Manwal Para sa Lokal na Institusyon
Pambungad
Ang Iglesia ay dapat magturo. Inatasan ni Jesus ang Iglesia na humayo sa lahat ng dako upang ituro ang Kanyang mga utos (Mateo 28:19). Sinabi rin ni Pablo na ang pastor ay dapat na makapagtuturo (1 Timoteo 3:2). Ang pagtuturo ay bahagi ng gawain ng pagdidisipulo. Ang Iglesia ang siyang nagtuturo sa mga tao kung paano mamuhay bilang mananampalataya at para sa kaluwalhatian ng Diyos. Ang pagtuturong ito ay dapat na maganap saanman naroroon ang mga mananampalataya. Ang mga malalakas na simbahan ay silang sanay sa mga katotohanang biblikal at pamamaraang praktikal sa pagtuturo.
Ang Iglesia ay dapat magbigay ng pagsasanay. Pambungad
Ang mga bagay na iyong narinig sa akin sa harap ng maraming saksi ay siya mo ring ipagkatiwala sa mga taong tapat na makapagtuturo rin naman sa iba (2 Timoteo 2:2).
Ang halaga ng pagtuturo ay nangangahulugan ng pagsasanay sa ministeryo. Sinabi ni Pablo kay Timoteo na magsanay ng mga taong magtuturo rin sa iba (2 Timoteo 2:2). Ang pagsasanay ay di lamang pagbabahagi ng impormasyon. Ang pagsasanay ay di lamang pagtuturo sa kapakinabangan ng mga mananampalataya. Ang pagsasanay ay para ihanda ang mga mananampalataya na tulungan ang iba.
Ipinakita ni Jesus ang prayoridad ng pagsasanay sa ministeryo. Sa pasimula ng Kanyang ministeryo, pumili siya ng ilang mga kalalakihan na siyang magiging gabay at tagapagpalaganap ng Iglesia. Hindi Niya ginugol ang lahat ng Kanyang panahon sa pangangaral sa madla; sa halip, nagbigay Siya ng panahon upang sanayin ang labing dalawang alagad. Pinalawak Niya ang Kanyang ministeryo sa pamamagitan ng mga taong Kanyang sinanay.
Ang Pandaigdigang Pag-aaral sa Ministeryo ay nagkakaloob ng kapakipakinabang na programa ng pagsasanay na maaaring pangasiwaan ng mga lokal na ministeryo.
Please select a section from the sidebar.