Lesson 2: Pambungad sa Pandaigdigang Pag-aaral sa Ministeryo
5 min read
by Stephen Gibson
Ang Layon ng Shepherds Global Classroom
Layon ng SGC na sanayin at sangkapan ang Katawan ni Cristo sa iba’t ibang panig ng mundo gamit ang programa na sasanay ng pamumuno sa isang lokal na ministeryo.
Ang kompanya ng taxi na tinatawag na Uber ay araw-araw na nakapaghahatid ng 5.5. milyong pasahero. Nangangailangan ito ng maraming manggagawa at sasakyan. Subalit ang Uber ay hindi bumili ng libo-libong sasakyan. Sa halip, kumuha sila ng mga trabahanteng mayroong sariling sasakyan upang ihatid ang mga pasahero ng Uber. Sa pamamagitan nito’y nalutas nila ang kanilang problema sa negosyo. Gayundin naman, ang SGC ay naghahatid ng mga kailangan sa pagsasanay sa iba’t ibang lugar na mayroon ng mga potensyal na guro. Ang Diyos ang Siyang nagkakaloob ng mga mananampalataya sa isang lokalidad na may kakayahan at pagnanasa na magturo.
Ang SGC ay hindi nakapaloob sa isang partikular na denominasyon. Ito’y kumakapit sa historiko at Trinitarian na mga katuruan na nasasaad sa mga kredo ng Nicene, Chalcedonian, at Athanasian. Tumatalima ito sa ganap na kapamahalaan ng Biblia; kumakapit sa mga ebanghelikal na katuruan hinggil sa biyaya, pananampalataya, at kaligtasan. Ito’y naniniwala na ang pagkilos ng biyaya ng Diyos sa buhay ng mananampalataya ay maghahatid sa kanya ng pusong dalisay at matagumpay na pamumuhay.
Paglalayong Disenyo ng Kurso
Ang mga gurong may potensyal ay nangangailangan ng isang espesyal na kurikulum na mabilis na tutulong sa kanilang maging handa sa lokal na ministeryo. Ang kurikulim ng SGC ay espesyal na dinisenyo ayon sa mga sumusunod:
Ito ay mayroong 20 na mga kurso hinggil sa pag-eebanghelyo ng doktrina.
Ito’y ginawa ng mga subok, hinog sa karanasan, at maalam sa kultura na mga tagapagsanay.
Ito’y kapakipakinabang sa anumang kultura.
Ito’y isinulat sa malinaw at simpleng pananalita.
Ito’y nagbibigay diin sa ebanghelyo ng katotohanan na walang kinikilingang denominasyon.
Ito’y praktikal at napapanahon sa buhay at ministeryo.
Ito’y umaangkop sa iba’t ibang kalagayan at uri ng mga grupo.
Ito’y isinalin sa iba’t ibang wika.
Ito’y lumilinang ng mga kaloob na bigay ng Diyos sa mga lokal na simbahan.
Ito’y nagsasanay ng mga pinuno na maging mga tagapagsanay rin na bubuo ng mga lokal na programa.
Ito’y mabilis na sumasanay sa mga estudyante na makapagturo sa iba.
Ito’y may mga pag-aaral na maaring gawin ng grupo o ng indibidwal.
Ito ay may digital na format.
Ito’y hindi nangangailangan ng dagdag na textbooks.
Ang mga kurso nito ay mula sa mga may-akda na may mataas na akademikong pag-aaral, sanay sa pagtuturo, at maalam sa usaping kultura.
Ang mga kurso sa SGC ay naglalaman ng mga mahahalagang sangkap na alinsunod sa programa ng isang institusyong pang-ministeryo. Kagamit-gamit ang mga ito sa pagtuturo ng iba’t ibang grupo, sa mga pastor man o ng isang grupong nag-aaral ng Biblia sa bahay.
Dinisenyo ang mga kurso sa paraang mabilis na matuturuan ang mga guro na magsagawa ng isang lokal na ministeryo. Ang isang taong may malagong espirituwal, kaalaman sa Biblia, at may kaloob sa pagtuturo ay maaaring ituro ang mga kurso na hindi nangangailangan ng matagal na karanasan sa pag-aaral.
Ang mga kurso ay dinisenyo na madaling ituro, may mga pantalakayang tanong, at mga takdang-aralin. May mga seksyon na maaring ituro ng estudyante bilang pagsasanay. Ang karaniwang haba ng bawat kurso ay 160 na pahina na hinati sa 7-19 na mga aralin.
Ang kurikulum ng SGC ay mahalagang kagamitan o pamamaraan upang maisakatuparan ng Iglesia ang kanyang misyon.
Tandaan: Mas maganda kung ang isang mag-aaral ay mayroon ng kaalaman sa Biblia at may malagong espirituwal. Hindi ginawa ang mga kurso para sa pagdidisipulo ng mga baguhang mananampalataya. Para sa pagdi-disipulo, mungkahi namin na gamitin ang Cultivate Discipleship Lessons (na makukuha rin mula sa SGC).
Istruktura ng Ugnayan sa Ministeryo
Shepherds Global Classroom ay kabahagi sa mga organisasyon ng misyon/nasyunal na mga ministeryo na nais magkaroon ng mga lokal na pagsasanay. Bawat mission organization/nasyunal na ministeryo ay may layuning tumulong sa mga lokal na simbahan sa pamamagitan ng pagpapasimula ng mga mga lokal na institusyon.
Ang sumusunod na mga talaan ay nagpapakita ng gampanin at tungkulin ng
Shepherds Global Classroom
organisasyon ng misyon/nasyunal na mga ministeryo
lokal na institusyon
Sa kanilang pakikiisa sa pagsasanay ng mga tagapaglingkod na Kristyano.
Ang gampanin ng Pandaigdigang Pag-aaral sa Ministeryo
Magbigay ng isang set ng 20 kurso para sa pagsasanay sa ministeryo.
Gawaing downloadable ang mga kurso mula sa website ng SGC.
Ibigay ang SGC app na naglalaman ng mga kurso, videos, at kagamitan sa pagsasanay.
Pangasiwaan ang pagsasalin ng mga kurso sa iba’t ibang wika.
Magbigay ng kurso para sa pagsasanay ng guro at magpadala ng mga tagapagsanay.
Magbigay ng katibayan o certificate ng pagtatapos sa mga kurso.
Ang Gampanin ng organisasyon ng misyon/nasyunal na mga ministeryo
Ibigay sa mga simbahan ang pagkakataon na pangasiwaan ang kanilang mga lokal na institusyon.
Ipakilala sa iba ang materyales na gawa ng SGC at magsanay ng mga guro bilang paghahanda sa lokal na institusyon.
Makiisa sa SGC para sa pagsasagawa ng mga pagsasanay.
Isaayos ang mga ipi-print at ipapamahaging mga kurso.
Ibahagi ang website at app ng SGC bilang mga materyales sa pagsasanay.
Palagiang pakikipag-ugnayan sa mga guro upang magbigay ng payo at mga bagong materyales.
Tiyakin na natapos ang isang kurso upang makapagbigay ng mga certificate.
Ang Gampanin ng Local Institute
Magbigay ng lugar sa pagtitipon at pag-aaral.
Maghanap ng mga guro sa lokalidad at magbigay ng suporta kung may kakayahan.
Humanap at mag-register ng mga estudyante.
Bayaran ang halaga ng mga nai-print na kurso.
Magtakda ng oras at magsagawa ng klase.
Ang ika-8 kabanata ay higit na nagbibigay ng mga detalye tungkol sa ugnayan ng mission organization/nasyunal na ministeryo at ng lokal na institusyon.
SGC exists to equip rising Christian leaders around the world by providing free, high-quality theological resources. We gladly grant permission for you to print and distribute our courses under these simple guidelines:
No Changes – Course content must not be altered in any way.
No Profit Sales – Printed copies may not be sold for profit.
Free Use for Ministry – Churches, schools, and other training ministries may freely print and distribute copies—even if they charge tuition.
No Unauthorized Translations – Please contact us before translating any course into another language.
All materials remain the copyrighted property of Shepherds Global Classroom. We simply ask that you honor the integrity of the content and mission.