Biblikal na Pag-eebanghelyo at Pagdidisipulo

Biblikal na Pag-eebanghelyo at Pagdidisipulo

Panimula

Dapat basahin ng isang mag-aaral ang Mateo 28:18-20 para sa pangkat.

May mga tao ay naniniwala na ang utos na ito ay para lamang sa mga apostol.

Ang utos ba na ito ay para lamang sa mga taong nakarinig sa araw na iyon? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Si William Carey ay nabuhay noong 1761-1834. Siya ay mula sa Ingglatera. Siya ay isang sapatero na nakadama ng masidhing pagnanais na maikalat ang ebanghelyo. Ang kanyang iglesya ay hindi gaanong interesado sa gawaing pagmimisyon sa mga dayuhan. Naniniwala sila na napagpasyahan na ng Dios kung sino ang ililigtas niya, at hindi umaasa ang Dios sa tulong ng tao.

Sa isang pagpupulong ng mga pastor, iminungkahi ni Carey ang isang paksa para sa talakayan: itinanong niya kung ang Dakilang Komisyon ay ang gawain ng iglesia hanggang sa dulo ng mundo, yamang ang pangako na ibinigay ni Jesus kasama ng Dakilang Komisyon ay sasamahan niya sila hanggang sa dulo ng mundo. Sinabi ng pinuno ng pagpupulong, “Umupo ka, binata. Ikaw ay nadadala lang ng bugso ng damdamin [panatiko]. Kapag ninais ng Dios na magbalik-loob ang mga pagano, gagawin niya iyon nang wala ang tulong mo o ang tulong ko.”

Alam natin na ang utos ay ibinigay sa iglesia hanggang sa dulo ng mundo. Ipinangako ni Jesus na sasamahan niya ang mga nagdadala ng ebanghelyo, maging hanggang sa katapusan ng panahon, na nagpapakita na ang responsibilidad para sa gawain ay para sa lahat ng iglesia sa lahat ng henerasyon. Hindi matatapos ng mga apostol ang mga gawain sa panahon ng kanilang buhay, ngunit sinabi ni Jesus na ang ebanghelyo ay ipapangaral sa bawat bansa (Mateo 24:14).

Kaya ang responsibilidad ng pag-eebanghelyo ay minana ng bawat henerasyon ng iglesia.

Muling tingnan ang mga detalye ng Mateo 28:18-20. Ano ang partikular na iniuutos?

Ang tiyak na iniutos ni Jesus ay ang pagpunta ng iglesia sa lahat ng dako at gumawa ng mga disipulo para sa kanya.

Kasama sa utos ay ang pag-eebanghelyo sapagkat ang isang tao ay hindi maaaring maging disipulo hangga’t hindi siya nagbabalik-loob.

Ang utos ay nangangahulugan na dapat gawing prayoridad ng iglesia ang pag-eebanghelyo at pagdidisipulo at maging masigasig sa pagkilos; at kung hindi gayun, hindi nito tinutupad ang dahilan kung bakit mayroong iglesia.

Ang mga salitang “buong mundo” (ang bawat bansa ay nangangahulugang bawat etnikong pangkat) ay nagpapakita na ang gawaing pagmimisyon sa mga banyaga ay iniutos, dahil ang mga etnikong pangkat ay walang ebanghelyo hanggang ang ebanghelyo ay hindi naipapahayag sa kanila. Walang kategorya ng mga tao ang dapat na ibukod.

[1]Ang utos ay hindi lamang ipangaral ang ebanghelyo. Ang proseso ng pagtuturo ay kinakailangan sapagkat dapat nating ituro sa mga bagong mananampalataya ang lahat ng iniutos ni Jesus.

Ang nagtuturo ay dapat mayroong buong personal na pagtatalaga ng sarili na sundin ang mga utos ni Cristo sapagkat dapat siyang maging isang mabuting halimbawa, na nagpapakita sa mga bagong mananampalataya kung paano ipamuhay ang isang buhay na may pagsunod kay Cristo.

Ang bagong mananampalataya ay dapat magkaroon din ng buong pagpapasya na sundin si Cristo dahil ang malaman ang mga inuutos ni Cristyo ay hindi sapat kung walang pagsunod habang siya ay natututo. Kung hindi siya sumusunod sa kanyang natututunan, tinatanggihan niya ang pagkilos ng pagdidisipulo. Ang proseso ng pagiging disipulo ay hindi lamang para sa kaalaman, kundi higit sa lahat ay ang paghubog ng karakter.


[1]Ako higit kailanman ay naniniwala na kung atin lamang lubusang susundin ang kautusan ng ating Panginoon at ang mga katiyakan na ibinigay niya sa kanyang mga unang disipulo bilang ating gabay, matatagpuan natin ang mga ito ay angkop rin sa ating panahon katulad ng angkop ito sa mga orihinal na tumanggap ng mga ito.
- J. Hudson Taylor,
“The Call to Service/Ang Pagtawag sa Paglilingkod”