Ang pagtuturo ang aktibong pagsasalin ng impormasyo at kaugalian mula sa isang tao patungo sa iba. Kabilang sa pagtuturo ang tagapagturo at ang mag-aaral. Ang pagtuturo ay maaaring gawin sa isang tagpuan na pormal na silid-aralan; ang pagtuturo ay maaaring gawin sa pulpito sa iglesya sa araw ng Linggo; ang pagtuturo ay maaaring gawin sa isang isa-isahang pagtatalakayan.
Ano ang isang tagapagturo? Ang tagapagturo ay isang tao na nakauunawa ng impormasyon at ipiniprisinta iyon sa iba. Ang isang mabuting tagapagturo ay isang taong nakakakuha ng mahirap na katotohanan at naipiprisinta iyon sa simpleng paraan. Ang isang tagapagturo ay pangunahing isang komunikador. Kinukuha niya ang mga bagay na hindi alam ng iba at ginagawa itong simple upang maunawaan ng mag-aaral.
Ang pinakamahalagang tungkulin ng guro ay ang maipabatid ang katotohanan sa iba at turuan ang iba kung paano matututo. Ang katotohanan na dapat maipabatid ng mga guro ng Diyos ay ang mensahe ng Diyos sa ating mundo. Nangangailangan ang ating lipunan ng mga taong nakakaalam ng mga kundisyon sa ating mundo, nakauunawa ng mensahe ng Diyos sa ating mundo, at ang magpapabatid ng mga bagay na ito sa lahat sa atin.
Mayroon tayong mga negosyante na magaling sa pagpapaalam ng mga katangian ng kanilang mga produkto hanggang sa puntong tayo’y magmamadaling lumabas upang bilhin iyon. Maaari kang makabili ng Coca-Cola sa halos lahat ng lugar sa mundo. Dahil sa mga tagapagbenta na mahusay magkomunikasyon,maaari kang makabili ng smartphones at Coca-Cola sa halos lahat ng lugar sa mundo. Pansalamantala lamang ang mga ito. Isipin mo kung gaano higit na mahalaga ang walang hanggang Salita ng Diyos para sa ating mundo. Kailangan natin ng mga gurong makapagpapabatid ng katotohanan ng Diyos sa paraang mauunawaan ng mga tao sa ating mundo at sila ay tutugon dito.
Pagtuturo sa Biblia
Ang pagtuturo mula pa sa simula ay mahalaga na sa iglesya. Si Jesus ay tinawag na “Rabbi”, na ang ibig sabihin ay guro. Binigyan niya ng tagubilin ang kanyang mga disipulo upang humayo sa mundo at ituro ang mga bagay na itinuro niya sa kanila. Pansinin ang ilang obserbasyon tungkol sa pagtuturo sa BagongTipan.
(1) Ang pagtuturo ay isa sa mga tungkulin sa unang iglesya.
“Sa iglesya na nasa Antioquia ay may mga propeta at mga guro, si Bernabe, si Simeon na tinatawag na Niger, si Lucio na taga-Cirene at si Manaen na kinakapatidni Herodes na tetrarka, at si Saulo” (Mga Gawa 13:1).
Ang mga gurong ito ang tumulong sa mga bagong mananampalataya na maunawaan kung ano ang ibig sabihin ng pagiging tunay na tagasunod ni Jesus. Sumulat si Lucas upang patunayan ang katotohanan ng naituro kay Teofilo:
“Ay minabuti ko naman...na sumulat ng isang maayos na salaysay para sa iyo, kagalang-galang na Teofilo, upang malaman mo ang katiyakan ng mga bagay na itinuro sa iyo (Lucas 1:3-4).
(2) Ang pagtuturo ay isa sa mga kaloob ng espiritu.
“At ang Diyos ay naglagay sa iglesya, una'y mga apostol, ikalawa'y mga propeta, ikatlo'y mga guro, saka mga gumagawa ng himala, saka mga kaloob ng pagpapagaling, mga pagtulong, mga pamamahala, at iba't ibang uri ng wika” (1 Corinto 12:28).
May mga Kristiyano na pinagkalooban ng espesyal na kaloob na espirituwal para sa epektibong pagtuturo.
(3) Ang pagtuturo ay isa sa mga pangunahing tungkulin ng mga pastor.
“Pinagkalooban niya ang iba na maging mga apostol, ang iba’y propeta, ang iba’y ebanghelista, at ang iba’y pastor at mga guro; upang ihanda ang mga banal sa gawain ng paglilingkod, sa ikatitibay ng katawan ni Cristo” (Efeso 4:11-12).
Ang mga pastor ang magiging tagapagturo. Sa mga talatang ito, ang dalawang salita ay magkaugnay sa isa’t-isa sa paraang ang mga ito ay tumutukoy sa parehong opisina. Napakahalaga ng pagtuturo kaya’t inilista ito ni Pablo bilang isa sa mga kuwalipikasyon sa pagiging pastor. Ang bawat pastor ay dapat may kakayahang magturo.
“Kailangan na ang obispo ay walang kapintasan, asawa ng isang babae, mapagpigil, matino ang pag-iisip, kagalang-galang, mapagpatuloy ng panauhin, mahusay magturo, hindi mahilig sa alak, hindi mapusok kundi mahinahon, hindi palaaway, at hindi maibigin sa salapi” (1 Timoteo 3:2-3).
Kung ang sinuman ay hindi magtuturo, hindi siya kuwalipikado upang maging pastor. Hindi lahat ng pastor ay nagtataglay ng espirituwal na kaloob ng pagtuturo, subali’t ang bawa’t pastor ay dapat pagbutihin ang kanyang kakayahang magturo sa pinakamabuti sa kanyang kakayahan.
Mga Katangian ng Isang Mabuting Guro
Anu-ano ang mga katangian ng isang mabuting guro? Paano magiging isang mabuting guro ang isang tao? Ang mabuting guro ay dapat magtaglay ng mga sumusunod na mga katangian:
Katiyagaan
Isa sa mga maling pagkaunawa tungkol sa propesyon ng pagtuturo ay ang isipinna ito ay isang madaling trabaho. Hindi mo kailangang maghukay sa lupa o kaya’y marumihan ng grasa sa pagtatrabaho sa mga makina.
May isang kabataang lalaki na nakakuha ng kanyang Ph. D sa USA. Nang siya ay bumalik sa seminaryo kung saan dati siyang nagturo, ipinagbigay-alam niya sa kanila na hindi na siya magtatrabaho nang kasinghirap ng ginawa niya noon, ngayon na mayroon na siyang Ph. D. Plano niya na tamasahin na lamang ang mga karangalang kasama ng kanyang titulong Ph. D. Hindi tama na ganito ang ating kaisipan. Hindi tayo binibigyan ng Diyos ng edukasyon upang maging mas kaunti ang ating trabaho, kundi sa halip ay upang maging mas epektibo ang ating pagtatrabaho.
Maraming tao ang may malaking maling pagkaunawa tungkol sa trabaho. Iniisip nila na ang trabahong pinaghihirapan ay bahagi ng sumpa ng Diyos na iginawad sa tao. Hindi ito totoo. Nang likhain ng Diyos sina Adan at Eba, binigyan Niya sila ng mga tungkulin. Sinabi niya sa kanila,
“Sila'y binasbasan ng Diyos at sa kanila'y sinabi ng Diyos, ‘Kayo'y magkaroon ng mga anak at magpakarami, punuin ninyo ang lupa at supilin ninyo ito. Magkaroon kayo ng pamamahala sa mga isda sa dagat, sa mga ibon sa himpapawid, at sa bawat bagay na may buhay na gumagalaw sa ibabaw ng lupa’” Genesis 1:28).
Ang salitang punuin at pamahalaan ang daigdig ay nagpapahiwatig ng pagkilos, tungkulin at pagtatrabaho. Nang magkasala sina Adan at Eba, nagdusa sila ng sumpa na resulta ng kanilang pagrerebelde. Ang sumpa ay hindi ang trabaho mismo, kundi ang paghihirap at pagkabigo na kalakip na ngayon ng kanilang trabaho. Sa halip na masayang trabaho na ginagawa nila bago sila magkasala, ang kanilang trabaho ngayon ay magiging mabigat na gawain (Genesis 3:17).
Ang isa sa Sampung Utos ay nagsasabi na, “Anim na araw kang gagawa at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain” (Exodo 20:9). Ang utos na ito ay ibinigay upang ipakita na ang Sabbath ay banal. Gayunman, ang isang bahagi ng kautusang ito ang nagbibigay diin kung ano ang lagi nang pinaniniwalaan, itinuturo, at ginagawa ng mga Kristiyano–ang gawain ay marangal. Salungat sa opinyon ng ilan, walang sumpa ang trabaho.
Kung nais mong maging isang matagumpay na tagapagturo, kailangan mong magtrabahong mabuti. Hindi ka magiging epektibong tagapagturo kung walang mabuting paghahanda. Ang ibig sabihin ng paghahanda ay babasahin mo at pag-aaralan ang sinasabi ng iba tungkol sa paksa na ituturo mo. Ibig sabihin din nito na isusulat mo angmga bagay na iyong natutuhan at isaayos iyon sa paraang maipiprisinta mo iyon sa iyong mga mag-aaral. Kapag hindi ka naghandang mabuti, hindi ka makapagtuturo nang mabuti. Ang matagumpay na pagtuturo ay nangangailangan ng pinaghihirapang trabaho.
Kaalaman
Dapat mas maraming alam ang isang mabuting tagapagturo kaysa sa kanyang mga mag-aaral. Maaaring taglayin ng isang tao ang pinakamabuting pamamaraan at ang pinakamabuting personalidad, subali’t kapag hindi niya nalalaman ang paksang pinag-aaralan, hindi siya magiging epektibong tagapagturo. Ang isang mabuting tagapagturo ay dapat mayroong edukasyon o anumang klase nito sa nakalipas na panahon. Ang edukasyong iyon ay maaaring pormal o hindi pormal. Ang karunungan o edukasyon ay maaaring tinanggap sa silid-aralan sa direksiyon ng mga kuwalipikadong mga tagapagturo, o kaya’y pansariling edukasyon na nakamit niya sa pamamagitan ng pagbabasa atmga karanasan sa buhay. Ang bawat isang guro ay dapat mayroong panimulang edukasyon.
Ang mabubuting mga guro ay hindi nasisiyahan na manatiling static sa kanilang edukasyon. Nagpapatuloy sila sa pag-aaral at paglago. Isa sa mga kahanga-hangang bagay tungkol sa pagtuturo ay nagkakaroon ka ng pagkakataon na matutuhan ang mga bagay bago mo iyon ituro sa iyong mga mag-aaral. Sinasabi ng Kawikaan 25:2 “Kaluwalhatian ng Diyos na ang mga bagay ay ilihim, ngunit kaluwalhatian ng mga hari na ang mga bagay ay salikskin.” Ang unang katangian ng isang mabuting guro ay: siya ay isang mabuting mag-aaral.
Paano mo sisiguruhin na ikaw ay magpapatuloy sa pag-aaral?
Magbasa ng mga libro
Dumalo sa mga workshops at mga seminar
Tumalakay ng mga seryosong mga paksa kasama ng mga colleagues
Magsulat
Mas lalo tayong nagtuturo, mas marami tayong natututuhan. Mas marami tayong natututuhan, mas higit nating natutuklasan ang mga bagay na hindi natin alam at mas nagiging mababang loob tayo. Habang natutuklasan natin kung ano ang hindi natin nalalaman, mas lalong dapat tayong maging masigasig na mas marami pang matutuhan. Magpatuloy kayo sa pagtuturo, at kayo ay magpapatuloy na matututo.
Pagbabago
Ang pagbabago ay may kalakip na pagiging malikhain at kakayahang umangkop. Ang mga kalidad na ito ay kapwa kinakailangan para sa isang matagumpay na tagapagturo. Ang isang mabuting tagapagturo ay dapat may pagkamalikhain at kakayahang umangkop. Ang isang mabuting tagapagturo ay may kakayahang harapin ang mga hindi inaasahang pag-abala at may kakayahang magturo sa malikhaing pamamaraan.
Ang pinakakaraniwang paraan ng pagtuturo ay pagbibigay ng lektura. Bagaman ang pamamaraang lektura ay isang napakahalagang pamamaraan, hindi ito dapat gamitin nang walang kasamang ibang paraan. Ang isang Ingles na kawikaan ang nagsabi, “Ang pagkakaiba-iba ay ang spice ng buhay.” Habang pinag-iiba-iba mo ang iyong mga paraan ng pagtuturo, mas maraming mag-aaral ang iyong maaabot.
Ang isa sa mga paraan na ang isang mabuting tagapagturo ay magko-communicate na mabuti ay ang paggamit ng isang kakaibang paraan. Ginagawa niya ang hindi pangkaraniwan sa silid-aralan. Ang isang mabuting guro ay nagdadala ng iba’t-ibang bagay sa silid-aralan tulad ng pamihit-tumilyo at parte ng kompyuter at ginagamit ang mga iyon upang ilarawan ang ilang mga katotohanan. Mas kakaiba ang isang tagapagturo, mas magiging epektibo siya sa pagko-communicate. Ang guro ay hindi dapat mag-atubili na sumubok ng mga bagong pamamaraan sa silid-aralan.
Pagpapatawa
Kaunting pamamaraan lamang ang mas mahalaga sa kamay ng isang tagapagturo nang higit kaysa pagpapatawa. Ang Biblia ay hindi isang nakakatawang aklat, subali’t may mga pahiwatig sa buong kasulatan na nagpapakita na ang mga tauhan sa Biblia ay mga normal na tao na natutuwa sa pagpapatawa o mga nakakatuwang mga sitwasyon. Sa aklat ng mga Gawa may isang kuwento ng pitong anak na lalaki ni Esceva na nagsisikap na magpalayas ng demonyo “sa pangalan ni Jesus na ipinapangaral ni Pablo.” Nang subukin ng mga lalaking ito na palayasin ang mga demonyo sa pangalan ni Jesus, sumagot ang demonyo na ang sabi, “Kilala ko si Jesus, at kilala ko rin si Pablo, subali’t kayo, sino kayo?” (Mga Gawa 19:13-15). Marahil, napapangiti ang taong nagkuwento nito kay Lucas habang ikinukuwento niya ang pangyayari.
Maraming nagagawa ang pagpapatawa para sa isang tagapagturo:
1. Muling ibinabalik ng pagpapatawa ang atensiyon ng mga mag-aaral. Ang konsentrasyon ng mga mag-aaral ay limitado. Pagkatapos ng ilang minuto, kahit ang pinakamahusay na mag-aaral ay natutuksong mag-isip ng ibang bagay pa. Kapag sinimulan ang pagpapatawa, nababalik ang atensiyon ng lahat. Nababalik ang atensiyon ng buongklase.
2. Narerelaks ng pagpapatawa ang kapaligiran ng silid-aralan. Maaaring maging mahirap ang pagtuturo. Ang mga katotohanan, mga numero, mga doktrina, at mga konsepto ay maaaring makalikha ng napakaseryoso at tensiyonadong kapaligiran. Ang isang nakakatuwa o nakakatawang komento ay nakakapagparelaks sa bawat isa.
3. Ang pagpapatawa ay naghahayag ng katotohanan mula sa ibang pananaw. Kapag ang katotohanan ay ipiniprisinta mula sa ibang pananaw, maaari itong maintindihan at mas matagal na maaalala. Ang isang katotohanan na ipiprisinta sa isang nakatutuwang paraan ay makapagbibigay ng pagkakaunawa na hindi makukuha sa iba pang paraan.
4. Pinagagaan ng pagpapatawa ang pagtutuwid. Dapat panatilihin ng isang mabuting tagapagturo ang kaayusan sa kanyang silid-aralan. Ang pagpapanatili ng kaayusan ay nangangailangan ng pagtutuwid sa mga nakagugulo. Ang pagtutuwid ng isang mag-aaral sa marahas na pamamaraan ay makalilikha ng galit, pagkapahiya, o takot sa silid-aralan, kahit maging sa iba na hindi naman itinutuwid. Ang pagtutuwid na may pagpapatawa ay nag-aalis ng sakit at pagkapahiya.
Hindi lahat ng tao ay natural na mapagpatawa. May mga tao na kailangan pagsikapan pa ang paglalagay ng konting pagpapatawa. Gayunman, karamihan sa mga tao ay maaaring matuto kung paano gagamitin ang pagpapatawa sa kanilang pagtuturo.
Pagiging Sensitibo
Isa sa pinakamahalagang tuntunin sa komunikasyon ay ang pagiging sensitibo sa mga tao na iyong kinakausap. Ang mga tao kung kanino ka nakikipagusap ay mga tunay na tao na may tunay na pangangailangan at tunay na inaasahan. Isa sa mga tanda ng isang mabuting tagapagturo ay kung siya ay isang mabuting tagapakinig. Madalas labis tayong nakatuon sa ating sariling mga interes na hindi na natin napapansin ang mga pangangailangan at interes ng mga nasa paligid natin.
Ang mga taga-Corinto ay nag-akala na sila’y may kaalaman, subali’t halos wala silang interes sa kanilang kapwa mananampalataya. Nagbabala sa kanila si Pablo na kapag may kaalaman lamang ay nagiging mapagmataas, subali’t ang pag-ibig ay nakakapagpatatag (1 Corinto 8:1). Ang pag-ibig ang nagbibigay ng kamalayan sa atin sa mga pangangailangan at interes ng ating mga mag-aaral. Dahil sa pag-ibig nagiging mas mabuting tagapakinig tayo.
Ang matalinong tagapagturo ay laging may kamalayan sa nangyayari sa kaniyang silid-aralan. Kapag napapagod ang mga mag-aaral, maaaring kailanganing tumigil ng ilang sandali sa pagtuturo at hayaan ang mga mag-aaral ay tumayo, mag-unat, umawit, o gumawa ng anumang bagay upang marelaks. Kung mayroong abala sa loob o sa labas ng silid-aralan, pinakamabuting gawin ay tumigil at hintaying mawala ang bagay na nakakaabala.
Isa sa pinakamalaking pagkagambala sa alinmang sitwasyon sa silid-aralan ay ang mga mag-aaral na sila mismo ang nag-uusap-usap. Kailanman na may dalawang mag-aaral ang nag-uusap, hindi sila nakikinig sa anumang nangyayari sa silid-aralan, at marahil ay nakagagambala rin sa mga taong malapit sa kanila. Ang isang maliit na pag-uusap ng dalawang mag-aaral ay madaling makagambala sa 20 – 30% ng iyong klase. Kapag nangyari ito, tumitigil ka lang sa pagsasalita. Ang pananahimik sa loob ng apat o limang segundo aykaraniwang makakatawag sa atensiyon ng mga mag-aaral, at sila’y titingin muli sa iyo. Matiyaga ka lang na maghintay hanggang ang lahat ng mag-aaral ay nakatingin na sa iyo, at magpatuloy ka sa leksiyon.
Ganito naman ang ginagawa ng isang tagapagturo sa mga madadaldal na may edad na mag-aaral: Sinasabi niya, “Noong ako ay maliit na bata pa, itinuro sa akin ng aking ina na hindi maganda na ako’y magsasalita kapag mayroon pang ibang nagsasalita. Kaya, maghihintay ako hanggang kayong lahat ay tapos na sa inyong pag-uusap. Kapag tapos na kayo, magpapatuloy na ako.” Pagkatapos, naghihintay siya. Kapag nagpapatuloy ang pag-uusap, kung minsan idinurugtong niya, “Mga ilang buwan mula ngayon, dadalawin ko ang aking ina sa Amerika. Maaari niya akong tanungin, ‘Nagsasalita ka ba habang nagsasalita rin ang iba?’ Ayokong aminin sa kanya na ginagawa ko nga iyon!”
Dapat tayong maging sensitibo sa ating mga mag-aaral. Pagod ba sila? Gutom? May sakit? Naaabala? Naiinip? Naguguluhan sa ating itinuturo? Upang maging epektibong tagapagturo, dapat tayong maging sensitibo sa anumang nakakahadlang sa kakayahan ng ating mga mag-aaral upang matuto.
Pagtitiyaga
Isa sa pinakamahalagang katangian ng isang mabuting tagapagturo ay pagiging matiyaga. Kung minsan ang mga tagapagturo ay nabibigo kapag hindi naiintindihan ng mga mag-aaral ang kanilang itinuturo. Tandaan, ang pagiging ignorante ay hindi isang kasalanan; ito ay simpleng kawalan ng kaalaman. Karaniwan hindi ito resulta ng sinasadyang pasya na iwasan ang pagkatuto. Nalalaman ng isang mabuting tagapagturo na ang pagkatuto ay isang proseso. Nalalaman ng isang mabuting tagapagturo na ang mga mag-aaral ay natututo sa iba’t-ibang paraan at sa iba’t-ibang bilis. Samakatuwid, ang mabubuting mga tagapagturo ay magiging matiyaga sa mga mag-aaral.
Ipinaliliwanag ni Robert Thompson na mayroon man lang apat na uri ng mag-aaral sa bawa’t silid-aralan.[1]
1. Sila ang mga taong natututo sa pamamagitan ng panonood at pakikinig. Mahusay sila sa pagsasaulo ng mga katotohanan. Mahusay sila sa pagtugon sa tradisyunal na istilo ng pagtuturo.
2. Sila ang mga taong natututo sa pamamagitan ng pag-eeksperimento.
3. Mga taong nagiging mas emosyonal at nakikisangkot sa damdamin ng mga tao.
4. Mga taong natututo sa pamamagitan ng pagsasabuhay o paggawa. Gusto ng mga taong ito na subukin ang mga ideya sa tunay na mundo at hindi gaanong interesado sa mga teoriya. Ang mga tradisyunal na anyo ng pagtuturo marahil ang pinakamahinang paraan ng pagtuturo sa mga taong ito.
Makikita natin ang bawat isa sa mga uri ng mag-aaral sa ating silid-aralan, kaya’t dapat tayong gumawa ng mga presentasyon na magsasaalang-alang sa bawat istilo ng pagkatuto. Hindi nagbabago ang nilalaman, subali’t gagamitin natin ang kasangkapan sa iba’t-ibang paraan para sa bawat isang klase ng mag-aaral.
Nagbibigay tayo ng lectures para sa pinakanatututo sa pamamagitan ng pagmamasid at pakikinig.
Gumagawa tayo ng mga proyekto kung saan ang mga mag-aaral ay gagamit ng kanilang mga kamay sa iba’t-ibang bagay para sa mahilig gumawa ng eksperiment.
Nagkakaroon tayo ng mga pagtatalakayan sa klase, upang ng mga emosyonal na mga mag-aaral ay maaaring subukin ang mga ideya at malaman kung ano ang nararamdaman ng ibang tao tungkol sa mga ito.
Nagbibigay tayo ng mga praktikal na mga takdang-aralin, upang ang mga teoriyang tinalakay sa klase ay maaaring subukin sa tunay na buhay.
Sa kasamaang-palad, ang tradisyunal na edukasyon ay pangunahing nakadisenyo para sa unang uri ng mag-aaral. Mahirap lumikha ng isang paaralan na nagbibigay ng konsiderasyon sa lahat ng pagkakaiba-iba sa paraan ng pagkatuto ng ating mga mag-aaral. Gayunman, ang bawat paaralan ay dapat magsikap na harapin ang usaping ito.
Dapat nating pag-aralan ang iba’t-ibang paraan na natututo ang ating mga mag-aaral. Maging matiyaga sa mga taong hindi kasing disiplina mo. Maging matiyaga sa mga taong hindi kasingsipag mo. Maging matiyaga sa mga taong hindi ginagawa ang mga bagay sa paraang gusto mong gawin nila iyon. Maging matiyaga sa mga nakababatang mga tagapagturo na ngayon pa lamang natututo. Maging matiyaga sa mga nakatatandang tagapagturo na nananatili sa kanilang mga pamamaraan.
Guro ng Taon
Si Cliff Schimmels, isang professor sa Wheaton College, ay inanyayahan ng isang opisyal ng paaralan upang suriin ang dalawang tao. Ang una ay iniisip na bigyang gawad bilang “Guro ng Taon” para sa kanilang distrito. Sa kanyang silid-aralan ang tagapagturong ito ay hindi tumitigil. Kapag siya’y nakaupo, lagi siyang namimilipit at yumuyuko. Bigla siyang tatayo at palakad-lakad sa silid-aralan. Tumingin siya sa labas ng bintana; nagsulat siya sa pisara; kumaway sa mga mag-aaral sa labas ng silid-aralan; kung minsan sumisigaw siya habang nagtuturo. Punong-puno siya ng sigla. Dahil sa kanyang di-kapani-paniwalang sigla at pagiging malikhain, siya ay pinag-iisipang gawaran bilang “Guro ng Taon.”
Pagkatapos, dinala ng principal si Cliff sa isa pang silid-aralan upang obserbahan ang isang “Naguguluhang Mag-aaral.” Lumikha ang bata ng problema sa bawat tagapagturo sa paaralan. Walang sinumang nakaaalam kung ano ang gagawin sa kanya. Tumatalon siya sa kanyang upuan at palakad-lakad sa loob ng kuwarto. Tumingin siya sa labas ng bintana; sumulat sa pisara; kumaway sa ibang mag-aaral sa labas ng silid-aralan; kung minsan sumisigaw siya kapag sumasagot sa guro. Punong-puno siya ng sigla. Dahil sa kanyang di-kapani-paniwalang sigla at pagiging malikhain, siya ay itinuring na “naguguluhang mag-aaral.” Tandaan: Ang “Naguguluhang Mag-aaral” ngayon ay maaaring maging “Guro ng Taon” sa kinabukasan.
Balanse
Dapat balansehin ng Kristiyanong tagapagturo ang paghahanda at pagkukusangloob/spontaneity.
Walang kapalit ang paghahanda. Dapat kang maghanda sa pinakamabuting makakaya mo. Gayunman, ang pinakamabuting pagkatuto ay madalas na nagmumula sa mga kusang mga tanong at reaksiyon. Dapat kang maglaan ng oras para sa mga kusang tanong. Dapat mong matutuhan kung kailan ka aalis sa iyong nakahandang leksiyon at kung kailan mo susundin ang iyong plano.
Ang Kristiyanong tagapagturo ay dapat magbalanse sa pagiging eksperto at pagiging mag-aaral.
Gusto mong bigyan ng katiyakan ang iyong mga mag-aaral na alam mo kung ano ang iyong sinasabi. Ginagawa mo ito sa pamamagitan ng paghahanda sa iyong mga klase at pagiging handa sa kanilang mga tanong. Gayunman, gusto mo ring malaman nila na ikaw rin ay isang mag-aaral na kasama nila, at ikaw rin ay maaaring lumago at matuto katulad nila. Hindi kasalanan na sabihing, “Hindi ko alam.” Dapat malaman ng ating mga mag-aaral na tayo man ay natututo at lumalagongkasama nila.
Ang Kristiyanong tagapagturo ay dapat magbalanse ng trabaho at pahinga.
Sa Marcos 6, isinugo ni Jesus nang dala-dalawa ang kanyang mga alagad para sa praktikal na ministeryo:
“Kaya't sila'y humayo at ipinangaral na ang mga tao ay dapat magsisi. Nagpalayas sila ng maraming demonyo, pinahiran ng langis ang maraming maysakit at pinagaling sila” (Marcos 6:12-13).
Pagkatapos, ang mga apostol ay bumalik kay Jesus at iniulat ang lahat ng kanilang ginawa at itinuro (Marcos 6:30).
Abalang panahon ito. Sila'y nagtrabaho ng mabuti. Nag–ubos sila ng maraming pisikal at emosyonal na sigla. Nang bumalik ang mga disipulo, marami sa mga nagbalik-loob ay sumunod sa kanila. Pansinin kung ano ang kasunod na nangyari.
“At sinabi niya sa kanila, ‘Pumunta kayo ng bukod sa isang dakong ilang at magpahinga kayo nang sandali.’ Sapagkat marami ang nagpaparoo't parito at sila'y hindi man lamang nagkaroon ng panahong kumain” (Marcos 6:31).
Nakita ba ninyo ang agad na ginawa ni Jesus pagkatapos ng napakamatagumpay na misyon? Marahil sasabihin ng ibang tao na, “Samantalahin natin ang ating tagumpay. Magsumikap pa tayo sa gawain, dahil darating ang gabi na walang sinumang maaaring magtrabaho.” Gayunman, hindi ito ang ginawa ni Jesus. Sinabi ni Jesus “Magtungo tayo…at magpahinga nang kaunti.” Nalalaman ng isang mabuting tagapagturong Kristiyano kung kailan siya magtatrabaho, at kung kailan siya magpapahinga. Matuto kayong maging balanse.
Ang Kristiyanong tagapagturo ay dapat balansehin ang teoriya at ang pagsasabuhay.
Ang lahat ng pagsasabuhay ay dapat nakabatay sa mabuting teoriya; mahalaga ang teoriya. Gayunman, ang teoriyang walang praktikal na pagsasabuhay ay hindi gaanong mahalaga; mahalaga ang pagsasabuhay. Ang mabuting tagapagturo ay dapat mag-akay sa kanyang mga mag-aaral sa pag-unawa at pagpapahalaga sa balanse sa pagitan ng teoriya at pagsasabuhay.
[1]Robert Thompson, The Art and Practice of Teaching (Jos, Nigeria: Africa Christian Textbooks, 2000), 23-25
Si Jesus, ang Punong Guro
Si Jesus ay isang natatanging tagapagturo. Maraming matututuhan ang isang Kristiyanong tagapagturo sa pag-aaral ng paraan ng pagtuturo ni Jesus. Ipinapakita ni Jesus ang mga katangiang inilarawan sa itaas. Partikular tayong magtutuon ng pansin sa ilan sa mga pamamaraan sa pagtuturong ginamit ni Jesus.
Nagbigay si Jesus ng mga Lektura
Ang lektura ay isahang paghahayag tungkol sa isang paksa o tema. Ito ay nakadisenyo upang magbigay ng pinakamaraming impormasyon na maaari sa pinakamaikling panahon. Ang Sermon sa Bundok ay isang mabuting halimbawa ng isang lektura (Mateo 5-7). Itinuturo nito ang tungkol sa mga katangian ng kaharian sa langit. Ang Pangangaral sa Bundok ng Olibo ay isa pang halimbawa ng lektura (Mateo 24-25).
Marahil, ang pamamaraang lektura ang pinakakaraniwang paraan ng pagtuturo. Inaasahan nito na mas maraming nalalaman ang tagapagturo kaysa sa mag-aaral. Ang tagapagturo ang nagbibigay ng materyal, at ang mag-aaral ang tatanggap sa materyal.
Gumamit si Jesus ng Mga Tanong
Maraming itinanong kay Jesus:
Nang makita nila ang lalaking ipinanganak na bulag, nagtanong ang mga alagad, “Rabi, sino ang nagkasala, ang taong ito, o ang kanyang mga magulang, kaya siya'y ipinanganak na bulag?” (Juan 9:2)
May mga nagtanong kay Jesus upang siya’y hulihin sa bitag.”Lumapit sa kanya ang mga Fariseo at upang siya’y masubok ay kanilang itinanong, ‘Sang-ayon ba sa batas na hiwalayan ng isang tao ang kanyang asawa sa anumang kadahilanan?” (Mateo 19:3)
Isang dalubhasa sa batas ang nagtanong kay Jesus, “Guro, alin ba ang dakilang utos sa kautusan?” (Mateo 22:36).
Maraming beses, nagtatanong si Jesus:
Nang panahon na upang turuan ang kanyang mga disipulo tungkol sa kanyang misyon ng pagliligtas, nagsimula si Jesus sa isang tanong: “Ano ba ang sinasabi ng mga tao kung sino ang Anak ng Tao?” (Mateo 16:13)
Nang sinusubok ng mga Fariseo na siluin si Jesus gamit ang mga tanong, tinanong niya sila ng mahirap na tanong: “Ano ang palagay ninyo tungkol sa Cristo? Kaninong anak siya?” Sinabi nila sa kanya, “Kay David”. (Mateo 22:42)
May mga pagkakataon, sinasagot ni Jesus ang isang tanong ng isa ring tanong.
At lumapit ang mga Fariseo sa kanya at upang subukin siya ay nagtanong, “Ipinahihintulot ba sa lalaki na makipaghiwalay sa kanyang asawa?” At sumagot siya sa kanila, “Ano ba ang iniutos sa inyo ni Moises?” (Marcos 10:2-3)
Pagkatapos ay lumapit sa kaya ang mga alagad ni Juan na nagsasabi, “Bakit kami at ang mga Fariseo ay nag-aayuno ngunit ang mga alagad mo ay hindi nag-aayuno?” At sinabi sa kanila ni Jesus, “Maaari bang magluksa ang mga panauhin sa kasalan samantalang kasama pa nila ang lalaking ikakasal? Ngunit darating ang mga araw na ang lalaking ikakasal ay kukunin sa kanila, at saka sila mag-aayuno (Mateo 9:14-15)
May isang dalubhasa sa kautusan ang tumindig upang si Jesus ay subukin na nagsasabi, “Guro, anong dapat kong gawin upang magmana ng buhay na walang hanggan?” Sinabi niya sa kanya, “Ano ba ang nakasulat sa kautusan? Ano ang nabasa mo?” (Lucas 10:25-26)
Narito ang ilang praktikal na mungkahi sa paggamit ng mga tanong at mga sagot.
Gumawa ng mga tanong sa iyong mga lektura.
Magplano ng mga pagkakataon kung saan papayagan ang iyong mga mag-aaral na magtanong kahit walang kaugnayan sa tiyak na lektura. May mga tagapagturo na sinisimulan ang araw sa pagpapahintulot sa mga mag-aaral na magtanong ng isang tanong sa anumang paksa.
Simulan ang iyong klase sa pagtatanong ng isa o dalawang tanong. Pag-aralan ang mga ito at hayaang sagutin ng mga mag-aaral ang mga tanong pagkatapos ng klase.
Magbigay ng mga tanong sa mga mag-aaral bilang bahagi ng kanilang takdang-araling gawaing bahay. Isang paraan upang magawa ito ay hayaan ang mga mag-aaral na mag-aral gamit ang isang gabay sa pag-aaral. Ang gabay sa pag-aaral (study guide) ay isang listahan ng mga tanong sa isang bahagi ng kasulatan na hinihikayat ang mag-aaral upang pag-aralan ang Biblia at isipin ang kahulugan nito.
Hati-hatiin ang klase sa maliliit na grupo at hayaan silang talakayin ang ilang mga tanong.
Tapusin ang klase sa pagbibilin sa iyong mga mag-aaral na pag-isipan ang isa sa mga tanong na ito hanggang sa susunod na araw ng klase.
Itala ang lahat ng bagong mga tanong. Isulat ang mga iyon at itago sa isang file.
Magkaroon ng paligsahan sa “mga tanong”. Hayaan ang mga mag-aaral ang magpasya kung alin ang pinakamabuting tanong.
Iwasan ang direktang pagsagot sa mga tanong. Tulad ni Jesus, tumugon sa mga tanong sa pamamagitan ng pagtatanong rin. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagtuklas ng sagot.
Magpasulat ng mga tanong sa mga mag-aaral para sa pagsusulit. Pumili ng isang tanong sa pagsusulit mula sa bawat mag-aaral.
Ipasulat sa mga mag-aaral ang pinakamahalagang tanong nila tungkol sa aralin. Sa susunod na klase, ipagamit ang Biblia upang hanapin ang sagot sa kanilang mga tanong.
Gumamit si Jesus ng mga Talakayan
Ang talakayan ay kapag may dalawa o higit pang mga tao ang nagsasalita. Sa isang mabuting talakayan, mayroong pakikipag-ugnayan ang guro sa mag-aaral at mag-aaral sa mag-aaral. Sa isang talakayan, kinukuha ng tagapagturo ang mga tugon at kasagutan mula sa mga mag-aaral.
Gumamit si Jesus ng talakayan upang ituro sa kanyang mga alagad kung sino siya.
Nang dumating si Jesus sa nasasakupan ng Cesarea Filipos, tinanong niya ang kanyang mga alagad, na sinasabi, ‘‘Ano ba ang sinasabi ng mga tao kung sino ang Anak ng Tao?’’
At sinabi nila, “Ang sabi ng iba ay si Juan na Tagapagbautismo, ang iba ay si Elias; at ang iba ay si Jeremias, o isa sa mga propeta.” Sinabi niya sa kanila, “Ngunit ano ang sinasabi ninyo kung sino ako?” Sumagot si Simon Pedro at sinabi, “Ikaw ang Cristo, ang Anak ng Diyos na buháy.”
Sumagot si Jesus at sinabi sa kanya, “Mapalad ka, Simon na anak ni Jonas! Sapagkat hindi laman at dugo ang nagpahayag nito sa iyo kundi ang aking Ama na nasa langit. At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magwawagi laban sa kanya. Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit, at anumang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit; at anumang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.”
Pagkatapos ay mahigpit niyang ipinagbilin sa mga alagad na huwag sasabihin kaninuman na siya ang Cristo. (Mateo 16:13-20)
Sa ibang pagkakataon nagsimula si Jesus ng talakayan sa kanyang mga disipulo upang ihanda sila sa isang mahalagang aralin na nais niyang ituro sa kanila.
► Basahin ang Mateo 16:5-12. Talakayin ang mga tanong na ito:
Ano ang sinabi ni Jesus upang simulan ang pag-uusap-usap sa mga disipulo niya?
Ano ang unang inisip ng mga disipulo na itiuturo ni Jesus?
Anong aral ang itinuro ni Jesus sa kanila sa pag-uusap na ito?
May dalawang paraan kung paano makapagsisimula ng talakayan ang tagapagturo:
1. Ang lahat ng mag-aaral ay maaaring lumahok sa talakayan. Ang ideal, ito ay higit pa sa tanong at sagot lamang na sesyon at may interaksiyon sa pagitan ng guro at ng mag-aaral. Sana, ang mga mag-aaral ay magkaroon ng pagkakataon na direktang sagutin ang kapwa mag-aaral.
2. Maaaring paghati-hatiin ng tagapagturo ang klase sa maliliit na grupo kung saan ang mga mag-aaral ay mapipilitang makipag-usap sa isa’t-isa.
Gumamit si Jesus ng Pagdedebate
Ang debate ay kapag mayroon kang dalawang opinyon na ipinapahayag. Ang isang tao o grupo ay sumusuporta sa isang pananaw, at ang ibang tao o grupo ay sumusuporta naman sa kabilang pananaw. Si Jesus ay nakilahok sa ilang debate sa pagitan niya at ng iba pa. Walang malinaw na halimbawa ng debate na sinimulan ni Jesus sa pagitan ng kanyang mga disipulo, bagaman mayroong ilang pahiwatig dito. Sa isang pagkakataon, ang mga disipulo ay nagtatalo-talo kung sino ang magiging pinakadakila sa kaharian ng Diyos. Ang pagtatalakayan tungkol sa kung sino si Jesus ay maaari ring sabihing isang debate.
Ang mga debate ay maaaring maging napakaepektibong pamamaraan ng pagtuturo. Kapagdumarating ang tagapagturo sa isang paksa na kontrobersiyal, maaari niyang iprisinta ang magkabilang panig at pagkatapos ay bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral nasuportahan ang isa sa mga posisyon. Kadalasan, ang 30 segundo ay sapat na oras upang maihayag ang kanilang punto. Pagkatapos ng 30 segundo, magbibigay naman ang tagapagturo ng 30 segundo sa isang mag-aaral na nasa kabilang panig ng paksa. Maaaring magpatuloy ang klase sa salitan na pagpapahayag ng kanilang panig hanggang ang dalawang panig ng paksa ay sapat nang naiprisinta.
Kapag itinuturo ng isang tagapagturo ang Awit ni Solomon, maaari niyang sabihin sa mga mag-aaral na pag-isipan, “Ano ang pinakamabuting paraan upang bigyang kahulugan ang aklat na ito ng Biblia? Ito ba ay isang alegorya[1] tungkol sa pag-ibig ni Cristo para sa iglesya, o ito ba ay tula tungkol sa pag-ibig ng tao?” Maaari siyang magbigay ng lektura na nagpiprisinta ng mga argumento sa magkabilang panig o maaari niyang hayaan na magdebate ang mga mag-aaral.” Sa susunod na klase, magdedebate kayo tungkol sa Awit ni Solomon. Ang kalahati sa inyo ay mangangatwiran na ito ay isang alegorya at ang kalahati naman ay mangangatwiran na ito ay isang tula tungkol sa pag-ibig ng tao. Maghahanda kayo para sa dalawang panig ng debate. Kapag kayo’y dumating sa klase, kayo ay itatakdasa isang team/koponan.”
Natuklasan ng mga tagapagturo na higit na mas maraming natutuhan ang mga mag-aaral tungkol sa Awit ni Solomon sa kanilang paghahanda para sa debateng ito kaysa saa isanglektura. Dahil dapat silang maging handa para sa debate tungkol sa paksa, mas nag-iingat sila sa paghahanda kaysa kung makikinig lamang sila sa isang lektura. Pagkatapos ng isang debate, hindi na kailangan ng tagapagturo na magbigay ng marami pang dagdag na lektura, natalakay na ng mga mag-aaral ang halos lahat ng mahahalagang puntos.
Nagkuwento si Jesus
Si Jesus ay isang punong tagapagkuwento. Marami siyang iba’t-ibang kuwento.
Ikinuwento ni Jesus ang tungkol sa isang magsasaka na nagtanim ng mga binhi sa iba’t-ibang klase ng lupa upang ilarawan ang iba’t-ibang paraan ng pagtugon ng mga tao sa ebanghelyo (Mateo 13:1-23).
Ikinuwento ni Jesus ang tungkol sa isang Samaritano upang ilarawan kung ano ang ibig sabihin ng pag-ibig sa iyong kapwa (Lucas 10:25-37).
Ikinuwento ni Jesus ang tungkol sa isang naglayas na anak upang ilarawan ang kaligayahan sa langit dahil sa isang makasalanang nagsisisi (Lucas 15:11-32).
Gumamit si Jesus ng mga Pakay-Aralin/Object lessons
Isang araw, ang mga disipulo ni Jesus ay nagsimulang magtalo-talo kung sino ang magkakaroon ng pinakamabuting posisyon sa kaharian ng Diyos. Maaari sanang magsermon si Jesus tungkol sa kababaang-loob. Sa halip --
‘‘Subalit dahil batid ni Jesus ang iniisip ng kanilang puso, kumuha siya ng isang maliit na bata at inilagay sa kanyang tabi. At sinabi sa kanila, “Sinumang tumanggap sa maliit na batang ito sa aking pangalan ay tinatanggap ako, at ang sinumang tumanggap sa akin, ay tinatanggap ang nagsugo sa akin, sapagkat ang pinakahamak sa inyong lahat ay siyang dakila’’ (Lucas 9:47-48)
Ang mga taong nakakita sa pangyayaring ito ay hindi malilimutan si Jesus na nakaupo katabi ang isang maliit na bata at sinasabing, “Ito ang klase ng taong dapat ninyong tularan upang maging dakila sa aking kaharian.”
Gumamit si Jesus ng mga Kawikaan
Ang isang kawikaan ay isang maikling pangungusap na nagtuturo ng karunungan. Kung minsan gumagamit si Jesusng mga pangungusap mula sa Lumang Tipan at ginagamit ang mga ito bilangkawikaan. Marahil ang pinakamalinaw na halimbawa nito ay ang bahagi ng kasulatan na tinatawag nating “Ang Mga Pinagpala” Ito ay nakabatay sa modelo ng Mga Kawikaan sa Lumang Tipan.
“Mapapalad ang mga dukha sa espiritu, sapagkat kanila ang kaharian ng langit.
“Mapapalad ang mga nahahapis, sapagkat sila ay aaliwin.
‘‘Mapapalad ang mga mapagpakumbaba, sapagkat mamanahin nila ang lupa.
“Mapapalad ang mga nagugutom at nauuhaw sa katuwiran, sapagkat sila ay bubusugin’’ (Mateo 5:3-6).
Gumamit si Jesus ng Drama
Ang drama ay ang paggamit ng pisikal na pagkilos upang magkomunikasyon ng isang mensahe. Sa isang pangyayari, may isang nagdala na lalaking bingi kay Jesus. Gumamit si Jesus ng drama upang makipag-ugnayan sa taong ito.
“At siya’y inilayo niya ng bukod mula sa maraming tao at isinuot ang kanyang mga daliri sa kanyang mga tainga. Siya’y dumura at hinipo ang kanyang dila. Pagtingala niya sa langit, siya’y nagbuntong-hininga, at sinabi sa kanya, “Effata, ” na nangangahulugang “Mabuksan.” Agad nabuksan ang kanyang mga tainga, nakalag ang tali ng kanyang dila, at siya’y nakapagsalita nang malinaw.” (Marcos 7:33-35)
Dinala ng mga Pariseo kay Jesus ang isang babaeng nahuling nangangalunya at tinanong si Jesus kung ano ang kanyang gagawin. Yumuko si Jesus at sumulat sa lupa gamit ang kanyang daliri. Hindi natin alam kung ano ang kanyang isinulat, subali’t ang mga nag-aakusa sa babae ay isa-isang nagsialis (Juan 8:1-11). Ang pagtalungko at pagsulat sa lupa ay isang dramatikong paraan ng paglalahad ng isang punto.
Gumamit si Jesus ng mga Pagbubuod
Isa sa mga marka ng isang mabuting tagapagturo ay ang kanyang kakayahang magbigay ng buod sa mga komplikadong mga katotohanan sa mga simpleng mga pamamaraan. Si Jesus ay isang dalubhasa sa pagbubuod ng mga katotohanan. Halimbawa, ang Beatitudes ay nagbibigay ng buod ng pinakamahahalagang prinsipyo ng kaharian ng Diyos sa napakasimpleng paraan.
Marami sa mga pangungusap ni Jesus ay buod ng mas malalaking doktrina. Nang tanungin ng isang tao kung ano ang dapat niyang gawin upang makatanggap ng buhay na walang hanggan, naibuod ni Jesus ang Batas sa dalawang utos: Mahalin mo ang Diyos at mahalin ang iyong kapwa (Lucas 10:25-28).
Ang pamamaraang pabuod ay isang mabuting pamamaraan para sa pagtuturo. Mayroong dalawang paggamit.
1. Ang mabubuting tagapagturo ay nagbibigay ng buod ng kanilang mga itinuturo sa ilang pangungusap lamang. Ito ang pinakakaraniwang pamamaraan ng paggamit ng pamamaraang pabuod.
2. Ang mabubuting tagapagturo ay nag-uutos sa kanilang mga mag-aaral na bigyang-buod ang kanilang pagtuturo. Ang pagbibigay-buod ng isang mag-aaral ay naghahayag kung gaano kabuti niya nauunawaan ang leksiyon.
Kung minsan hinihiling ng tagapagturo ang kanyang mga mag-aaral na magbigay-buod ng kuwento o katotohanan sa 25 salita o mas kaunti pa sa roon. Kapag nagsimula silang mag-usap, nagsisimula siya sa pagbilang ng mga salita. Nangnapagtanto nila na tunay ngang nagbibilang siya ng mga salita, karaniwan silang tumitigil at nagiging mas maingat sa kanilang mga salita. Ito ay isang dakilang pamamaraan na pumipilit sa mga mag-aaral upang mag-isip at hindi lamang ang ulitin ang isang isinaulong sagot.
Nagturo si Jesus sa Pamamagitan ng mga Halimbawa
Gaano man kagaling ang iyong pagtuturo, kung hindi mo ipinamumuhay ang iyong itinuturo, hindi ka epektibong tagapagturo. Ipinamuhay ni Jesus ang kanyang itinuro.
“Sapagkat ukol dito kayo'y tinawag, sapagkat si Cristo man ay nagdusa alang-alang sa inyo, na kayo'y iniwanan ng halimbawa, upang sumunod kayo sa kanyang mga yapak. “Siya'y hindi nagkasala, at walang natagpuang pandaraya sa kanyang bibig.” (1 Pedro 2:21-22).
Sinasabi ng isang lumang kawikaan,
Nagtuturo tayo sa ilan sa pamamagitan ng ating sinasabi.
Nagtuturo tayo sa mas marami sa pamamagitan ng ating ginagawa.
Pinakamarami tayong natuturuan sa pamamagitan ng ating katauhan.
Ito ay isang mahalagang katotohanan. Napakarami na sa mundo ang mapagpaimbabaw—nagtuturo ng isang bagay at ginagawa ang kasalungat nito. Ang isang taong hindi isinasabuhay ang kanyang itinuturo ay hindi tunay na epektibong tagapagturo.
Ang ating mga ikinikilos ay nagtuturo kapwa ng positibo at negatibo. Tingnan ang epekto ng negatibong pagtuturo:
Nagsabi si Abraham ng kalahating-katotohanan, “Kapatid ko si Sarah.” Ito ay kalahating totoo.
Si Isaac na anak ni Abraham ay nagsabi, “Kapatid ko si Rebecca.” Ito ay lubos na kasinungalingan.
Si Jacob na anak ni Isaac ay nagsabi ng maraming kasinungalingan.
Ibinenta ng mga anak ni Jacob si Jose upang maging alipin at pagkatapos ay nagsinungaling sa kanilang ama tungkol dito.
Ang bawat henerasyon ay natuto mula sa naunang henerasyon. Pinakamarami tayong itinuturo sa kung ano tayo.
Hindi ka maaaring maging halimbawa nang hindi nag-uukol ng panahon kasama ng mga tao. Pag-aralan ninyo na lumikha ng mga relasyon ng pagtuturo. Dapat tulungan ng mga nakatatandang tagapagturo ang mga nakababatang tagapagturo. Kapag ang matandang tagapagturo ay hindi magkukusa, dapat silang hanapin ng mga nakababatang mga tagapagturo. Laging mayroong isang mas nakababata sa iyo na maaari mong tulungan upang matuto. Ang isang Kristiyanong tagapagturo ay dapat maging isang mabuting modelo.
Ipinahayag ni Jesus ang Kanyang Plano sa Hinaharap
Ang pinakamahalagang bagay na naipabatid ni Jesus ay hindi lamang impormasyon kundi pangitain. Nagawang tipunin ni Jesus ang 12 ordinaryong mga tao at nabigyan sila ng pangitaing nakakabago-sa-mundo sa loob lamang ng tatlong taon.
Maraming natutuhan ang mga disipulo mula kay Jesus, subali’t ang pinakamahalagang bagay na kanyang itinuro ay ang kanyang pangitain para sa mundo. Nakuha ng mga tagasunod ni Jesus ang pangitain ng paghayo sa lahat ng mundo at gawing tagasunod ang lahat ng tao. Ang paglaganap ng unang iglesya ay nagpapakita kung gaano katagumpay naipabatid ni Jesus ang kanyang pangitain.
Marahil ang pinakamahalagang bagay na maipapabatid ng isang tagapanguna ay ang kanyang pangitain. Dapat niyang maipaalam sa kanyang mga tagasunod kung saan sila patungo at kung ano ang dapat nilang ginagawa.
[1]Isang kuwento kung saan ang mga detalye ay sumasagisag sa ibang bagay.
Mga Bagay na Dapat Iwasan Bilang Tagapagturo
May mga bagay na maaaring makaabala sa iyong pagtuturo o makakahadlang sa epekto ng iyong pagtuturo. Sikapingiwasan ang mga gawaing ito.
(1) Paggambala sa mga mag-aaral dahil sa iyong Mga Ugali sa Pagsasalita
Huwag hayaan ang inyong masasamang ugali sa pagsasalita na makagambala sa mga mag-aaral sa kanilang pagkatuto. Ang mga tagapagsalita ay karaniwang nagkakaroon ng pangit o maling ugali na nakikita ng lahat bukod sa kanyang sarili. May isangtagapangaral na gumagamit ng salitang “kahanga-hanga” isang beses tuwing ikalawang pangungusap niya. Kung minsan ang isang lecturer ay nagsasabi ng “uh” sa halos lahat ng kanyang pangungusap. Ang mga ganitong kaugalian ay nakakagambala sa mga mag-aaral para matuto. Hilingan mo ang iyong asawa o ibang tao na magiging matapat sa iyo na tukuyin ang mga nakakairitang mga kaugalian ninyo na nakakahadlang sa iyong komunikasyon.
(2) Huwag mong ipapahiya ang iyong mga mag-aaral
Kapag hindi nakasagot nang tama ang isang mag-aaral, huwag mong sabihin, “Maling mali iyan!” Humanap ka ng anumang positibo sa kanyang sagot, kung iyon ay posible. Maaari mong sabihin, “Mabuting simula iyan, subalit sa palagay ko mayroon pang ibang maidaragdag diyan.”
Bihira nating malaman kung bakit dumarating na hindi handa o nahuhuli sa klase ang ating mga mag-aaral. Kung ipapahiya natin sila at pagkatapos ay matutuklasan natin na mayroon pala silang lehitimong dahilan para sa kanilang pagkukulang na tumupad, masasaktan ang ating kredibilidad bilang isang tagapagturo. Huwag ninyong ipapahiya ang inyong mga mag-aaral.
(3) Pagtanggi na Aminin ang Hindi Ninyo Nalalaman
Huwag kayong matatakot na aminin na hindi ninyo alam ang isangbagay. Karamihan sa mga tao ay nahihirapang aminin kapag hindi nila alam ang isang bagay. Walang dapat ikahiya kapag hindi mo alam. Nagbibigay noon ng lecture ang isang propesor. May nagtanong sa propesor at sinagot siya at sinabing, “Hindi ko alam ang sagot.” Pagkatapos isang mag-aaral niya ang nagtanong, “Bakit mo sinabing hindi mo alam ang sagot sa tanong na iyon?” Sinabi ng propesor sa kanya na “Dahil hindi ko alam ang sagot!”
Habang dumarami ang iyong natututuhan, mas lalo mong nalalaman kung gaano karami ang hindi mo alam at mas magagawa mong aminin ang iyong kawalang-kaalaman. Bilang pangkalahatang tuntunin, igagalang ka ng iyong mga mag-aaral kapag tapat ka sa pag-amin na hindi mo alam ang isang bagay.
Konklusyon
Ang pagtuturo ay isang mahalagang aspeto ng ministeryo at pangugunang Kristiyano. Sinabi ni Jesus sa kanyang mga disipulo na humayo sa mundo at gumawa ng mga disipulo. Paano nila tutuparin ang misyong ito?
“Kaya't sa paghayo ninyo, gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo, at turuan silang sundin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo. At narito, ako'y kasama ninyong palagi, hanggang sa katapusan ng panahon” (Mateo 28:19-20).
Bilang isang tagapagturo, mayroon kang mahalagang tungkulin sa pagtupad sa Dakilang Tagubilin ni Jesus. Tumutulong ka sa paggawa ng mga disipulo. Anong laking pribilehiyo ang magturo!
Mga Takdang Aralin sa Aralin 7
(1) Sa simula ng susunod na aralin, kukuha ka ng pagsusulit batay sa araling ito. Maingat na pag-aralan ang mga tanong sa pagsusulit bilang paghahanda.
(2) Maghanda ng isang aralin mula sa Biblia para ituro sa ibang miyembro ng klase. Tandaan, ito ay isang aralin sa Biblia, hindi isang sermon. Gumamit ng iba’t-ibang paraan ng pagtuturo para sa aralin.
Mga Tanong sa Pagsusulit sa Aralin 7
(1) Ano ang pagtuturo?
(2) Ano ang dalawang pinakamahalagang tungkulin ng isang tagapagturo?
(3) Maglista ng tatlo sa pitong katangian ng isang mabuting tagapagturo.
(4) Banggitin ang apat na paraan na nakakatulong ang pagpapatawa sa pagtuturo.
(5) Maglista ng tatlo sa apat na pares ng mga bagay na dapat balansehin ng mga tagapagturong Kristiyano.
(6) Ilista ang tatlo sa sampung pamamaraan ng pagtuturo ni Jesus na binanggit sa araling ito.
(7) Bakit hinihingi ng mabuting tagapagturo sa kanyang mag-aaral na ibuod ang kanilang pagtuturo?
(8) Maglista ng tatlong gawain na dapat mong iwasan bilang isang tagapagturo.
SGC exists to equip rising Christian leaders around the world by providing free, high-quality theological resources. We gladly grant permission for you to print and distribute our courses under these simple guidelines:
No Changes – Course content must not be altered in any way.
No Profit Sales – Printed copies may not be sold for profit.
Free Use for Ministry – Churches, schools, and other training ministries may freely print and distribute copies—even if they charge tuition.
No Unauthorized Translations – Please contact us before translating any course into another language.
All materials remain the copyrighted property of Shepherds Global Classroom. We simply ask that you honor the integrity of the content and mission.