PAGSASAAYOS ng Estilo ng Klase
Sa pagpapasimula ng pagsasanay, mayroong pananabik at ekspektasyon. Madalas na hindi alam ng estudyante kung ano ang mangyayari, ngunit inaasahan nilang matulungan ng grupo.
Ang unang pagkikita ng klase ay maaaring maging iba sa mga susunod na pagkikita sapagkat kinakailangan na magbigay ng pambungad at ilatag ang ilang pagpapaliwanag tungkol sa klase. Gayunpaman, ang unang pagkikita ang siyang maglalatag ng estilo ng mga susunod na pagkikita. Halimbawa, kapag may isang mag-aaral na tahimik sa unang pagkikita, maaring maging tahimik siya sa mga susunod pang pagtatagpo. Kapag ang talakayan ay pinangingibabawan lamang ng isang tao, maaring ganoon pa rin ang mangyari sa susunod na pagtatagpo. Kapag kakaunti ang partisipasyon sa klase, aasahan na gayon din ang mangyayari sa mga susunod pang klase.
Maaaring may ibang mga estudyante na huminto at umalis sa pagsasanay gawa ng kanilang di inaasahang nakita sa mga nagdaang klase. Totoo na ang klase ay hindi natin madidisenyo sa paraang magbibigay kasiyahan sa lahat, subalit kailangan natin itong isaayos sa paraang magugustuhan ng mga estudyanteng nais matuto. Dapat na pangunahang mabuti ang klase upang hindi madismaya ang mga estudyanteng may mabuting inaasahan.
            