito:
(1) Basahin nang matahimik ng limang beses ang teksto.
(2) Basahin nang malakas nang limang beses ang teksto.
(3) Patuloy na paulit-ulit na basahin ang teksto.
Magsanay sa pagbasa nito nang may ekspresyon.
Sikaping damahin kung ano ang nararamdaman ng sumulat.
Tumigil sumandali sa pagitan ng mga pagbabasa upang magbulay-bulay sa iyong mgabinabasa.
Makabubuo ka ng iyong sariling paraan upang kumunekta sa teksto. Anuman ang iyong pamamaraan upang magawa ito, tiyakin mo na ang iyong isip at ang iyong puso ay nakaugnay sa mensahe ng sumulat. Kapag minadali mo ang mahalagang hakbang na ito, ang iyong mensahe ay magkukulang ng isang mahalagang sangkap –pagkahilig. Ang epektibong pagkahilig sa Biblikal na pangangaral ay hindi lamang talagang nagmumula sa pananalangin, kundi mula rin sa personal na pakikiayon o personal na pagkakakilanlan sa mensahe ng Diyos tulald ng ipinapahayag sa teksto.
► Basahin ang sumusunod na mga teksto sa Kasulatan: Galacia 1:6-9; Mateo 17:1-9; Awit 10:1-12;at Pahayag 4. Basahin ng ilang beses ang bawat teksto. Damahin ang damdamin ng sumulat. Ilagay mo ang iyong sarili sa sitwasyon ng sumulat. Nararamdaman mo ba ang emosyon ng teksto?
► Ngayon, pumili ka ng isa sa mga tekstong ito at basahin mo ng malakas sa klase. Basahin nang may damdamin sa klase. Hilingin sa klase na suriin ang iyong ekspresyon. Naipahatid mo ba ang damdamin ng teksto sa iyong pagbabasa?
Pagsusuri saTeksto
Maraming kabataan ang nanood ng isang napakahusay na manlalaro at nag-isip na, “Nais kong maglaro nang katulad niya.” Nagsimula silang maglaro. Mahal nila ang laro. Mayroon silang pagkahilig, subali’t hindi nagtagal at sila ay pinanghinaan ng loob. Hindi sapat ang pagkahilig. Ang isang magaling na manlalaro ay nagsasanay kahit walang nanonood. Tumatakbo siya ng milya-milya upangmagkaroon ng tibay sa paglalaro. Siya ay nagbabanat ng buto, tumatalon, nagbubuhat ng mabibigat, at iba pang mga ehersisyo upang ihanda ang kanyang sarili para sa laro. Kinakailangan ang mga ehersisyong ito para maging isang mahusay na manlalaro. Ang mga ehersisyo ay hindi tungkol sa pagkahilig; ang mga ehersisyo ay tungkol sa pagpapawis. Hindi nakawiwili ang mga ehersisyo, subali’t kinakailangan ang mga ito kung nais niyang matupad ang kanyang pagkahilig na maging isang dakilang manlalaro.
Ang pagsusuri sa teksto ang mahirap na trabaho sa pangangaral. Ang pagsusuri ay hindi tungkol sa pagkahilig; ang pagsusuri ay tungkol sa pagpapapawis! Nangangailangan ito ng paggugugol ng maraming oras sa iyong pag-aaral sa opisina kahit na maraming ibang bagay nasana ay mas masayang gawin. Kalakip nito ang disiplina, subali’t kinakailangan iyon kung ipapahayagmo ang pasyon ng teksto sa paraang nag-uugnay sa katotohanan ng Salita ng Diyos sa mga pangangailangan ng iyong mga tagapakinig.
Paano mo susuriin ang teksto? Kabilang sa mga hakbang na magagamit ang:[1]
(1) Pagtatanong ng mga simpleng tanong tungkol sa teksto.
Sino?
Ano?
Kailan?
Saan?
Paano?
Bakit?
(2) Humanap ng mga susing salita o phrases sa teksto.
(3) Humanap ng mga paghahambing at pagsasalungat sa teksto.
(4) Ayusin ang teksto sa isang natural na balangkas.
Ang natural na balangkas ay tumutulong sa iyo upang makita kung paano nabubuo ang talata sa Kasulatan. Pinahihintulutan nito ang istruktura ng teksto na gabayan ang pagbuo mo ng iyong sermon.
Narito ang isang halimbawa ng isang pagsusuri (ang lahat ng limang hakbang). Sa katapusan ng araling ito, susuriin ninyo ang isang talata sa parehong paraan para sa takdang-aralin sa leksiyon.
HALIMBAWANG PAGSUSURI- AWIT 1
(1) Magtanong ng mga simpleng tanong tungkol sa teksto.
Sino?
Sino ang mga “mapapalad”?
Kaninong payo ang iniiwasan nila?
Kaninong lakad ang nalalaman ng Diyos?
Sino ang mga tatayo at hindi tatayo sa paghuhukom?
Sinoang mga mapapahamak?
Ano?
Sa ano nagagalak ang matuwid?
Ano ang katulad ng mga matuwid?
Ano ang katulad ng mga masasama?
Kailan?
Kailan sila nagbubulay-bulay sa Salita ng Diyos?
Kailan sila namumunga?
Saan?
Saan nagtutungo ang masama para sa payo?
Saan “nakatanim” ang mga matuwid?
Paano?
Paano inilalarawan ng awit na ito ang daan ng mga matuwid?
Paano inilalarawan ng awit na ito ang daan ng masasama?
Bakit?
Bakit mapalad ang mga matuwid?
Bakit napapahamak ang masasama?
(2) Hanapin ang mga susing salita otalata.
Susing Talata – “Mapalad ang tao….”
Mga Susing salita – “lumalakad… tumatayo… nauupo…”
(3) Hanapin ang mga paghahambing at di pagkakatulad sa teksto.
“mapalad” na salungat sa “hindi gayun”
“payo ng masasama” na salungat sa “ang batas ng Panginoon”
Isang punong nakatanimna salungat sa ipa na inililipad ng hangin
(4) Ayusin ang teksto sa isang natural na balangkas.
[1]Para sa karagdagang impormasyon sa pagsusuri ng teksto, tingnan ang kursong Mga Prinsipyong Pagbibigay Kahulugan sa Biblia mula sa Shepherds Global Classroom.
Paghahanda ng Balangkas ng Pag-aaral
Ano ang Balangkas ng Pag-aaral?
Ang balangkas ng pag-aaral ay isang balangkas ng mga puntos at mga ideya na natutuklasan mo habang ikaw ay nag-aaral. Hindi ito ang iyong balangkas sa pangangaral. Gagawa ka ng balangkas sa pangangaral mula sa iyong balangkas ng pag-aaral sa mga huling hakbang. Ang balangkas ng pag-aaral ay makatutulong sa iyo upang isaayos ang iyong mga talaan, mga pananaw, aplikasyon at mga paglalarawan ayon sa natural na takbo ng mga kaisipan na ibinigay sa atin ng sumulat ng Biblia.
Ang balangkas ng pag-aaral ang iyong balangkas sa paggawa. Maaari kang gumawa ng mga pagbabago sa iyong balangkas habang mas natututo ka tungkol sa teksto, subalit ang balangkas na ito ang magbibigay sa iyo ng pangunahing istruktura upang gabayan ka sa iyong paghahanda.
Ang balangkas ay katulad ng isang kalansay. Kung walang kalansay, ang ating mga katawan ay walang hugis. Gaano man kaganda ang iyong balat, mga mata at buhok, kung walang kalansay ang iyong kagandahan ay mawawala. Kahit gaano pa kalaki at kalakas ang iyong mga kalamnan, kung wala ang istruktura ng mga buto ang iyong katawan ay magiging mahina. Kahit ang pinakamalakas na mga masel ay dapat nakadikit sa mga buto upang magamit. Ang balangkas ang nagbibigay ng istruktura sa iyong sermon.
Paano Maghahanda ng Balangkas sa Pag-aaral
(1) Gamitin ang iyong natural na balangkas ng teksto bilang gabay.
Sa seksiyon sa pagsusuri sa teksto, natutuhan mong hanapin ang natural na balangkas ng isang talata sa Kasulatan. Gamitin mo ito bilang gabay para sa iyong balangkas sa pag-aaral.
(2) Hanapin mo ang mga pangunahing puntos sa natural na balangkas.
(3) Bigyan ng buod ang pangunahing kaisipan ng bawat punto.
Halimbawa ng Pagbubuod ng Pangunahing mga Ideya
Text: Roma 1:16-17
I. Hindi ikinahihiya ni Pablo ang ebanghelyo ni Cristo.
II. Hindi siya nahihiya dahil ang ebanghelyo ang kapangyarihan ng Diyos upang magligtas.
III. Ang ebanghelyo ang kapangyarihan ng Diyos upang magligtas dahil inihahayag nito ang katwiran ng Diyos na maaaring matanggap sa pamamagitan ng pananampalataya.
(4) Ibuod ang mga pumapangalawang puntos mula sa natural na balangkas.
Halimbawa ng Pagbubuod ng Mga Subpoints mula sa Natural na Balangkas
Text: Roma 1:16-17
I. Hindi ikinakahiya ni Pablo ang ebanghelyo ni Cristo.
A. Ano ang ibig sabihin ng ikahiya ang isang bagay?
B. Paano binigyang kahulugan ni Pablo ang ebanghelyo ni Cristo?
II. Hindi siya nahihiya dahil ang ebanghelyo ang kapangyarihan ng Diyos sa pagliligtas.
A. Ang ebanghelyo ay kapangyarihan ng Diyos.
B. Ang kapangyarihan ng Diyos ay naghahatid ng kaligtasan.
C. Isinasagawa ng Diyos ang kanyang pagliligtas sa “bawat isang sumasampalataya.”
1. Inililigtas ng Diyos ang bawat sumasampalatayang Hudyo.
2. Inililigtas ng Diyos ang bawat sumasampalatayang “Griyego”.
(Ano ang ibig sabihin ni Pablo sa “ang Griyego”?)
III. Ang ebanghelyo ang kapangyarihan ng Diyos upangmagligtas dahil inihahayag nito ang katwiran ng Diyos na maaaring matanggap sa pamamagitan ng pananampalataya.
A. Ang katwiran ng Diyos ay nahahayag sa ebanghelyo.
(Ano ang ibig sabihin ni Pablo sa “ang katwiran ng Diyos”?)
B. Ang katwiran ng Diyos ay inihayag “mula sa pananampalataya hanggang sapananampalataya”.
(Ano ang ibig sabihin ni Pablo sa “mula sa pananampalataya hanggang sa pananampalataya?”).
Para sa balangkas sa pag-aaral, mahalagang sundin ang natural na mga puntos at pumapangalawang puntos ng teksto. Tandaan na ang isang expositoryong pangangaral ay ginagabayan ng teksto mismo. Hindi ipinipilit ng tagapangaral ang istruktura sa teksto; hinahanap lamang niya ang natural na istruktura ng teksto. Ang tungkulin ng isang Biblikal na nangangaral ng expositoryo ay ang pakinggan ang teksto.
Pagbuo sa Sermon
Pagdaragdag ng Nilalaman sa Iyong Balangkas
Pagkatapos mong maihanda ang iyong balangkas sa pag-aaral, handa ka nang simulan ang pagdaragdag ng nilalaman sa iyong simulang balangkas. . Habang sinusuri ang teksto, maaaring may mga tanong pa tungkol sa teksto na hindi mo pa nasasagot. Sa hakbang na ito, sasagutin mo ang mga tanong na iyon. Napag-aralan mo na kung ano ang sinasabi ng teksto; magpapatuloy ka sa pag-aaral kung ano ang kahulugan noon.
Ang susunod na hakbang sa iyong paghahanda ay ang paghanap sa mas higit na linaw kung ano talaga ng ninanais na sabihin sa atin ng sumulat ng mga talatang ito. Mahalaga ito dahil “kapag nagsasalita ang Biblia, nagsasalita angDiyos.”[1] Kung ano ang ninanais na sabihin ng sumulat ay siyang nais ng Diyos na sabihin sa atin. Bilang isang mangangaral, dapat mong kilalanin ang iyong sarili sa mensahe ng Diyos at ipahayag iyon nang may kalinawan at damdamin.
Upang magawa ito, magiging matalino ka sa paggamit ng anumang gamit sa pag-aaral na mayroon para sa iyo. Kung maaari, gamitin mo ang mga sumusunod na gamit sa pag-aaral:
Diksiyonaryong pam-Biblia
Concordance
Mga mapa sa Biblia
Mga encyclopediang pam-Biblia
Mga pag-aaral sa Salita
Mga Komentaryo
Sa iyong pag-iipon ng mga impormasyon tungkol sa teksto at sa kahulugan nito, ibuod mo ang pinakamahalagang mga impormasyon sa maiikling notes sa ilalim ng angkop na heading sa iyong balangkas sa pag-aaral.
Maging maingat na hindi ka maglalagay ng sobrang daming notes, o ang iyong sermon ay magiginglabis ang haba at magiging mahirap sundan ng iyong mga tagapakinig. Sa halip, hanapin ang mahahalagang piraso ng impormasyon na makakatulong sa iyo upang mas malinaw na maipaliwanag ang kahulugan ng teksto. Isulat ang iyong mga talaan sa pag-aaral sa paraang maaari kang makipag-usap sa ordinaryong tagapakinig.
Hanapin mo ang impormasyong tulad ng:
Pinagmulang pangkasaysayan - Ano ang nangyayari nang ito ay isulat?
Kahulugan ng mga salita – Kailangan bang mas malinaw na ipaliwanag ang mahahalagang salita?
Heograpiya – Mayroon bang lunsod o mga lugar na nabanggit sa iyong teksto? Saan ang lokasyon ng mga taong unang sinulatan nito? Tingnan kung ano ang maaari mong matutuhan sa isang libro ng mga mapa sa Biblia, diksiyonaryong pam-Biblia, o ensiklopedyang pam-Biblia.
Kung mayroon ka pang mga tanong tungkol sa teksto, bumasa ka ng mga komentaryo sa Biblia upang magkaroon ka ng mga pananaw mula sa ibang iskolar sa Biblia.
Pagbabago sa Iyong Balangkas sa Pag-aaral Upang Gawing Balangkas sa Pangangaral
Ngayon na maingat mo nang napag-aralan ang teksto, isasalin mo na ang iyong balangkas sa pag-aaral upang maging balangkas sa pangangaral. Ang isang balangkas sa pangangaral ay isang pagbabago sa mga puntos na iyong inihanda sa iyong balangkas sa pag-aaral. Dapat manggaling ang iyong balangkas sa pangangaral sa iyong balangkas sa pag-aaral at ipahayag ang mga iyon sa mas simple, ngunit malikhaing mga paraan.
Ang layunin ng balangkas sa pag-aaral ay:
Upang ipakita ang takbo ng mga iniisip ng sumulat.
Upang hubugin ang iyong mensahe sa direksiyon ng mga iniisip ng sumulat.
Upang magbigay ng istruktura sa iyong mga talaan sa pag-aaral at mensahe.
Upang tulungan kang magtuon ng atensiyon sa mensahe ng teksto.
Upang maiwasang magdagdag ng mga puntos na hindi nanggaling sa teksto (kahit pa maging mabubuting puntos ito para sa ibang sermon).
Ang layunin ng isang balangkas sa pangangaral ay:
Upang gawing mas madali para sa iyong tagapakinig na unawain at alalahanin ang mensahe.
Upang mailapat ang mensahe sa puso at buhay ng iyong mga tagapakinig sa mga praktikal na paraan.
Upang hikayatin ang iyong tagapakinig upang tumugon sa mensahe ng teksto sa Kasulatan.
Upang ipahayag ang katotohanan ng teksto nang may tinig ng propeta sa buhay ng iyong mga tagapakinig.
Balangkas sa Pag-aaral
Balangkas sa Pangangaral
Nagbibigay ng Biblikal na istruktura para sa mensahe.
Nagbibigay ng malinaw at memorableng presentasyon para sa mensahe.
Iniuugnay ang sermon sa teksto.
Iniuugnay ang teksto sa buhay ng tagapakinig.
Nakatuon sa tamang impormasyon.
Nakatuon sa tamang aplikasyon
Tinitiyak na ang mensahe ay ayon sa Biblia.
Tinitiyak na ang mensahe ay napapanahon.
Hinahanap ang layunin ng teksto.
Ipinapaliwanag ang layunin nang mayboses ng propesiya.
Nagbibigay ng paliwanag sa teksto.
Nagbibigay ng pangaral ng teksto.
Ang balangkas sa pag-aaral ay nakatulong sa iyo sa pagbibigay-kahulugan at pagpapaliwanag sa teksto. Para sa pagkakataong ito, napakahalaga ng detalye. Sa pag-aaral, ikaw ay nakatuon sa siyensiya ng pagbibigay-kahulugan.
Hindi ganoon katiyak ang balangkas sa pangangaral. Mas binibigyang atensiyon nito ang sining ng komunikasyon. Maging malikhain ka at magkaroon ng mabuting imahinasyon sa iyong balangkas sa pangangaral.
Iwasang gamitin ang parehong uri ng balangkas sa bawat sermon; nais mong maging malikhain upang ang tagapakinig ay maingat na makikinig sa iyo sa tuwing beses na ikaw ay mangangaral. Gayunman, huwag mong hayaang ang pagiging malikhain ang maglayo sa iyo mula sa mensahe ng teksto. Habang naghahanda ka ng balangkas sa pangangaral, dapat kang madalas na bumalik sa balangkas sa pag-aaral upang tiyakin na nananatili kang matapat sa teksto.
Mga Mungkahi para sa Balangkas sa Pangangaral
(1) Hayaang direktang magsalita ang iyong balangkas sa pangangaral sa iyong mga tagapakinig.
Dahil ang isang pangangaral ay nangangailangan ng tugon, ang iyong balangkas ay dapat direktang magsalita sa iyong tagapakinig, kailan man athangga’t maaari. Ang isang balangkas na nagsasalita nang direkta sa mga tagapakinig ay nagkakaroon ng mas malakas na epekto. Malalaman nila na dapat mayroon silang gawin. Hindi lamang ito impormasyon na dapat malaman; ito ay isang bagay na dapat ilapat sa kanilang buhay.
Halimbawa ng Pagsasalita nang Direkta sa Madla
Balangkas sa Pag-aaral
Dapat isuot ng Kristiyano ang buong baluti ng Diyos.
Balangkas sa Pangangaral
Isuot mo ang iyong baluti!
(2) Gumamit ng mga kumpletong pangungusap.
Upang malinaw na makapagkomunikasyon, kailanman at hangga’t maaari gumamit ng mga buong pangungusap.
Halimbawa ng Paggamit ng Kumpletong Mga Pangungusap
Hindi kumpletong pangungusap
Ang Prayoridad ng Pananalangin
Kumpletong Pangungusap
Gawin ninyong Prayoridad ang Pananalangin.
(3) Gumamit ng mga Salitang nagpapakita ng kilos.
Dahil ang sermon ay nananawagan sa tagapakinig upang tumugon, dapat kang gumamit ng aktibong pangungusap kapag maaari.
Halimbawa ng Paggamit ng Aktibong Salita
Balintiyak na Pangungusap
May mga pagpapala na nagmumulasa pagiging masunurin.
Aktibong Pangungusap
Nagdadala ng pagpapala ang pagsunod!
(4) Gumamit ng mga simpleng pananalita.
Ang layunin ng tagapangaral ay magpabatid sa mga tao, hindi magpakitang gilas sa bokabularyo ng isang mangangaral. Kapag gumagamit ka ng malalaking salita na hindi nauunawaan ng mga tao, nabibigo kang maipabatid ang mensaheng nakababago ng buhay. Ipakita mo sa mga tao ang kapangyarihan ng Salita ng Diyos, hindi sa mga mahahabang salitang iyong natutuhan.
Si Apostol Pablo ay isang matalinong iskolar. Marunong siya ng iba’t-ibang wika; kaya niyang makipagdebate sa pilosopiyang Griego, teolohiyang Hebreo, at pulitikang Romano. Kung pipiliin ni Pablo, makagagamit siya ng mga komplikadong mga salita na walang nakauunawa; subali’t kapag nangangaral si Pablo, ibinabahagi niya ang pagiging simple ng ebanghelyo. Alam niya na ang ebanghelyo ay ang kapangyarihan ng Diyos para sa kaligtasan ng bawat isang sumasampalataya, una sa mga Hudyo gayun din sa mga Griego. (Roma 1:16).
Sa Middle Ages, may isang Obispo na nagngangalang Johannes. Siya’y kilalang orador. Nakapagsasalita siya nang may damdamin at katalinuhan. Maraming tao ang dumating upang makinig sa pangangaral ni Johannes. Ang mga tao ay talagang humahanga sa kanilang Obispo. Gayunman, sa tuwing beses na umaalis si Johannes sa pulpito, may isang babaeng may edad na ang tumitingin sa kanya at bumubulong, “Malaki si Johannes, Maliit si Jesus.”
Nagulumihanan ang Obispo sa sinasabi ng babae. Sa wakas, humiling siya ng bakasyon mula sa pangangaral. Sa loob ng halos isang taon, binasa niya ang BagongTipan at pinagbulayan ang buhay ni Jesus at ang kapangyarihan ng ebanghelyo.
Linggo ng Pagkabuhay nang bumalik sa pangangaral si Obispo Johannes. Umaapaw sa tao ang katedral. Pagkalipas ng isang taon, naghihintay sila ng isang natatanging sermon. Umakyat si Johannes sa pulpito upang magsalita. Nagsimula siya, “si Jesukristo”—at tumigil. Nagsimula siyang umiyak nang maalala niya kung ano ang natutuhan niya tungkol kay Jesus sa taong ito ng pananalangin at pag-aaral. Pagkataposng ilang pagtatangka na ipangaral ang kaniyang sermon, bumaba siya sa pulpito at lumakad pabalik sa likurang bahagi ng katedral dahil sa kahihiyan. Sa kanyang pagdaan sa tapat ng matandang babae, narinig niyang sinabi nito, “Maliit si Johannes; Malaki si Jesus.”
Ang layunin ng isang mangangaral ay dapat maging, “Maliit Ako; Malaki si Jesus.” Ang simpleng mga salita na nagpapahayag sa ebanghelyo nang may kapangyarihan ay nagtataas kay Jesus sa halip na itaas ang tagapangaral.
[1]Albert Mohler in Five Views on Biblical Inerrancy (Grand Rapids: Zondervan Press, 2013)
Buod ng Proseso ng Paghahanda ng Expository Sermon
(1) Teksto sa Biblia
A. Magsimula sa isang teksto o sipi.
B. Tukuyin ang konteksto.
C. Mapuspos sa teksto.
D. Suriin ang teksto.
E. Ayusin ang teksto ng Biblia ayon sa natural na pagkakaayos ng kaisipan (naturalna balangkas).
(2) Balangkas sa Pag-aaral
A. Bigyan ng buod ang susing puntos ng natural na balangkas.
B. Ayusin ang natural na balangkas ayon sa mga pangkat at mga kahaliging pangkat.
C. Gamitin ang balangkas sa pag-aaral bilang gabay para sa karagdagang pag-aaral.
D. Magdagdag ng nilalaman sa balangkas.
(3) Balangkas sa Pangangaral
A. Muling ihayag ang mga susing puntos ng balangkas sapag-aaral sa mga simpleng pangungusap.
B. Gawin itong madaling sundan at tandaan.
C. Gawin itong parang propesiya (magsalita ng katotohanan sa buhay ng mga tagapakinig).
D. Maging malikhain.
Konklusyon
► Bumalik sa simula ng araling ito at pagbalik-aralan ang kahulugan ng expositoryong pangangaral.
Mahirap na gawain ang expositoryong pangangaral. Nangangailangan ito ng pagtatalaga ng sarili na mas malalim na saliksikin ang teksto, upang maunawaan ang sinasabi ng Salita ng Diyos, at pagkatapos ay ikomunikasyon ang teksto sa mga tagapakinig sa kasalukuyan. Ito ay mahirap na gawain, subali’t ito ay nagbibigay-gantimpala. Tayo ay nangangaral dahil “… kinalugdan ng Diyos na iligtas ang mga sumasampalataya sa pamamagitan ng kahangalan ng pangangaral.” (1 Corinto 1:21).”Sapagkat ang kahangalan ng Diyos ay higit na matalino kaysa mga tao at ang kahinaan ng Diyos ay higit na malakas kaysa mga tao.” (1 Corinto 1:25).
Mga Takdang Aralin sa Aralin 5
Walang pagsusulit sa araling ito. Sa halip, magsasanay ka sa paghahanda at pangangaral ng isang expositoryong pangangaral.
(1) Pumili ng isang tekstong nais mong ipangaral. Gumawa ng isang detalyadong pag-aaral ng talata sa Kasulatan gamit ang mga hakbang sa araling ito.
(A) Mapuspos sa teksto. Basahin ito ng kahit man lang 10 beses at damahin ang emosyon ng sumulat.
(B) Saliksikin ang teksto gamit ang limang hakbang na ibinigay sa araling ito.
(C) Maghanda ng balangkas sa pag-aaral batay sa talata.
(D) Dagdagan ng detalye ang iyong balangkas.
(E) Maghanda ng balangkas sa pangangaral batay sa talata.
(2) Ipangaral ang sermon na inihanda mo sa klase. Dapat 12-15 minuto ang tagal ng sermon. Ang bawat miyembro ng klase ay magsasagot ng talaan ng pagsusuri na matatagpuan sa likod ng gabay sa kursong ito.
SGC exists to equip rising Christian leaders around the world by providing free, high-quality theological resources. We gladly grant permission for you to print and distribute our courses under these simple guidelines:
No Changes – Course content must not be altered in any way.
No Profit Sales – Printed copies may not be sold for profit.
Free Use for Ministry – Churches, schools, and other training ministries may freely print and distribute copies—even if they charge tuition.
No Unauthorized Translations – Please contact us before translating any course into another language.
All materials remain the copyrighted property of Shepherds Global Classroom. We simply ask that you honor the integrity of the content and mission.