MakaDiyos na Katangian
Yamang ang layon ng programa ng SGC ay pagsasanay sa ministeryo, ang estudyante ay dapat na isang Kristyano na may mabuting patotoo at makaDiyos na pamumuhay. Hindi mauunawaan at maiibigan ng Di-Mananampalataya ang nilalaman ng mga kurso.
Dapat na naniniwala ang isang estudyante sa mahahalagang katuruang Kristyano sa kasaysayan, kasama na rito ang ebanghelikal na doktrina. Nilikha ang programang ito upang paglingkuran ang Katawan ni Cristo sa iba’t ibang panig ng mundo, kaya’t ang tinatanging paniniwala ng isang denominasyon ay hindi kinakailangan.
Ang estudyante ay dapat miyembro at nakikibahagi sa panambahan at pagsasama ng kanyang simbahan. Ang mga estudyante na walang kinabibilangan at pinaglilingkurang simbahan ay hindi mabuting kandidato sa pagsasanay na ito. Marapat, na kabahagi sila ng isang simbahan upang maibahagi nila rito ang kanilang natutuhan. May ilan sa mga takdang-aralin na nangangailangan ng partisipasyon sa iyong simbahan.
            