Dagdag sa mga katangiang nabanggit sa kabanatang ito, ang isang estudyante, na nasa kurso ng pagsasanay na maging guro, ay dapat na kaanib ng isang lokal na simbahan at mayroong rekomendasyon ng kanyang pastor.
Ang SGC na guro ay dapat na may malagong espirituwal, mahusay sa pagtuturo, at may kaalaman sa Biblia.
Akademikong pangangailangan: Ang guro ay dapat na may kakayahang bumasa, umunawa, at magpaliwanag ng kurso. Bagamat ang academic degree ay magbibigay sa guro ng mga pamamaraan sa pagtuturo at malalim na kaalaman, layon ng SGC na magsanay ng mga guro na magkaroon rin ng gayong kakayahan. Ito ang dahilan kung bakit hindi kami nakadepende sa mga gurong may academic degree. Sa halip, kami’y umaasa sa katapatan ng Diyos na magbigay ng espirituwal na kakayahan sa mga gurong may potensyal. Umaasa kami na makatagpo at makapagsanay ng mga gayong tao.
Ang talaan sa ibaba ay naglalaman ng iba pang mahahalagang katangian. Maaaring hindi pa mataas ang antas ng isang guro sa isang katangian, subalit dapat niyang sikapin na maging mahusay sa lahat ng ito. Ang mga gurong may kakulangan sa isang katangian ay hindi magiging lubos na mabisa.
	- 
	
Malagong espirituwal. Ang guro ay dapat na maging mabuting halimbawa sa espirituwal na katangian. Kung ang buhay at ugali ng isang guro ay hindi tugma sa kanyang pagka-Kristyano, hindi siya magiging mabuting halimbawa para sa mga mag-aaral.
	 
	- 
	
Laging Handa. Kung ang iskedyul ng isang tao ay siksik na at hindi maayos, hindi siya maaring makabahagi sa ministeryo ng pagtuturo. Dapat makita ng guro ang pagtuturo na isang prayoridad. Ang mga talentado ay hindi dapat na ilagay sa ganitong ministeryo sapagkat hahadlangan sila ng iba pang gawain na tumatawag sa iba pa nilang kakayahan.
	 
	- 
	
Maasahan. Ang guro ay dapat na tumutupad sa kanyang panata. Sila’y dapat na maagap at sumusunod sa itinakdang oras. Madidismaya sa kanya ang kanyang mga tinuturuan kung huli o di siya makarating sa klase.
	 
	- 
	
Tiwala sa Sarili. Dapat na naniniwala ang isang guro na kayang niyang pangunahan ang isang grupo. Dapat siyang magsanay upang higit na mahubog ang tiwala sa sarili.
	 
	- 
	
Kakayahang Ayusin ang Pagtatalo. Kailangan sa guro ang tamang pag-uugali kapag nakakaharap siya ng mga taong gumagawa ng problema at di sumasang-ayon sa kanyang sinasabi. Dapat na magawa rin niyang lutasin ang pagtatalo sa pagitan ng mga mag-aaral.
	 
	- 
	
Kakayahang Magturo. Nauunawaan ba ng mga tagapakinig ang kanyang tinuturo? Hindi dapat nagbibigay ng kalituhan ang guro.
	 
	- 
	
Pananabik sa Salita ng Diyos. Ang mga guro ay dapat na sabik sa Salita ng Diyos upang magawa nilang anyayahan ang iba na masiyahan rin dito. Ang Biblia ay dapat na mahalaga sa kanilang relasyon sa Diyos.
	 
	- 
	
Nagtitiwala sa Diyos. Dapat maunawaan ng mga guro na ang espirituwal na bunga ng kanilang ginagawa ay mangyayari lamang sa tulong ng Banal na Espiritu. Dapat na may pakikipisan sila sa Banal na Espiritu. Dapat silang umasa sa basbas ng Diyos. Hindi sila dapat magtiwala sa kanilang husay sa pagpapaliwanag at sariling kakayahan.
	 
	- 
	
Handang Maglingkod. Ang mga guro ay hindi dapat naghahangad na paglingkuran. Hindi sila dapat naghahanap ng ministeryong sisikat ang kanilang mga talento. Sa halip, dapat na handa silang tumugon sa pangangailangan ng may pagkukusa.
	 
	- 
	
Nasasailalim ng Espirituwal na Pananagutan. Ang mga guro ay dapat na may katuwang at bantay sa pananagutan. Sila’y sumusunod sa payo at halimbawa ng isang mabuting espirituwal na pinuno.
	 
	- 
	
Tapat sa Iglesia. Ang mga guro ay dapat na tapat na kaanib ng isang lokal na simbahan. Ang kanilang pagtuturo ay dapat na humikayat sa mga taong pahalagahan ang simbahan at maging kaanib nito.
	 
	- 
	
Sigasig na magtagumpay. Kung ang mga guro ay may sigasig na magtagumpay, hindi sila madaling sumuko. Kaya nilang makibagay sa pangyayari. Maghahanap sila ng mga impormasyon na magpapahusay sa kanila. Mangunguna sila sa paglutas ng problema. Sinasamantala nila ang bawat pagkakataong naibibigay sa kanila. Mayroon silang sigla at sigasig.
	 
	- 
	
Wastong katuruan. Bawat guro ay dapat na mayroong matuwid na pundasyon na hango sa Biblia at ebanghelikal na doktrina.
	 
	- 
	
Subok sa karanasan sa ministeryo. Ang mga guro ay dapat na mayroon ng sapat na karanasan sa matapat na paglilingkod sa simbahan.