Dapat maagang ayusin ng guro ang silid-aralan. Ang upuan ng mga mag-aaral ay dapat na nakaayos sa paraang nakikita nila ang isa’t-isa. Magandang tiyakin na ang silid-aralan ay malayo sa ingay at iba pang makakadisturbo sa klase. Bukod dito, marapat ding tiyakin na komportable ang mga upuan, ang temperatura, at ang ilaw. Maaari ring gawin sa isang tahimik na lugar ang pag-aaral.
Ang silid-aralan ay dapat na may malaking pisara na malayang makapagsusulat at makaguhit.
Kailangang ipakilala ng mga guro ang kanilang mga sarili. Maaari silang magbahagi ng tungkol sa kanilang pamilya, nakaraan o kasalukuyang ministeryo, mga karanasan, at mga dati nilang pinagturuan na mga institusyon o paaralan. Iwasan ang pagbanggit ng mga nakamtang parangal para lamang ipaalam ang mataas na katungkulan. Dapat tandaan na ang layunin ng pagbabahagi ng mga impormasyong ito ay upang makabuo ng relasyon sa mga mag-aaral.
Ang mga mag-aaral ay dapat ring magpakilala ng kanilang mga sarili. Ang guro ay maaaring magtanong ng isa o dalawang tanong sa bawat mag-aaral upang magkaroon ng koneksyon sa kanila.
Pagkatapos ng mga pagpapakilala, maaaring maglaan ng oras sa panalangin. Manalangin sa Diyos na gamitin ang inyong klase na matugunan ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral. Dapat na magpakita ng pagtitiwala sa Diyos ang guro upang maging kapaki-pakinabang at magbunga ng pagbabago ang kanyang pagtuturo. Ang mga susunod na klase ay dapat na magsimula sa panalangin at maaari ring magbahagi ng kani-kaniyang panalangin ang bawat isa.
Sabihin ng guro kung anong materyales ang dapat na dalhin, gaya ng Biblia, kopya ng mga kurso, at iba pa. Para sa kapakinabangan ng mga mag-aaral, makabubuting isulat nila ang mga mahahalagang bagay na kanilang natututuhan. (Lahat ng materyales sa pagsusulit ay nasa teksto ng kurso.)
Pagkatapos ng mga pagpapakilala, ang lagay ng klase sa unang araw ay dapat na maging batayan ng magiging klase sa hinaharap. Mahalaga ito upang malaman ng mga mag-aaral kung ano ang kanilang gagawin sa susunod.
Disenyo ng Aralin
Ang kurso ng SGC ay hindi lamang aklat, kundi dinisenyo para sa pagtuturo. Ang bawat aralin ay may panuto sa unahang pahina upang sundin ng mga guro. Ang mga kurso ay magkakahawig, ngunit ang disenyo ay hindi.
Ang kurso ay nagsisimula sa mga layunin ng aralin. Ang mga ito ay hindi na kinakailangan pang basahin ng guro sa mga mag-aaral.
Madami sa mga aralin ay nagsisimula sa isang tanong, kwento, o kaya’y ilang pamamaraan para makuha ang interes ng mga mag-aaral at madamang mahalaga ang paksa.
Maaaring isa-isahin ng guro ang bawat pahina ng mga aralin habang pinapaliwanag sa mga mag-aaral ang mga nakasaad rito. Dapat na maghandang maaga ang mga guro upang matiyak na nauunawaan nila ang mga aralin. Maaaring bigyang pansin ng guro ang mga kapansin-pansin o mga susing mga salita upang matulungan silang maipaliwanag ng malinaw sa klase ang mga aralin.
Mayroong makikitang mga pantalakay na tanong sa ilang bahagi ng teksto. Minsan, may tanong na nagpapakilala ng isang paksa. May pagkakataon ring ang sagot sa tanong ay ang tungkol sa natapos na aralin. Ang mga tanong ay hindi lamang sinasagot ng “Oo” o “Hindi.” Ito ay dapat na ipaliwanag ng mga mag-aaral. Hindi kailangan na ang talakayan ay magtapos sa isang partikular na konklusyon, lalo’t kung ang tanong ay maaaring maging pambungad sa susunod na materyal.
Kung mapansin ng guro na siya na lamang ang nagsasalita sa loob ng ilang minuto, maaari siyang magtanong sa mga mag-aaral. Maaari ring magbigay ng karagdagang katanungan ang guro para sa mahabang talakayin.
Minsan, isang hamon ang pagpapanatili ng talakayang maayos. Ngunit hindi matututo ang mga mag-aaral kung walang talakayan. Kailangan nila ng oras ng pag-iisip at pakikinig sa kuro-kuro ng iba upang malaman nila kung paano maisabuhay sa kanilang kultura at sitwasyon sa simbahan ang kanilang pinag-aaralan.
Madalas na ang aralin ay nagtatapos sa takdang-aralin. Kailangang ipaliwanag ng guro ang takdang-aralin. Kung maraming aralin ang tinalakay sa isang araw, kailangang tiyakin ng guro na nauunawan ng mga mag-aaral ang mga takdang-aralin na ipapasa sa susunod na araw ng klase.
Mga Susunod na Araw ng Klase
Ang mga takdang-aralin ay ipapasa sa susunod na araw ng klase. Ang guro ang siyang mangongolekta ng mga takdang-aralin sa simula ng klase. Ang ilan sa mga presentasyon ng mga mag-aaral ay maaring gawin sa simula ng klase at ang ilan ay maaaring sa susunod.
Kung mayroong pagsusulit o bagay na isusulat gamit lamang ang memorya, tiyakin na ang mga mag-aaral ay naka-upo ng magkakahiwalay upang maiwasan ang kopyahan ng sagot.
Bukod sa mga itinakdang presentasyon ng mga mag-aaral, ang guro ay maaaring magtalaga rin ng mga mag-aaral na tatalakay sa isang bahagi ng kurso. Ito ay dapat na maagang ipaalam sa mag-aaral upang siya ay makapaghanda.
SGC exists to equip rising Christian leaders around the world by providing free, high-quality theological resources. We gladly grant permission for you to print and distribute our courses under these simple guidelines:
No Changes – Course content must not be altered in any way.
No Profit Sales – Printed copies may not be sold for profit.
Free Use for Ministry – Churches, schools, and other training ministries may freely print and distribute copies—even if they charge tuition.
No Unauthorized Translations – Please contact us before translating any course into another language.
All materials remain the copyrighted property of Shepherds Global Classroom. We simply ask that you honor the integrity of the content and mission.