Mga Taga-Roma

Mga Taga-Roma

Isang Aklat ng mga Usaping Pinagdebatihan

Maraming usaping teolohikal ang pinagdebatihan na sa iglesya sa loob ng libong taon. Ang aklat ng Roma ay tumatalakay sa mga kontrobersiyal na mga usaping teolohikal marahil higit pa sa alinmang ibang aklat ng Biblia. Narito ang ilang halimbawa ng mga tanong na sinagot dito sa liham.

Mga Teolohikal na Mga Tanong na Sinagot sa Roma.

Dapat basahin ng tagapagturo ang bawat isang tanong at tumigil sandali upang makasagot ang ibang miyembro. Hindi dapat umubos ng mahabang oras sa alinmang tanong at hindi dapat sikaping magkaroon ng konklusyon. Ang layunin ng listahan ay upang ipakita na maraming opinyon tungkol sa mga tanong na ito.

(1)Ano ang pinaniniwalaan ng tao upang maligtas sa pamamagitan ng pananampalataya?

(2)Ano ang ibig sabihin kapag sinabing ang Kristiyano ay hindi nagtatrabaho para sa kanyang kaligtasan?

(3) Ipinasiya ba ng Diyos na iligtas ang ilang tao at hindi iligtas ang iba pa?

(4) Paano pinipili ng Diyos kung sino ang maliligtas at kung sino ang hindi?

(5) Ano ang mangyayari sa mga taong hindi pa nakaririnig ng ebanghelyo?

(6) Paano masasabing makatarungan ang Diyos kung pinatatawad niya ang ibang makasalanan at pinarurusahan naman ang iba?

(7) Ang isang mananampalataya ba ay makasalanan pa rin?

(8) Anong klaseng espirituwal na tagumpay ang possible sa tunay na buhay?

(9) Posible ba sa isang mananampalataya na mawala ang kaligtasan?

(10) Mayroon pa bang plano ang Diyos para sa Israel?

Hindi isinulat ni Pablo ang liham sa mga taga-Roma sa layuning lumikha ng mga katanungan na pagtatalunan sa mahabang panahon. Ating isipin kung paano nangyari na isinulat ang liham na ito.