Tatlong Paraan sa Paggamit ng Kabanatang Ito
- 
	
Gagamitin ng isang tagapagsanay ang mga metodolohiya sa kabanatang ito upang mapaunlad ang mga lokal na guro. Kung wala pang may kakayahang magturo sa isang lokal na simbahan, ang tagapagsanay ay hindi maaring magpasimula ng isang lokal na programa. Ngunit sa kabanatang ito, malalaman ng tagapagsanay kung paano tulungang magsimula ang mga lokal na guro.
 - 
	
Tuturuan ng tagapagsanay ang mga lokal na guro sa paggamit ng metodolohiyang ito para sa kanilang mga mag-aaral. Kung ang lokal na guro ng pasisimulang bagong gawain ay may kakayahan ng magturo, hindi na kailangan pa ng tagapagsanay na gamitin ang mga gawain sa kabanatang ito. Ang tagapagsanay ang magtuturo ng mga pamamaraan sa mga lokal na guro upang magamit nila ang mga nasabing pagsasanay sa kanilang mga mag-aaral.
 - 
	
Ang lokal na guro ang magsasanay sa mga mag-aaral. Dapat na paunlarin ng guro ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagmi-ministeryo. Ang mga pamamaraan na ipinapakita sa kabanatang ito ay mabisang tulong sa mga mag-aaral na magawang makapagsalita sa harapan ng grupo.