Lesson 8: Pagpapatakbo ng Lokal na Institusyon ng Ministeryo
8 min read
by Stephen Gibson
Pambungad
Ang mga kurso mula sa SGC ay ginagamit sa iba't ibang uri ng mga programa. Ilang sekondaryang paaralan ay gumagamit ng mga kurso. Ilang simbahan ay gumagamit ng mga kurso para sa kanilang Sunday school. May mga Home Bible study na gumagamit rin ng kurso. May mga pastor na pumipili ng materyal mula sa mga kurso upang magamit nila sa pangangaral at pagtuturo.
Ang mga tuntunin sa kabanatang ito ay tungkol sa pagpapatakbo ng isang lokal na institusyon na gagamitin ang 20 kurso ng SGC bilang kumpletong programa sa pag-aaral.
Ang kumpletong set ng mga kurso ng SGC ay naglalaman ng mahahalagang aralin ayon sa kurikulum ng isang Bible college. Isinulat ang mga ito sa madaling bokabularyo.
Ang isang mag-aaral ay dapat na marunong sa pagbasa at pagsulat upang mapag-aralan ang mga kurso ayon sa disenyo nito.
Ang mga kurso ay hindi dinisenyo para sa pagdidisipulo ng mga bagong kasapi ng simbahan, bagama't marami sa materyal ay kapaki-pakinabang para sa layuning iyon.
Ang magandang magagawa ng bawat kasapi ng grupo ay:
Magkaroon ng kopya ng kurso
Makumpleto ang mga takdang-aralin
Magawang talakayin ng mag-aaral ang ilang bagay sa materyal sa harapan ng isang grupo
Magkaroon ng mabuting relasyon sa isang lokal na simbahan, at
Magkaroon ng regular na ministeryo sa labas ng grupo.
Ang isang guro na makahihikayat na magawa ang mga bagay na ito ay makapagsasanay ng mga estudyante para sa ministeryo.
Ang Edisyon para sa Mag-aaral ay para sa grupo ng mga mag-aaral na hindi sinasanay para sa ministeryo. Ang edisyong ito ang pinaikling bersyon ng mga kurso. Ginagamit ito sa sekondaryang paaralan at sa Sunday school. Ang mga estudyante rito ay hindi gumagawa ng mga takdang-aralin sapagkat hindi sila sinasanay para sa ministeryo. Ang edisyon na ito ay hindi dapat gamitin para sa mga mag-aaral na naghahanda para sa ministeryo at may layuning tumanggap ng isang katibayan o certificate bunga ng kanyang pagsasanay sa ministeryo. Ang mga guro para rito ay dapat na gumamit ng orihinal na teksto ng kurso ng SGC sapagkat ang Edisyon para sa mga Mag-aaral ay hindi kumpleto.
Ang SGC ay hindi nagbibigay ng degree o akademikong titulo. May ilang mga lugar, institusyung lokal o nasyunal, na ginagamit ang mga kurso ng SGC na magbibigay ng degree o certificate batay sa kanilang sariling pamantayan.
Sa mga lugar na hindi nagbibigay ng akademikong titulo, ang programa ay dapat ituring na propesyonal na pagsasanay. Sa mundo ng negosyo, sinasanay sa isang propesyunal na programa ang isang tao na maging bihasa sa isang trabaho. Ang gayong uri ng programa ay hindi nagbibigay ng degree, ngunit nagbibigay sila ng certificate upang patunayan na ang isang tao ay nagsanay sa kanila. Sa gayunding paraan, ang programa ng SGC ay propesyunal na pagsasanay para sa ministeryo.
Kakailanganing Gamit
Kailangan ng isang mag-aaral ng Biblia para sa kanyang mga kurso. Ang kurso ay may mga mungkahing materyales para sa karagdagang pag-aaral. Dahil rito, magandang subukan ng isang lokal na institusyon na makabuo ng isang silid-aklatan na magagamit ng mga mag-aaral.
Iskedyul ng Klase
Ang isang lokal na institusyon ay maaring gumawa ng kanyang sariling iskedyul ng klase batay sa kanyang lokal na sitwasyon. Gayunpaman, kailangang tiyakin ang sapat na oras. Kung ang isang guro ay nagtuturo lamang ng nilalaman ng aklat na walang talakayan at pagsasanay, ang oras na gugugulin ay maaring maikli, ngunit ang klase ay hindi masasanay ng maayos. Kung ang grupo ay gugugol ng oras para sa talakayan at sa takdang-aralin, ang isang kurso ay mangangailangan ng higit sa tatlumpung oras sa buong panahon ng pag-aaral. Ngunit ang mga mag-aaral ay dapat na gumugol ng dagdag pang oras sa paggawa ng kanilang mga takdang-aralin na labas sa oras ng klase.
Ang Pagkakasunud-sunod ng mga Kurso
Ang pagkakasunud-sunod ng mga kurso ay hindi kinakailangan. Bawat klase ay kumpleto at hindi nakaugnay sa ibang klase na nauna. Maaring tumanggap ng bagong estudyante sa simula ng anumang kurso. Dahil rito, ang institusyon ay maaring magpatuloy sa paghahanap ng mga bagong mag-aaral at hindi na kailangan pang maghintay na matapos ang isang taon upang magsimula ulit sa isang itinakdang kurso. Ang mga mag-aaral na nagpatala sa simula ng anumang kurso ay maaaring magpatuloy hanggang sa matapos nila ang lahat ng kurso.
Pagbibigay Pansin sa Kalidad
Dapat na isaayos at itagong mabuti ng guro ang mga talaan ng attendance ng mga mag-aaral. Ang isang mag-aaral na hindi nakadalo sa klase na hanggang 75% oras, at hindi nakakumpleto ng 100% ang mga kailangang gawain ay hindi makatatanggap ng kredito para sa kurso. Ngunit may mga pagkakataon na maaaring magbigay ang guro ng mga karagdagang gawain sa mag-aaral upang mapunan niya ang kulang na attendance.
Dapat ingatan ng guro ang mga talaan ng takdang-aralin na natapos ng kanyang mga mag-aaral upang makapagbigay ng patas at tumpak na grado. Dapat tiyakin rin ng guro na alam ng mga mag-aaral na ang kanilang mga takdang-aralin o attendance ay nagpapababa ng kanilang mga marka.
Kung ang lokal na institusyon ay kabahagi ng isang asosasyon, ang attendance at mga takdang-aralin ay dapat na maingatang mabuti sakaling mangailangan ng pagsisiyat ang isang rehiyonal na tagapagsanay. Magiging walang halaga ang certificate kung ang institusyon ay mabibigong mag-ingat ng mga talaan at mga kinakailangan.
Lokal na Suporta sa Pinansyal
Ang bawat lokal na institusyon ay dapat na suportado ng kanilang lugar. Ang silid-aralan ay dapat na ipagkaloob ng isang lokal na simbahan. Ang mga guro ay dapat na kabahagi ng isang lokal na ministeryo. Ang mga bayarin para sa mga ililimbag na mga kurso ay kailangang suportado ng lokal na ministeryo o ng mga estudyante mismo. Kung ang isang institusyon ay kabahagi ng isang asosasyon, maaring ang sentral na administrasyon ang pwedeng sumuporta para sa mga kinakailangang gastusin na nakaugnay sa kurso.
Kinakailangan sa mga kawani ng lokal na institusyon na maging tapat at malinaw sa lahat ng mga bagay na nakaugnay sa pinansyal (2 Corinto 8:21). Dapat malaman ng lahat ng kabahagi kung magkano ang lahat ng perang nakolekta at kung saan at paano ito ginastos. Ang isang committe ay dapat na kabahagi sa pamamahala ng mga pondo. Ilang halimbawa ng mga bayarin ay gaya ng bayad ng mag-aaral sa lokal na institusyon o sa sentral na administrasyon, bayad sa halaga ng mga inilimbag na kurso, suporta para sa mga lokal na guro, at kaperahang nakolekta o ginastos.
Dahil ang katapatan ay mahalagang sangkap sa buhay Kristiyano, hindi makabubuti sa patotoong Kristyano ang di mapagkakatiwalang ugali. Ang isang hindi tapat na tao ay hindi dapat humawak ng anumang posisyon sa ministeryo. Anumang insidente ng pandaraya ay makakaapekto sa relasyon ng isang pinuno sa SGC.
Pagtutulungan ng organisasyon ng misyon/nasyunal na mga ministeryo at ng lokal na institusyon
Ang ABC ang siyang ginawang pangalan ng nasyunal na ministeryo na tumutulong sa mga simbahan na magtatag ng mga lokal na institusyon. Ang kasunduan na ginagamit ng ABC para sa mga lokal na institusyon ay matatagpuan sa susunod na pahina. Ang mga kinatawan ng ABC ay regular na bumibisita at sumisiyasat sa mga lokal na lugar kung nasaan ang institusyon gamit ang mga tanong na nakalista sa huling pahina ng kabanatang ito.
Halimbawa ng Kasunduan
Ginagamit ng ABC ang form na ito upang ipaliwanag ang kaugnayan sa pagitan ng kanilang nasyunal na ministeryo at ng lokal na institusyon.
Layunin ng ABC na paglingkuran ang Katawan ni Cristo sa pamamagitan ng pagtulong sa mga simbahan na makapagsanay ng mga pinuno sa ministeryo. Ang isang lokal na simbahan o organisasyon ng ministeryo ay maaring aprubahan na magpatakbo ng ministeryong programa gamit ang mga kurso ng SGC.
Ang ABC may karapatang kanselahin ang kasunduan, sa kaso na ang isang lokal na ministeryo ay hindi tumupad sa napagkasunduan.
Isang set ng 20 kurso para sa pagsasanay sa ministeryo
Seminar ng pagsasanay para sa mga guro
Administratibong pagbisita sa lugar ng pagsasanay na layong magpalakas ng loob sa mga lokal na guro at higit pang mapahusay ang kalidad ng pagtuturo
Mga katibayan o certificates para sa mga mag-aaral na nakatapos sa bawat kurso (isang personal na kopya ng kurso ay kinakailangan para sa bawat mag-aaral na nais makatanggap ng isang certificate)
Isang certificate para sa pagkumpleto ng buong programa
Isang karatulang galing sa ABC na ipapaskil sa lugar ng ministeryo
Ang lokal na ministeryo ay nangangako sa mga sumusunod:
Upang humirang ng tapat at maasahang mga lokal na guro na aprubado ng administrasyon ng ABC
Upang hilingin sa mga guro na makipagtulungan sa pagsasanay at sa tuntunin na mula sa administrasyon ng ABC
Upang makapagbigay ng silid-aralan na makatutulong sa mabuting pag-aaral
Upang suportahan ang mga lokal na guro sa pananalapi kung kinakailangan
Upang lumikom at magpadala sa ABC ng bayad sa enrollment para sa bawat kopya ng kurso na kailangan
Upang magbigay sa administrasyon ng ABC ng mga talaan ng attendance ng estudyante at ng mga takdang-aralin na natapos
Upang ipaskil ang karatula na ibinigay ng ABC. Ang karatula ay pag-aari ng ABC at aalisin kapag nakansela ang kasunduan.
Pangalan ng lokal na ministeryo ______________________________________
Lagda ng kinatawan ng lokal na ministeryo ____________________________________
Lagda ng awtorisadong kinatawan ng ABC ____________________________________
Halimbawa ng mga Tanong habang Sinisiyasat ang isang Lokal na Institusyon
Kapag bumisita ang mga kinatawan mula sa ABC, ginagamit nila ang mga sumusunod na tanong upang suriin ang lugar at gabayan ito na higit pang mapabuti.
Nakatanggap ba ang mga guro ng pagsasanay mula sa SGC?
Gumagamit ba ang mga guro ng iba't ibang paraan ng pagtuturo?
Isinasali ba ng mga guro ang mga mag-aaral sa talakayan at partisipasyon?
Ang lugar ba ay humuhubog ng mga guro na sinasanay at tumutulong sa klase?
Ang silid-aralan ba ay kaaya-aya para sa pag-aaral (upuan, ilaw, at katahimikan)?
Ang bawat estudyante ba ay may personal na kopya ng kursong pinag-aaralan?
Ang lahat ba ng mga mag-aaral ay marunong bumasa at sumulat upang makumpleto nila ang mga takdang-aralin? (Kinakailangan para sa certificate.)
Ang iskedyul ba ng klase ay umaabot ng tatlumpung oras para sa bawat kurso, liban pa sa oras na ginugugol ng mga mag-aaral para gawin ang kanilang mga takdang-aralin?
Tuwing pagsusulit, natitiyak ba na hindi nangongopya ang mga mag-aaral sa sagot ng iba o mula sa sagot na nakasulat sa materyal?
Ang mga guro ba ay mayroong tumpak ng attendance ng mga mag-aaral? (Ang isang mag-aaral na humigit ng 25% ang pagliban sa klase ay hindi makatatanggap ng kredito para sa kurso.)
Ang mga guro ba ay mayroong mga talaan ng mga natapos na takdang-aralin ng mag-aaral? (Ang lahat ng mga takdang-aralin ay dapat makumpleto para sa certificate. Ang mga takdang-aralin habang nasa pag-aaral ng isang kurso ay dapat na laging handa para sa pagsusuri hanggang sa ibalik ang mga ito sa mga mag-aaral sa pagtatapos ng kurso.)
Ang lokal na institusyon ba ay mayroong sistema para sa suportang pinansyal?
Ang mga pananalapi ba ng lokal na institusyon ay pinamamahalaan ng isang lokal na komite na siyang may pananagutan at bukas na maglalatag ng mga ito?
Print Course
SGC exists to equip rising Christian leaders around the world by providing free, high-quality theological resources. We gladly grant permission for you to print and distribute our courses under these simple guidelines:
No Changes – Course content must not be altered in any way.
No Profit Sales – Printed copies may not be sold for profit.
Free Use for Ministry – Churches, schools, and other training ministries may freely print and distribute copies—even if they charge tuition.
No Unauthorized Translations – Please contact us before translating any course into another language.
All materials remain the copyrighted property of Shepherds Global Classroom. We simply ask that you honor the integrity of the content and mission.